Custom Search

View Full Version : Usapang politics - anu experienced niyo sa mga namumuno?


froilanr
April 13th, 2007, 07:19 PM
Bros,

Malapit narin ang election. Hindi ako mahilig sa politics pero nais kolang i share ang na experienced namin patunkol sa mga barangay.

Dito sa amin grabe rin ang graft and corruption na nagmumula mismo sa mga barangay (barangay officials). Kung sino ang gusto nilang kampihan at por-kilala (kung wala ka kakilala sa kanila yari ka). Ibig kong sabihin kahit nasa tama ang pinaglalaban mo ikaw pa ang ibabaligtad or bibigyan pa ng kaso. :( :?

No wonder why tayo ang una (una sa graft and corruption sa Asia, siguro pati na buong mundo.:( :o).

Hindi ko alam paano pipiliin ang tamang iboboto kahit sa maraming years na akong nagboboto. Sabi nga nila dapat magboto ka, kaysa hindi ka mag-boto. Baka kasi daw gagamitin ang pangalan mo. Sa nangyayari ngayon sino pa kaya ang matinong tumatakbo ngayon. Hope meron pa!

Wala lang at least nailabas ko ang sama ng loob ko dito sa forum na ito. Baka kasi magkakasakit pa ako sa puso... Hindi ko naman kasi masasabi sa harapan mismo ng mga barangay officials ang sama ng loob ko sa nangyari sa aming pamilya, kasi alam ko maaring mapapahamak pa ako. Sorry hindi ko nalang sasabihin ang detalye...

Kaya tayo dapat siyasatin or alamin mabuti kung sino ang iboboto sa dumarating na eleksyon. Huwag iboto ang mga aroganteng at hindi honest or tumatupad ng maayos sa mga barangay tanod/official at kahit sa pinakamataas na position pa.

ronz096
April 13th, 2007, 10:12 PM
Masakit man sa loob ko pero hindi na ako bumuboto mula pa nung 1998 kasi sila sila nalang ang naka upo hindi naman umaasenso ang Pilipinas ang daming dapat gawin, actionan, pagaralan hindi nila magawa. Ang dami dyan mga kandidato na pati anak nila sumasabak narin sa politics kulang nalang mga anak sa tuhod apo at mga katulong nila gawin naring senador para sila sila nalang ang umupo at mamuno sa bansa.:O :O Ang kailangan natin mamuno is yung may kamay na bakal yung hindi nangungurakot or sabihin nalang natin na ok lang sana na mangurakot ng 2% lang, pero hindi eh 90% to 99% ang kinukurakot kaya ang daming nag hihirap sa atin. Sana nga Americano nalang ang mamuno sa atin kahit presidente lang para maiahon tayo, Garapalan kasi dito sa atin. Look the adds on tv, are you convince that they are telling the truth/ Pagpapaaral, i ahon sa hirap etc. Hehehehehehe nakakahiya sila i dont give a damm talaga:argue: :angry: :smoking: :pissed: :I :vomit:

joelski
April 13th, 2007, 10:20 PM
@ FROILANR


Bro. Naiintindihan kita sa hinanaing mo sa Barangay nyo re: sa mga Brgy. Official sa lugar nyo sa kuwento mo mukang na dehado kanga..Anyway mukang mahirap na talaga mabago ang Politika sa Pinas. Yan na ang naging tradisyon " Palakasan System" Bro. Brgy. KOnzelor po ako Baka pwede mo PM sakin nangyari? Bka makapag bigay Advice Po ako.. God Bless

