Custom Search

View Full Version : Gloves - for short everyday use - new and cheap

Pages : [1] 2

TriFlector
May 19th, 2007, 12:21 PM
Share ko lang po ung nabili ko kahapon na gloves.

Nabili ko po sa Indy 500 sa 10th avenue. P160 lang po. Madami pa pong color combination. Mas maganda ang tahi at material kesa sa Knighthood (na peke)

Kaso lang po may number na 46 at Gooooo! sa pinkie finger. Pang yamaha po ito. :o

http://i117.photobucket.com/albums/o72/triflector/general/GoGloves-02small.jpg

eto pa po ung ibang photos

- http://i117.photobucket.com/albums/o72/triflector/general/GoGloves-01.jpg
- http://i117.photobucket.com/albums/o72/triflector/general/GoGloves-03big.jpg
- http://i117.photobucket.com/albums/o72/triflector/general/GoGloves-02big.jpg

Jeff0208
May 19th, 2007, 07:15 PM
paps san yung 10th ave? Caloocan ba yun? Never been to caloocan e ^_^

TriFlector
May 19th, 2007, 08:46 PM
Mag LRT ka. Baba ka ng 10th. Lakad ka papuntang 5th ave. Station. 2nd corner ata ang tutuong 10th ave, turn left ka. Lakad kapa ng konti baka mapabili ka sa iba. P240 un sa iba. Hehehe.

Mag dala ka narin ng maraming pera at madaming mabibili dun. :s

Jeff0208
May 19th, 2007, 09:24 PM
may nabibili ba dung gamot sa bukol? he he he he

sige bukas mag-gagala ako... bibili na rin ako sa wakas ng Knee Pads ^_^

TriFlector
May 19th, 2007, 11:36 PM
may nabibili ba dung gamot sa bukol? he he he he

sige bukas mag-gagala ako... bibili na rin ako sa wakas ng Knee Pads ^_^

D. Jose papuntang Carriedo ung mga nagtitinda ng gamot sa bukol.

Sa 10th avenue, ikaw ang mabubukulan sa dami ng ubone na nagpapa-mod.

neodic
May 20th, 2007, 03:30 AM
ano po pangalan ng store na nabilhan mo. thanks

TriFlector
May 20th, 2007, 12:34 PM
Indy 500 po

tellybuhay
May 23rd, 2007, 02:27 PM
Uy mukhang maganda nga ah!

Jeff0208
May 23rd, 2007, 02:55 PM
@tellyfafa... sama ka sa sabado... sugurin natin Indy 500 he he he he

matnog
May 23rd, 2007, 05:23 PM
naka bili na rin ako po nito sa marikina.. 200 bili ko kulay black n red po kulay nya..

TriFlector
May 23rd, 2007, 06:32 PM
matnog, ang sarap sa kamay. Hindi mukhang mumu diba?

Pero napamahal ka.

Sa Indy, tinanong ako kung ilan kukunin ko e nung sinabi kong 'baka pwedeng P130 nalang'... Kukuha sana ako ng apat - apat na piraso o dalawang paris. hehehe.

matnog
May 24th, 2007, 04:20 PM
opo nga po.. kya ako bumili ng gloves kse ni kakalyo yung kamay ko.. ngayon nde na... ok lng po kahit medyo napa mahal. layo pa kse ng caloocan baka maligaw po ako. :)

stalker
May 24th, 2007, 06:21 PM
@ tri, matnog

sirs feedback naman dyan regarding sa gloves ok po ba sa grip, ventilation, etc

cRuIz3RBOI
May 24th, 2007, 08:31 PM
maraming salamat sa info sir...naghahanap din ako ng murang everyday gloves...
magse-search na sana ko buti na lang nakita ko agad to...:)

TriFlector
May 25th, 2007, 07:04 AM
@ tri, matnog

sirs feedback naman dyan regarding sa gloves ok po ba sa grip, ventilation, etc

Sobrang ganda ng grip. I guess one size lang yun. Didnt ask. Pero sa fingers ko, ok na ok. Sa Scoyco, I usually wear XL or L.

