Custom Search

View Full Version : reaction to rider clothes/gears

Pages : [1] 2

miccle
July 19th, 2007, 01:50 PM
nangyari na ba sa inyo 'to?

during my first year of riding to work, i only wear my office clothes tapos nakapatong lang ang wind breaker tapos gloves na mumurahin & my index helmet. one time sabi ng boss ko: 'di ka ba natatakot magbyahe na manipis lang ang jacket mo? sabi ko: 'di naman ma'am. pero 'pag may pera na ako bibili din ako ng mas makapal na jacket.:D

on my second year of riding, gamit ko sa byahe maong pants & makapal na jacket na, still mumurahing gloves & helmet. sabi ng mga officemates ko: sir, mukhang ginaw na ginaw ka, ah? may snow na ba sa pampanga?:eek:

after afew months, i had my first black leather jacket (kagaya nung gamit ni nicolas cage sa ghost rider film nya). sabi ng mga office mates ko: sir, astig tayo ngayon ah, para kang addict na rocker na naka-motor!:evil:

so, i decided to get another jacket. this time its a honda leather jacket. 'twing papasok ako my office mates would jokingly ask me: sir, san ang karera?:*

this year, i got myself a set of fox (standard) knee/elbow pads. to my surprise my office mates made another joke. 'pag pasok ko sa office, sumisigaw sila ng: "rider change" (a.k.a. mask rider black).:?

tumatawa lang ako pero iniisip ko: pa'no kaya 'pag nakumpleto ko na riding gears ko, 'di kaya nila ako tawaging SHAIDER? hehehe! :banana:

jbinueza
July 19th, 2007, 02:02 PM
buti nga ganun lang inabot mo, hehehe

sa akin, etong sinabi nila: Nandito na si Darth Vader, heheheh :O :O :O

kasi ang helmet ko dati ay German-type (made of fiber-glass material)...
tapos with matching goggles na tinted at saka dust mask na parang gas-mask ang dating...at all-black attire/jacket/gloves and pantalon..
at motor ko pa noon ay yamaha V-50 :O :O :O :O

pero, anyways, h'wag mong pansinin yun...ang importante ay responsable tayo pagdating sa pagmomotor/pagmamaneho :)

markpogi
July 19th, 2007, 02:14 PM
ok lang yan sir ganyan din ako tawag sa akin kung di shaider eh! bioman kasi meron ako attire na blue lahat at pula lahat di ko iniintindi yun basta importante sa akin eh protected ako madalas sinasakyan ko pa biro nila ginagaya ko rin yung pagpapalit anyo ni shaider kaya tawanan sila ng tawanan officemate ko.

khimmy
July 19th, 2007, 02:40 PM
mkikisali nrin po..ako rin po mga sir pgka dumarting ako sa opisina na nka knee and elbow pads lagi nila ako binibiro.. "MAG SSKATE BOARD KABA?" :O :O :D heheheh...tumtwa nlng ako mga sir at sinaksakyan nlng po biro nila...

Wag po kau mag alala sir ok lng po yan as long as safe po kau lagi wlang dapat ikahiya..Be proud sir and be the role model to implement the proper safety gears when riding... :* :*

Col.TED
July 19th, 2007, 02:52 PM
sagutin nyo na lang na......."siko at tuhod lang ng baka at baboy ang nabibili sa palengke!!!.....":)

Hardliner
July 19th, 2007, 04:02 PM
ako sa office ako lang ang nagsasabing RIDER CHANGE and shaider sa sarili ko. tapos natatawa na sila. so ngayon kapag papalapit na ko sa cubicle nila naririnig ko sa kanila..."nandiyan na si pulis pangkalawakan." :O

