Custom Search

View Full Version : reaction to people in full gears


Pages : [1] 2

Zindicato
August 30th, 2006, 01:49 AM
mga tol meron na tayong thread na reaction to bikers maganda talga ang thread na yon now start naman tayo tungkol sa reaction ng ibang tao pag nakita kang naka full gear or nakagear

misis ko nooong first time nya akong nakitang naka full gear tinawanan ako sabi nya sa akin ok ah mukha kang power ranger na walang power.

tito ko naman sa probinsya old school rider ( walang helmet, nakatsinelas)
O.A mo naman di ka ba naiinitan nyan.

pinsan kong bakla
ay ang cute mo pinsan meron ba nyan in pink

papa ko
good investment yan anak

lola ko 89 na una niya akong nakitang nakafullgear
sumigaw magnanakaw magnanakaw di nya me nakilala akala nya kung sino lang na pumasok sa compound.

mga tol share naman kayo dyan ingats ride safe

taba
August 30th, 2006, 02:03 AM
yung friend ko sinuot yugn gear ko natawag ko talagang ninja turtles hehehe.... hehehe pero sa ibang tao ok naman tingnan...... ewan ko ba natatawa lang ako meron talagang ibang gear hinde bagay sa ibang tao.....

reekee98
August 30th, 2006, 02:35 AM
It's a good sign na safety concious ka irregardless sa sasabihin nila...It's better to be safe than never

WaveRider14
August 30th, 2006, 03:17 AM
Tama yan sir...
Kanina nga lang tulala yung mga estudyante ng mom ko nung pumasok ako ng room nya. hahahaha. Akala siguro hahampasin ko sila ng helmet pag nag ingay sila. Ayun tahimik silang lahat.

joms_ini
August 30th, 2006, 12:36 PM
ako naman Nagfit ako sa isang Store ng Armor sabi sakin Muka daw ako Maskrider Black:D
sabi ko Rider change:O

Tito ko naman Mahal naman ng gears mu:eek:

nanay ko san Gera ka ppnta at wla kang dalang baril:O

jsamlaguna
August 30th, 2006, 12:41 PM
Ano nga ba ang reaction ng mga taong hindi pa alam ang true purpose ng safety gear, here are some of the list that they tend to call us:
1. Mask Rider Black
2. Shaider
3. Bioman
4. Robocop
5. Ninja Turtles
6. Spiderman
7. Power Rangers
8. Karerista!
9. Magnanakaw!
10. Trying Hard!

Baka meron pa kayong ibang alam na tawag, pa-update nalang po
sa inyong experience.

NSCB
August 30th, 2006, 02:12 PM
basically the same experience ko dyan....specially here in CDO, where most people don't even care to wear helmets....even motorcyclist tend to stare while waiting for the the green light at intersections....here are the top 3 names i've been called:
1. Shaider
2. Robo Cop
3. Power Ranger

gawa kaya tayo ng Power Ranger Club...he he he

lancer2005
August 30th, 2006, 02:23 PM
na kita ako ng mga barkada ko na kahelmet black jocket makapal power ranger daw ako... wala pang knee at elbow protector yun ha. ano pa kaya kung meron na

alecs
August 30th, 2006, 02:37 PM
... our safety is the insurance of riders, regardless kung ano pa tawag nila; sabi nga nila, pag nag motor ka daw; " katawan mo ang kaha... kung sa kotse ka iku-kumpara... invest to our own safety!... "ride to live, live to ride!"..

asylum
August 30th, 2006, 02:45 PM
sa akin naman..

sabi ng anak ko.. teenage mutant ninja turtles & power rangers daw :D

sabi ng esmi ko... power rangers din

sabi ng mga barkada ko.. ganun din & mask rider black daw

sabi ng mga office mates ko.. kakarera daw

sabi sa labas... mayabang daw (mga kamote 'tong mga 'to eh) :D


sabi ko naman sa mga maaangas na hindi ko kilala.. taena nyo mga ignoramus kayo :D :)

hardrichus
August 30th, 2006, 03:00 PM
Sa akin naman mukha daw akong swat na nakafull battle gear. Saan daw riot? he he he. tinatawanan ko lang kasi pag sumemplang wala tocino at kung gasgas sa katawan. Pag sila sumemplang may pang-ulam na.:O :O :O

popoykid
August 30th, 2006, 04:29 PM
Sa akin naman mukha daw akong swat na nakafull battle gear. Saan daw riot? he he he. tinatawanan ko lang kasi pag sumemplang wala tocino at kung gasgas sa katawan. Pag sila sumemplang may pang-ulam na.:O :O :O

hahaha! funny, but makes sense to me! right about that, bro!

