Custom Search

View Full Version : [/B] Welcome to my Life! CH.2[/B]


BoyZ
December 29th, 2006, 02:19 AM
First the man takes a drink, then the drink takes a drink, then the drink takes the man

- Japanese Proverb

Isa.

Malapit lang naman ang pinuntahan namin. Dito pa rin naman kami sa Eastwood. Sa OJ's. Ayos naman. Akala ko mag-uusap lang kami, pero iba ang trip ni Nicole. Inorder niya ang pinakatraydor na inumin na nakilala ko sa buong buhay ko: Si JC. Jose Cuervo. Tequila.

“Ano? Bakit ka nagulat? Kala mo ako hindi ako umiinom ng ganito?” sabi ni Nicole habang tinitingnan ako na may ngiti sa kanyang mukha.

“Haha. Ewan. Baka hindi ka tumagal. Nag-aalala lang ako. Isang bote ata toh. Dalawa lang tayo.” sabi ko.

“Sus. Don't worry. I can handle myself. Ano, isa pa?” yaya niya.

“Whatever rocks your boat.” sabi ko. Kinuha ko yung bote at nilagyan ko ang shot glass niya. Pagkatapos naman, nilagyan ko akin. Nilagyan ko ng asin ang balat sa gitna ng aking hinlalaki at hintuturo ng kaliwang kamay. Sa kabilang kamay naman, itinaas ko ang shot glass para makipag-toast kay Nicole. Ginawa rin niya ang aking ginawa.

Pagkatapos marining ang tunog ng basong nagbangaan, dinilaan ko ang asin sa aking kamay sabay ininom ang tequila. Tapos ay sinundan ng pagsipsip ng lemon.

“Aaah.” sabi ko pagkatapos. Hayop sa tama!

“Ano isa pa?” sabi ni Nicole.

“Sure...”

Apat

“Plano mo palang magdoktor. Eh, bakit mo pinapatay ang sarili mo sa yosi at alak?” tanong niya. Napangiti ako.

“Trip trip lang. Tama na satsat. Inom ka na lang, miss model.”

“Game.”

Walo

Langya. Nakakaelibs na 'tong babaeng 'to. Talagang siniseryoso ang sinabi ko kanina. Mabait naman pala toh eh. Kahit model at medyo may pagkamaarte.

“Grabe. Takot na takot ako sa unang VTR ko. Trese pa lang ata ako nun. Dinala ako nung kaibigan ko sa tita niyang talent manager. Iyak ako ng iyak nun. Pero natanggap pa rin. Ayun. Yun yung una kong commercial.” kuwento niya.

“Ngek. Iyakin ka pala.” sinabi ko ng pabiro.

“Hoy! Hindi ako iyakin noh!” sabi niya.

“Eh ba't ka umiyak?”

“Ah... eh... Tumahimik ka na nga. Shot na nga lang tayo.” sabi niya. Tumawa ako.

“Whatever helps you sleep at night.”

“Shut up.”

Labing Lima

Umiikot na ang mundo ko. Medyo tipsy na. Pero siya, malakas na ang tama. Tawa ng tawa. Nagkukuwento na naman siya tungkol sa “adventures” niya. Pero wala akong naiintindihan. Ang sarap niyang kasama. Kakaibang babae. Sobrang ganda pa. Kontento na ako sa gabing ito.

“Yomz? Hello?”

“Ha? Sorry. Ano nga pala sinasabi mo?” sabi ko.

“Tsk tsk. You're not listening to me. I feel so insulted.” sabi niya ng pabiro. Aba, aba. May painsulted-insulted pang nalalaman 'tong babaeng ito.

“Ang ganda mo kasi eh. I can't stop losing myself in you're eyes.” sabi ko. Nakana. San nanggaling yun? Ako ba nagsabi nun? Haha.

“Bolero!” sabi niya, sabay tawa. Pero halatang namumula siya.

“Siyempre. Hindi mo ba alam, talo ng bolero ang guwapo?” sabi ko.

“Fine. Tama na nga. Inom ulit.”

Bente

Putek. Ubos ang isang bote. At ang lakas na ng tama ko. Alam ko pa naman umuwi. Ayos lang.

“Ano? Order pa tayo ishang bote? Isha pa?” sabi niya.

“Nicole, d mo na kaya. Let's call it a night.” ang sabi ko sa kanya. Bigla siyang tumayo at tiningnan ako ng masama. Grabe. Kakatakot tumingin 'to ah.

“Kaya ko pa noh! Tara, isha pa...” Hindi na rin niya naituloy at nawalan na rin siya ng malay dahil sa sobrang pagkasabog.

Sinalo ko siya sa aking mga kamay. At inupo ko siya. Tulog. Knock-out. Pero, teka. May nakakalimutan ako. Ay. Shet!

Tinaas ko ang kamay ko at tinawag ang waiter. “Yung chit boss.”

Dinukot ko ang wallet ko at binilang ang pera. Buyset. Ako magbabayad...

BoyZ
December 29th, 2006, 02:20 AM
There is a time for departure even when there is no certain place to go
-anonymous

“Hello?”

“Is this Nicole's mom?”

“Well, she passed out. I don't know where she lives or whatever, can you please pick her up and take her home?”

“We're in OJs in Eastwood.”

“Ok. I'll accompany her for a while until you get here. Good bye.”