NOMADZ
July 19th, 2007, 04:56 PM
Mask Raider Black, Shaider, Robocop, Pulis pangkalawakan at kung anu-ano pa.... Pero sa Community namin mga 3 non MCP riders na ang naattract ko na bumili at magsuot ng gears without talking with them. Yung iba kunwari nangaasar pero deep inside naiingit na pala or on back of their mind eh" Wow astig naman tong rider na to, makabili nga rin ng ganyan.:O " Basta ako loud and proud with my Gears, kahit ano pang ang tawag nila sakin.:D

adecsc50
July 19th, 2007, 04:59 PM
well mas masarap mag suot talaga ng complete gears parang ang sarap sumemplang heheh joke..

miccle
July 19th, 2007, 05:56 PM
RIDER CHANGE!!! 5pm na naman kase, hehehe!

sealander
July 19th, 2007, 11:59 PM
once a girl officemate of mine asked me if I was the owner of the black komine jacket. sabi nya cute ko daw tignan. ganda daw tignan kasi all black from helmet/ jacket/pants/gloves pati motor.. it turned out na she used to ride before also. sabi ko sige kung gusto mo backride kita..

huwag mo nalang sila pansinin. titigil din yan. or if you want tell them your reasons why you wear such outfit. baka ignorant sila sa mga ganyang bagay.

verve
July 20th, 2007, 12:08 AM
I can relate to the thread starter.

Dont worry sir "Image is nothing, Safety is Everything"

Ok din kasi na maging role model sa mga aspiring rider or veteran rider na di gaanong safety oriented.

ronz096
July 20th, 2007, 12:13 AM
nangyari na ba sa inyo 'to?

during my first year of riding to work, i only wear my office clothes tapos nakapatong lang ang wind breaker tapos gloves na mumurahin & my index helmet. one time sabi ng boss ko: 'di ka ba natatakot magbyahe na manipis lang ang jacket mo? sabi ko: 'di naman ma'am. pero 'pag may pera na ako bibili din ako ng mas makapal na jacket.:D

on my second year of riding, gamit ko sa byahe maong pants & makapal na jacket na, still mumurahing gloves & helmet. sabi ng mga officemates ko: sir, mukhang ginaw na ginaw ka, ah? may snow na ba sa pampanga?:eek:

after afew months, i had my first black leather jacket (kagaya nung gamit ni nicolas cage sa ghost rider film nya). sabi ng mga office mates ko: sir, astig tayo ngayon ah, para kang addict na rocker na naka-motor!:evil:

so, i decided to get another jacket. this time its a honda leather jacket. 'twing papasok ako my office mates would jokingly ask me: sir, san ang karera?:*

this year, i got myself a set of fox (standard) knee/elbow pads. to my surprise my office mates made another joke. 'pag pasok ko sa office, sumisigaw sila ng: "rider change" (a.k.a. mask rider black).:?

tumatawa lang ako pero iniisip ko: pa'no kaya 'pag nakumpleto ko na riding gears ko, 'di kaya nila ako tawaging SHAIDER? hehehe! :banana:

Hahahahahahaha!!! ang yayabang ah!!! Yan yung mga walang alam sa Motor, baka hindi nila alam kung magkano ang mga gears natin:D :D

mao_red
July 20th, 2007, 03:01 AM
sagutin nyo na lang na......."siko at tuhod lang ng baka at baboy ang nabibili sa palengke!!!.....":)

haha..natawa ako dito ah..

ok lang yan...at least, protektado ang katawan..:clap:

ride safe

emma
July 20th, 2007, 03:39 AM
sa akin okei ang dating nang complete gear kahit pa sabihin nila na mukhang engeng ,...basta sa akin its look different ...may dating saka safe pa :)

ron
July 20th, 2007, 05:32 AM
happened to me a couple of times in the past. ang sinasabi nila sakin eh "kakarera kayo?" or "mukha kayong sasabak sa gera ah" and lastly from my dad: "nung naka big bike ka di ka nakaganyan, ngayong naka maliit na motor ka tsaka ka nagbibibili ng ganyan"

Freelancer, The
July 20th, 2007, 05:40 AM
I can relate to the thread starter.

