Custom Search

View Full Version : Checkpoints


Pages : [1] 2 3

sunsetrider
August 1st, 2007, 04:38 PM
While passing along Zapote Alabang Road in my cage, I chanced upon a checkpoint near Honda Alabang, hailing all motorcycle riders and checking their documents. The policemen manning the checkpoints are in complete uniform with their official vehicle beside them. They appeared courteous enough and riders were released as soon as they found out that their papers are in order.

However, when I returned after one hour, I noticed another checkpoint near the corner of Commerce and Acacia Avenues. Yes they are also in complete uniform with their official vehicle beside them.

What irked me is the posture of one of the policemen. He was holding a long rifle with his both hands and were watching his two companions questioning the motorcycle rider. He appeared, I hope I was wrong, very combative.

Is there a need for him to act like that? Would he use the gun to mow down the riders in case any untoward thing happens?

Motorcycle riders are not criminals and they deserved to be treated with respect since they are also taxpayers.

broker218
August 1st, 2007, 04:49 PM
bro, don't worry... If you put yourself in the guy's shoes you would probably be paranoid too...

it's a sad truth that there are criminal elements that indeed use motorcycles to commit crimes.. likely this guy was new and still on the cautious side.

byteexp
August 1st, 2007, 08:01 PM
sir, mas nakakatakot dito sa min sa project 4, quezon city, naka uniform, naka armalite, kaya lang ang mobile walang marking (station id/police marking), ni walang blinker sa ibabaw at burado ang plate number, at ang mga pulis, pag tinanong ka, cgurado manginginig ka pag sumagot ka - matindi ang intimidating factor ng way ng kanyang mga tanong - in lay man's term - bastos

have had encountered these guys before, nagkasagutan kami at nagpangbuno kami (dahil alam ko nasa tama ako -questining the way he approaches and asks motorists) at kinaladkad ako sa mobile papunta sa presinto, luckily kasama ko wife ko at pinatext ko agad pinakamatandang relative ko (ulilang lubos na po ako), i was detained for 2 hours and was released only nung dumating ang tiyahin ko.

i have some friends in the service, pero sa totoo lang, wala akong bait sa mga kapulisan natin, meron matino pero unti lang, kahit barya pinapatos, cla nga walang galang sa uniporme nila eh, ako pa kaya gagalangin ko cla.

we need professional service from them not harrassment and discrimination, nagbabayad tayo ng tax

SOUL_10
August 1st, 2007, 10:51 PM
okay lang na ARMED ang ibang nasa checkpoint, basta wag lang itututok sa tao. once na itinutok sayo with no reasons... pwede mo silang idemanda.

doc R
August 1st, 2007, 11:40 PM
kaw! yan talaga ang trabaho ng mga iyan manghuli at manindak! na parang kung umasta sila sa mga rider ay may kasalan agad.
kaya nga minsan nga naiisip ko tuloy na mas lalo silang katakutan kesa sa mga kriminal

ajlee
August 2nd, 2007, 02:00 AM
yeah sir doc R mas nakakatakot sila.. may nabalitaan ako sa mga katrabaho ko nagaantay daw un isang kasamahan nmin sa work eh mag isa n lng sa nagaabang ng masasakyan sa manila area.. (partida hinde sya nagmomotor) mga past 12 ng gabi hinintuan ng pulis tpos ng pumalag sya at sinabi nyang "hinde na tma itong mga ginagawa nyo irereport ko kayu sa pnp" bigla syang dinampot at sinakay sa mobile.. inikot ikot sa manila hangng sa makarating sa likod ng pier.. eh dba ang dilim dun.. binunutan sya ng baril at sinabi sa knya ng mga pulis "cge ngayun mo sabihin un mga sinabi mo kanina" sa takot daw nya nakipagareglo at kinikilan pa.. tpos iniwan na sya mag isa sa pier..

walang kwenta tlga mga pulis d2 sa pilipinas.. pasimuno pa ng kalokohan..

sunsetrider
August 2nd, 2007, 10:56 PM
For your information.

May isang presinto sa Marcos Alvarez Avenue, Las Piñas, malapit sa High School Annex at sa Jetti gasoline station papunta sa boundary ng Bacoor. Kapag uwian na sa hapon mayroong checkpoint.