Compared sa Knighthood-dan, the finish, style, comfort, durability - they will get you thousand more kms on your trip. Kasi sa Knighthood-dan at Fox-an (blue or red) after using them for a week lang very short nagkatanggal tanggal na yung mga tahi sa palm. Iba sa finger. Sayang lang pera. Meron din ako na Scoyco (A series grey and red) mahal ng 3x, pero ang 46 na gloves same ang comfort feel sa akin kaya mas sulit.

And best of all, hindi sya mabaho sa kamay at hindi nag mamantsa kahit na medyo acidic ang pawis ko. hehehe

hotruss
May 25th, 2007, 10:22 AM
Ayos to! Makahingi nga ng pera kay misis. Hehehe....

Sa mga di familiar sa location ng Indy 500... pag kanan mo papasok ng 10th Ave galing LRT, unang kanto sa kanan. Katapat nya yung tindahan ng Criuser bikes made in China, parang Ying-Gang ang tunog. Maliit lang yung store at maraming tao kaya tyagain nyo na.

BTW, don't forget to lock your bikes. Baka maisahan kayo dyan.

stalker
May 25th, 2007, 10:29 AM
Sobrang ganda ng grip. I guess one size lang yun. Didnt ask. Pero sa fingers ko, ok na ok. Sa Scoyco, I usually wear XL or L.

Compared sa Knighthood-dan, the finish, style, comfort, durability - they will get you thousand more kms on your trip. Kasi sa Knighthood-dan at Fox-an (blue or red) after using them for a week lang very short nagkatanggal tanggal na yung mga tahi sa palm. Iba sa finger. Sayang lang pera. Meron din ako na Scoyco (A series grey and red) mahal ng 3x, pero ang 46 na gloves same ang comfort feel sa akin kaya mas sulit.

And best of all, hindi sya mabaho sa kamay at hindi nag mamantsa kahit na medyo acidic ang pawis ko. hehehe

ok sir thanks sa feedback, how about sa availability of colors marami bang variety ang pagpipilian prefer ko sana yung color all black kung meron man may napansin po ba kayo na all black

TriFlector
May 25th, 2007, 10:41 AM
ok sir thanks sa feedback, how about sa availability of colors marami bang variety ang pagpipilian prefer ko sana yung color all black kung meron man may napansin po ba kayo na all black

Meron ding all black. Hindi ko lang binili yon kasi sayang yung accent na rubber near sa knuckle. Parang ang kapal kasi tiknan pag red or as shown sa pic.

@hotruss - dagdag ko lang. pag KALIWA from LRT Monumento at pag KANAN from 5th Ave station. Unang kanan sa kanto at yun ang may pinaka maraming tumpok ng street vendo.

matnog
May 25th, 2007, 11:15 AM
sakin naman eto plng ang una kong gloves. ok pa naman mga 2 months ko na nagagamit, medyo iba na kulay sa dumi hehe, nde ko pa na try labhan, kulay black yung sakin last stock na kse yun dun sa binilhan ko eh. sarap gamit iwas kalyo. yung nga lang 1 size lng atah sya.

mionic
May 25th, 2007, 11:25 AM
matnog, anong store yun sa marikina? 2 months mo na pala nabili yung gloves mo eh baka pwede na matawaran yun ngayon. hehehe.

stalker
May 25th, 2007, 01:40 PM
@ Tri

ok sir salamas uli pasyalan ko minsan yan para makilatis na rin ng personal

matnog
May 25th, 2007, 02:28 PM
@mionic
nde ko alam yung name ng store.. tabi ng petron pag papunta kang meralco concepcion, pero ni puntahan ko uli wala na raw ganun eh, try mo baka meron uli stock.

cRuIz3RBOI
May 26th, 2007, 12:06 AM
galing ako ng Indy 500 kanina ... grabe, inabutan ako ng malakas na ulan
sa kagustuhan kong makabili ng gloves ... sampa yung motor ko sa gilid ng store,
pagpag konti ... lapit sa tindero sabay sabi, "meron kayong gloves yung tig-160?"
sabi ng tindero, "meron kuya!" ... isip ko, "ayus! me bago na ko gloves hehehe"..
abot sakin ng tindero ... kinilatis ko ng mabuti ang gloves ... maganda nga ...
hehehe ayus to, bargain! sabay sukat ng gloves ... putek hindi kasya!

