Custom Search

View Full Version : best store in caloocan area for scoot?


Pages : 1 [2]

SOUL_10
July 4th, 2004, 12:34 PM
mga sir... observation ko lang po. di naman kasi lahat ng motor natin ay pare-pareho ng specs. siguro kaya palpak ang ibang mga gawa dahil di nila kabisado yung motor. base kay sir tricyle... matagal na syang nagpapagawa dun, dahil madami ngang mga nag ta-tricycle sa kalookan kaya siguro kabisado na nila kung ano man ang sira nito. kung may mga palpak man na ginawa baka naman nag mamarunong lang yung mekaniko at sige pa rin sa pag gawa. kaya sa mga SHOP owners, please be sure na magaling yung mekaniko nyo hindi lang sa isa o dalwang klase ng motor, ika nga eh pang all around, kasi po pangalang nyo ang nakataya dito.


gaya po ng storm 150 ko, takot akong ipakalikot hanggat di ko nalalaman na may karanasan na yung mekaniko sa ganitong klase ng motor ko.

may store sa 10th ave, kalimutan ko na yung name. bumili ako ng frog horn, then tinanong ko yung isang mekaniko kung pwedeng kabitan yung storm 150 ko. sagutin ba naman ako na "boss, antayin lang natin yung isang kasamahan ko, di pa kasi ako nakapag-kakabit sa ganyang klase ng motor" u see. alam naman nating madali ang mag kabit ng busina lalo na walang relay pero di nya kinabit, at inantay namin talaga yung mas nakaka-alam.
sana po makuha nyo yung idea na gusto kong sabihin

observation ko lang po ito mga sir ....

astig
July 7th, 2004, 12:25 AM
Astig ikaw ba si Idol DENNIS PADILLA? Kasi gamit mo user name ASTIG!

Boss Reekee98 di po ako si Dennis Padilla kasi po kung ako si Dennis Padilla eh di na ako magtyatyaga sa bulok na Dio. :O

Nabansagan lang po ako nung ipalabas ang pelikula nya na Astig pero ok naman po na palayaw kasi akala nila siga ako. :banana:

Mabalik po tayo sa topic.

Salamat po pala kay wjeffsy sa pagbigay ng discount. Nagpagawa po kami sa D'Ever nung isang araw ng katropa ko marami po kaming ipinagawa inabot po ng malaki nung sinabi po namin na member kami ng MCP at kaibigan ni Jeff eh binigyan kami ng 25% na discount :banana:

oks na oks me pambili na ako ng bagong gulong.

thanks ulit Jeff!! :cheers:

emo
August 9th, 2004, 12:20 AM
cno po ba ang nakakaalam ng tel.no. ng Biker's Choice?? paki post naman.. T.I.A

AR80
August 9th, 2004, 10:53 AM
I had very bad experiece with D'Ever Machine Works last Jan 2004....binaboy nung gumagawa yung cylinder head ng scooter ko...halos di magamit...ni-refund na lang yung kalahati kasi talagang di ko na magagamit yung cylinder head

reekee!!!!
aling scooter ito???

reekee98
August 9th, 2004, 11:35 PM
reekee!!!!
aling scooter ito???
Sinski Big Boy ko dati :D

czrocker
September 16th, 2004, 11:58 PM
Tama po si Tukayo. Parents ko may ari ng business kaya lang po eh nasa States ako ngayon kaya po gustuhin ko man na makatulong at ma meet kayo eh limited magagawa ko. Pero sinabi ko po sa kanila na member ako ng MCP at nabasa ko na me mga satisfied at dissatisfied customers sila. Natutuwa nga sila at nalalaman nila na kahit ala ako dyan sa Manila eh tumutulong pa rin ako sa business. Sinabi ko sa kanila na dapat eh masatisfy lahat ng customers at agree naman sila. At gusto rin nila na ipaabot ang pasasalamat sa mga tumatangkilik ng maliit nilang negosyo.

To those customers who are not satisfied, in behalf of my parents eh humihingi po ako ng paumanhin. Pero talaga pong minsan eh me risk na masira ang piyesa lalo na po kung nireremedyuhan na lang natin pero statistically eh mga 1 out of 100 lang nagyayari yun at minsan talaga eh human error na dahil di natin maiiwasan na nagkakamali rin trabahador. Pero kung mangyari po yun eh sabihin nyo na kaibigan kayo ni Jeff at susubukan ko pong gawan ng paraan.

