Page 8 of 9 FirstFirst 123456789 LastLast
Results 176 to 200 of 225

Thread: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

  1. #176
    Join Date
    Oct 2011
    Location
    sahara desert
    Posts
    996
    Thanks
    0
    Thanked 25 Times in 15 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Magandang araw po sir Ading, isang napakagandang paglalakbay
    ang aking nasubaybayan mula sa inyo dyan sa isang parte ng
    EUROPA, napakaganda ng mga tanawin at lugar na iyong
    ipinakita dito sa thread na ito. Itoy nagbibigay inspirasyon sa ibang
    RIDER na nais din subukan ang inyong ginawa. Akoy nagagalak
    sa mga larawan na aking nakita dito. "NAPAKAGANDA" ika nga.
    isa kang tunay na manlalakbay>>>>
    Mabuhay po kayo>>>>

    "Dyos ti ag ngina"

  2. #177
    Join Date
    Sep 2011
    Location
    Finland
    Posts
    55
    Thanks
    0
    Thanked 0 Times in 0 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Lucky man, you have still quite okay weather to drive and you live nearby of nice roads, places!

    We have: wet snow.. ice.. cold wind.. almost no sunlight.. roads are full of salt-liquid for to keep roads open. Meaning, we have to wait until spring.

    So, you have already a long relationship with your bike, nice.

    Are you ever thinking of drive up to Norway? I heard, that south and center Norway is worth for visit(s)!

    Keep the wheels spinning down there!

  3. #178
    Join Date
    May 2006
    Location
    hilaga-silangang luzon/belgium
    Posts
    335
    Thanks
    0
    Thanked 8 Times in 5 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Quote Originally Posted by tagatubos View Post
    Lucky man, you have still quite okay weather to drive and you live nearby of nice roads, places!
    We have: wet snow.. ice.. cold wind.. almost no sunlight.. roads are full of salt-liquid for to keep roads open. Meaning, we have to wait until spring.

    So, you have already a long relationship with your bike, nice.

    Are you ever thinking of drive up to Norway? I heard, that south and center Norway is worth for visit(s)!

    Keep the wheels spinning down there!
    Thanks again tagatubos, I hope you understand the meaning of your name in filipino language. I'm lucky to have the oppurtunity to ride here, in this corner of Europe. But as a rider, I would consider myself luckier if I ride in the tropical climate of my beloved motherland. As you have said, its not easy to ride in the winter season. I only clean my motorcycle during winter, and I soak it with silicon oil to protect it from salt. I ride the year round. The fairings and the handguards of the transalp helps in deploying the chilly wind, and I installed heated grips.

    I did ever thought of riding up there. I heard of midnight sun in Norway. One time maybe in the future. But my ultimate dream ride is to ride the silk road and ending in the pearl of the orient. Filipino riders are very lucky to ride in a beautiful, mountainous and long coastal roads in their land. But sad to say, the economic and political crisis forced me to left and ride abroad. So now I ended up riding in a temperate climate I'm not used to. Now I ended up looking up to my beloved land from a far. I find it interesting to know the past and to keep up at the development of the "Pearl of the orient". I wonder what could it had been if the internet was already discovered during the propaganda movement of the nationalist filipinos in Europe during the philippine revolution in the last decades of the 19th century against the spaniard colonizers.

    The problem when you go abroad, you're forced to learn new language. And the foreign language you don't use, you loose. I'm learning dutch and my command of english suffers. I'm afraid I would continue in tagalog (my second filipino language) in my next posts. If you don't understand, SORRY, but in general I'm just showing to my kababayans (fellow filipinos) my rides here and my interest in understanding the philippine society in the point of view of a pinoy(filipino) rider abroad. I know there are a lot of helpful pinoys here to translate my antique tagalog and correct my carabao english if requested. If not just enjoy the pictures, they're universal.

    I rode on the snow, thought of the purity of activism of Jonas Burgos, who was abducted by armed men believed to be goverment agents in Quezon City, Philippines more than 5years ago.




    I miss the warm wind, dry salt-free road. The Philippines is rich in natural resources, exploited by foreign mining companies.


    Sad to say, despite natural wealth, lot of filipinos are poor, squatter in thier own country, their homes demolished to paved way for the wealthy few. Just recently, images in the internet shows the violent demolition of urban poor communities in San Juan, M.M., Philippines. The protest movement in the Philippines is going to continue and attract nationalist artists which will play very crucial roles just like in the propaganda movement in the 1896 revolution.