just yesterday i had an earful of comments from people in the office and on the road since i was in full gear (racing armor, knee pads, helmet w/ balaclava). the usual: "mask rider black" (from one of our guards, and i'd answer back with "rider Change" like bro Joms), "power ranger", "shaider", my mom "ninja", "spiderman" (from an elderly woman i happened to pass by), and from my gym instuctor, that new capt. barbell villain (don't have any idea who that is). oh well. :rolleyes:

basta for me, apart from the safety, there's always the bonus of attracting hot chicks especially during those steamy Friday nights... hehehe. :C and like someone mentioned in a similar forum before, the mystery of the face behind the helmet is an excitement for most women. :O

ride safe, peeps! :*

Bishop Burdog
August 30th, 2006, 04:31 PM
Eto yung mga tawag sakin ng mga tambay, kaibigan, classmates, and my family pag naka fullgear ako. :D

1. Shyder
2. Mask rider black
3. SWAT
4. Sundalo
5. Holduper
6. Ninja

supersix
August 30th, 2006, 04:59 PM
isama nyo na po ang ultraman...

ok lang yun...inggit lang sila atleast safe tayo! :)
ridesafe pips!

asylum
August 30th, 2006, 05:11 PM
o sya sama na kayo dito mga bro.. meet up na lang along d way sa kalsada :) :D

http://www.motorcyclephilippines.com/forums/showthread.php?t=54683

yzzid
August 30th, 2006, 05:50 PM
Similar ang gear din natin, so we get the same reaction. when I pass kids at my condo, ang nakukuha ko laging pangalan, MASK RIDER, but hey, kids sila, di nila naiintindihan importance ng gear, heheh. Now, i just use my padded jacket mostly, ang kulang lang sa kanya, KIDNEY support, which is such a waste, kasesobrang bakubaku ng kalsada natin.hahaha

Ride safe!

Kamen Rider
August 30th, 2006, 06:10 PM
Everywhere I go...


Two words...


"... RIDER CHANGE!!!...":D

asylum
August 30th, 2006, 06:15 PM
:D :D

BTW aside from nega comments na naririnig na tin.. meron yang positive comments din.. like, tingnan mo un oh.. ang pogi or ang pogi naman nun (lalo na kung bagay ung armor sayo) :D nyahahahaha

meron din naka-smile sayo na chikababes habang sinasabi nya sa katabi nya na ang pogi namnan ng dating nun :D :) yun nga lang wag na lang tayong magta-tanggal ng helmet at baka mapalitan ng hindi kanaisnais na comment .. hahahahaha :D

vprocess
August 30th, 2006, 06:17 PM
ako helmet lang lage. yung gears na padded pang byahe lang siguro....city lang naman ok na helmet at jacket na di padded...

noyr414
August 30th, 2006, 08:00 PM
same old mask rider black, power rangers, ninja turtle at kakarera ka ba?

i'm proud wearing mine. adds up to my confidence on the road. everyday is a different battle. better safe than sorry. GO, GO POWER RANGERS!!!!:nuts:

Kamen Rider
August 30th, 2006, 09:38 PM
Y'know what'll add to the comedy? Do the "Masked Rider" poses. Better yet, make one up! I'll try the "Karate Kid" pose when I get the chance! Hehehehe! What a trip!:D

Bishop Burdog
August 30th, 2006, 10:09 PM
Y'know what'll add to the comedy? Do the "Masked Rider" poses. Better yet, make one up! I'll try the "Karate Kid" pose when I get the chance! Hehehehe! What a trip!:D

Gagawin ko sana yan noong my bata na nakatingin sakin at tinuturo ako ng guardian/father niya ako daw si mask rider black, nahihiya lang ako gawin yong posing kasi dami kong katabing kotse kaya natawa na lang ako non hehehe! :D

cancer54
September 3rd, 2006, 07:25 AM
Sa parking area namin pag naka gear na ko, walang comment, pero sa oras na buksan ko ang suot kong modular helmet...hagapakan na ng tawa sabay sigaw ng SHAIDER!!:O ...Ganon din sa stop light at may mga katabi akong naka mc...tinititigan ako...parang gustong sabihin "OA naman ito, naka knee pad at elbow pad pa, xrm lang naman ang motor":D