Mabin28
May 26th, 2007, 06:06 AM
sir panong di kasya? malaki or maliit?

venerzky
May 26th, 2007, 06:16 AM
gawa ba ng GDR 'to:?

GDRX nakalagay eh..meaning pang motocross na gloves ng GDR :?

tama po ba:?

cRuIz3RBOI
May 26th, 2007, 07:11 AM
sir panong di kasya? malaki or maliit?

maliit sakin yung black na gloves & wla silang ibang size ... balik na lang ako
next week baka meron silang bagong stock ...

TriFlector
May 26th, 2007, 07:52 AM
gawa ba ng GDR 'to:?

GDRX nakalagay eh..meaning pang motocross na gloves ng GDR :?

tama po ba:?

Ang basa ko po ay GPRx. Yung sa may velcro naman ay DWJD. Dahil sa may 46, at Go!!!!!!!, tingin ko Rossi Yamaha yun hindi naman mukhang pang MotoX. Pero oks lang hindi naman halata kasi hindi pang motox yung helmet at suot kong jacket.

@cRuIz3RBOI - one size lang ata yun sir. Baka nga medyo maliit yung nakuha nyo. Yung sa akin maluwag pa almost as big as my Scoyco A004 na XL.

tukayo
May 27th, 2007, 02:07 PM
Galing din ako kahapon sa Indy. Tinanong ko kung magkano un gloves. P180 daw! Ang last price P170. Di muna ako bumili. Balik na lang ako bukas pagbukas nila. Bwena mano baka makuha pa ng P150 :O.

dugdugsit
May 31st, 2007, 04:34 PM
ganyan din nabili kong gloves, 250 nga lng kc d2 n s province.. blue ang color ng kinuha ko kc blue din mc ko eh, hehehe.. BTW, double purpose kc nggamit ko din gloves pg nglalaro airsoft, :D :D :D

NITROWAVE
July 3rd, 2007, 12:29 PM
Galing ako kahapon calookan... hinanap ko Indy500.. tanong ako gloves.. unang bigay sa akin nung babaeng tindera 185 last price na daw, sabi ko may thread sa MCPF na ang price nito ay 160.00 lang then may dumating na Chinese na lalaki (i think yun yung may ari) tinanong ni inday amo nya kung pwede 160.00.. Yun binigay ng 160.00. kaya ngayun meron na rin ako sarap sa palad, fit na fit sa akin,, mas ok kesa sa Knighthood or Kunva sport.

TriFlector
July 3rd, 2007, 12:37 PM
P250 nga bentahan nyan. Nakita ko dito sa amin sa Las Pinas, dami ng shops na nagbebenta ng P250.. :s

NITROWAVE
July 3rd, 2007, 02:05 PM
P250 nga bentahan nyan. Nakita ko dito sa amin sa Las Pinas, dami ng shops na nagbebenta ng P250.. :s

dapat makabili na ng pang reserba habang nakukuha pa natin ng 160 sa caloocan baka next time nasa 200 na rin bentahan nila.:?

Jeff0208
July 4th, 2007, 11:21 AM
mga fafa maawa kayo sa akin hindi ako makarating ng Caloocan (Laguna po ako) baka po meron dyan good samaritan na pwedeng pakisuyuan ko na makabili ng 2 pairs nang gloves na yan willing po ako makipagmeet sa Alabang-Sucat-Taguig-Makati Area ^_^ pm lang po ninyo ako chiching

j2TMC
July 4th, 2007, 11:53 AM
Share ko lang po ung nabili ko kahapon na gloves.

