Custom Search

View Full Version : Robocop, Shaider, Bioman, Maskman , TurboRange, Power ranger, Mask rider. . . atbp. .


Pages : [1] 2 3 4

HaTaKe_KaKaShi
October 8th, 2006, 12:08 PM
Mga Bro and Sis kakabili ko lang ng Body Armor (Pole Position) napansin ko lang sabi kasi sakin ng mga may body armor eh katakot takot na pang aasar ang inaabot nila pag suot nila yung armor kesyo tinatawag sila na Robocop, Shaider, Bioman, Maskman , TurboRange, Power ranger, Mask rider. . . atbp. . kaya minsan daw eh pinapatungan nila ng damit. . .

sakin naman di yun naging dahilan para di ako bumili. . .una mga nagbabansag ng ganun either naiinggit o wala talagang alam sa safety gears. pangalawa di naman katawan niya ang masusugatan pag kumalat ka diba? pangatlo baka di yun biker.


kaya wala ako pakialam kahit ano pa itawag sakin mas astig nga tingin ko sa mga naka armor na riders eh. :)

davz571
October 8th, 2006, 12:31 PM
just ignore those people giving such stupid comments..yan kasi ang pinoy! when it comes to safety medyo relax tayo..paghindi pamilyar sa paningin ang nakikita its either macomment ng maganda o pangit..gagayahin o kukutyain..but there are people din naman na expert in making comments,,sa riders kasi dapat concern tau to what people say..pag negative sa paningin nila yun gears mo then ask them ano ung bagay in which kaya kang maproptektahan when accident comes..for sure they would suggest..aminado din kasi me sometimes and i agree na me trend of fashion narin yan pagsakay natayo sa rides natin..parang cloths that we wear..dapat hindi baduy..dapat match yung suot ng rider sa ride nya para di masira yung pogi points na dating..
bottom line, as long as its for our own safety, i dont care what people would say..i still wear my protective gears..HERE COMES SHAIDER!!!!

Doubleff
October 8th, 2006, 12:45 PM
men ako mas hanga nga ako pag nakasuot ng body armor astig na astig ang dating wag mo sila pansisnin ayos la ng yun safe ka naman ...........

dada mbc
October 8th, 2006, 12:52 PM
inggit lang sila sa mga naka gear sir....continue use your gear not for fun/japorms (what ever they called it)but for your safety.....bibili nga din po ako nya eh....

tek yur tym..!

hotruss
October 8th, 2006, 01:05 PM
@ Mac
Same here. Ako nga back pro, elbow & knee pads pa lang natatawag akong ganyan. Nangingiti lang ako, medyo natatawa lalo na pag iniisip ko yung itsura ni Bioman. Hahahaha! Nakakatuwa! :O Minsan nga masama mood ko napapatawa na lang ako pag may biglang sumisigaw ng Shaider. Ngitian na lang natin yung mga comment na ganyan, lalo pang magiging magaan ride natin at interesting.

Pa-OT. Sir, how's the body armour? Snug fit ba at mainit ba gamitin lalo na sa traffic? Balak ko ding bumili pero yung Fox Brand. Sabi kasi sakin ng ka-grupo e basta may plastic, mainit na sya kahit na mesh yung base material.

Happy Riding! SHAIDER!

B3RN13
October 8th, 2006, 01:13 PM
Oo nga sir Hatake, hayaan mo lang sila... ang value ng ginagawa nating pag gamit ng armor ay para satin at hindi sa kanila. In the end, tayo naman mang aasar pag sila ang sumemplang at maisip nila na dapat din sila nag invest sa body-armor.

rhayan
October 8th, 2006, 01:20 PM
mas astig kung tatawagin ka ng shaider or mask rider black... keso yung bioman atbp na me Man ang huli...:D mas feel mo talaga na rider ka... boss hatake mag kano mu na bili body armor?? gusto ko na ksing maging mask rider black ehhh:D

ride safe mga bro..