Zindicato
September 3rd, 2006, 07:49 AM
@cancer
it doesnt matter kung ano ride mo tol it just shows ur a responsible person who values his life and limb.

darkbenz
September 3rd, 2006, 03:33 PM
:D Marami rin po ako nakikita nyan naka full gear na mga bigating brand pa, di bale na kahit wala ka gaanong accessories sa bike pero yung Protective mo mula ulo hanggang paa masasabi mong very safe & expensive:nuts: . Kaya pag nakikita ako nyan WOW Lufeettt Full Gear.....:banana: Safe Ride!

brokenarrow
September 3rd, 2006, 04:10 PM
i was called ROBOCOP!!!

selidioben
September 3rd, 2006, 04:23 PM
ako hindi ko na iniisip ang iniisip nila sa akin basta ang alam ko ay nasa huli ang pagsisisi!!...tama ba ako guys???

brokenarrow
September 3rd, 2006, 04:26 PM
ako hindi ko na iniisip ang iniisip nila sa akin basta ang alam ko ay nasa huli ang pagsisisi!!...tama ba ako guys???


i totally agree..... :clap: its just the comments that would make us laugh.....:D

emjay282
September 3rd, 2006, 04:35 PM
san ba nakakabili nyan?

Kamen Rider
September 3rd, 2006, 05:09 PM
"O! Asan yung robot mo?"

KIPS150
September 3rd, 2006, 05:51 PM
Ganyan talaga fellow bikers ang feeling ng mga taong hindi naman alam ang necessity or feeling ng pagiging responsible driver. Mga walang katapusang kantiyaw ang ibinibigay. May mga non bikers din na naiintindihan mga kadahilanan kung bakit may mga gears tayo napapatingin sila siguro sa ganda ng mga gears or inaalam nila ang proper setup ng mga gears natin (May plano din kasing bumili ng MC dala ng kataasan na ng fare sa transportation :O ).

Pero what i admire most is kapag may mga taong nagtatanong kung saan nakakabili ng mga safety gears pang MC, dun ako masayang nakikipagshare ng idea sa kanila at least proud ako na naibabahagi ko ang kahalagahan ng pagsusuot ng safety gears :clap: sabay advertise sa ating MCPF website para sa dagdag kaalaman. A Million Thanks Fellow MCP Forumers....:clap:

Wolver888
September 3rd, 2006, 06:08 PM
Ang tanong naman sakin ng mga barkada kong hindi rider ... "Pre saan ang giyera?".:O

Batchmates kong hindi rider, sabi sakin "Wow, power ranger pala kinarir mo!"
:O

Kapatid kong babae, tanong naman sa akin "Kuya asan yung antenna mo?":O

edfaith
September 3rd, 2006, 08:23 PM
kung may armor siguro na talagang ultraman or kung ano paman yon bibili ako.... di ba hehehehe....... di na kailangan mag rider change.........samahan ko pa ng lazer blaster......

edfaith
September 3rd, 2006, 08:24 PM
ang wag mo lang gagawin eh ang sumakay ng jeep ng naka full gear......(pasahero ha)

zeke_
September 4th, 2006, 08:35 AM
@edfaith: bro sa mga ugali ng ibang jeepney driver ngayon parang ok na din mag-full gear. :D

comment sa akin:
sa coworkers - pang racing, hayup, some even laugh
nanay ko - hasus ah. ang dami mong abubot. pero nung lumaon na ayaw na kong paalisin ng walang helmet, elbow saka knee guards.
napansin ko lang mga sir kung sino pa yung akala natin na tatawanan tayo yun pa ang may malawak na isipan tulad ng mga security guards sa company namin. tanong nila palagi kung san ko binili yung mga gear ko saka magkano. pinakamagandang comment nila "Yan ang tunay na rider" :D syempre proud ka kasi they know that you know you're a responsible person

joms_ini
September 4th, 2006, 01:45 PM
minsan sa pArkin Lot ng Sm Lahat ng ng nandun pati guard naka tingin sakin pogi points tuloy sa Chix:D Para tuloy Moto Gp daming Fans:D