    Quezon city, Philippines, short summer vacation ride August 2011


    inangbayan (motherland) neglegted by anti-people, pro-foreign investor leaders



    It's enlightening to learn the influence of Europe on the history of Philippine society. But as one of the greatest European philosopher once said, "its good to study the world, but the question is, how to changed it.

    demonstration in Brussels, ride in the heart of Europe, last year.


    'Wish you a warm and dry 2012 riding season!
    Agyaman.
    Last edited by ading; January 14th, 2012 at 09:51 AM. Reason: turn pix

  4. #179
    Join Date
    May 2006
    Location
    hilaga-silangang luzon/belgium
    Posts
    335
    Thanks
    0
    Thanked 8 Times in 5 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Quote Originally Posted by bats5017 View Post
    Magandang araw po sir Ading, isang napakagandang paglalakbay
    ang aking nasubaybayan mula sa inyo dyan sa isang parte ng
    EUROPA, napakaganda ng mga tanawin at lugar na iyong
    ipinakita dito sa thread na ito. Itoy nagbibigay inspirasyon sa ibang
    RIDER na nais din subukan ang inyong ginawa. Akoy nagagalak
    sa mga larawan na aking nakita dito. "NAPAKAGANDA" ika nga.
    isa kang tunay na manlalakbay>>>>
    Mabuhay po kayo
    "Dyos ti ag ngina"


    Magandang araw din sa'yo bats5017. Katulad ng sinabi ko sa mga naunang post ko dito, hindi palaging mainam ang pagra-ride sa sulok na'to ng Europa. Sa katunayan nga'y, iilan na lamang na rider ang iyong masasalubong sa daan, kapag ganitong kasagsagan na ng taglamig. Lalo na sa ngayon, kasalukuyang nangangatog ang Europa sa record breaking na pagbaba ng temperatura. Sa ibang lugar sa silangang Europa, ay sumisid ang temperatura hanggang NEGATIVE 32 deg. celcius! At ang ihip ng hangin mula doon ay nagpapababa hanggang -7 deg. C sa araw, dito sa Belgium. At sa gabi naman ay bumababa hanggang -18 dg. C. Maituturing na isang kahibangan ang magmotor, sa ganyang katinding lamig ng panahon. At kahapon ako'y nahibang.



    Kahapon ng umaga ay maaliwalas ang panahon. Bagamat maaraw ay below zero ang forecasted na taya ng temperatura. Sinabi rin na may parating na panaka-nakang pag-snow mula sa kanluran. Sa dulong silangan ng Belgium ay maburol. Sa ipinakitang satellite na larawan ay nalatagan ng snow ang ituktok ng ilang mabababang bundok. Dumaan ang pasko at bagong taon pero 'di man lang ako nakakita ng snow. Nagpasya akong puntahan ang lugar na iyon para kumuha ng mga larawan.

    Paglabas ko ng bahay bago mananghali ay asul na asul ang kalangitan. Nagsuot ako ng espesyal na kasuutan para panlaban sa lamig. Pagkaraan ng dalawang oras ng mahinay na pagpapatakbo ng motor sa sekondaryong mga daan, ay gustong nang sumuko ng mga daliri. Hindi makayanan ng heated grips at handguard ng transalp ang lamig na nagpapasakit sa mga dulo ng daliri. Kahit ang winter riding gloves ay halos walang epekto sa haring taglamig. Kung kaya't kahit hindi pa ako nangangalahati sa itinakdang destinasyon, ay napilitan akong pumasok sa isang fastfood center para makabawi ng init.


    Habang himihigop ng kape, ay dumating ang ifinorcast na snow.



    Dahil sa paniniwalang manipis lang ang snow, ay naghintay sa pagtila nito. Maling akala. Pagkatapos maubos ang dalawang order na hamburger at kape ay tuloy parin ang paglaglag ng snow. Malapit nang dumilim, hindi na itinuloy ang paglalakbay patungong dulong silangan. Nagpasyang umuwi nalang.



    Tinalunton ang daan pabalik. Sa secondary highways ay maraming mga curves, mga paahon at palusong. Mga tipo ng daan na nakakapagpa-high sa isang rider sa naaayong lagay ng panahon. Subalit sa ganitong mga pagkakataon?...



    Hindi na rin option na bumalik sa kalunsuran, aabutin na rin ng dilim papunta doon. Sa isang matarik na palusong ay pinatay ko ang makina ng motor.Dahil kahit anong hinay ang pihit sa silinyador ay nag-i-spin ang panghulihang gulong. At sa bigat na halos 200 kilo ay umuusad pababa ang motor kahit na nakapreno ang mga gulong. Ang ride na ito, ang isa sa mga pinakamahirap na akin nang nasubukan. Hindi ko na alintana ang lamig lalo na nang ako'y matumba. Mabuti nalang at may ikinabit akong crashguard. Hindi naano ang fairings. Pinasalamatan ko ang dalawang french-speaking na nakakotse na tumulong para muling itayo ang aking kabayong bakal.

