Custom Search

View Full Version : Bulaga enforcers!!!


snooze
October 18th, 2006, 03:06 PM
Share ko lang mga kapatid...

Kanina 1:00pm, I was on my way to cubao. Sa loob ng paranaque ako dumaan. Ngayon sa intersection ng kabihasnan naka stop ako with other jeepneys. Ngayon nung nag green na ang signal, takbo na ako at biglang me enforcer na tumawid from the left side of the road pinatabi ako with the other jeepneys.

RED pa daw yung signal dumiretso na ako kaya sumunod yung mga jeep. ngayon ang sabi ko malinaw na malinaw green na, pero ipinipilit nila na red daw, sabi ko dapat nandun kayo ng makita nyo na green hindi yung nanghuhula kayo at basta basta nalang haharang daan. Muntik ko na mabangga yung enforcer kase nakipagpatintero sya and scooter ang dala ko which requires longer breaking distance (wala kami engine break) buti hindi ako sumemplang dahil piniga ko front break sabay liko sa rigth para maka iwas.

Buti nalang nagbabaan yung mga driver ng jeep at nagrereklamo na green na, pare-pareho kami ng statement kaya hindi na sila naka-angal at pinaalis narin kami.

Eto mga comment ko.

1. Wala sila sa pwesto hindi nila kita kung ano talaga yung signal.
2. Nakatago sila at bigla nalang haharang sa harap ng daan mo.

rockler8703
October 18th, 2006, 03:48 PM
:eek: :nuts: parang tanga naman mga yan!!!:mad: :pissed: wala sila sa pwesto pano nila nalamang red pa???!!!!

buti naman at hindi kayo pumayag sa pinipilit nila!!

snooze
October 19th, 2006, 12:13 AM
:eek: :nuts: parang tanga naman mga yan!!!:mad: :pissed: wala sila sa pwesto pano nila nalamang red pa???!!!!

buti naman at hindi kayo pumayag sa pinipilit nila!!

ganun na nga :O kung ako lang yung hinuli nila at pinagkaisahan nila ako malamang binigay ko license ko, kaso iisa ang bukang bibig ng lahat ng pinara nila "ANONG RED? GREEN NA"

tsaka sa dami ng tips na nakuha ko dito sa MCP kung pano makipagusap pag nasa tama ka, hinding hindi ko ibibigay license ko not unless mahanapan nila ako ng butas... kaya sa salamat sa MCP and to all its forumers... :clap:

buangayam
October 19th, 2006, 10:59 AM
Good thing nakawala ka sa trap ng gunggong na yon. :I Di mo ba nakuha yung pangalan?

TREBOR
October 19th, 2006, 11:44 AM
baka naka drugs ang enforcer na iyon nyahahaha

TREBOR
October 19th, 2006, 11:45 AM
or baka kailangan ng test sa mata baka color blind

bagitolang
October 19th, 2006, 12:53 PM
Mga sir, intindihin nyo naman yung traffic enforcer. It happened about 1pm, di ba? Eh malapit na meryenda time eh. Kayo naman oh... parang bago ng bago...:banana:

macnot
October 19th, 2006, 02:44 PM
honga nga no meryenda time hahaha!

marelel0623
October 19th, 2006, 03:36 PM
malamng hindi pa nga nagtatanghalian yun..kawawa naman...NOT!!!!!

vrian
October 19th, 2006, 03:40 PM
hahhhhhahaa!
mga gungong!
kung ako bka binangga ko yun e... sabay harurot!

snooze
October 19th, 2006, 04:39 PM
Good thing nakawala ka sa trap ng gunggong na yon. :I Di mo ba nakuha yung pangalan?

buti pinaalalam mo, yun pa isa wala manlang sila name tag dun sa suot nila, yung isa naka jacket pa ang init init tapos yung ticket nakasukbit dun sa gilid...

kanina napadaan ulet ako dun kaya pala sila nandun sa malayo kase me lilim ng puno, ayaw yata mainitan...

hindi naman gano humaba usapan namin kaya hindi ko na kinuha mga panganlan nila nagmamadali na din kase ako... pero kung pauwi ako nun mahaba habang usapan yun...

miromopa
October 19th, 2006, 05:04 PM
madami talagang ganyan.. sa may kalentong.. daming ganyan e, nasa kabilang side ng signal light.. tapos kapag orange light ang tinawiran mo... beating the red light ka na daw..