Ang naninita hindi mga pulis, mga police aides, walang uniporme, ang isa naka itim na t-shirt, di ko lang alam kung may ID. Alam kaya nila ang police procedures?

Ang mga pulis naroon sa presinto sa kabilang kalye, naka t-shirt na puti, hubad ang uniform kung minsan.

Sa pagkaalam ko hindi yata ganito ang dapat mangyari sa checkpoints. Di ba dapat, in full uniform ang mga pulis, may kasamang officer, nakaparada ang kanilang properly marked police vehicle. properly lighted ang lugar.

tawtaw28
August 3rd, 2007, 09:55 AM
lahat talaga ng police station dito satin may kasamang bulok... kaya pag me nagawang mali ang isang bugok, nadadamay na yng buong station...

Kaizen
August 6th, 2007, 10:29 AM
Dapa may implementing rules dapat yan. Kelangan e sa mataong lugar dapat at sa tapat ng light post. Pag mga nakatago, e kumakaripas nako! hehe.

Freelancer, The
August 6th, 2007, 10:37 AM
While passing along Zapote Alabang Road in my cage, I chanced upon a checkpoint near Honda Alabang, hailing all motorcycle riders and checking their documents. The policemen manning the checkpoints are in complete uniform with their official vehicle beside them. They appeared courteous enough and riders were released as soon as they found out that their papers are in order.

However, when I returned after one hour, I noticed another checkpoint near the corner of Commerce and Acacia Avenues. Yes they are also in complete uniform with their official vehicle beside them.

What irked me is the posture of one of the policemen. He was holding a long rifle with his both hands and were watching his two companions questioning the motorcycle rider. He appeared, I hope I was wrong, very combative.

Is there a need for him to act like that? Would he use the gun to mow down the riders in case any untoward thing happens?

Motorcycle riders are not criminals and they deserved to be treated with respect since they are also taxpayers.

Im not sure how the PNP does it on their SOP but the Armed personel with the long arm is called The Cover Sentry.

He is there to look INTIMIDATING. Does not communicate with any one being challenged at the post (MC riders requested to produce documents).

In short, he just there for SHOW unless required by a situation which will require the long arm.

guseoul
August 6th, 2007, 10:55 AM
mga bossing ang alam ko po kapag iseserved ang checkpoint kailangan po naka uniform W/ ID.......kapag ganyan po bossing kaialangan ireport na yan crame kapag walang action sa media......yan ang gusto ng mga media yung ganyang isyu....bitag at imbestigador.........wag lang sa channel 2 kasi nababayaran....

vchange
August 6th, 2007, 02:42 PM
tama mga bossing ako kanina nacheck point sa may 10th ave sa malapit sa may calocan high school. kabilaan lane may mga pulis ang haba pa sa isang lane may isang grupo sa una meron pa sa dulo. yung ibang riders ang tagal pinaghihintay(baka hinahanapan pa ng violation para may pang kape) ako nman tinanong "may baril ka?" kasi nakita firearm license ko. tumango lang ako tapos sabi meron dyan? sabi ko wala dito,tingnan nga natin sa compartment mo sabi ko cge ayan.inalis ko clatch bag ko. nakita yung kapote pnaalis pa para tingnan,yung bag di pinabuksan e yun ang lalagyan ko ng baril sa tuwing dala ko. Sabi sa akin bakit may baril ka sabi ko pulis tatay ko kaya pina issuehan ako. Sabi nya ok na yan cge na. ako kahit pulis tatay ko di ako nagtitiwala sa pulis lalo di ko kamag anak. Kung kilala mo pamilya katabi mo bahay nila baka ok pa. pero kung nakilala ko lang sa firing range di na. napakaraming pulis twali, PO1 pa lang grabe na mangipit. Ang masama pa sa dulo pinara ulit ako buti na lang ng sinabi ko na galing na ko don sa kbila pina lagpas na ko. Minsan mga bro mas dapat nating katakutan ang mga dapat ay pprotyeksyon sa atin. Kung magnanakaw snatcher kidnapper pwede tayong lumaban ng sabayan sa kanila hindi wala tayong kalaban laban pwede nila gawin sayo ang naiisin nila. Sa on the spot walang medya kaya bago dumating medya bangkay ka na. kung hingi ka ng tulong sa pulis e kabaro yan magtatanguan lang yan. pumunta ka ng crame matagal ka makarating marami na silang pwd gawin. sa akin wat ever wil be wil be que sera sera.:D

deejaydenzel
August 6th, 2007, 03:20 PM
any checkpoint na hindi na maganda ang ginagawa tawag agad sa 117!!!!

or any crimes na nawitness nyo, yan agad ang gawin nyo.

invictus
August 6th, 2007, 10:32 PM
when i was a child, they used to say: if something wrong happens, go and run to the police! now, it seems the other way around already. if we lose trust in uniformed men, we will soon lose respect as well.