Black Sparrow
September 5th, 2006, 07:22 PM
ako mga bro kahapon, bibili sana ako ng mura lang na worth 400 pesos for protection, knee pad, elbow pads, and wrist support, kaso walang shin guard kasama. dahil sa kababasa ko dito sa mcp, naging alanganin ang mga pinagpipilian kong protection, dahil sabi dito, "the cost of your safety gear is the cost of your life", kaya bumili na lang ako ng scoyco brand na knee pads/shin guard with elbow pads. Mas maganda daw may shin guard.:banana: Hirap mag spill sa daan with out protection. Mula nang binili ko iyon at sinuot ko na, robo cop na rin tawag sa akin=b , ingit lang sila:banana: pero yung sabi iba, maganda talaga may protection sa katawan. :clap: sarap feeling na protected ka na, sabay gagalangin ka pa:*

kicker2
September 5th, 2006, 09:02 PM
sometimes donning on of safety gears become a hassle na lao na if you're going to the office. but then again, safety precedes anything when your ass in the bike already.

i make it sure that my helmet is on. riding jacket. long pants. shoes. these are my basic get-up. kung roadtrip and on my bigbike, padded riding jacket, gloves. i don't have elbow & knee pads. never tried them. probably soon...

eto naman blooper ko... i have friend who has an underbone packed with all carbon fiber goodies (full carbon fairing, carbon fork, carbon steering damper, carbon sidemirrors, carbon headlight/cowling) pate helmet carbon.... nung minsan tumambay sya sa me amin, pagdating nya, syempre lahat nakatingin kase nga all-carbon fiber... pag hubad ng helmet sabe nung isa "hanep, pati mukha carbon fiber din!" :banana:

stoneloco808
September 6th, 2006, 01:42 AM
I always wear my leather gear when I ride. Like the saying goes "Dress for the crash, not the ride".

RMS29
September 6th, 2006, 02:21 AM
Wala pa kong safety gears na nabibili like elbow pads, knee pads and shin guards. I only have my helmet, balaclava and jacket pa lang pero tingnan nyo na ang reactions sa akin:

1. brother and mom ko - ang OA mo ang porma mo naman magmomotor ka lang
2. my cousins - isa daw ako sa Ninja kids
3. the kids in pur neighborhood - uy si power ranger oh??
4. the guards in our company - ang pogi ng dating nyo sir ah?? (bading ata si guard)

take note mga kapatid, helmet, jacket and balaclava pa lang yan ha?? pano pag kumpleto na like the complete set of pads and protectors and gloves?? ano na tawag sa akin/atin??? ALIEN?? Taga outer space??? uy, si E.T. oh??

Basta tayo, better safe than sorry!!!

pedz
September 6th, 2006, 11:42 AM
sometimes donning on of safety gears become a hassle na lao na if you're going to the office. but then again, safety precedes anything when your ass in the bike already.

i make it sure that my helmet is on. riding jacket. long pants. shoes. these are my basic get-up. kung roadtrip and on my bigbike, padded riding jacket, gloves. i don't have elbow & knee pads. never tried them. probably soon...

eto naman blooper ko... i have friend who has an underbone packed with all carbon fiber goodies (full carbon fairing, carbon fork, carbon steering damper, carbon sidemirrors, carbon headlight/cowling) pate helmet carbon.... nung minsan tumambay sya sa me amin, pagdating nya, syempre lahat nakatingin kase nga all-carbon fiber... pag hubad ng helmet sabe nung isa "hanep, pati mukha carbon fiber din!" :banana:

ayus! LOLZ

paperbikeBURN
September 6th, 2006, 12:54 PM
1. insane.. - naka nkee and elbow pad ako sa kalye namin riding my pocket bike.
2. "sana lahat ng rider ganyan" , a commet i get one time using my UB. galing sa isang politician sa sa taguig.
3. momoooo..- sabi ng baby ko.
5. gastos lang daw at nasa ng ability daw ng driver at will ng maykapal ang safety ng ride-..from erpat ko na old shool rider sa probinsiya.

X3M - 47
September 6th, 2006, 01:37 PM
Hanep sa arrive!

supersix
September 6th, 2006, 02:26 PM
tawag sa safety gears, dami daw pautot!!! sagot ko naman...iba na ang sigurado! :) sabay...vroooommmm....


ridesafe!

istormer
September 6th, 2006, 02:36 PM
kumpleto ako sa pads at iba pang riding gears, pinagtatawanan ba naman ako ng mga kapitbahay noong makarating ako sa probinsya namin.

