Custom Search

View Full Version : EDITORYAL sa philstar- ‘Angkas-motorsiklo’ dapat nang ibawal


Jovi RXT
August 4th, 2007, 01:54 AM
Alam ko na may thread ng ganito, Kaya lang medyo may katangahan ang sumulat nito.
Ewan ko kung sino itong columnist o editor ng Pilipino Star. Kung bakit tila sumasang ayon sa pinapanukalang batas. Parang bobo yata ito. Puede bang pulsuhan niyo kung anong klasing pagkatao nito. Sarap pingutin sa tenga para matauhan. Sigurado ko hindi ito gumagamit ng motor.

http://www.philstar.com/index.php?Opinyon&p=50&type=2&sec=56&aid=20070803127

EDITORYAL - ‘Angkas-motorsiklo’ dapat nang ibawal
http://www.philstar.com/newphilstar/www/image/20070804/pinoytoon.gif

Saturday, August 4, 2007
TUMATAAS ang bilang ng krimen sa Maynila at ang karaniwang gumagawa ng krimen ay ang mga magkaangkas sa motorsiklo. Bukod sa kaso ng pagpatay, talamak din ang nakawan na ang gamit ay motorsiklo.

Sa report ng Manila Police District (MPD), sa naka*lipas na dalawang taon, tumaas ang bilang ng krimen sa Maynila at ito ay kinabibilangan ng pagna*nakaw, pagpatay, at hijacking. Ganoon man, walang inilagay na dami ng bilang kung ilan ang nangyaring krimen. Ayon sa MPD, paboritong gamitin ang motorsiklo dahil madaling makatakas sa pinangyarihan ng krimen. Kahit na maipit sa trapik ay madali pa ring imaniobra at makatakas. Ayon pa rin sa MPD, karaniwang ang mga nare*kober nilang motorsiklo na ginamit ng mga suspect ay mga nakaw. Noong nakaraang January, 16 na kaso ng krimen ang naitala at lahat ng ito ay kaga*gawan ng mga magkaangkas sa motorsiklo.

Ang pagtaas ng krimen sa Maynila ang naging daan para balakin ni Manila Mayor Alfredo Lim na ipagbawal sa kanyang lungsod ang mga magka*angkas sa motorsiklo. Pinag-aaralan na ng mga abogado ni Lim kung walang malalabag na karapa***** pantao sa kanyang balak. Isasangguni rin umano niya sa city council ang kanyang balak na ito at kapag naaprubahan, agad na ipatutupad. Ito ay para masugpo na ang lumalalang bilang ng krimen na likha ng mga magkakaangkas sa motorsiklo.

Maganda ang balak ni Lim at dapat na gayahin din ng iba pang mayors sa Metro Manila. Ipagbawal ang pagyayaot ng mga magkakaangkas sa motor*siklo para mabawasan ang paglubha ng krimenl. Bukod sa pagbawas ng krimen, maaari ring maba*wasan ang bilang ng mga naaaksidente. Karamihan sa mga naaksidente sa kalsada ay ang mga magka*angkas sa motorsiklo. At hindi lamang dalawa kundi tatlo pa o apat ang makikitang magkaka*angkas. Ginagawa nang panghatid ng asawa o anak sa trabaho o sa school man. Kaya ang nangyayari, mas maraming nakamotorsiklo ang nadidisgrasya sa kalsada.

Dapat din namang tumulong ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pag-iimplement ng panukala ni Lim.

boybata
August 4th, 2007, 02:33 AM
Dapat din namang tumulong ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pag-iimplement ng panukala ni Lim. paktay tayo dito...

sana naman wag ng ipatupad yan...

diorama
August 6th, 2007, 05:58 PM
You're the stupidest writer I've ever known!! kung sino ka man!! hung hang!

majongero
August 7th, 2007, 04:38 AM
ayus yan.


magaling. magaling. magaling.



mag commute na lang tayong lahat.


o bumalik sa cage.


o bilhan mo ng motor ang lahat ng kamag-anak mo.



o sa bahay ka na lang.

race24
August 7th, 2007, 09:49 AM
buti kung ipagbabawal ang tandem riding at bibigyan tayo ng isa pang motor para sa backride natin!

noyr414
August 7th, 2007, 10:11 AM
he cannot do that. it's like telling cars to not take passengers. i don't think his lawyer is that stupid. unless you own a RC or an M1 which only require single sitting capacity. he should learn to be more comprehensively creative

Ab.Normal
August 7th, 2007, 11:27 AM
E pano yung mga MC na ginagamet na pang hatid sa mga bata going to school or panghatid kay misis sa trabaho?

sa area namen, dame dun mga 2 or 3 pa minsan ang angkas...

as seen on the other topics... isa lang solusyon dyan POLICE VISIBILITY

wag naman ganyan pls...

jerk18
August 7th, 2007, 01:07 PM
...Ginagawa nang panghatid ng asawa o anak sa trabaho o sa school man...