Restie
August 7th, 2007, 12:28 AM
ganyan talaga yang mga police na yan.. minsan nga meron umamba ng suntok sakin na isang police sa checkpoint. hinihingian kasi ako ng P100 pangmeryenda lang daw tapos di ko bibigyan... hinihingian ako wala naman akong violation...

invictus
August 7th, 2007, 12:53 AM
maybe another use of these mp3/mp4 gadgets of the younger generation would be to record the conversations on checkpoints or as soon as they are apprehended. di ba usually they wear these things around their neck? maganda ang quality ng recording kung ganoon.

dgabinete
August 7th, 2007, 02:52 AM
recording them? either thru video or voice recording....maganda yan ah...

Freelancer, The
August 7th, 2007, 03:36 AM
recording them? either thru video or voice recording....maganda yan ah...

inadmissible in the court of law but helps with reporting.

As much as i hate to admit, sana di ako maka encounter ng ganyan na scalawag.

I will lose my bearing (-;

There's a number right on their mobile where you could text or call. If not may IAS namn or DILG or go the CITIZENS PATROL thread. Not the Forum.

boybata
August 7th, 2007, 04:16 AM
ganyan talaga buhay, ang nakakatakot lang talaga eh kung ma frame-up ka sa mga genyang sitwasyon, kung wala kang kapit, kawawa ka...

OT:
yung tropa ko, trabaho nya kasi taga kuha ng coins sa mga videoke ng amo nya, mga 9 pm, pauwi na sya para i-remit sa amo nya yung coins na nakolekta nya, bumuntot at hinarang sya sa madilim at walang taong lugar, tapos kinapkapan sya, laking gulat nya ng mayroong nakitang 3 sachet ng shabu sa u-box nya(sa madaling salita.. planted)... sabi ng pulis ang dami nito ah, pusher ka ano?! sagot nya, sir kahit ipa medical nyo po ako hindi ho ako gumagamit nyn... sabi ng pulis " palusot kapa eh, yan naman style nyo, hindi gumagamit para hindi halata.." muntik na daw sya mapaihi sa sobrang takot, tapos nag paikot ikot pa sila bago sya dalin sa station, nung nasa station na sila, tinawagan nya amo nya... pumunta yung amo nya kinausap yung pulis, tapos pinalaya din agad sya, kilalang tao din naman kasi yung amo nya, mayroon din mga kaibigan na mga Žu£!$ at sa loob ng city hall, mabuti nalang nandyn ang amo nya, pano kung wala ang amo nya at wala syng pang areglo, mabubulok sya sa kulungan nyn...

dami tlga peligro sa daan....

dytter
August 7th, 2007, 03:18 PM
Ang tawag dyan sa pulis na may hawak na mahaba ay BACK UP. Just in case lang may ma meet silang holdupper at least isa sa kanila may hawak.

Wag ka matakot sa mga checkpoints na ganyan most of the time matino ang mga pulis and they're doing their job.

Criscinco
August 7th, 2007, 03:38 PM
Talagang ganyan ang mga pulis may mabait may loko. yung mga loko may araw din yun!

x2per
August 7th, 2007, 05:43 PM
well...buti pa noon ng hawakan ni Sen. Lacson ang PNP.. lahat ng pulis takot mangotong hehehehe... sana meron isang magiting na General ng PNP na kayang bumangga ng kapwa nya pulis kung mali na ang ginagawa nito....