    Habang tumatagal ay napagtanto kong mas mainam na dumaan sa superhighways, Doon ay maliwanag at tiyak na may nagmimentena para mahawi ang mga snow. Kung kaya't nang makakita ng signboard na nagtuturo patungong E-19 at E42, ay sinuway na ang instruction ng GPS na nagtuturo ng pinakamaiksing daan sa destinasyong "go home". Subalit marami pang paahon at palusong bago makarating sa superhighway.

    Sa gabing iyon ay natutunan kong magtimon ng motor sa pamamagitan ng panghulihang gulong. Natutunan ko rin ang pinakamagaang pagpiga ng selinyador. Higit na kalbaryo ang palusong ke'sa paahon. Ini-apply ko ng husto ang mga salik sa sining ng pagmomotor. Todong konsentrasyon. Ang kisap-matang pagbaling ng paningin sa linyang tinatahak ay sapat na para mawala sa balanse. Antisipasyon. Ano mang pagpapabagal ay ginaganap ng hinayhinay na pagpihit-pabalik sa silinyador. Kapag hinayaang kusang magsara ang silinyador ay mag-i-skid ang gulong panghulihan. Maraming mga mababasang teknika sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagmomotor, subalit walang papantay sa sariling karanasan.

    Hanggang sa muli. Dios ti agngina. Agyaman!

  5. #180
    Join Date
    Jan 2011
    Posts
    122
    Thanks
    0
    Thanked 0 Times in 0 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    ang sarap naman ng buhay ninyo sir, i wish we could experience that cold winter spell here in the pilipins

  6. #181
    Join Date
    May 2006
    Location
    hilaga-silangang luzon/belgium
    Posts
    335
    Thanks
    0
    Thanked 8 Times in 5 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Salamat tjbt821, pero kung pwede nga lang ay ayaw kong manirahan sa isang nagyeyelong lugar. Maaari ngang niromantiko ng mga media ang winter at snow, pero sa maraming riders ay kahulugan ito ng paglalakbay sa loob ng hawla("cage"). Paghihintay ng matagal para muling makapagride, ay hindi nga romantiko sa mga riders na nagwi-winter-break. At hindi rin ako romantiko kung kaya't nagra-ride pa rin ako kahit sa kalagitnaan ng winter. Narito ang pagre-rewind sa mga rides ng kakalipas na taglamig:






    -vlaamse ardennen





    -maburol ang distritong aking tinitirhan





    -sa ituktok




    -flemish region




    -upgrade ng helmet

    Hanggang mamaya, agyaman!
    Last edited by ading; March 24th, 2012 at 08:26 AM. Reason: kulang

  7. #182
    Join Date
    May 2006
    Location
    hilaga-silangang luzon/belgium
    Posts
    335
    Thanks
    0
    Thanked 8 Times in 5 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Pagpapatuloy ng pag-rewind sa mga rides sa taglamig.

    Mas enjoy at mas ligtas ang mag mountainbike kaysa sa magmotor,
    kung gustong magride sa below freezing point na temperature.

    -snowlilies, napipinto na ang tagsibol


    -pangalawang ride sa snow, pangalawang tumba


    -karamihan ng mga libingan ng mga sundalo noong pandaigdigang digmaan ay british, pero dito'y mga sugo ni uncle Sam ang mga nananangis


    -pangkaraniwang tanawin sa lowlands



    -test ride, bagong-biling waterproof riding boots


    Hanggang sa muli, agyaman.

  8. #183
    Join Date
    Mar 2010
    Location
    Isabela
    Posts
    171
    Thanks
    1
    Thanked 1 Time in 1 Post

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    isa kayong kahanga hangang rider sir....

    sana magawa ko rin yang ganyang ride kahit dito lang sa pinas.....