Bakeettt???? Hindi ba pwede? :eek:


Ano gusto nya?

Gumamit ng mga ga-higanteng mga AUVs na nakakatrapik sa kalsada? :?

Para lang mag-hatid? Lahat ba ng tao me 4 wheels na sasakyan?

How stupid can he get??? :nuts:

And he calls himself an editor? :crazy:

What a Loon!!! :clap:

majongero
August 7th, 2007, 02:05 PM
gawin na raw kasi nating tricycle ang mga motor natin.


kikita pa tayo.

zerosystem_x
August 7th, 2007, 02:30 PM
wala nga sa tamang pag iisip yung sumulat nyan bro.. malamang dati nung kabataan nya naagawan siya ng chicks... sumakay sa may motor chicks nyan kaya sinusumpa nya tyong mga nag aangkas!! hehehe

tawtaw28
August 7th, 2007, 02:36 PM
mas madaming pasaway na government employee kesa stin mga riders... sila madalas walang helmet, hindi updated yung registration ng sasakyan, madalas mag beating the red light at kung ano ano pang violation...

isa silang malaking pasaway...

kaya unahin muna nila yun linisin bago tayo...

pag sila maayos na, well, maniniwala na ko sa mga batas na gusto nilang patupad...

mistermrbean
August 7th, 2007, 02:56 PM
wala nga sa tamang pag iisip yung sumulat nyan bro.. malamang dati nung kabataan nya naagawan siya ng chicks... sumakay sa may motor chicks nyan kaya sinusumpa nya tyong mga nag aangkas!! hehehe

Pa OT lang... nice pic sa sig. She's a friend of mine, dati mahilig mag motor at may big bike. She went into touring cars and eventually AF3:*

zerosystem_x
August 7th, 2007, 04:04 PM
Pa OT lang... nice pic sa sig. She's a friend of mine, dati mahilig mag motor at may big bike. She went into touring cars and eventually AF3:*

...dapat ang pagbalingan nila ay yung mga Bus, jeep at FX na grabeh kung mag swerv!! yun ang nakakadisgrasya sa mga tulad nating motorista!!

OT poh.. Nainterview ko lang po yan si gabby nung nagsimula cya ng karir sa AF3...tomboy daw un dati? hehehe...

mistermrbean
August 7th, 2007, 04:30 PM
...dapat ang pagbalingan nila ay yung mga Bus, jeep at FX na grabeh kung mag swerv!! yun ang nakakadisgrasya sa mga tulad nating motorista!!

OT poh.. Nainterview ko lang po yan si gabby nung nagsimula cya ng karir sa AF3...tomboy daw un dati? hehehe...

Di naman ;) tomboyish lang ang dating kasi mahilig sa motorsports saka madami kasing nanligaw na hindi nag progress. :O Pero ok kung sya kung sa barkadahan. Galante

leoblue
August 7th, 2007, 05:20 PM
********* pa lang editor na yan na walang magawa ..mas mabuti pa ipagbawal na lang nila yung motor sa kalsada para tapos na lahat..inuunti-unti nyo pa mahilig kayo sa torture...mas mabuti kung patayin nyo na agad...wag nyo na kami pahirapan..ban mo na lang lahat ng motor sa kalsada ano? masaya ka na ****...mag 4 wheels na lang tayo lahat yung kakaragkarag sa daan diesel para pollution tapos yung madaling tumirik para trafic sa edsa yun naman gusto nila mga inutil..

tellybuhay
August 7th, 2007, 05:41 PM
Isa na naman walang authority and proper knowledge about motorcycling. Hay naku! Ano ba alam nya sa pagmo-motor?

Beat_One
August 7th, 2007, 05:42 PM
palibhasa walang mga mc ang mga yan kala nila kung sino diretso makapagsalita baliko naman pamamalakad nila. PWHEEE!!!!!!!!

Super Osram
August 7th, 2007, 06:56 PM
bottom line is, palpak ang trabaho nang mga kapulisan dahil hindi nila napaguukulan mabuti ang paghuli sa mga kriminal.......... ang napapansin ko dito ay bakit laging naka-motor ang tinitira nang husto............. escape goat? hindi naman motor lang ang ginagamit nang mga kriminal?!?! mas marami pa din ang mga cage ang gamit nila........... nata-type cast yata tayo na ang nagmo-motor ay "kriminal" na?

freewayjammer
August 7th, 2007, 07:53 PM
CHEEA! CHURA!!!! hay naku maka wannabee writers na di tumitingin ng tamang facts. hehe