_mano_
August 8th, 2007, 04:55 AM
dami talaga abusado na lispu ngayon sa bayan natin naglalakihan tiyan...Hehehe

acidbeam
August 8th, 2007, 12:43 PM
pulis na masasama dapat i-consider na rin as "terrorists"

rasec55
August 8th, 2007, 12:45 PM
Lagot silang mga abusadong pulis pag nagsumbong tayo kay Ka Roger''hehehe,,,nasan na ba yang mga ABB???

cornelsky3
August 15th, 2007, 02:37 PM
parang they were acting as belligerent forces, in an occupied land

SaveTheQueen
August 26th, 2007, 01:21 AM
kilala ko yang mga pulis na yan, at tga AAV lng ako,
TMG yan, minsan sa SWAT sila sumasama or sa SPD, may mga baril yang mga yan kasi ang hinuhuli talaga nila eh kriminal, at kung mapasabak sila, mas mabuti na mayroon silang ipang gaganti kesa wala diba. Sa Tunasan Muntinlupa, sa baybayin (dito madalas dumadaan, kasi alternate route ito kesa sa national road na mas maraming checkpoint) isa lang ang checkpoint, pero pag nakita mo naman, strategically placed at guess what, isang Revo na may not 1, not 2, not 3, but 6 armed swat officers in full uniform. maaabutan nyo sila pag gumala kayo ng gabi, mga 11-12 MN. ang primary purpose lang nmn talaga nila e i flag down ang mga offenders. [OT na po ito] Kung offender ka why struggle, kung hindi naman, hindi ka dapat mag second thought na sagutin ang officer pag ika'y iniipit. Tandaan nyo din mga brod na wag na wag nyo kakalikutin ang UBOX nyo sa harap ng pulis at pwede yan mag bato ng shabu or kung ano man at hulihin ka sa salang illegal possession, may mga ganoong polis kasi ang tawag don eh 'nang kakarga' hndi nmn kc lahat ng polis natin malilinis, pero hamak n mas marami ang concerned sa ating safety. E2 tips pag ika'y siguradong mapapasabak sa mga chekpoint n ganyan at ayaw mong mahuli ka, MAG SAMA KA NG BATA! kung hindi nyo napapansin mga brad, pag may kasama ka baby (anak mo pamangkin or wateber) HINDI KA HUHULIHIN, bakit ---- kasi may kriminal ba na mag sasama ng bata kung mag dridrive by shooting sila.

revzonejay
August 26th, 2007, 04:59 AM
:D pag naka encounter kayo ng ganyang klaseng pulis ganito advice ko.. bumaba ka sa motor sabay sabihin mo dun sa walang galang na pulis na "sir kung ibaba nyo kaya yang baril nyo, at tsaka tayo magsubukan!" pag binaba nya ung baril nya sabay takbo ka na ng mabilis..:* :* hahaha..:clap: kidding aside guys.. ingat nalang sa mga ganong klaseng pulis na pakalat kalat..

zeke_
August 27th, 2007, 12:55 PM
madalas dito sa Las Pinas yan lalo na malapit sa Honda alabang. minsan SWAT ang nagche-checkpoint. wala talagang nakakalusot dahil yung isang naka-carbine nasa gitna ng kalsada kaya salang sala ang mga naka mc

cornelsky3
August 27th, 2007, 03:36 PM
dyan sa Cavite, ang mga pulis dyam, madikit lang sa isang mayor, kapitan ng bgy, o opisyal ng pulis sobra abusado,
madami dyan ang mahilig mag pulis pulisan
tama si sun set rider, ang mga nag chk point pag pasok sa cavite mga naka itim na shirt, may posas, may ID sa upper front pocket, lalo na sa may Bacoor at IMUS,
pero di sila pulis kundi mga casual ng municipio, ang item minsan sa sanidad, asessors..........

ang dami kong kilala dyan sa lugar na yan ng ganun....... kasi naman ang Mga LGU dyan hilig gumawa ng task force for this ... for that
pero walang exit policy o hanganan

jfdvrooooom1
August 27th, 2007, 05:32 PM
dami talaga abusado na lispu ngayon sa bayan natin naglalakihan tiyan...Hehehe

when I was still in Makati, na check point ako Kalayaan Ave Makati. It was 11pm papunta ako ng work (CALL CENTER) so I was running 80kph since walang sasakyan, I was flag down pero late na yung pagtawag niya sa akin.