Dont worry sir "Image is nothing, Safety is Everything"

Ok din kasi na maging role model sa mga aspiring rider or veteran rider na di gaanong safety oriented.

There it is!

My option on safety gears on a MC is what i use. BDU (battle dress uniform), Strapped combat boots, knee pads, elbow pads, leather jacket and the mandatory helmet.

may nangingiti and umiiling and may sumisigaw pa. May sarcastic comments and complimentary response.

Eitherway, like mentioned above..SAFETY IS EVERYTHING.

Freelancer, The
July 20th, 2007, 05:43 AM
happened to me a couple of times in the past. ang sinasabi nila sakin eh "kakarera kayo?" or "mukha kayong sasabak sa gera ah" and lastly from my dad: "nung naka big bike ka di ka nakaganyan, ngayong naka maliit na motor ka tsaka ka nagbibibili ng ganyan"

ah ah ah!!!! Minsan me and a buddy swapped bike..he had a TMX125 and i still had my gears on, may nangantyaw, "mas mahal pa ata damit nyo kesa sa motor".
It was a sarcastic remark pero may chances on surviving an accident is much greater than not having them (-:

beta675
July 20th, 2007, 06:02 AM
....I think it's the awareness din ng mga nakapaligid kung they are used to see this protective gears...Mahal kasing magkaprotective gears, nung una binibiro nila ko kung may laban ng race pero ngayon sanay na sila sa nakikita nila kaya wala ng comments...Ang nagccomment lang naman madalas ay kakilala natin but yung mga nakakakita naman sa atin sa roads ay they envy us for our gears...

jempot_pagukpok
July 20th, 2007, 07:13 AM
ako din..pero laging kong sinasabi sa kanila na 3 out of 10 ridrs everyday meet an accident..and 2 out of those 3 doesnt have any protection plus wearing cheap helmets, resulting for them to be hurt heavily at ung isang n naaksidente naka proper gear kaya minor damage.. white lies kung ttawagin pero it makes them think that we are wearing this stuff not just to gain attention but to protect and teach other riders of what a responsible rider should be...

Ichthus Janz
July 20th, 2007, 10:22 AM
Yung mga sekyu din namin madalas ako punahin kapag pumapasok ako in full battle gear. Ang sagot kong pabiro minsan eh "Suma-sideline kasi ako na Pulis Pangkalawakan sa gabi," sabay kindat.

Nung minsan rin inaasar ako nung ma-epal na bading supervisor sa amin. Sabi nya "You looked like your attending a costume party."

Sagot ko naman sa kanya "Well, wearing all of these is a lot cheaper than skin grafting. My boots cost a 2000 bucks more than your fake Italian shoes, my knee guards cost 3000 pesos more than your pants, my jacket is 5000 more expensive than your shirt and my helmet cost 4000 pesos more than your eyeware. Now why wouldnt I wear them everyday for protection?

Simula nun hindi na sya nagcocoment kapag nagkakasalubong kami.

Freelancer, The
July 20th, 2007, 10:29 AM

WHAT WHERE YOU THINKING! (-:
Anyway, Ah ah ah ah!!!!
Maybe i should try that.

Ichthus Janz
July 20th, 2007, 10:35 AM
WHAT WHERE YOU THINKING! (-:
Anyway, Ah ah ah ah!!!!
Maybe i should try that.

Hahaha... akala nya kasi agent lang ako dun sa office namin. Nung minsan nagtraining yung mga visor nagulat sya lalo kasi din nya alam na ako pala ang maghahandle ng training nila. Sabi ko kanya "Nice to see you here Paul, hope you pass my exams."

