Custom Search

View Full Version : Pati ba naman lamay hinoholdap!!!


LittleDragon
June 15th, 2006, 08:39 AM
Guys ingat kayo! A group of my friends got held-up in a wake they attended in bacoor, cavite. Pinasok sila sa bahay ng apat na lalake with guns. :eek: Pero hindi lang daw lamay pinapasok ng mga g@g0 na to. Pati mga birthday at debut. :pissed:

I guess at these times your guard is down and your gates are open, you don't expect to be held-up ng mga times na yon.

Kaya ingat na lang dudes and pass the word.

Rocky_Alexis05
June 15th, 2006, 08:50 AM
tsk. tsk... grabe naman un... naghihirap na nga ang puso't damdamin, tapos gagawan pa ng ganun....

dapat sa mga magnanakaw na yan ay sunugin ng buhay...... bwahahahahaha....

eyestrey
June 15th, 2006, 09:26 AM
Mga hayop talaga yang mga hudas at hinayupak na yan! dapat jan sagasaan ng pison! :*

Modular Overrev
June 15th, 2006, 11:02 AM
pansin ko lang lalong tumaas ang crime rate natin ng mawala ang jueteng, daming nawalan ng income dyan kaya ngayon kumakapit sa patalim ang tao may ipakain lang, dati di naman uso agawan ng motor ngayon talamak na.

it's better to tolerate a lesser evil (gambling) than to allow a greater evil to flourish (bikenapping, robbery, theft & murder), minsan papatayin ka pa dahil sa maliit na halaga, sometimes i wonder if the Catholic church is really looking out for our best interest or theirs?

RACINGBOY
June 22nd, 2006, 09:34 PM
ang lulufet naman ng mga yan....mga walang konsensya...

vince15
June 23rd, 2006, 03:03 AM
sana tamaan sila ng kidlat habang nilulustay ang mga perang ninakaw nila sa iba.

lycan
June 23rd, 2006, 04:19 AM
grabe nman yan,they must prevent this kind of crimes,doble ingat mga bro.

jfdvrooooom1
June 23rd, 2006, 04:44 AM
Siguro target nila yung abuloy? tapos pinasok nila yung debut kasi target nila nakawin yung mga regalo.

Next target ng mga yan:
Kasal - target nila yung mga appliances na gifts
birthdays - target nila yung mga prize sa parlor games
fiesta - target nilang nakawin yung isang baldeng kare-kare and ulo ng litson.

haay naku, ang hirap na talagang mabuhay. lahat delikado na. pasama na ng pasama.