keith22
October 8th, 2006, 01:31 PM
ganyan din tawag sakin mac, fox naman body armor ko. mas safe nga sya, di ko carry na pang araw araw kaya bumili na lang ako ng duhan canvas.

zeke_
October 8th, 2006, 01:46 PM
last friday nga mga sir napagdiskitahan ang Fox back pro ko. sabi nung isang co-worker namin na may motor din: para san naman yung suot mo? e pag na-aksidente ka di naman likod ang madalas tumama e. sagot ko lang sa kanya is para sa spine ko ito. saka in case of an accident maco-control ba natin kung tumilapon man tayo para di tumama yung back natin? sa company kasi namin mga sir meron moto loan. every year 25 units ang ipapa-loan sa mga qualified employees and sad to say karamihan ng nagka-motor sa amin mas malaki ang gastos nila sa pagpapaganda ng motor nila kesa sa safety gear. since marami akong natutunan dito sa MCP mas minabuti ko nang sundin ang advices nyo mag-invest sa safety gear muna. minsan nga pinapakita ko talga sa kanila ang gear ko kahit modest lang para mamulat sila. i also plan to share the safety tips na naka-post dito to our HR manager para mai-post sa mga bulletin boards sa lahat ng department para mai-angat ang kamalayan ng mga balak mag-avail ng moto loan next year.

ride safe brothers

Lostboy
October 8th, 2006, 02:00 PM
Pag tinatawag akong mask rider black nag po-pose pa ako sabay sigaw ng... "RIIDDERRR.... CHHANGEEE!!" hehe eh di cla alaskado

rev125
October 8th, 2006, 02:22 PM
at least superhero tayo! hehehe!!!

didj
October 8th, 2006, 02:23 PM
Usually kids lang naman ang nang aasar satin eh . Ung iba naman they just stare then bubulong bulong nalang. Pero tama nga ang sinabi mo bro, kapag walang alam sa pagmomotor and safety yung tao they would think that you look weird. But in the eye of a fellow biker, you're the man! Enjoy your new armor bro! :cheers:

zeke_
October 8th, 2006, 02:45 PM
o kaya sigaw ka na lang.....ANNIE!! :D

xrmlifted
October 8th, 2006, 03:12 PM
IKAW ANG AKING SUPERHERO!! INGGO.. hehehe.

peace mcp riderzzz

D-MAN
October 8th, 2006, 04:37 PM
magdala ka ng pictures ng mga nadisgrasya at ipakita mo sa nanaalaska sayo... hehehe tingnan ko lang kung hindi sila manlambot... ipanghuli mo yung pic nung nadisgrasya sa C5... baka pag nakita nila yun ay unahan sila sa shop sa pagbili ng safety gears...

foxhunter
October 8th, 2006, 04:38 PM
bro pabayaan mo yung mga taong sa paligid mo. di naman sila rider eh. kaya di nila naiintindihan yun. pero kung kapwa rider na, it mean na naiingit yun meron kang ganun.

pero patay na si shaider! si annie naging boldstar ahuhuhu... kaya mask man nalang.

rhayan
October 8th, 2006, 08:12 PM
pero patay na si shaider! si annie naging boldstar ahuhuhu... kaya mask man nalang.


totoo bang naging boldstar c annie...:eek: san u nakita? this i got to see...:D :evil:

bajinno
October 8th, 2006, 09:04 PM
si annie dati pa may tendency na mag-bold. Remember pag nag front kick sha? Ayyyyy!

sori na OT. Anyway, dati tinawag ako nung boss ng friend ko na shaider after ako mag park sa tapat ng office nila. Eh mejo mainit ulo ko nun kaya sabi ko sa kanya "talaga to si Balot oh!" kasi kamukang kamuka nya talaga si Balot. Ayun the name stuck, til now Balot tawag sa kanya ng mga empleyado nya he he

kain
October 8th, 2006, 09:14 PM
Yung iba tatawagin ka pang "ROBURAT"

peace and ride safe

jetzone
October 8th, 2006, 09:57 PM
Mga Bro and Sis kakabili ko lang ng Body Armor (Pole Position) napansin ko lang sabi kasi sakin ng mga may body armor eh katakot takot na pang aasar ang inaabot nila pag suot nila yung armor kesyo tinatawag sila na Robocop, Shaider, Bioman, Maskman , TurboRange, Power ranger, Mask rider. . . atbp. . kaya minsan daw eh pinapatungan nila ng damit. . .