NSCB
July 20th, 2007, 05:26 PM
mga bros...

di lang talaga maka-relate yung mga non-mc riders...ang hirap nyan, yun pa mismong mga nagmo-motor ang magko-comment ng ganyan...pabayaan na lang natin sila kung ano ang trip nila...what's important is our safety...

it's almost 5pm pala...kaya ako, malapit ng mag.... POWER RANGER...he he he

13x_xtreme
July 21st, 2007, 11:53 PM
nangyari na ba sa inyo 'to?

during my first year of riding to work, i only wear my office clothes tapos nakapatong lang ang wind breaker tapos gloves na mumurahin & my index helmet. one time sabi ng boss ko: 'di ka ba natatakot magbyahe na manipis lang ang jacket mo? sabi ko: 'di naman ma'am. pero 'pag may pera na ako bibili din ako ng mas makapal na jacket.:D

on my second year of riding, gamit ko sa byahe maong pants & makapal na jacket na, still mumurahing gloves & helmet. sabi ng mga officemates ko: sir, mukhang ginaw na ginaw ka, ah? may snow na ba sa pampanga?:eek:

after afew months, i had my first black leather jacket (kagaya nung gamit ni nicolas cage sa ghost rider film nya). sabi ng mga office mates ko: sir, astig tayo ngayon ah, para kang addict na rocker na naka-motor!:evil:

so, i decided to get another jacket. this time its a honda leather jacket. 'twing papasok ako my office mates would jokingly ask me: sir, san ang karera?:*

this year, i got myself a set of fox (standard) knee/elbow pads. to my surprise my office mates made another joke. 'pag pasok ko sa office, sumisigaw sila ng: "rider change" (a.k.a. mask rider black).:?

tumatawa lang ako pero iniisip ko: pa'no kaya 'pag nakumpleto ko na riding gears ko, 'di kaya nila ako tawaging SHAIDER? hehehe! :banana:
IKAW lang b naka bike sa office nyo?yaan mo balang araw hingi din ng advice mga yan pag naka MC na rin cla.,one time nga d naalis nung friend ko knee pads nya.,may nag pa rinig ng "adik k b?" sa likuran nya.,ang sabi na lang nya.,boy, TROY LEE tatak nito.,buti na lang naawat ko.
ride safe mga FAFA!

tomas
July 22nd, 2007, 12:11 AM
ganun talga..ingit lng mga yan...hehe madami na ko friends na naturuan ko mghelmet and jacket lagi..
kpag nkakakita nman ung gf ko ng mga complete gears..sbihin nya "ayun oh responsible rider..astig" :D

Freelancer, The
July 22nd, 2007, 12:17 AM
ganun talga..ingit lng mga yan...hehe madami na ko friends na naturuan ko mghelmet and jacket lagi..
kpag nkakakita nman ung gf ko ng mga complete gears..sbihin nya "ayun oh responsible rider..astig" :D

napangiti ako dita. But yes, part of being a responsible driver ang gears.

jeric aquino
July 22nd, 2007, 02:14 AM
padagdag na rin po......

my officemates also tell me para daw ako mmda or highway patrol or catcher daw ako sa baseball(gawa ng knee pads), yung pinsan ko which kasama ko rin sa work may fox raptor sya, mukha daw syang ninja turtle kaya sya nahihiya yata na magsuot kasi nakakantyawan lagi, ako tinatawanan ko lang, di kasi sila mc rider kaya di nila naiintindihan yun, .....ganun lang... ang tumatawa sa attire natin e hindi nakakaintindi di ba?hayaan na lang natin sila.
ang nakakaasar lang kapag ang kapwa mc rider natin ang tumatawa sa itsura natin,....(normally mga delivery or messengers, pero baka mamis-quote po ako,...di naman po lahat.....)
peace po.

magicboy
July 22nd, 2007, 08:03 AM
its really so irritating, these people make fun of u... well wat i can say is... an insult coming from a stupid person is equivalent to admiration from a wise individual.