  9. #184
    Join Date
    May 2006
    Location
    hilaga-silangang luzon/belgium
    Posts
    335
    Thanks
    0
    Thanked 8 Times in 5 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Maraming salamat sa iyong paghanga Master Paul.
    Ang isang tunay na rider kahit ano pa ang kanyang sakyan, at kahit saan at kailan ay palaging masayang nagra-ride. Noong nag-uumpisa palang akong rider sa Pinas ay second hand na TMX 155 ang aking naging ride. Ginagamit ko itong pampasada bilang self supporting student at ipinapang-tour kapag may libreng panahon. Ang adventure na aking dinanas noong iakyat ko ito sa isang liblib na kumunidad sa Nueva Vizcaya ay maipapantay noong sinagsag ko ang ma-snowng kaburulan sa silangang Belgium kamakailan. Noong tinalunton ko sa aking XL 125 ang old logging road sa pusod ng Sierra Madre, mula Dinadiawan paahon ng Nagtipunan Quirino ay kaparehong pangamba't pananabik, noong unang akyatin ko sakay ng XL 650 Transalp, ang kabundukan ng Alps dito sa Europa. Hanggang sa ngayon ay ninanamnam ko pa ang masayang alaala ng aking pinakahuling ride, sakay ng dose anÿos nang XLR 200 sa perlas ng silangan ng kakaraang taon.
    Sa ngayo'y nananabik na naman akong makapag-ride sa kabundukan ng lalawigang iyong kinaruruunan. Kahit kamakailan ay may mga balitang mis-encounter ng mga sundalo ng pamahalaan sa San Mariano. Kahit ang mga balitang pagpaparusa ng Bagong Hukbong Bayan sa mga malalaking operasyon ng logging sa Jones at Echague na nababasa sa internet, ay hindi hadlang sa mithiing, sa hinaharap ay muling makasama sa ride ang mga magsasakang riders sa lalawigan kong sinisinta.


    -simula ng palusong patungong lambak ng Cagayan



    -bumabalik na alaala ng unang motor



    -ang higit na dapat tutulan ay ang ganid na malakihang korporasyong pagla-logging sa dibdib ng Sierra Madre at Cordillera


    - gantimpalang tanawin pagkatapos ng mabatong paglalakbay



    -kasama sa paglalakbay, tapat at maaasahan



    Hanggang sa muli, agyaman.

  10. #185
    Join Date
    May 2007
    Location
    EaStSiDe RePrEzEnT
    Posts
    5,691
    Thanks
    1
    Thanked 0 Times in 0 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    narito po ba kayo ngayon sa ating bayang magiliw ginoong ading?

    Nouvo Owners Society * MCP-101357 * Rizal Riders Club
    http://papabong.multiply.com

  11. #186
    Join Date
    May 2006
    Location
    hilaga-silangang luzon/belgium
    Posts
    335
    Thanks
    0
    Thanked 8 Times in 5 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Nandito ako sa Europa, papabong.
    Ang mga larawang nasa sinundang post ay kuha noong nakaraang taon, noong saglit na bakasyon ko sa bayang hirang. Subalit ang nilalaman ng post na iyon ay ang paglalahad ng ilang lundo sa aking buhay bilang isang rider. Isa sa mga pinakatamis na alaala ng aking naging mga rides sa bayang mahal ay ang mga rides ko sa Nueva Vizcaya. Sa pag-akyat sa Ifugao ay hindi ko alintana ang malamig na hangin sapagkat nakayakap sa aking likod ang aking kasintahan. Ang mga rides na iyon ay mananatili sa aking kamalayan hanggat ako'y rider. Alay ko sa kanya ang mga larawang ito, saan man siya ngayon naroroon.


    tallo tapnu aylabyu!


    ayayatenkalattamanipudpayidiganatattatinganattinggana



    nu adittuy kalang kuma...ta agkamping ta


    biyag ti mannalon jay Quezon



    nu maiyawat ko lang amin kuma kenka ...


    Agyaman, at hanggang sa muli.

  12. #187
    Join Date
    Sep 2006
    Location
    tur-turod ti amianan
    Posts
    1,031
    Thanks
    0
    Thanked 0 Times in 0 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Manong Ading, nagrikep ti umuna nga librom, chapter ti panagdaliasat mo, ket agdama nga nakarukat ti maikadua …

    Mauma ti kalding nga agngalngal, wenno mauma diay bulog nga agtab-ba, ngem haan-nak nga mauma nga bas-basaen ti ride report mo. Managbabaen ti bulong ti ro-ot a baen-baen, wenno dagiti burias gamen silalabus ti inang da a takong, ngem haan ko nga ibaen nga ipalang-guad kadigiti gagay-yem ko wenno kadagitinto kaput-putot-tak iti haan nga luma-lakay a nagan mo. Agyaman nak Manong Ading ta naad-daan ti maysa a parsua nga mangpaneknek ti kinalapsat ti maysa nga rider, ipagarup ko ngarud nga maysa ka a baon (sugo) tapno mangiparangarang kadakaiman amin a rider fanatic, mangimula kadigiti kapan-panunutan mi tapno manayunan pay ti gagara nga ag-ride, haan laeng kuma nga agpating-ga nga agrusing no diket di, dumakkel ken tumangken a nasik-kel a rider a kas kengka.