Nabili ko po sa Indy 500 sa 10th avenue. P160 lang po. Madami pa pong color combination. Mas maganda ang tahi at material kesa sa Knighthood (na peke)

Kaso lang po may number na 46 at Gooooo! sa pinkie finger. Pang yamaha po ito. :o

http://i117.photobucket.com/albums/o72/triflector/general/GoGloves-02small.jpg

eto pa po ung ibang photos

- http://i117.photobucket.com/albums/o72/triflector/general/GoGloves-01.jpg
- http://i117.photobucket.com/albums/o72/triflector/general/GoGloves-03big.jpg
- http://i117.photobucket.com/albums/o72/triflector/general/GoGloves-02big.jpg

Bro, ganda nito para sa price nya...How's it feel naman kapag ginagamit, makapit ba? Di kasi ako sanay na gumamit nang gwantes. Pakiramdam ko kasi di ko masyadong napipiga ang skut ko kapag naka-gwantes.:?

TriFlector
July 4th, 2007, 12:25 PM
Bro, ganda nito para sa price nya...How's it feel naman kapag ginagamit, makapit ba? Di kasi ako sanay na gumamit nang gwantes. Pakiramdam ko kasi di ko masyadong napipiga ang skut ko kapag naka-gwantes.:?

Nabanggit kopo at ni NITROWAVE na fit na fit sa kamay ang gloves.

Maganda pong sinyales yon ng quality nya.

Mas maganda po ang may gwantes (maski sa gawaing bahay lalo na pag bubuhat ng hagdang kahoy atbp hehehe) Proteksyon po ito sa kamay natin, lalo na pag sumemplang o nadulas lang ng kaunti ang motor. Pag naitukod po natin ang kamay hindi po agad matutuklap ang kamay natin.

Mas feel ko po ang gas pag may gwantes kesa sa wala. Mas maganda din ang grip sa manibela kesa sa palad na pangromansa :O

NITROWAVE
July 4th, 2007, 01:33 PM

correct ka dyn:hug:

gummy612
July 4th, 2007, 06:22 PM
Share ko lang po ung nabili ko kahapon na gloves.

Nabili ko po sa Indy 500 sa 10th avenue. P160 lang po. Madami pa pong color combination. Mas maganda ang tahi at material kesa sa Knighthood (na peke)

Kaso lang po may number na 46 at Gooooo! sa pinkie finger. Pang yamaha po ito. :o

http://i117.photobucket.com/albums/o72/triflector/general/GoGloves-02small.jpg

eto pa po ung ibang photos

- http://i117.photobucket.com/albums/o72/triflector/general/GoGloves-01.jpg
- http://i117.photobucket.com/albums/o72/triflector/general/GoGloves-03big.jpg
- http://i117.photobucket.com/albums/o72/triflector/general/GoGloves-02big.jpg

ser meron pa po ba natira kahit 1? pareserv ko nalang po sana eh. hehehehe...

TriFlector
July 4th, 2007, 07:23 PM
ser meron pa po ba natira kahit 1? pareserv ko nalang po sana eh. hehehehe...

kung akin lang ang tindahan, nireserve ko na lahat ng stock para sa mga tga rito..... :banana:

Jeff0208
July 5th, 2007, 10:06 AM
walang pumapansin hu hu hu

Hakz
July 5th, 2007, 11:29 AM
@jeff
pag nagawi sino man sa atin bro.. inform mo ako.. kuha mo din ako ha.
pag kami naman punta dun ibibili kita. :D

gummy612
July 5th, 2007, 05:02 PM
so wala na po natira ser?
huhuhuhuhu....