Hayaan nyo dahil mga co-member at online friends ko kayo eh sasabihin ko na bigyan ng MALAKING DISCOUNT LAHAT NG MCP MEMBERS na magpapagawa sa D'EVER at kelangan eh masatisfy sa parepair.

Mamaya pong pag uwi ko eh mag long distance na ako sa mom ko para sabihin yun. At starting next week eh sabihin nyo lang na kaibigan nyo si Jeff at member kayo ng MCP para bigyan kayo ng discount sa repair bukod sa mababa na talaga presyo.

Salamat po ulit. :cheers:

Jeff

jeff pasyal ako minsan sa store niyo ha 7 dnt 4get the discount :banana:

wjeffsy
September 17th, 2004, 12:42 AM
salamat czrocker. no problem basta sabihin mo lang sa tumatao dun (either mom, dad or brother ko) na kaibigan mo si Jeff at member ka ng MCP para makadiscount.

Ride Safe!! :cheers:

czrocker
September 17th, 2004, 12:53 AM
tnx dude :banana: :banana: :banana: :banana: :banana:

beni2
September 17th, 2004, 01:14 PM
hi mga friends...pwede maki sali usapan ninyo. regarding doon sa topic ninyo na mga scooter shop and spareparts sa caloocan. gusto ko lang sanang itanong kung mayroon mga tindahan sa caloocan na kompleto at nag concentrate sa spareparts ng sym jet.

kung mayroon paki post na lang po. maraming salamat mga ka bros. :)

jet_023
September 17th, 2004, 07:12 PM
hi mga friends...pwede maki sali usapan ninyo. regarding doon sa topic ninyo na mga scooter shop and spareparts sa caloocan. gusto ko lang sanang itanong kung mayroon mga tindahan sa caloocan na kompleto at nag concentrate sa spareparts ng sym jet.

kung mayroon paki post na lang po. maraming salamat mga ka bros. :)

marami bro sa dekka, bikers choice, exact and cycleplus...naka jet ka ba???

beni2
September 18th, 2004, 09:24 AM
marami bro sa dekka, bikers choice, exact and cycleplus...naka jet ka ba???


Hi bro kamusta, salamat sa info...actually wala pa akong ride, nagplaplano pa lang. as of now nag iipon pa ako...di ko kasi kaya bumili ng bago kaya 2nd hand lang ang balak kong bilihin. pero sa ngayon malayo malayo pa ang budget ko ang target ko mga 36k ang price. I hope u understand.

ang sa akin lang naman gusto kong malaman at paghandaan ang lahat ng info and data kapag mayroon na akong sariling skut ay di na ako mahihirapan maghanap ng parts. with your kind help and all the good guys here at MCP.
maraming salamat bro sa info. :) :C

zerocool
September 18th, 2004, 11:04 AM
salamat czrocker. no problem basta sabihin mo lang sa tumatao dun (either mom, dad or brother ko) na kaibigan mo si Jeff at member ka ng MCP para makadiscount.

Ride Safe!! :cheers:

epal lang,

jeff I've heard alot from your store, magpapare-bore yung friend ko next week at yung isa magpapabalot ng block, may discount ba pag dinala ko sila dun? hehehe...thanks in advance!

jet_023
September 18th, 2004, 08:16 PM
Hi bro kamusta, salamat sa info...actually wala pa akong ride, nagplaplano pa lang. as of now nag iipon pa ako...di ko kasi kaya bumili ng bago kaya 2nd hand lang ang balak kong bilihin. pero sa ngayon malayo malayo pa ang budget ko ang target ko mga 36k ang price. I hope u understand.

ang sa akin lang naman gusto kong malaman at paghandaan ang lahat ng info and data kapag mayroon na akong sariling skut ay di na ako mahihirapan maghanap ng parts. with your kind help and all the good guys here at MCP.
maraming salamat bro sa info. :) :C


bro alang problem dun marami d2 makaka2long syo isa na ko dun basta post ka lang kung may itatanong ka maraming genius dito..hehehehe..nd about sa accessories kung bibihisan mo na pm mo lang ako marami akong alam na mabibilan ng mga fiberglass na pang porma ok...gudlak bro...JET RULES!!! :banana:

wjeffsy
September 20th, 2004, 11:04 AM
epal lang,

jeff I've heard alot from your store, magpapare-bore yung friend ko next week at yung isa magpapabalot ng block, may discount ba pag dinala ko sila dun? hehehe...thanks in advance!