Purposely hindi ako huminto agad, pinalagpas ko ng atleast apat or limang bahay ang layo. Then I stopped and bumaba sa motor. Pinababalik ako ng pulis, take note I confidently told them "NO WAY!" ikaw ang lumapit. Pinilit akong pabalikin and I just said no. Lumapit yung dalawang pulis and take note sumakay pa ng mobile at nag sirena pa, pag lapit sa akin pinakita ko sa kanila na natawa ako sa pagsirena nila, then galit na galit yung pulis dahil pinalapit ko sila, I confidently told them I can't coz kung babalik ako I will be charge for counter flow and abala yung check point na ginagawa nila so i said it is only ok na maabala rin sila sa paglapit sa akin.

They checked my papers and I arrogantly said may violation ba, coz kung wala eh late na ako, abala na ito They can find any, before I left I asked them paano kayo babalik niyan, kailangan niyong umikot or else may violation kayo... then what do you expect, counter flow sila, I raised my hand na parang sinabi ko YAH RIGHT!

Now I don't recommend na ganun din ang gawin niyo pero kung alam niyo ang rights niyo you will know how to use it in a right way in a right time.

carmine12
August 27th, 2007, 08:28 PM
when I was still in Makati, na check point ako Kalayaan Ave Makati. It was 11pm papunta ako ng work (CALL CENTER) so I was running 80kph since walang sasakyan, I was flag down pero late na yung pagtawag niya sa akin.

Purposely hindi ako huminto agad, pinalagpas ko ng atleast apat or limang bahay ang layo. Then I stopped and bumaba sa motor. Pinababalik ako ng pulis, take note I confidently told them "NO WAY!" ikaw ang lumapit. Pinilit akong pabalikin and I just said no. Lumapit yung dalawang pulis and take note sumakay pa ng mobile at nag sirena pa, pag lapit sa akin pinakita ko sa kanila na natawa ako sa pagsirena nila, then galit na galit yung pulis dahil pinalapit ko sila, I confidently told them I can't coz kung babalik ako I will be charge for counter flow and abala yung check point na ginagawa nila so i said it is only ok na maabala rin sila sa paglapit sa akin.

They checked my papers and I arrogantly said may violation ba, coz kung wala eh late na ako, abala na ito They can find any, before I left I asked them paano kayo babalik niyan, kailangan niyong umikot or else may violation kayo... then what do you expect, counter flow sila, I raised my hand na parang sinabi ko YAH RIGHT!

Now I don't recommend na ganun din ang gawin niyo pero kung alam niyo ang rights niyo you will know how to use it in a right way in a right time.


hahaha... lakas talaga ng loob mo sir. buti di mo sila kinarate tulad ng ginawa mo sa taxi driver nun:O

dankurtbs
August 28th, 2007, 11:11 AM
Ako, sa totoo lang, PRO ako sa mga checkpoints lalo na sa mga alanganing oras. Pag may mga checkpoint nga, sinasabi ko pa sa mga pulis na sana maging frequent na sila para naman lumakas ang "Police visibility" at maging tulong na rin sa mga rider na naglalakbay sa alanganing oras.

Sana, lagyan nila ng marami jan sa Cavite area at sa mga alanganing mga places.

Sa aking experience, pag ok naman ang rider, ok rin ang mga pulis na nagche-check, sir pa nga ang tawag nila eh at sinasabi pang, sir, pasencya na sa abala.

ylectroman
August 28th, 2007, 12:42 PM
ok lang kung pulis ang nasa check point.... ang nakaka inis mga tanod yun iba.. like sa marcos highway (u-turn galing sta. lucia) pinara ako kala ko mga swat at black ang uniform ang daming MC nakahinto at wala ako nakitang pulis na naka uniform... kala ko baril yun ikinakaway sa akin batuta pla... sa inis ko tinakbuhan ko nalang ang mga mokong... sa experience ko mas mayayabang pa sila kesa sa mga pulis...

wallydelacruz
August 28th, 2007, 01:05 PM
oo nga... muntik na ako madali nang mga yan, dyan sa may u-turn after sta.lucia.. pag ka u-turn ko pinara ako eh nakita ko deputized lang.. nilusot ko sa barier tapos tinakbuhan ko...

ylectroman
August 28th, 2007, 01:27 PM
mga ogag yun check point na yun.. check point sa u-turn mismo.. paano kung mabanga ka sa likod ng cage dahil u turn nga at di makikita ng ibang cage.. next time na makita ko uli sila dun di ko tatakbuhan hihinto ako at tatanunging ko kung alam ba nila na delikado yun ginagawa nila at sila ang magpapagawa in case na may maaksidente...

mike cardoza
August 28th, 2007, 01:41 PM
okay lang na ARMED ang ibang nasa checkpoint, basta wag lang itututok sa tao. once na itinutok sayo with no reasons... pwede mo silang idemanda.