Blueblaze
April 13th, 2007, 10:35 PM
TV adds lahat ng campaign materials ng mga kandidato wala namang totoo... para atang part of culture na yung graft and corruption.... nakakainis ngang isipin na talagang ganito na ang mundo ng pilipinas... sabihin nating ang kabataan ang pag-asa ng bayan, pano mo masasabing yan ang gagawin ng kabataan kung yung mismong mga opisyal o nakakatanda eh siya pa ang nagtuturo ng kalokohan... take a look guys, not only on politics side nangyayari ang mga ganitong bagay, sa private sectors or companies is also happening like this graft and corruption issue. companies are not affected because they are audited by the private firms, but on the side of employees napaka-kawawa, why? kasi they are paying all the taxes and duties that were above the posted margins let say 200pesos is only for the TAX but the pooor employee deducted his/her payslip with 250pesos, tax reported to the BIR is only 200petot... how could this terrifying schemes flying out and government sectors doesn't know about this???
one more thing that was bad on Filipinos, due to we are living this graft and corruption world... once we break any laws, we are eager to go and look to that grafiti officers to pay your fines so that no one or anyone file your case on the court, how stupid our Filipinos are... mas mabuting magbayad nalang kesa pumunta pa sa korte ang usapan...
where are the pag-asa ng bayan when Marcos ruled out the Philippines???? they are all seating on government chairs doing everything for good to themselves??? ohhhh how gracious this home country we have full grown with a alot of corruption kids that were ruling me out...
kung sabagay after maybe 50 years from now siguro yung mga mayayaman tataas ang bilang nila let say 2million ang mayayaman ngayon baka that time 10million na sila... ang dami nila diba, pero yung mahihirap malamang 10bilyong pilipino na...
cencia na medyo mahaba pero yan lang kasi nararamdaman ko sa pilipinas, sa pulitika, sa mga tao, at lahat ng nasa isip...

eto_ako
April 13th, 2007, 10:50 PM
masakit mang isipin, civil war nalang ang solution. bakit? naging part na kase ng culture nang karamihan ng Pilipino ang mga taong corrupt. alam kong maraming nagsasabing kaya pang daanin sa marangal na usapan ang problemang ito, pero ang masasabi ko lang sa mga taong iyon ay imulat na ang inyong mga mata, wag na kayong magbulagbulagan, alam nyo ang switwasyon ng Pilipinas.

TREBOR
April 13th, 2007, 11:02 PM
HMMMM interesting bakit nga kaya i remember before mga politician namimigay ng pera so tanggap naman kami ng mga barkada ko but in the end nasa iyo pa rin naman ang disisyon kung sino-sino iboboto mo di ba. politician some corrupt,church leader meron din corrupt,business leader meron din corrupt, member of the armed forces tiyak meron din ,sa mga kapulisan meron din.......bakit kaya ...itanong kaya natin sa mga bata.

voyLabo
April 14th, 2007, 12:23 PM
weather weather lang yan!.....kahit sino pa ang umupo wala na mangyayari. kahit mag rally pa araw araw ang mga militante (hanapbuhay na kasi) sa susunod na 50years ganun pa rin!

walang kama kamag-anak!......ows? bakit naman nung 1998 nung nanalo si erap ung pamilya ng misis ni jinggoy na nakatira lamang sa isang apartment eh biglang nagkaroon ng mga bagong sasakyan bigla, puro brand new tapos puro special plates pa. tapos ung pamilya mismo lumipat na sa isang malaking bahay sa san juan. coincidence lang ba o baka nanalo sa lotto?

voyLabo
April 14th, 2007, 12:30 PM
hangga't mga bobo tayo sa pag-boto wala na talaga mangyayari sa bansa natin! surveys? tumanda na ko't lahat ni minsan di pa ako natanong ng mga survey na yan, pera pera din lang kasi saka biased ang lugar na pinagkukunan ng mga yan! naghihirap daw pero may pambili ng alak, yosi, minsan droga pero sasabihin wala na makain!? wala sa hulog talaga mga pilipino kaya ganito tayo. nakakalungkot isipin na totoo aminin man natin o hindi.