salamat sa pagtangkilik! :cheers:

may discount ang mga MCP members. basta sabihin lang na friend nyo si Jeff at bibigyan kayo ng discount kahit na mura na ang singil. minsan mom ko nandun minsan dad o brother ko. nasa states kasi ako ngayon eh kaya kahit na gusto ko kayong asikasuhin personally eh di ko magawa.

thanks ulit at ingat sa riding :banana:

dharz
September 20th, 2004, 02:09 PM
mga Sir tanong ko lang kung saan may mabibiling "china skut" na parang "dio" yung style niya.. low budget kasi eh.. :( san kaya sa caloocan maganda bumuli ng ganun? meron po bang brand na "sukida"?? thanks in advance :)

jet_023
September 20th, 2004, 06:37 PM
bro sa 10th ave. madami dyan magstrol ka lang marami bagong bukas dyan na tinda nila puro china scoot...

FOSSIL
September 20th, 2004, 06:39 PM
mga Sir tanong ko lang kung saan may mabibiling "china skut" na parang "dio" yung style niya.. low budget kasi eh.. :( san kaya sa caloocan maganda bumuli ng ganun? meron po bang brand na "sukida"?? thanks in advance :)


merong sukida na brand ..... :)

dharz
September 22nd, 2004, 10:47 PM
fossil @ jet_023 thanks po sa reply nyo...peace! :cheers:

hopiaboy
October 19th, 2004, 04:50 PM
meron po bang mga accesories ng Grand Dink dyan sa Caloocan? Thanks!

cliffklepz
October 25th, 2004, 11:27 AM
________________________________
dami sir... sa 10th ave,,,, TRES HERMANAS, :)

chosen1
November 13th, 2004, 07:46 PM
Tanong ko lang kung anong shop sa caloocan nagbebenta gamit para sa Suzuki Sepia ko. karamihan kasi sa Dio and Jog.

burugudoy
March 8th, 2005, 11:00 PM
salamat czrocker. no problem basta sabihin mo lang sa tumatao dun (either mom, dad or brother ko) na kaibigan mo si Jeff at member ka ng MCP para makadiscount.

Ride Safe!! :cheers:


Bro, tanong ko lang sana kung gumagawa din b s shop nyo ng starter assembly pr s Lifan saturn.. nasira kc yung s motor ko at medyo mahirap humanap ng parts at mgaling gumawa kaya bk matulungan mo ko.. I've read all about the response and to me I think I could rely on your mechanics to do the job.. hope to hear from you soon or if anybody could help me out on where to get parts for my underbone.

thanks in advance :*

attack xrm
March 8th, 2005, 11:09 PM
i think 1 of the shop thats offering good quality parts is moto d- question lang? okey ba palitan ng carburador ng 155 cc honda ang xrm?l :R

The Flash
March 15th, 2005, 08:15 PM
meron po bang tumatanngap ng credit cards sa mga shops na mentioned sa thread na ito? And open kaya pag Sundays?

yan lang po, thanks in advance for the replies

fish_bone
August 11th, 2005, 10:14 AM
pano po pumunta sa deka sa caloocan kung mangagaling ako dito sa muņoz? d po kasi ako familiar sa caloocan e. saka ano po ang landmark ng deka para madali kong makita. hintay ko ang reply nyo mga sir. salamat po ng marami.....

wasz
October 6th, 2005, 04:02 PM
Hi fellow riders,

baka naman ma post nyo land line nos. ng mga store na ito?...

tHNX!!!

MC46
October 9th, 2005, 09:08 AM
mga bro for your info!
ako from laguna pa ako ha! pero i bought scooter parts sa BOCAUE BULACAN , why ? kc mura na at kumpleto pa. patunay na completo puntahan nyo sa bocaue all polini at malossi from crank shaft spring etc.... nandun lahat ! sobra kumpleto! and doon po nag titingi cla ng mga malossi spring sa caloocan by set ang benta the cost u 1000+ for 6pcs. clutch spring pero 3 springs lang ang magagamit mo dun, sa bocaue u can buy 3pcs. ba. so mga bro especially sa friend kong si FALLADO Sir, magandang araw ! if need parts of scooter po bocaue the best place to go. even riders na nag race dun cla kumukuha kc sobra mura. even unit ng scooter u can buy there for only 21K complete paper almost new, modelo pa ng yamaha. atleast quality.