neodic
July 18th, 2007, 03:22 AM
nakabili ako ng 2, last month try mo lang magsukat yong iba malaki maliit nagtry lang ako ng pwede kakasya sa mrs. ko ung midyo maliit ung iba sobra laki ung para sa akin midyo malaki ng kunti gamit ko noong isang araw umuulan di agad nababasa ung loob ng gloves kahit basang basa na ung labas nito pwede na pang araw mukhang matibay naman

mhokz
July 18th, 2007, 08:08 AM
mga sir ask ko lang, bakit kailangan ng gloves? ano main purpose nito? what if di magsuot ng gloves? ako kasi nag try ako hindi ako komportable, kung porma lang dina lang mahirap kasing mag lagay sa katawan pag nagmamaneho pag di ka komportable baka pa madisgrasya.

TriFlector
July 18th, 2007, 08:24 AM

Sa una sir, kailangang mag-adjust.

Hindi po ito pang porma. It's more for added "skin" when you need it during a crash. Delivery boy nga po naka gwantes eh.

Another thing, sa dumi po ng hangin ang kamay po madaling pasukin ng alikabok. Kaya additional protection din sa germs at dumi sa kuko. :O Yung ibang MC (motox at topboy) meron ng dirt cover sa may lever kaya medyo ok na yun. And in my case, 12:30 po ang alis ko, sobra pong sakit sa balat ng araw kaya maganda rin ang gwantes.

For this daily ride gloves, I can afford to have as many as 5 pairs, para palitan gaya ng balaclava (siguro hindi kapa gumagamit non, noh?). Again hindi rin yon for porma. Dami rin talagang gamit yon. :)

hth

mao_red
July 19th, 2007, 07:42 PM
agree ako kay triflector..hindi ito pamporma..bahagi ito ng safety gears on riding..

anyway..nakabili ako ng katulad ng gloves mo Triflector pero dito lang sa may bago bantay..sulit nga..mas maganda ang fit kesa sa knighthood :)

ridesafe

kanuto123
July 20th, 2007, 01:50 AM
mga sir dapat check nyo muna kwality n2ng gloves b4 buying or using d porke maganda at mura pwede na looking at the pics ung kwality d ako convince na maproprotect talaga ung kamay ntn kc parang plain cloth with rubber lng eh.... as 4 everyday use d ba dapat or mas maganda ung leather gloves(mas maganda ung me knuckle) talagang tumatagal sa wear at tear,sure kayo na talagang makakatipid ka d2 at pinaka impt subok cya na protected talaga mga delicate hands natin... just a thought......remember guys do not compromise ur safety with cheap safety gears eto ung mag sasagip ng buhay ntn

mao_red
July 20th, 2007, 02:54 AM

yup..imo, mas gusto ko pa rin naman yun quality talaga na gloves/gears..pero sa ngayon, tulad ko na wala pa masyadong budget, ok na ito pansamantala. basta hindi pamporma, basta it will serve its purpose para "maprotektahan ng kaunti" ang mga palad ko sakali mang madisgrasya, pwedeng magamit..sino ba naman ang ayaw ng orig or naka "full battle gear" diba..??;)

TriFlector
July 20th, 2007, 07:13 AM
mga sir dapat check nyo muna kwality n2ng gloves b4 buying or using d porke maganda at mura pwede na looking at the pics ung kwality d ako convince na maproprotect talaga ung kamay ntn kc parang plain cloth with rubber lng eh.... as 4 everyday use d ba dapat or mas maganda ung leather gloves(mas maganda ung me knuckle) talagang tumatagal sa wear at tear,sure kayo na talagang makakatipid ka d2 at pinaka impt subok cya na protected talaga mga delicate hands natin... just a thought......remember guys do not compromise ur safety with cheap safety gears eto ung mag sasagip ng buhay ntn

Agree ako kay Mao.

Pero in my case, madami akong golves pati na ang (cheap) helmet.

- Merong (cheap) gloves at (cheap) helmet na pag bibili lang ako ng dyaro sa labasan. OA, sabi ng iba. Pero kesa naman sobrang ganda ng attire.