Freelancer, The
July 22nd, 2007, 09:53 AM
its really so irritating, these people make fun of u... well wat i can say is... an insult coming from a stupid person is equivalent to admiration from a wise individual.

back in college daming mag comment about my gears...nakaka irritate and sira agad ang araw then i got used to it.
Now kung may gustong mang asar i laugh back at them and magtataka sila kung anong nakakatawa (-:
Paminsan minsan ko lang ginagawa coz kung may isip ung taong un hell think siya ang tinatawanan ko.
Generally kasi ang mga mahilig mang asar ay mga pikon.

smallvill3
July 22nd, 2007, 01:13 PM
its really so irritating, these people make fun of u... well wat i can say is... an insult coming from a stupid person is equivalent to admiration from a wise individual.

BRAVA!!! 10 gun salute for u :)

tama un d tayo dapat mairitate or mapikon, it's better b safe than late

cloudexmode
July 22nd, 2007, 01:30 PM
pa-add na rin po, sa amin naman po pag lalabas na ako ng bahay ang sinasabi naman sa akin ay: oh mga bata nandyan na ang ASTRONAUT:eek:, i am wearing a ZEUS 508 helmet and GIVI Jackets or SIBAKERO Jackets, mumurahing gloves at knee pads,.

nakakatuwa naman d2 sa amin kc pagkakaguluhan ka ng mga bata sa amin :O

by this year naman bibili naman ako ng FOX at GDR o Spyder na Helmet para may ka-alternate ang helmet ko

smallvill3
July 22nd, 2007, 02:33 PM

nice one bro :)

zack-attack
July 23rd, 2007, 09:48 AM
nangyari na ba sa inyo 'to?

during my first year of riding to work, i only wear my office clothes tapos nakapatong lang ang wind breaker tapos gloves na mumurahin & my index helmet. one time sabi ng boss ko: 'di ka ba natatakot magbyahe na manipis lang ang jacket mo? sabi ko: 'di naman ma'am. pero 'pag may pera na ako bibili din ako ng mas makapal na jacket.:D

on my second year of riding, gamit ko sa byahe maong pants & makapal na jacket na, still mumurahing gloves & helmet. sabi ng mga officemates ko: sir, mukhang ginaw na ginaw ka, ah? may snow na ba sa pampanga?:eek:

after afew months, i had my first black leather jacket (kagaya nung gamit ni nicolas cage sa ghost rider film nya). sabi ng mga office mates ko: sir, astig tayo ngayon ah, para kang addict na rocker na naka-motor!:evil:

so, i decided to get another jacket. this time its a honda leather jacket. 'twing papasok ako my office mates would jokingly ask me: sir, san ang karera?:*

this year, i got myself a set of fox (standard) knee/elbow pads. to my surprise my office mates made another joke. 'pag pasok ko sa office, sumisigaw sila ng: "rider change" (a.k.a. mask rider black).:?

tumatawa lang ako pero iniisip ko: pa'no kaya 'pag nakumpleto ko na riding gears ko, 'di kaya nila ako tawaging SHAIDER? hehehe! :banana:

nku sir wag nyong pansinin ang mga officemate nyo, kasi ang mga gears na yan jacket etc. nkakatulong sa atin mga riders yan, and mas makapal na jacket mas okay and gloves wag natin maliitin, dapat talga nka gloves tayo, kasi if ever ma aksidente tayo (wag naman sana), at complete gears tayo wala tayong mga gasgas sa katawan :D,

kaya Sir pabayaan nyo yung mga officemate nyo wag nyong pansinin, continue wearing gears :clap: saludo ko sa inyo sir kasi complete gear kayo :clap:

veyl_oiuja
July 23rd, 2007, 10:05 AM
pasingit po.. pano pag medyo malapit lapit lang ang pupuntahan niyo?, shorts pambahay, tshirt, jacket with pads.. ok lang ba yun? tska tsinelas.. tipong magdro-drop off lang..kasi hassle na pag nagshoes at medyas pa ulit..at pants.. "dagdag labahin nanaman" said mom..hehehe.. ok lang ba yun??opinion po...salamat..