Alpha_Seven
September 6th, 2006, 02:47 PM
1. Sabi ng mga anak ng officemates ko.. Ayan na si Masked Rider....
2. Isang officemate ko.... karerista ka ba? baket ganyan suot mo?
3. Napadaan ako sa kanto na may mga PO1's .... narinig ko... NAKS NAMAN..

digitman
September 6th, 2006, 04:22 PM
AZTiG sa kalufetan!

bishop alpha
September 6th, 2006, 05:16 PM
hahaha!! everything here are true, those who are laughing at ask and makig a mockery out of us wearing our protectors are the ones who are inggit lang, kasi i hve these incidents:

I went one time at the ateneo to meet a friend and the gastges guars there made a ssarcastic remark," wow boss,kumpleto tayo ah ! ( talking about my gears) I told, them mga boss iisa lang ang buhay natin!!! natahimik sila.

another incident, I went to the traffic station at kamuning/EDSA, a policeman and an MMDA ask me where to buy the kind of gears I am wearing, I told them to go to caloocan, ACCs and it will cost them abut P1000,00 petot. Imagine riders of ZMMDA and PNP with no protectors, bad, very baaadd examples di ba?
another incident, isang friend ko na may motor din ang kantyaw ng kantyaw sa aking dahil sa complete gear ko after two weeks of kantyaw, he stopped and ask me where to buy the protector gears. I told him where and he wore one and stopped making kantyaw. A changed rider isn't he? or rider change?
So bottom line is as long as we feel that we are safe with our protectors no reason for us to be ashame with our gears, besides marami talagang humahanga sa mga disiplinado na riders na katulad nating mga guwaapito dhi vha mga fafa???
gear-up always mga bros, no matter what and have a safe ride.

freewayjammer
September 6th, 2006, 05:34 PM
Wala pa kong safety gears na nabibili like elbow pads, knee pads and shin guards. I only have my helmet, balaclava and jacket pa lang pero tingnan nyo na ang reactions sa akin:

1. brother and mom ko - ang OA mo ang porma mo naman magmomotor ka lang
2. my cousins - isa daw ako sa Ninja kids
3. the kids in pur neighborhood - uy si power ranger oh??
4. the guards in our company - ang pogi ng dating nyo sir ah?? (bading ata si guard)

take note mga kapatid, helmet, jacket and balaclava pa lang yan ha?? pano pag kumpleto na like the complete set of pads and protectors and gloves?? ano na tawag sa akin/atin??? ALIEN?? Taga outer space??? uy, si E.T. oh??

Basta tayo, better safe than sorry!!!

bossing ang balaclava and jacket ay hindi safety gear. get a dot helmet also. not the ones on sale on the sidewalks. better invest in good protection asap. di naman pang porma yun. para sa safety natin yun. it's will be cheaper than hospitalization expenses. don't mind the side comments. ride safe

icegee
September 6th, 2006, 05:40 PM
Wala pa kong safety gears na nabibili like elbow pads, knee pads and shin guards. I only have my helmet, balaclava and jacket pa lang pero tingnan nyo na ang reactions sa akin:

1. brother and mom ko - ang OA mo ang porma mo naman magmomotor ka lang
2. my cousins - isa daw ako sa Ninja kids
3. the kids in pur neighborhood - uy si power ranger oh??
4. the guards in our company - ang pogi ng dating nyo sir ah?? (bading ata si guard)

take note mga kapatid, helmet, jacket and balaclava pa lang yan ha?? pano pag kumpleto na like the complete set of pads and protectors and gloves?? ano na tawag sa akin/atin??? ALIEN?? Taga outer space??? uy, si E.T. oh??

Basta tayo, better safe than sorry!!!

Para sa amin na distance runners, it's a habit na to wear those protectors/gears. Yun nga lang 1 minute ride, may danger and hazard na nakaabang sa iyo, ano pa kaya yung mga hour and a half na ride from work to home.

Hayaan na natin sila tumawa, later maaappreciate din nila yun pag nakita nilang marami na rin ang gumagamit ng protection. Marami-rami na rin akong nakikitang nakagears when we rode from home to office back and forth.