Mga GUNG-GONG! :angry:

speedmaniac
October 19th, 2006, 05:50 PM
tong month na ito, ilang beses ng nangyari yan, 3x yata, puro ganyan, malayo sa traffic lights ang mga enforcers tapos haharangin ka, beating the red light daw, sorry na lang sila, pakiusap then sabay abot ng ID ko, then paalisin na ako, kala nila makadilihensya sila:? :D

miromopa
October 19th, 2006, 06:00 PM
tsk tsk.. sakit talaga sa ulo mga yan.. kahit tuloy wala kang nilalabag na batas.. nakaka takot na. :g

commander007ph
October 20th, 2006, 07:45 AM
bulaga muna sila then eat na...

Frake_5000
October 25th, 2006, 11:50 AM
1pm nangyari? malamang tustado ang ulo nila kaya parang windang talaga sila...hehehe! malapit dyan office namin, may bantay talaga dyan...hehehe!

Alpha_Seven
October 25th, 2006, 12:09 PM
Add ko lang area ng bulagaan....

Sa may Zapote,Las Pinas... may dividing wall ang kalsada before you reach the Zapote Bridge, kung papunta kang Bacoor, never try to counter flow (na allowed naman pag traffic) kasi ginagawang illegal jeepney terminal...pag dating mo sa kabilang dulo may biglang lalabas ng MMDA enforcer na nakatago sa poste. Bulaga... huli ka...

miromopa
October 25th, 2006, 12:28 PM
hehehe.. kabilib talaga mga enforcers..Ang lulufet!

OIST! UMAYOS KAYO!!! magtrabaho naman kayo ng maayos. tsk tsk

Zigkat Riders
October 27th, 2006, 06:42 PM
Share din ako..
Muntik na saakin mangyari yan, Im on my way to munoz market so sa congresional ako dumaan, yung stoplight jan sa my cogressional village. We Stop! nasa unahan kami with 2 co rider,then I think nga 3 sec before mag green, umarangkada na sila, hayun, nabulaga ng mga Police officer na nakatago sa poste. Muntik mangyari sa akin, kc muntik na akong sumunod sa kanila..
:* never again..

YoBoY
October 27th, 2006, 10:39 PM
tong month na ito, ilang beses ng nangyari yan, 3x yata, puro ganyan, malayo sa traffic lights ang mga enforcers tapos haharangin ka, beating the red light daw, sorry na lang sila, pakiusap then sabay abot ng ID ko, then paalisin na ako, kala nila makadilihensya sila:? :D


sir speed...anong ID ba yung pinakita mo? yung discount card sa mga club? hinohonor na rin ba nila yun?:rolleyes: :O

supersix
October 28th, 2006, 04:17 PM
tatakbo ba mga sasakyan kung di naka green gunggong naman nun enforcer na yun......

dikong_qc
October 29th, 2006, 07:09 AM
my bulagagaan din sa may congressional ave, if you are from edsa going to mindanao ave, they are located after the stoplight (after passing shorthorn, i dont know the name of the street).

unleaded_00
October 29th, 2006, 07:29 AM
hahahaha!!! kung nandito lang si steve irwin, dami mahuli buwaya nun...malalaki pa...

snooze
November 7th, 2006, 01:23 PM
update lang po, erpats ko nabulaga din sa paranaque same place same time, last sunday, ginawa nalang nya nag u-turn sya before pa sya umabot dun sa mga enforcer sabay hataw hehe

WALALANG023
November 7th, 2006, 06:07 PM
hehehe. bulaga enforcers. minsan din po may ganyan sa may east ave- edsa intersection (sa may GMA7) nadali na nga kami eh. naka cage po kami ng driver nun, late na ako sa skul kaya maedyo mabilis takbo namin, pagdating po sa intersection nag yellow sabay BULAGA!!! gulat yung kotse sa harap namin, tuloy nabanga namin, buti minor lang.

slowman
November 7th, 2006, 06:52 PM
mga sir marami na talagang ganyan na enforcer mahina siguro kita nila kya khit nakahiya ung gagawin nila ok lng basta kumita. pati nga barangay dyan sa makati nanghuhuli n din eh lalo na sa gabi. tsk..tsk..nakakaawa tuloy silang tignan.