DawnRipper
July 23rd, 2007, 10:09 AM
hehehe ako isa lang sinasagot ko
"HINDI NABABAYARAN ANG SAKIT NG SUGAT" :D :D

Freelancer, The
July 23rd, 2007, 10:12 AM
pasingit po.. pano pag medyo malapit lapit lang ang pupuntahan niyo?, shorts pambahay, tshirt, jacket with pads.. ok lang ba yun? tska tsinelas.. tipong magdro-drop off lang..kasi hassle na pag nagshoes at medyas pa ulit..at pants.. "dagdag labahin nanaman" said mom..hehehe.. ok lang ba yun??opinion po...salamat..

IMHO..MAGLAKAD KA NA LANG AT WALA KANG MARIRINIG KAY MOM (-:

veyl_oiuja
July 23rd, 2007, 10:13 AM
wahaha.. di pede lakarin eh....

niko8wa
July 23rd, 2007, 10:33 AM
usual reaction is "ang OA naman"

janner
July 23rd, 2007, 10:55 AM
nku sir wag nyong pansinin ang mga officemate nyo, kasi ang mga gears na yan jacket etc. nkakatulong sa atin mga riders yan, and mas makapal na jacket mas okay and gloves wag natin maliitin, dapat talga nka gloves tayo, kasi if ever ma aksidente tayo (wag naman sana), at complete gears tayo wala tayong mga gasgas sa katawan :D,

kaya Sir pabayaan nyo yung mga officemate nyo wag nyong pansinin, continue wearing gears :clap: saludo ko sa inyo sir kasi complete gear kayo :clap:
WISE MEN SAY SOMETHING, STUPID PEOPLE SAY "ANYTHING".

khimmy
July 23rd, 2007, 11:25 AM
Pra sakin po..im proud to be a role model and to use that safety gears when i use my mc...sabi nga nila "prevention is better than cure" kc ung mga iba nalalaman lng ang kahalagahan ng mga ito pgka na disgrsya na cla tska plamang cla bibibli..kya much better to prevent this invest na agad sa safety gears...

maxlyn04
July 23rd, 2007, 11:56 AM
sakin,tawag nila dito max rider black.ok lang,..at least alam nilang di ako pasaway na rider.

sa mga nakakasabay naman,tingin nila ang yabang nang dating mo,lalo na pag naka leather at puro sponsor pa.tingin ata nila,kakarerahin sila.

but sometimes,nakaka kuha din nang attract sa girl.madalas ka tignan.kasi kakaiba.di ko lang alam kung natatawa or nagagandahan.hehehe

zack-attack
July 23rd, 2007, 04:40 PM
pasingit po.. pano pag medyo malapit lapit lang ang pupuntahan niyo?, shorts pambahay, tshirt, jacket with pads.. ok lang ba yun? tska tsinelas.. tipong magdro-drop off lang..kasi hassle na pag nagshoes at medyas pa ulit..at pants.. "dagdag labahin nanaman" said mom..hehehe.. ok lang ba yun??opinion po...salamat..

ako sir opinion ko okay lng yan shirts, shorts, kung malapit lang talga, and yung takbo mo, parang nka bike lang ang bilis,para safe :D, pero helmet is a must..... :D

~* tHinKX *~
July 23rd, 2007, 05:01 PM
Ako din nagaganyan ng mga kapitbahay...

"Saan ba karera..."

Sabihin mo pag ganun... "Dyan lang sa BRC... :eek: "

or minsan naman "Balot na balot ah... "

then answer "Pasensya na mga patay gutom... may pambili ako eh... "

Hangas ko noh?? :D :D :D

zubzero
July 23rd, 2007, 05:19 PM
hehe buti nlang samen walang

hambog na ngsasabi saken ng mga

ganyan..ewan ko lang siguro sa mga taga

labasan ng subd..para kaseng may mumu

na nkikita pag dumadaan aku..hehehe..

basta para sa safety dun na TAYO...

x2per
July 23rd, 2007, 05:32 PM
Ako din nagaganyan ng mga kapitbahay...

"Saan ba karera..."