sakin naman di yun naging dahilan para di ako bumili. . .una mga nagbabansag ng ganun either naiinggit o wala talagang alam sa safety gears. pangalawa di naman katawan niya ang masusugatan pag kumalat ka diba? pangatlo baka di yun biker.


kaya wala ako pakialam kahit ano pa itawag sakin mas astig nga tingin ko sa mga naka armor na riders eh. :)

bro..yung mga taong kinukutya ka dahil sa safety gears mo...mga ignaramus yun..tsaka in case na hamunin mo ng away pag pikon na pikon ka na...lamang ka sa protection brad...use the headbutt technique[with your helmet on]:evil: :evil: :evil:

ako nga, member ako ng isang photography forum sa malaysia...eh syempre puro photographers ang halos na member dun either by profession or hobbyist...

....sukat ba naman insultuhin si rossi tska mga nag ba bike dahil muka daw ultraman....so pathetic....considering they do host moto gp..

seanjohn
October 8th, 2006, 10:13 PM
hello po im new here it do exactly happens to me everytime where goin home they said your now on full gear all the character with "man" hehehe, but last night i removed my jacket with full gear with NBA jersey Nah! it feels great on the road you can feel the rush...... ride safe dude

HaTaKe_KaKaShi
October 8th, 2006, 10:16 PM
guys ok ang body armor! di mainit saka preskong presko kahit sa trapik!


Rider Change!!!

Babilos!!!!!!!!!

seanjohn
October 8th, 2006, 10:37 PM
yah! thats exactly what happened to me even everytime im goin home from work! and i've match it with white helmet looks like power ranger hehehehe but last night i match that full gear with my throwback NBA jersey and removed my jacket i feel great on the street i feel the rush heheheheheh but i know my limitations zoooooooooooooooooooooooooooooooooom

axe23
October 8th, 2006, 11:41 PM
bro cguro yun mga nag sasabi nyan ngyun lang nagkamotor or gumamit ng motor...

@rthur
October 9th, 2006, 12:09 AM
hahaha totoo yan :O bawat pasok ko sa trabaho na naka full gear, kinakantsawan ako na mask rider black :D

arwin_ActionHob
October 9th, 2006, 01:44 AM
I respect those Riders who knows what SAFETY Riding is... gagayahin ko rin yan someday

Ride Safe

yondaime
October 9th, 2006, 03:18 AM
sobra ka na gorgon..... mask....rideeeeeeerrrrrrrrrrrrrr........change!

yun na tawag sakin d2 samin....hay....

heightdeprived
October 9th, 2006, 07:14 AM
pag itnawag akong mask rider black, OK lang, idol ko yun eh!!! :P

ejvital
October 9th, 2006, 07:40 AM
tama sila just ignore them...di kana nasanay.....hehehe

kung diko kayang bumili ng canvass...yan nga ang first choice ko dahil sa budget short....tsaka papagawa nalang ako ng me sleeve na jersey para takpan nalang yung armour....

emjay282
October 9th, 2006, 08:49 AM
magkano ba body armor?

HaTaKe_KaKaShi
October 9th, 2006, 09:10 AM
madami pala tayong Mask Rider Dito eh. . hehehe . . .