- Merong din (cheap) gloves at ibang (cheap) helmet at balaclava o face mask pag ang distance ng travel ko ay 3-5kms na. Kasi sa Las Pinas na maliit ang road (gaya ng sa iba), ang 5 mins na traffic o ride siguradong para ka naring nag yosi. Sa kagaya kong non-smoker at yatot, malaking issue yon kaya sa distance na ito, naka mask na ako.

- Meron din (pricey) gloves at (orig) helmet at satin balaclava pag 10-15 minutes na or when going to work (ganon lang kalayo ako sa work e). Again because of the traffic enough na ang cheapo pero orig na helmet. May tendency na kasi akong mag speed up ng konti from 60-100 for 3-5 minutes lang (fast but still a short trip pa rin).

- Meron din (knucled) gloves at (orig) helmet at satin balaclava at armor at reflectorized vest pag aabutin ng 1 hour or more ang ride.

Hindi po arte ang lahat ng yan o ang pa-iba iba ng combination ko ng gear for everyday ride. It's more because of hygiene. Madalas may short errands ako before going to work kaya gusto ko fresh ang combi sa next longer ride ko.

For longer occasional rides my main concern na is safety kaya there is a set for that.

Marami sa atin, ang (cotton or poly) jacket, gloves at (lalo na) balaclava pag mukhang marumi palang saka lang lalabhan. :eek: Kaya gusto ng iba sa atin as much as possible dark colored or preferrably black para hindi laging nilalabhan. Sabi nga sa commercial, ang germs hindi nakikita. Hehehe. I've got 2 toddlers, kaya can't compromise safety nila sa house. Ako ang sobrang exposed sa labas kaya ako din ang carrier ng germs. :nuts: Kaya sa pag laba, ang balaclava (daily) at cheapo cotton gloves (once a week). Para pag bigla kang may chic na kaangkas (wife ko man o hindi) may mabango at amoy downy akong extra pair.

In short, kaya sa gear dapat binabagayan ang lakad. At dapat may maintenance at 'breather' din.

For a cheap alternative like the one posted here (and the same goes for helmet and balaclavas) having 'extra skin' of protection is already enough kesa wala - dahil nag-aantay pa na makabili ng mamahalin pag meron ng pera o pag meron ng stock ng dream gear.

Sa dami ng dapat biling gear ng isang rider, ok na ang mga ganitong affordable alternative. :s

Jeff0208
July 20th, 2007, 11:00 AM
For me... this is the best beer... toinks.

Hay naku, ang sa akin lang.. sa akin lang ha wag na angkinin:

1. Cheap.. affordable.. e yun lang kaya kong bilhin e...
2. Durable... basta added protection ok lang.. kesa WALA.
3. Everyday use... hanggat pwedeng gamitin, hindi wasak wasak.. gamitin ko pa rin.. yun lang meron ako e.
4. Regaluhan nyo ako ng gloves.. kahit mumurahin tatanggapin ko

Guys, I had the chance to check on this glove dito sa Laguna (sa Binan-San Pedro di ko sure exact location). It's quite better than the fake "Kniothood" and may iba't ibang kulay din pala. The sad thing is... anak ng tupang itim!!! Php480.00 daw ang isa!! Buseeeeeeeeeeet!!!

TriFlector
July 20th, 2007, 11:41 AM
Guys, I had the chance to check on this glove dito sa Laguna (sa Binan-San Pedro di ko sure exact location). It's quite better than the fake "Kniothood" and may iba't ibang kulay din pala. The sad thing is... anak ng tupang itim!!! Php480.00 daw ang isa!! Buseeeeeeeeeeet!!!

Kasi mula Binan to Caloocan aabot ka siguro ng P150 balikan sa pamasahe. Kung motor baka mga P100 lang. E dahil pagod na pagod ka, mag jo-jolb ka pa na value meal na 2 pis chicken tapos mag e-extra rice kapa, P150. Kaya ayun, P480 nga. Para may tubo pa silang P20. :D