    Rukbabak ti kinalammuyot ti panagdan-daniw mo lal-lalo no iladawam ti nauneg a panagayat mo ti ilim…mari-rinak ti iliw mo ti ilim a nag-gupwam, kasla kuma agibit nga ubing a mailiw ti ina na nga pinanawan.. kasta met, sumken a kas sumsumgar ti dutdot ko no bas-basaek dagiti panpan-naom manipud pay…

    Rungbaw ti amin, ti panagayat mo ti nasudi nga ilim. Iti kinawatiwat ti kapanunutam, kasla kawatiwat ti dal-dalan dita makapagbagtit nga lammi-is nga kabanbantayan ti Europa….mat-tyanan ti danum ti waig, ngem ti kapanunutam apo kasla ubbog, agayos diay ar-aripit tapno agbalin a padanum kadigiti mul-mula…

    Duma ti amin a ride report…dayawek!..
    Last edited by rolxi98; April 2nd, 2012 at 12:15 PM.
    "If you don't know where you're going....any road will take you there!"

  13. #188
    Join Date
    Sep 2011
    Location
    Finland
    Posts
    55
    Thanks
    0
    Thanked 0 Times in 0 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Nice pictures again!
    I understand, that you write on your own language now one, that's fine. As you said pictures are universals...
    This your writing: "But my ultimate dream ride is to ride the silk road and ending in the pearl of the orient." got my interest.
    If you find out, how to drive with motorbike through China without huge costs, let me know!
    I play with thought here, that I will drive through Russia until Vladivostok and then by boat to Philippines, if possible... It is just an idea, what I really liked to try someday.. will see, does it ever happen.

    I wish you a lot of safe kilometers on year 2012
    -tagatubos-


    ps. You tasted some real winter at there too, I heard!

  14. #189
    Join Date
    Apr 2007
    Posts
    7,343
    Thanks
    255
    Thanked 184 Times in 89 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Quote Originally Posted by ading View Post
    nandito ako sa europa, papabong.
    Ang mga larawang nasa sinundang post ay kuha noong nakaraang taon, noong saglit na bakasyon ko sa bayang hirang. Subalit ang nilalaman ng post na iyon ay ang paglalahad ng ilang lundo sa aking buhay bilang isang rider. Isa sa mga pinakatamis na alaala ng aking naging mga rides sa bayang mahal ay ang mga rides ko sa nueva vizcaya. Sa pag-akyat sa ifugao ay hindi ko alintana ang malamig na hangin sapagkat nakayakap sa aking likod ang aking kasintahan. Ang mga rides na iyon ay mananatili sa aking kamalayan hanggat ako'y rider. Alay ko sa kanya ang mga larawang ito, saan man siya ngayon naroroon.


    Tallo tapnu aylabyu!
    image

    ayayatenkalattamanipudpayidiganatattatinganattinggana
    image


    nu adittuy kalang kuma...ta agkamping ta
    image

    biyag ti mannalon jay quezon
    image


    nu maiyawat ko lang amin kuma kenka ...
    image

    agyaman, at hanggang sa muli.
    apay ayan tay ay ayatem ading? Ket di mu kuma alan idta europe tapno naragsak amin hehehe..

  15. #190
    Join Date
    Apr 2007
    Posts
    7,343
    Thanks
    255
    Thanked 184 Times in 89 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Quote Originally Posted by rolxi98 View Post
    manong ading, nagrikep ti umuna nga librom, chapter ti panagdaliasat mo, ket agdama nga nakarukat ti maikadua …

    mauma ti kalding nga agngalngal, wenno mauma diay bulog nga agtab-ba, ngem haan-nak nga mauma nga bas-basaen ti ride report mo. Managbabaen ti bulong ti ro-ot a baen-baen, wenno dagiti burias gamen silalabus ti inang da a takong, ngem haan ko nga ibaen nga ipalang-guad kadigiti gagay-yem ko wenno kadagitinto kaput-putot-tak iti haan nga luma-lakay a nagan mo. Agyaman nak manong ading ta naad-daan ti maysa a parsua nga mangpaneknek ti kinalapsat ti maysa nga rider, ipagarup ko ngarud nga maysa ka a baon (sugo) tapno mangiparangarang kadakaiman amin a rider fanatic, mangimula kadigiti kapan-panunutan mi tapno manayunan pay ti gagara nga ag-ride, haan laeng kuma nga agpating-ga nga agrusing no diket di, dumakkel ken tumangken a nasik-kel a rider a kas kengka.