Tama bro andami na nakasuhan sa mga ganyan style ng mga pulis..kasi sa totoo lang abusado ang mga pulis sa mga motorista..
:banana: :banana:

sunsetrider
October 10th, 2007, 10:53 PM
Hindi naman lahat ng checkpoints abusado.
Minsan umakyat ako sa Marilaque,
may checkpoint pala ng marines sa itaas,
siguro walo sila, may kasamang officer, na giniginaw din,
may bagyo kasi noon.

Ang hiningi lang sa akin, lisensiya,
ipinakita ko naman.
Pagkatapos wala na.
Nagkape ako sa Pranjetto,
pagbalik, may sumita ulit,
sabi nong kasama niya, ok na yan kanina.

Panay pa nga ang hingi ng dispensa.
Sana gayon lahat ang mga
personnel sa checkpoints.

iCe213
October 11th, 2007, 01:06 AM
pro ako sa mga checkpoints.. ang di lang ako PRO ay dun sa mga bastos na pulis... kala mo ay may ginawa kang mali.

zeke_
October 11th, 2007, 04:12 AM
sa may Alabang Town Center meron din minsan pag mga 2 to 4pm. ok naman pag familiar ka na sa kanila palulusutin ka na

vchange
October 13th, 2007, 08:50 AM
Hindi naman lahat ng checkpoints abusado.
Minsan umakyat ako sa Marilaque,
may checkpoint pala ng marines sa itaas,
siguro walo sila, may kasamang officer, na giniginaw din,
may bagyo kasi noon.

Ang hiningi lang sa akin, lisensiya,
ipinakita ko naman.
Pagkatapos wala na.
Nagkape ako sa Pranjetto,
pagbalik, may sumita ulit,
sabi nong kasama niya, ok na yan kanina.

Panay pa nga ang hingi ng dispensa.
Sana gayon lahat ang mga
personnel sa checkpoints.

bro natyempuhan mo lang ang isa sa isang libo.nakatyempo na rin ako nyan sa may apalit pampanga ng mag break in kami ok sila at sasabihan ka pa pag alis mo na "ingat po kayo sa byahe". d2 sa manila ultimo tanod pulis umasta.isipin mo na lang kung may nabigyan pa ng mas mataas na authority. Talagang sa probinsya maayos ang mga authoridad. Noong araw may mga sparrow saka vigilante umayus din dito, napansin ko lang.

nz75
October 13th, 2007, 04:24 PM
peace of advice mga bro.
kung legitimate na checkpoint yan, nasa maliwanag na lugar wearing complete ID,s and uniform, tapos mga polite mag tanong hindi nanakot, pag pina hinto ka, nag gregreat pa ng " good evening sir, routin checkpoint lang or for verification lang po" siguro nman hindi masama diba? this is for our own safety rin mga law abiding citizen.
tapos ito mga ichecheck nila.: 1. drivers licence. 2. O.R. C.R. 2. if complete and walang aberya they should let you go w/in 5mins. if not pwede nyo silang balikan kung pinag hintay kayo ng mahigit 5mins. may mga name plate yan and tandaan nyo lagi mga mobile car # if any untowards na mangyayari para maireport kung sakasakli...
one thing! wag na wag nyo pahahalungkat ang mga ubox nyo or any compartment ng sasakyan nyo, remember that occular inspection lang ang dapat nilang gawin, if ever na pinlit kanilang gawin yun pwede rin silang ireklamo...

CJTATTOO
October 13th, 2007, 04:57 PM
Im not sure how the PNP does it on their SOP but the Armed personel with the long arm is called The Cover Sentry.

He is there to look INTIMIDATING. Does not communicate with any one being challenged at the post (MC riders requested to produce documents).

In short, he just there for SHOW unless required by a situation which will require the long arm.

Yup I heard about this SOP a long time ago from a policeman friend.