Sabihin mo pag ganun... "Dyan lang sa BRC... :eek: "

or minsan naman "Balot na balot ah... "

then answer "Pasensya na mga patay gutom... may pambili ako eh... "

Hangas ko noh?? :D :D :D

hahaha.. buti na lang mataba ako, pag lumalabas ako mukha daw akong SWAT dahil sa gears ko!!! kaya wala akong naririnig sa kanila... barilin ko sila pag me narinig akong di maganda... hahhahaha.. joke lang...

Ichthus Janz
July 23rd, 2007, 05:49 PM
hahaha.. buti na lang mataba ako, pag lumalabas ako mukha daw akong SWAT dahil sa gears ko!!! kaya wala akong naririnig sa kanila... barilin ko sila pag me narinig akong di maganda... hahhahaha.. joke lang...

Nyahahaha... Ako naman kahapon, pagkagaling ko Shell event (alang wenta) nakatambay yung mga Sunog Baga boys sa tapat namin, pagdaan ko nagsigawan sila ng "Papa Piolo!" tapos palakpakan sila paghubad ko ng helmet nagpalakpakan pa sila. Asar talo talaga ako, pero sinigawan ko na lang sila ng pabiro na "Mga Ungas!" sabay flying kiss.

blueDINK
July 23rd, 2007, 06:20 PM
ako naman kakalipat lang namin sa bagong haws namin 8 months na kami dito, eh minsan lang ako lumalabas ng house namin kaya di ko kakilala mga tao sa labas lalabas lang ako kung may bibilhin pero madalas tuwing lalabas ako at may pupuntahang malayo naka full gear ako nung minsang lumabas ako may lalaki tinanong ako "kumakarera ka ba?" sabi ko na lang "oo" ayun kaya siguro pag lumabas ako na naka full gear alam na nila na (kunwari may laban ako) kaya wala nang salita hehe!! astig rin!!

edfaith
July 23rd, 2007, 07:28 PM
hehehehe madalas sa daan pag may nakakasabay ako na naka ub din na minsan nga na wala pang helmet pag tignan ka para bang outcast ka... kakatuwa naman.... pero pag nakasabay mo naka greas din ang reaction naman...... astig.....!!!!! responsable tong rider na to..... at ang madalas na mangangarera sayo eh yung walang helmet...... hehehehehe.......

open akong bagong thread..... doon naman kayo mag comment.
"magkano na nagastos mo sa riding Gears mo"
http://www.motorcyclephilippines.com/forums/showthread.php?p=1425227#post1425227

miccle
July 24th, 2007, 01:20 PM
ako naman kakalipat lang namin sa bagong haws namin 8 months na kami dito, eh minsan lang ako lumalabas ng house namin kaya di ko kakilala mga tao sa labas lalabas lang ako kung may bibilhin pero madalas tuwing lalabas ako at may pupuntahang malayo naka full gear ako nung minsang lumabas ako may lalaki tinanong ako "kumakarera ka ba?" sabi ko na lang "oo" ayun kaya siguro pag lumabas ako na naka full gear alam na nila na (kunwari may laban ako) kaya wala nang salita hehe!! astig rin!!

ayus, hehehe!

x2per
July 25th, 2007, 12:37 AM
pasingit po.. pano pag medyo malapit lapit lang ang pupuntahan niyo?, shorts pambahay, tshirt, jacket with pads.. ok lang ba yun? tska tsinelas.. tipong magdro-drop off lang..kasi hassle na pag nagshoes at medyas pa ulit..at pants.. "dagdag labahin nanaman" said mom..hehehe.. ok lang ba yun??opinion po...salamat..

Opinyon ko lang po...

oks lang yan!!! wala naman nagbabawal na batas eh! Basta meron kang Helmet, license at wag kang BARUBAL magmaneho... eh pede naman! Kasi CHOICE mo yun eh, and ikaw din naman mag-suffer in case (wag naman sana) meron mangyari!!!