    Rukbabak ti kinalammuyot ti panagdan-daniw mo lal-lalo no iladawam ti nauneg a panagayat mo ti ilim…mari-rinak ti iliw mo ti ilim a nag-gupwam, kasla kuma agibit nga ubing a mailiw ti ina na nga pinanawan.. Kasta met, sumken a kas sumsumgar ti dutdot ko no bas-basaek dagiti panpan-naom manipud pay…

    rungbaw ti amin, ti panagayat mo ti nasudi nga ilim. Iti kinawatiwat ti kapanunutam, kasla kawatiwat ti dal-dalan dita makapagbagtit nga lammi-is nga kabanbantayan ti europa….mat-tyanan ti danum ti waig, ngem ti kapanunutam apo kasla ubbog, agayos diay ar-aripit tapno agbalin a padanum kadigiti mul-mula…

    duma ti amin a ride report…dayawek!..
    tiniram ti nauneg nga ilokanon lakay.. Uray siak marigatan nga awaten ta imbagbaga mon hahahha..

  16. #191
    Join Date
    May 2006
    Location
    hilaga-silangang luzon/belgium
    Posts
    335
    Thanks
    0
    Thanked 8 Times in 5 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    It feels nice that you post again in this thread tagatubos. Its also a nice oppurtunity to exercise my carabao-english.

    The most memorable rides are the most difficult ones. My last winter rides, I was caught by a heavy snow fall. On the hilly, icy road I fell. Like most of Europe, climate change makes Belgium experience extreme cold winter condition.

    It remains my dream to ride from Europe to as close to shore of the Philippines. And then ferry my motorbike to different islands of the pearl of the orient. But as I see and hear the multi medias of the current world situation of social conflicts and wars, corrupt and racist immigration officers, and other discouaraging factors, it promise to be a dangerous and costly dream ride. On the otherhand, it becomes more challenging and promise more adventures.

    But the journey to that dream starts now. Like the dream to have a peaceful and prosperous world we live in. It must start now. Like the"occuppy Wall Street" in the US, the "indignados" in Europe, the preparation for the dream world is a long one and it starts now. The long preparation for my dream ride begins.



    the red path to change leads to a golden horizon




    the inspiring magic feeling of seeing your own plant, the enlightening feeling of living to your own conviction of justice and truth




    Spring always gives a fresh start. Hope that the spring of change in the Middle East spreads and the emancipation of women inspires the daughters of the revolution



    go to my country red flowers, show to the youth, the love of motherland as shown by Bonifacio, Jacinto and other young revolutionary heroes





    turn the weapons of war and deaths to toll of farms and prosperity


    Agyaman, and 'till next time.

  17. #192
    Join Date
    May 2006
    Location
    hilaga-silangang luzon/belgium
    Posts
    335
    Thanks
    0
    Thanked 8 Times in 5 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Agyamanak rolxi. Sa pangambang mabawasan ang katuturan ay hindi ko pangangahasang isalin sa tagalog ang iyong nakakalulang papuri. Isa kang haligi ng panitikang ilocano. Psensya na't ngayon ko lang in-acknowledge ang iyong reply. At upang makabawi ay alay ko sa'yo ang post na'to.


    Sa pag-umpisa ng tagsibol ay nag-ride ako papuntang Pransya sa North Sea. Ilang beses ko na rin itong pinuntahan sa aking mga nakalipas na solo rides, subalit sa bawat rides ay panibagong sigla at pananabik ang aking nararamdaman. Parehong daan at patutunguhan subalit laging may mga bagong bagay na natutuklasan sa paglalakbay. Mga tanawing 'di napapansin hanggat masilip sa ibang angulo at perception.



    Ang mga kabayanan sa Opal coast sa hilaga-kanlurang France ay komunidad ng mga maliliit na nagsasariling mga mangingisda. Tradisyunal parin ang pamamaraan ng kanilang pangangalap subalit ang mga kabayong humihila ng mga bangka ay napalitan na ng mga traktora.



    Ang kulay ng tagsibol ay dilaw at luntian. Sa maburol na ruta sa Opal coast ay kita kahit sa malayo ang mga plantasyon ng mga bio-fuel.



    Sa Opal coast din matatagpuan ang pinakamakitid na pagitan ng Great Britain at Europe mainland, kung kaya't dito ginawa ang euro-tunnel. Ang higanteng barena ay ginawang munumento bilang papuri sa mga manggagawa't inhenyerong lumikha sa alternatibong transportasyon sa pagtawid sa ilalim ng lupa't karagatan sa pagitan Pransya at Britania.