Ride Safe Brothers!

ryu_ken
October 9th, 2006, 09:16 AM
:L medyo ot: cno po pla nakakaalam ng specs ni battle hopper at brand nya????tutal usapang masked rider naman dito e...
ilan cc nya at iba pa???
avid fan ni masked rider black here
heheheheheh!:D :D :D :D :D

marelel0623
October 9th, 2006, 09:19 AM
sir hatake, wag mo na lang pansinin yung mga yun... wala lang silang magawa...sir ask ko lang, magkano po ba yung ganyang armor? kasi wala pa akong armor...kahit xrm lang mc ko, mas ok na rin yung sigurado di ba?

ride safe always!!!!

HaTaKe_KaKaShi
October 9th, 2006, 09:23 AM
yung akin nabili ko sa from an MCP forumer pero kung gusto niyo sa Motoworld sa fort meron (Pole Position) ang brand 2500.

marelel0623
October 9th, 2006, 10:12 AM
body armor lang po ba yun o kasama na yung sa elbows at shin? magkano po ba kapag complete set? thanks po!!!

HaTaKe_KaKaShi
October 9th, 2006, 10:30 AM
gaya ng nasa avatar ko sir

marelel0623
October 9th, 2006, 10:58 AM
thanks sir....

magkano po ba kapag complete set? wala kasing malapit na bilihan ng gears dito sa amin eh... san po ba nakakabili nyan?

thanks ulit po

HaTaKe_KaKaShi
October 9th, 2006, 11:00 AM
sa Motoworld sa Fort po.

2500 isang set na.

Col.TED
October 9th, 2006, 11:06 AM
ok lang yan!.....kesa matawag na "TOCINO MAN"....hehehe:):):)

HaTaKe_KaKaShi
October 9th, 2006, 11:23 AM
eto pic nung gears ko na pangtaas. :D

marelel0623
October 9th, 2006, 11:29 AM
thank so much sir!!! last question, um, may mga sizes po ba yan? kasi small lang po size ko... thanks again!!!

ride safe always mga sir!!!

ot:Battle Hopper can travel at the maximum speed of 500Km/h with his 415 horsepower engine. His special move is Dynamic Smash, a body slam attack that is executed at full speed.

Retrieved from "http://en.wikipedia.org/wiki/Battle_Hopper"

HaTaKe_KaKaShi
October 9th, 2006, 11:31 AM
thank so much sir!!! last question, um, may mga sizes po ba yan? kasi small lang po size ko... thanks again!!!

ride safe always mga sir!!!

ot:Battle Hopper can travel at the maximum speed of 500Km/h with his 415 horsepower engine. His special move is Dynamic Smash, a body slam attack that is executed at full speed.

Retrieved from "http://en.wikipedia.org/wiki/Battle_Hopper"

meron po. . .may small,medium at large ewan ko lang kung ma XL. :)

im using medium.

marelel0623
October 9th, 2006, 11:43 AM
salamat po sir!!!

ride safe always!!!

HaTaKe_KaKaShi
October 9th, 2006, 11:51 AM
Rider. . . . . . Change! :O :O :O :O :O

HaTaKe_KaKaShi
October 9th, 2006, 11:57 AM
after ko magchange ayun sinigawan ako . . . "Hoy Yung Tubig Namen!" :O :O :O


kaya eto. . . .:D

asylum
October 9th, 2006, 12:02 PM
kanina lang kasalubong ko sa kalsada na naka-MC.. sumigaw ng BIOMAN.. hehehe.. sabi ko naman.. BUSET!! :D

Col.TED
October 9th, 2006, 12:11 PM
MAC.......ano model & brand helmet & gloves mo???

HaTaKe_KaKaShi
October 9th, 2006, 12:12 PM
Gloves Komine , Helmet HJC Look.

Lostboy
October 9th, 2006, 12:14 PM
@ sir kakashi idol na idol ko yang avatar nyo noon pa! buti naman binalik nyo :D

marelel0623
October 9th, 2006, 12:20 PM
whoa!!! 2500 tapos pambaba at pang taas na? kasama na rin yung elbow pads knee pads shinguard sa protector?! ok naman pala eh, kala ko po kasi aabutin ng 5 - 10k price nun, ngayong alam ko na.....BIO CHANGE!!!!