boodiboy
November 9th, 2006, 05:17 AM
oo sa congressional after nung uturn papuntang shorthorn. nabulaga din ako jan kasi nagbeat ako red light. nagslow down ako tapos hinataw ko.tinry ako habulin wala silang nagawa nagtago ako sa may proj six tapos nagtanggal ng jaket.. :)

ayun, cruisin na naman parang walang nagyari... BELAT sa mga "bulaga eat" na mga yun (mambuBULAGA muna para may pang EAT). :P hahaha :banana:

genecarlo
November 26th, 2006, 09:49 PM
nangyari na sa akin sa qc ito... may napasok kasi ako na one way road "daw"... afer crossing the bridge eh split sa dalawa yung road pag turn left ko ayun bulaga ako sa first corner... pero di ako naglagay... binayaran ko yung penalty as is... kesa kumita sila, kamote sila... hehehe... di tama yon kung gusto nila na walang pumasok sa one way road eh don sila sa kanto to "supervise traffic", in that way malalaman ng lahat na sa kanan dapat

sonlene_16
November 28th, 2006, 12:21 PM
hayy naku dapat may account d2 sa MCP si mike enriquez eh para hindi natatatantanan yang mga taran.... mga enforcer nayan hindi kaya epekto yan ng quota nila? kasi sabi dapat daw mga 80persons sila per-day na mahuhuli para mka qouta..ayuss..

maxlyn04
November 28th, 2006, 01:56 PM
hayy naku dapat may account d2 sa MCP si mike enriquez eh para hindi natatatantanan yang mga taran.... mga enforcer nayan hindi kaya epekto yan ng quota nila? kasi sabi dapat daw mga 80persons sila per-day na mahuhuli para mka qouta..ayuss..

pati sana yung tulfo brother..para makatikim naman nang malul***** na mura yan....

ShopBoy
November 28th, 2006, 04:18 PM
It's not right na nakatago sila(enforcers) after ng traffic light. Dapat visible sila sa mga motorista kasi kung nakatago sila, it only means na kotong talaga hanap nila para may mahuli lang. Kasi nga naman kung nakikita sila, sino nga naman ang mahuhuli nila. Bawal po ang nakatago, marami ng nahuhuling ganyang mga enforcers. Mga kotong lang kasi hanap ng mga yan at hindi para maiayos ang traffic.:g :pissed:

dgabinete
November 29th, 2006, 06:40 AM
dapat kasi, my physical exam ang mga traffic enforcers, malay natin, my GLAUCOMA na sila or EYE CATARACT di ba? COLOR BLIND? Baka naman ang orientation sa kanila, RED is GO and GREEN is STOP! Or worse, bka tayo ang may diprensya, di natin alam na baliktad na ang meaning ng mga traffic lights!

Super Osram
December 23rd, 2006, 05:55 PM
Dapat sa mga PUT@#$&!@#$ mga yan ay masagasaan pag humara-harang. Wala nang inatupag kundi mangotong at di ayusin ang trapiko. :I
Ang hirap kasi ay tino-tolerate sigurado yan nang mga bossing nila dahil may kapalit na tong o quotang dapat ibigay sa nakakataas sa kanila. :vomit: Kung di ba naman mga tinamaan ng lintek.:g
Nakakapanggigil!:pissed:

humberjet
December 23rd, 2006, 09:34 PM
mga tukmol ang lahat ng pulis .. period

Bujock
December 24th, 2006, 03:57 AM
hindi pa nman ako nahuhuli ng ganyan, pro kpag ako nahuli sasabihin sken beating the red light sasabihin ko sa knya.. ang nkita ko yellow at hindi red at ibig sabihin ng yellow warning pa lng at ikaw (enforcer) nsa likod ka ng stop light mkikita mo nkared na??? imposible nman yta yun ako nasa harap ng stoplight yellow pa nkita ko meaning warning plang at hindi stop.. pde din nyong sabihin na yellow ang beneat nyo at hindi red. walang kasong beating the yellow light...

erick_214
December 24th, 2006, 12:37 PM
mga tol...grabe naman kayo manghusga,,,kayo ba bilang empleyado ng mga company ninyo ay walang ginagawang kalokohan...? syempre sila asahan mo na ganun ang gagawin nila dahil yun ang trabaho nila eh... kung tutuusin maliit lang na halaga yung panlagay sa mga yun e,,,parang tulong na lang natin sa kanila yun kasi maliit lang ang sweldo nila...ang prob talaga dito sa Pinas ay yung gobyerno natin...yung sweldo ng pulis/mmda atbp dito sa pinas ay sadyang napakaliit compared sa ibang countries kaya nila ginagawa yun...