Binababa ng nanay ni Nicole yung telepono. Mga fifteen minutes daw andito na siya. Tiningnan ko si Nicole. Natutulog pa rin. Hay naku, pinag-alala mo pa ako kung ano gagawin ko sa iyo. Ano kaya gagawin ko kapag hindi ko nahanap number niyo sa bahay sa cel mo? Mag-aala Sassy Girl ako at dadalhin kita sa motel? Tapos maaaresto ako dahil kinidnap daw kita? Ngek. Ayaw kong mangyari sa akin. Tama nang mapanood ko sa dvd ang mga ganun.

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa dumadating ang nanay niya. Pinagmasdan ko mabuti si Nicole at napangiti ako. Kakaiba itong gabing ito. Hindi ko alam kung paano nangyari ito pero... ewan. Marahil ay ito na rin ang huling gabing magkikita tayong muli pero ayos lang. Hindi ba lahat ng panaginip ay natatapos rin?

Tumingin na lang ako sa malayo at hinayaan siyang matulog. Pinagmasadan ko na lang ang Eastwood. Buhay na buhay pa rin ang lugar na ito kahit alas tres na ng umaga. Ito ang nightlife. Ito ang mundong kinalakihan ko. Pagkatapos ng gabing ito balik na naman uli sa ganitong buhay. Ganyan talaga, mahirap baguhin ang ganitong mga bagay.

“Excuse me, are you the one that called me?” sabi ng isang boses sa likod ko. Tumayo ako at humarap sa pinangalingan ng boses. Maganda ang babae pero may edad na. Mga nasa lower 30's ang edad. Pero, teka. Kung siya yung kausap ko, siya yung nanay ni... Nicole.

“Yes, Mrs. Mendez.” sinabi ko sabay pahiwatig sa upuan kung saan nakatulog si Nicole.

Hindi na ako pinansin ni Mrs. Mendez at daliang lumapit sa anak niya. Hinawakan niyang mabuti at tiningnan kung may nangyaring masama sa kanya.

“Ano ba namang nangyari sa iyo Nicole? Sana matuto kang alagaan ang sarili mo ng mabuti. Pinag-aalala mo ako ng husto” Sabi ni Mrs. Mendez sa boses niyang puno ng pag-aalala.

Langya. Pa-ingles ingles pa ako eh marunong namang mag-Filipino. Nakakagulat rin kahit papaano. Parang napakabait niya. Tinatangkang buhatun ni Mrs. Mendez ang kanyang anak. Lumapit ako sa kanila.

“Ma'm, ako na po. Turo niyo na lang po kung nasaan yung kotse niyo at ako na ang bahala.”

Tumigin siya sa akin at nag-oo siya. Pinuwesto ko ang kaliwang kamay ko sa may batok niya at ang kanang kamay sa mga binti niya. Binuhat ko siya. Hindi naman siya ganoon kabigat; ayos lang naman. Tumingin ako sa nanay ni Nicole.

“Tara na po.”

Tiningnan niya ako at dahan-dahang naglakad sa parking lot. Hindi pa ganoon kalayo ang nararating namin noong biglang niyakap ako ni Nicole. Dahan-dahan kong naramdaman na namumutla ang pisngi ko. Siyet. Hindi ito panahon para mamula ako. Baka makita pa ako ng nanay niya, nakakahiya naman. Concentrate Yomz. Concentrate! Tiningnan ko siya. Tulog pa naman; marahil ay ganito rin ang reaksyon niya kapag kinakarga siya ng ganito ng boyfriend niya.

Tumigil ang nanay niya sa isang asul na BMW. Wow. Ganyan talaga ang mga big time. Binuksan ng nanay niya ang pinto sa may likuran. Dahan dahan kong nilagay si Nicole sa loob. Sinigurado kong walang mangyayari sa kanya. Noong nakakasigurado na ako, sinara ko na yung punta. Hinarap ko ang nanay niya.

“Salamat iho ha. Pagpasensiyahan mo na anak ko, masyadong nadadala kasi minsan.” sabi niya.

“Ayos lang naman po. Sige po tuloy na ako.” sabi ko sa kanya. Tumalikod ako ngunit bago ako nakahakbang, naramdaman kong may humawak sa aking kamay. Humarap ako.

“Sandali lang iho. Paano ka uuwi? Hatid na lang kita.” sabi niya. Maganda sana pero...

“Salamat na lang po pero may sarili akong kotse.” ang sagot ko.

“Ah ok. Sige. Ingat ka na lang. Salamat ulit ha.” ang sabi niy. Ngumiti na lang ako at muling tumalikod. Naglakad ako palayo. Ano ba iniisip ko? Wala naman akong dalang kotse ngayon pero ba't hindi ako pumayag?

Ngumiti ako. Hindi. Alam ko pala kung bakit. Lumalayo na ako habang maaga pa. Baka ewan. Isa lamang itong panaginip at nararapat lang na tapusin ko na ito dahil baka hindi na ako magising. Baka ayaw ko na gumising. Tumingin ako sa malayo.

“Paalam babae ng aking panaginip...”

BoyZ
December 29th, 2006, 07:06 AM
up...............

cjt23
December 29th, 2006, 05:37 PM
bossing next chapter

Jolads
December 29th, 2006, 07:30 PM
bro jaril 15, bitin pa rin
di na kayo nagkita ni nicole?

BoyZ
December 30th, 2006, 02:08 AM
check nyo po sa forum ng For the Ladies! mga sirs, may 3 and 6 na po dun

BoyZ
January 10th, 2007, 08:24 AM
............................