Road Sector 808
April 14th, 2007, 01:25 PM
Politics? Kung ano ang PUNO sya rin ang BUNGA...wag na tayo magtaka kung bakit walang asenso Pilipinas, puro press release na maganda daw ang takbo ng ekonomiya, malakas ang PISO...bakit nga ba? hindi ba nila alam na lumobo ang bilang ng mga OFW's na syang contributor ng dollar remittance, kaya patuloy ang pagbaba ng value ng dollars...tapos may panukala pa na kukuhanan ng TAX ang mga remittance naming mga OFW's, grabe!!! bakit di nila ayusin ang tax collection sa mga negosyanteng banyaga?? eh kasi dami nga KURAKOT sa gobyerno pinupuno kani-kanilang bulsa, Meron pa dyan...over pricing sa pagpapagawa at pagpapaganda kuno ng syudad, mas maraming proyekto mas malaking kita!

Dati sabi GALUNGGONG ang pagkain ng mahihirap,.(kasi dati 2 piso isang tumpok).ngayon NOODLES katalo na! Samantalang ang mayayamang pulitiko na kurakot ay nag-uulam ng PORKCHOP...tayong mahihirap nagtityaga sa KETCHUP! hay naku...may pag-asa pa kaya tayo sa darating na mga mamumuno??? Eh kahit sa pangangampanya halata mo kung sino ang mapera sya ang maraming ads sa TV...paano naman ang kandidato na kulang sa budget pero ang puso ay nasa tunay na paglilingkod?...mga kababayan...sana maging bukas ang ating mga isip ,...gamitin natin ang ating talino sa pagboto...PEACE...

froilanr
April 14th, 2007, 01:31 PM
ronz096,
Hindi ako magtataka bakit marami na sa mga Pinoy din ang hindi bumoboto. Nagsawa na sila sa nangyayari... Dito nga sa amin meron humahabol na politics (anak ng mga kasalukuyang mga namumuno). Ang lalakas ng kanilang loob kasi power at pera meron na sila. Ang tanung qualified nga kaya sila? Dapat nga noon pa ang America na ang namuno sa ating bansa.


joelski,
Bro. thanks sa willingness mong tumulong pero na ayos na..., pero kami pa ang na-argabyado talaga. Ang Diyos ng bahala sa nangyari...


Blueblaze,
Kanino kaya nangagaling din ang perang pinang-a-advertised ng mga politics na yan. Nakakalungkot baka pera pa ng karamihang mamamayan (ordinary citizen na nagpapakahirap humanap buhay at nagbabayad ng tax regularly).

Blueblaze
April 14th, 2007, 02:10 PM
wala tayong makikitang good and right politician sa future why??? tingnan nalang natin sa Comelec andaming mamamayan ang gustong kumandidato bilang senador pero hindi pede bakit? kasi hindi raw kayang mangampanyan... so mean my sa Comelec palang my pader na para sa mga mahihirap... ako minsan gusto ko rin ang Parliamentary-Democratic form of government... pero ayoko yung form ng government na isinusulong ng CHA-CHA movers ngayon... why? kasi mas pabor sa Dynasty system ang Parliamentary nila ngayon... what I wanted to the system is that districts or provinces vote for their representative then all the reps will vote senators and still Presidential/Prime Minister will be a national election... and still Supreme court is still there and no appointees on the legislative positions not like the CHA-CHA things now...

Blackblaze
April 14th, 2007, 08:46 PM
Politics, in general, is a very "messy" place to be with. kse for example i am elected as, sabhin na natin na, president of the philippines, sa puso ko.. malinis ang hangarin ko sa bayan, pero kung ang mga nakapaligid sayo eh puros ganid at katakawan... magiging bagay na para sakin ang motto na ito, "sabihin kung sinong kasama mo, at sasabhin ko kung sino ka?!!!

At isa pa, kung gusto mong yumaman sa kahit anong paraan, tapos legal sa mata ng batas natin??????? PUMASOK KA SA PULITIKA!!. garantisado 100% sure. hehehhehe yun lang po masasbi ko sir blueblaze