    Sino'ng nagsabing, huwag magtayo ng bahay sa buhanginan?



    Hanggang sa muli, agyaman.

  18. #193
    Join Date
    May 2006
    Location
    hilaga-silangang luzon/belgium
    Posts
    335
    Thanks
    0
    Thanked 8 Times in 5 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Diak ammun iti napasamak kadaydiay inayat ko idi Wendy... nu nalaka lang kuma nga sumrek uray asin-no ditoy Europa...


    Kumpara sa third world ay mas madali ngang maging mas masaya dito sa Europe. Dahil mas maraming oportunidad para makahanap ng trabahong sapat-sapat ang sweldo para mabuhay ng mas maluwag. Bagamat mas marami paring puti dito, ay habang tumatagal, lalong dumadami ang mga migrante mula sa iba't ibang lahi, galing sa iba pang kontinente ng daigdig. At habang tumatagal ay kumikitid at naghihigpit ang mga forte ng Europa.


    sa maraming mamamayan sa mundo, ay sarado ang pinto ng paraiso




    hindi ba't tayo'y parehong nilalang, bakit sila'y sa itaas at tayo'y sa ibaba dapat?



    bakit ibinabatay sa kulay ng balat, ang lupaing sa kanila lang nararapat?




    Subalit ang batas ng kalikasan ay mas higit na makapangyarihan kaysa sa batas ng tao. Maaaring mapigilan ang pagsibol ng mga halaman sa ilang panahon, subalit hindi sa lahat ng panahon...




    Nueva Viscaya, tahanan ng aking naging sinta, malayo sa palalong Europa, pagtatagpuin ng pakikibakang masa...




    Hanggang sa muli, agyaman.

  19. #194
    Join Date
    Aug 2009
    Location
    Angono, Rizal
    Posts
    5,114
    Thanks
    998
    Thanked 320 Times in 197 Posts

    Thumbs up Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Quote Originally Posted by ading View Post
    Diak ammun iti napasamak kadaydiay inayat ko idi Wendy... nu nalaka lang kuma nga sumrek uray asin-no ditoy Europa...


    Kumpara sa third world ay mas madali ngang maging mas masaya dito sa Europe. Dahil mas maraming oportunidad para makahanap ng trabahong sapat-sapat ang sweldo para mabuhay ng mas maluwag. Bagamat mas marami paring puti dito, ay habang tumatagal, lalong dumadami ang mga migrante mula sa iba't ibang lahi, galing sa iba pang kontinente ng daigdig. At habang tumatagal ay kumikitid at naghihigpit ang mga forte ng Europa.


    sa maraming mamamayan sa mundo, ay sarado ang pinto ng paraiso




    hindi ba't tayo'y parehong nilalang, bakit sila'y sa itaas at tayo'y sa ibaba dapat?



    bakit ibinabatay sa kulay ng balat, ang lupaing sa kanila lang nararapat?




    Subalit ang batas ng kalikasan ay mas higit na makapangyarihan kaysa sa batas ng tao. Maaaring mapigilan ang pagsibol ng mga halaman sa ilang panahon, subalit hindi sa lahat ng panahon...




    Nueva Viscaya, tahanan ng aking naging sinta, malayo sa palalong Europa, pagtatagpuin ng pakikibakang masa...




    Hanggang sa muli, agyaman.
    You're truly inspiring po sir... Salamat sa pagiikot mo sa amin sa Europa...
    Last edited by lloydcaballero; August 3rd, 2012 at 10:15 AM.

  20. #195
    Join Date
    May 2006
    Location
    hilaga-silangang luzon/belgium
    Posts
    335
    Thanks
    0
    Thanked 8 Times in 5 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Maraming salamat at sana'y 'di lang ikaw ang nai-inspire ng thread na'to Lloydcaballero.
    Isang karangalan ang makapagbigay ng saya sa mga sumusubaybay nito. Sana'y patuloy n'yo 'kong samahan sa pakikipamuhay at pag-ride ko dito sa sulok na ito ng Europa.
    Baka sakali sa susunod na linggo ay makapag-long ride ako. Isa sa mga pangarap kong akyatin ay ang Stelvio pass sa Italy. Isa itong popular na destinasyon ng mga riders. Hindi kataka-takang ang popular na big all-road model ng Moto Guzzi ay pinangalanang, "Stelvio". Pag nagkataon ay mapa-practice ko ang in-upgrade kong camera. Pansamantala ay hayaan mong ma-inspire ka ng aking mga nakaraang weekend rides, kuha sa camera ng cellphone.


    papasok sa kapatagan ng The Netherlands, popular din sa katawagang Holland.



    windmill=Holland



    Holland=windmill



    Immortalization ng mga sundalong riders na kasama ng mga libo-libong pwersa ng Allied Forces na dumaong sa hilagang baybayin ng France para sa liberasyon ng Europa noong WWII.



    kung marunong lang sana 'kong magbasa ng french...