There was one time I was on my bike with a drunk friend who was too wasted to stay still. Anywayz, it was around 2 -3 am on the road parallel to Paliparan in Marikina when I passed by for what I thought was a checkpoint. There were about 10 swat and uniformed officers all of whom had long guns and at a "combatative" stance. I almost **** my pants for my bike was the only vehicle and for that matter the only thing moving that time. I slowed down, so slow it was like walking, for at the back of my head I was thinking of this businessman who was ambushed (but is alive) "mistakenly" for a carnapper at C5. They didnt flag me down but to be sure they wouldnt shoot I stopped and very slowly proceeded. No way was I gonna speed away for another "mistake" might occur.

The lesson: Be wary of people, whether civilian or not, who are armed.

kentrullench
October 13th, 2007, 09:47 PM
pulis na masasama dapat i-consider na rin as "terrorists"

I totally agree!!!!Dapat lumabas na ulit ang ABB!

Mabin28
October 17th, 2007, 04:41 AM
sa totoo lang whenever hinihinto ako ng mga pulis, unang pumapasok sa isip ko ay kokotongan lang ako ng mga ito. hay. sa sampung pulis swerte na siguro ang isang matino.

Ajikhrys
October 18th, 2007, 12:44 PM
kasama na nga sa weekly budget ko yung ibibigay sa pulis e. . .dyaske pati checkpoint dapat lagyan na din ng business permit

b-one
October 18th, 2007, 02:10 PM
okay lang sana mga checkpoints kung para sa lahat, di lang sa mga naka-motorsiklo.
para talagang nasasala nila ang mga masasamang elemento na maaring naka-cage o MC.
saka sana pag wala naman problem sa lisensya at rehistro, pinaaalis na nila agad...
di yung hahanapan ka pa ng butas para pagka-perahan ka.

yung mga pulis o sundalo na usually tumatao sa checkpoints,
sa tingin ko wala naman silang ready na booklet para pang-ticket sa ano mang traffic violation.
so nangyayari, tatakutin ka na lang nila para yung fine mo sa kanila na lang ibabayad.

b-one
October 18th, 2007, 02:17 PM
share ko lang din...
nung na-checkpoint kami minsan,
habang tinitingnan yung mga documents namin.
yung isang pulis, may pinarang naka-motor...
di huminto yung rider, humatawa pa.
napahiya yung pulis, sabi na lang niya: "next time"...

naisip ko tuloy,
pag wala naman motor na gamit mga pulis,
o kaya kahit may service car pa sila... takbuhan ko na lang din,
malamang bago pa man makahabol mga yun, kahit papaano nakaagwat ka na sa kanila. :D

CJ_Perez
October 18th, 2007, 02:40 PM
share ko lang din...
nung na-checkpoint kami minsan,
habang tinitingnan yung mga documents namin.
yung isang pulis, may pinarang naka-motor...
di huminto yung rider, humatawa pa.
napahiya yung pulis, sabi na lang niya: "next time"...

naisip ko tuloy,
pag wala naman motor na gamit mga pulis,
o kaya kahit may service car pa sila... takbuhan ko na lang din,
malamang bago pa man makahabol mga yun, kahit papaano nakaagwat ka na sa kanila. :D

ginawa na natin toh sir sa Marcos Hi-Way davah... nung nag 3am Marilaque Ride tayo...

b-one
October 18th, 2007, 03:28 PM
ginawa na natin toh sir sa Marcos Hi-Way davah... nung nag 3am Marilaque Ride tayo...

exactly... "learn from experience" sabi nga nila,
kaya ako hinatawan ko na lang din sila nung pinapara nila ako.
kung di nga ako nagkakamali...
maluwang yung daan considering na 3am na yun,
and yung mga cops may mga hawak na "long arms" din
kung hahabulin nila ako, pwede nila ako habulin... motor lang ako, revo sa kanila.
kung babarilin naman nila ako, paulanan lang nila ako ng m-16 nila malamang tatamaan nila ako.
pero wala na rin sila nagawa... naka-chamba lang ako siguro... hehehe. :D

as far as i know naman mga sir/ma'am,
as long as you're not a criminal at di ka naman pinaghahanap ng batas.
there's no reason for any person of authority to shoot you basta-basta,
matinding malas na lang talaga kung mangyayari yun... oras mo na talaga yun kung ganun.
and besides, kung hahabulin ka nila at mahuli ka may option ka pa rin naman -- LAGAY. :) :D :)