Slow_poke
December 26th, 2006, 05:29 PM
Hindi ba kabit kabit ang usapin na ito? Ang gobyerno na hindi nagbibigay ng karampatan na sahod sa mga pulis at traffic enforcers. Mga traffic enforcers at pulis na gumagawa ng kabuktutan para kumita..Mga motorista na kinukunsinte ang paglalagay sa mga traffic enforcers at pulis para makalabas sa sitwasyon..
Ngaun, masalimuot masyado, pero kung sabay sabay na magbabago ang alin man sa isa sa mga sektor na ito (Gobyerno, Traffic enforcers/pulis o motorista), mababali ang siklo ng katiwalian sa lansangan..
Ang tanong ngaun ay..papaano?

wasted_23
December 26th, 2006, 05:43 PM
mga tukmol ang lahat ng pulis .. period

hindi naman siguro lahat bro.

DESK_MULLEN
December 26th, 2006, 11:35 PM
tol nabiktim na ko ng enforcer, dito sa ortigas. ang PU&%#@! yun sabi skin racing on the road daw ang kaso ko! hinarang kami sa daan tlaga.. eh at that time naglo2ck ung disk brake ko sa harap.. kaya nung nagbrake ako talagang umisskid ung gulong ko sa likod. aminin ko 1st nag gauge kami pero nung 1 turn pero ung 2nd 3rd na daan namin dun iniikot ko lang ung motor dahil nga dun sa disk brake. tipong pstroll lang takbo namin... so pinara nga kami eh di tumabi nman ako dahil alam kong wala kong violation eh.. saka sunday ng 6:30 am un naganap...ni walang tafic light sa daan garnet road un. reckless daw sabi ko pano naging reckless? banat ba nman skin gusto magseminar ng road rules... eh di sanagot ko pano naging reckless un.. eh kung ka ba nman talga nagiisip eh! 5 bldg. lang ang layo nung pinag mulan namin tpos reckless. at tignan mo nga tong gulong ko. eh nung time s un stock na disk brake ko di na talaga umiikot. babaklasan daw ako ng plaka pag di ko binigay licence ko. sbi ko baklasin mo... binaklas nga irereport ko sana na may kumuha ng plate ko eh.. kaso waste of time lang talaga.. hanagng sa umabot ng 1 hour kami nagtatalo binigay ko na licence ko pero di ko pinirmahan sabi ko lagay mo underprotest! eh nung nagpunta ko mmda ang tagal ng processo pla ng under protest... 500 fine ng ticket binayaran ko na lng ganun din eh... tanong ko sa mmda " SOR PAG NAG FILE BA KO NG PROTEST AT NANALO KO MARERELEASE B UNG LICENCE KO NA WALANG NILALABAS NA PERA KO AT MASUSUSPEND BA UNG OFFICER NA HUMULI SAKIN AT DI KO NA BA SYA MAKIKITA SA ORTIGAS?"
sagot skin: baba lang daw ang penalty ng fine ng mga 200-300 pesos. eh 2-4 months proccess depende pa un kung aattend ng hearing ung officer?! sabi ko na lang wag na sayang oras ko tinubos ko na lang sa halagang 500 petots..
***** tlaga ung ibang mga officers...

pathon
December 29th, 2006, 11:57 AM
dito sa bbb valenzuela ganyan din mga mmda. stoplight kasi dito nasa right side wala na kasi yun sa ibabaw na stop light kaya di mo masyado mapapansin kaya pag tumawid ka at di mo napansin yun stoplight na stop na ayun paglagpas mo may kumakaway na sayo jackpot nanaman sila may pangmeryenda na.:clap:

rockjock
January 5th, 2007, 01:57 AM
entrapment is a crime

DESK_MULLEN
January 5th, 2007, 02:15 AM
ang putsa talaga nabulaga ako ngaun lang 1:30 am....madaling araw na walang ganung sasakyan kaya kahit kabilang road na dinaan ko na kasi malalate na ko sa work. kumain lang ako.... hinuli pa din ako ayaw pa magpaareglo ang buwaya.... 2nd time ko na tlagang nahuli ng walang kwenta dito sa ortigas.... ang masakit dun officers lang... ang ang san antonio di nga ko hinuhuli eh... bwusit talaga

DESK_MULLEN
January 5th, 2007, 02:19 AM
maganda dun nung naka park na ko hinuli ng kumag papasok na ko ng bigla ako tinawag tapos sila din dumaan dun sa dinaanan ko sabi ko pa eh kayo din nag counterflow eh...sabi sakin "eh kami nka uniform..." tama ba naman un...

ginolax
January 5th, 2007, 01:35 PM
my bulagagaan din sa may congressional ave, if you are from edsa going to mindanao ave, they are located after the stoplight (after passing shorthorn, i dont know the name of the street).


MEMORIES!!!!! nahuli nako niyan dude....tapos sa q.c. city hall mo tutubusin