    Agyaman, at hanggang sa muli.

  21. #196
    Join Date
    May 2006
    Location
    hilaga-silangang luzon/belgium
    Posts
    335
    Thanks
    0
    Thanked 8 Times in 5 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Natupad ang isa sa mga pangarap kong puntahan na nakamotor. Pero sa susunod na post nalang ang mga kwento. Enjoy ka nalang muna Lloyd (at iba pang viewer) sa mga patikim na mga larawan ng aking malayong-maiksing ride papuntang Stelvio pass sa hangganan ng Italy at Switzerland kamakailan.


    ganito ang view sa ituktok ng Stelvio pass




    ganito naman ang view sa screen ng GPS sa parehong lugar





    low budget ride, naka-tent lang



    'di lang ako ang rider na nagpunta doon, nagkalat ang mga riders doon





    marami rin akong nadaanang mga lawa



    Hanggang sa susunod na pag-post, agyaman.

  22. #197
    Join Date
    Aug 2009
    Location
    Angono, Rizal
    Posts
    5,114
    Thanks
    998
    Thanked 320 Times in 197 Posts

    Thumbs up Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Quote Originally Posted by ading View Post
    AMAZING! Natulala ako sa twisties diyan sir! Parang aritao to baguio pero mas grabe po iyan..

  23. #198
    Join Date
    May 2006
    Location
    hilaga-silangang luzon/belgium
    Posts
    335
    Thanks
    0
    Thanked 8 Times in 5 Posts

    Smile Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Gusto mo ng twisties?
    Etong twisties!




    Katulad ng ibang riders, ang hinahanap ko sa mga long rides ay twisties. Kaya ako naakit magpunta sa Stelvio pass kahit malayo ito, at ilang araw na lang nalang ang natitira sa bakasyon ay dahil sa mayroon itong 48 hairpin bends.

    ganito yon



    Dahil sa maikli lang ang panahon at malayo ang pupuntahan ay napilitan akong magtakda ng rutang mabilis. At ano pa ang pinakamabilis na ruta kundi ang no-maximum-speed-limit motorways ng Germany. Kung dito sa Belgium ang maximum speed ay 120kph, at sa France ay 130, sa Germany ay may mga motorways na walang restriction sa maximum speed. First time ko ding dumaan sa ganoong highways at natukso akong paabutin sa red line ang tachometer ng transalp.


    Malayo ang destinasyon at tatagos ng ilang bansa, subalit kailangang magpahinga ng regular para optimal ang konsentrasyon. Mabuti nalamang at maraming mga rest areas.

    riding in more than 30 degrees celcius, in complete riding gears, cool rest area is more than welcome



    Subalit lahat ng pagkabagot sa mahabang paglalakbay sa superhighway, ay nasulit kapag ang destinasyon mo ay ganito.




    Sa kapatagan ay kasagsagan ng tag-init, subalit sa ituktok ng Stelvio pass ay hindi natutunaw ang yelo.



    Agyaman manen...

  24. #199
    Join Date
    Jan 2009
    Location
    manila
    Posts
    171
    Thanks
    0
    Thanked 0 Times in 0 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Maraming salamat TS sa mga larawan. Pakiramdam namin kasama kami sa iyong napaka-gandang paglalakbay
    EASTWOOD - BGC

  25. #200
    Join Date
    May 2006
    Location
    hilaga-silangang luzon/belgium
    Posts
    335
    Thanks
    0
    Thanked 8 Times in 5 Posts

    Re: Sa sulok na ito ng Europa, (transalp vol.II)

    Maraming salamat din sa pagsubaybay mo edzisip. Isang kasayahan din para sa'kin na maibahagi ko sa mga viewer ang aking mga rides at pakikipamuhay dito.


    Samantala, hayaan mo munang ang mga larawan ang magkwento.

    unang gabi, unang camping site




    one way, two days ride



    last night; on the way home, still 700 km to ride



    kastilyo sa Italya


    mga maingay, motor at rider




    Hanggang sa muli, agyaman.

Page 8 of 9 FirstFirst 123456789 LastLast

Thread Information

Users Browsing this Thread

There are currently 1 users browsing this thread. (0 members and 1 guests)

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •