Custom Search

View Full Version : w/ tube or tubeless tires?

packah
March 26th, 2006, 01:55 PM
what do you think guys is much better? what do you think the advantages and dis advantages? what is more heavy duty?:?

puschmann
March 31st, 2006, 04:27 PM
for me w/ tube is much better, advantage w/ tube is pwede hindi tigas masyado ung tire mo. heavy duty depende na un sa tire brand na gagamitin mo.

ººKANSºº

botek_racing
March 31st, 2006, 07:09 PM
Sobrang lagi ng dif. ng tubetype and tubeless.
bro kung ako sayo tubeless na gamitin mu.promise mas maganda sa tubetype yun.

OuelPacla
April 3rd, 2006, 12:04 PM
With Tube... hindi lahat ng vulcanizing shop kaya mag repair ng tubeless.

Without... if a pinch/punch sa gulong during ride makaka survive pa ang gulong mo until may marating ka na vulcanizing shop na kaya tubeless. Just keep on pumping air every once in a mile just to make sure. Yun ay kung hindi bubunutin yung nakatusok :D

Now. it all depends on your riding. Kung long distance at remote ang place ng ride, is it better to have a tube type para compatible sa lahat ng vulcanizing shop or tubeless para maka rating ka sa vulcanizing shop na kaya ang tubeless? :?

Basta ako lagi akong may handy air pump (yung pang bike) at vulcanizing kit para just in case. :O

Nakagulo yata ako, sorry.....

juntan
April 3rd, 2006, 03:20 PM
BRO,

my tubeless rear tire po...2 weeks na po syang may maliliit na pako..

di ko pa rin tinangal ang pako.... twice pa lang ko nag pump ng hangin...

kool di ba? hehheheheheheh...

i dont if anyone here knows dis amerseal thing dat COSWAY is selling?

windblown
April 4th, 2006, 01:15 PM
ok ang tubeless hindi agad sisingaw pag napako db sir juntan..
try to bring n lng extra interior para pag na flat ka at
wala kang makita nag vuvulcanize ng tubeless balik tube type
ka muna

juntan
April 4th, 2006, 01:56 PM
ok ang tubeless hindi agad sisingaw pag napako db sir juntan..
try to bring n lng extra interior para pag na flat ka at
wala kang makita nag vuvulcanize ng tubeless balik tube type
ka muna

bro,

di talaga sumisingaw agad ang tubeless..dala ka lang palagi ng de bomba
niloloko na nga ako ng gf ko...an laki kasi ng de bomba ko..:O
wala pa kc ako mahanap na rear tire... grabe po dito sa bukid namin..
pati sa cebu, mahirap rin maghanap......

peru bro, di ko sure sa idea na magdala ng interior, ewan parang di po puydi yata...di po ko sure ha....

windblown
April 4th, 2006, 02:38 PM
ako din tubeless..nung na pako ako di ko tinanggal
di naman sumingaw kaya ok..kaso pag dating ko sa shop
di daw nila alam pag vulcanize ng tubeless,kaya uwi ako
kuha ng interior tapos un nilagay nila hehe,dunlop
tube type kase un na pina convert ko lng for
tubeless kaya pede uli ibalik sa tubetype..:)

aloy_g
April 4th, 2006, 03:01 PM
i prefer tubeless.

*di agad sumisingaw pag napako.

*pwede mo pa itakbo kahit na mejo flat dahil bumaon ang pako.

*pwede mo lagyan ng tube sa loob pag puro tapal na yung tubeless mo at gusto mo pa ring gamitin.

*mas magaan ang tubeless.

*merong nabibili na liquid sealant for tubeless tires para pag napako, automatic seal agad.

*kung ayaw mo bumili ng sealant, merong nabibiling tire repair kit na DIY, pasak method ang tawag nila. hindi mo na kelangan kalasin yung gulong para maayos yung butas.

Gdinks150
April 4th, 2006, 09:23 PM
tubeless is much better kasi basta di mo tinatangal ang pako for eample di sisingaw yan unlike sa tubetype pagkapako nyan singaw agad na pwedeng pagsimulan ng aksidente.tumatakbo ka ng 80kph nasabugan ka ng gulong sa harap san ka kaya pupulutin nun?

forbiddensmoke
April 4th, 2006, 09:49 PM
tube type, kasi mahal ang tubeless.
tsaka lahat ng vulcanizing shop kaya repair tubes ng tyres.

with regards sa kung ano mas magaan: siyempre, tubeless. kaya lang... kapag naka tubless ka, siyempre, naka-mags na dapat. so mas mabigat parin pag naka-tubeless kesa tube type na naka rims. IMHO.

aloy_g
April 5th, 2006, 08:27 AM
most vulcanizing shops naman na nagoofer ng vulcanizing sa mga kotse, gumagawa din ng tubeless, dahil most cars naman ngayon eh tubeless na.

juntan
April 5th, 2006, 08:54 AM
sir aloy,

good morning po...

do u refer po sa like amerseal products...ito po yata yung nilalagay sa gulong??

i dont know how effective this is...

den, sa DIY then na repair kit sir, ano po ba brands nito..and can u elaborate how to use this..thanks sir aloy in advance.........

juntan
April 5th, 2006, 11:19 AM
mga bro,

since na open na natin ang topic sa gulong na may interior...

kindly po, puydi po bang i share natin yung stories if merun sa mga na aksidente na dahil sa pagsabog ng gulong sa bike (big or small bikes po)

sa akin po:

yung father ko po nung nag momotor pa sya..

sumabog yung front gulong, kahit daw hinay lang takbo nya, semplang pa rin, yun bali right nyang arm.....isnt dat scary:eek: ....di pa kaskaseru erpats ko..hinay lang day sya nuon....

yung big bikes kaya na may tube? mangyayari kaya yan? at high speed?

aloy_g
April 5th, 2006, 11:58 AM
sir aloy,

good morning po...

do u refer po sa like amerseal products...ito po yata yung nilalagay sa gulong??

i dont know how effective this is...

den, sa DIY then na repair kit sir, ano po ba brands nito..and can u elaborate how to use this..thanks sir aloy in advance.........
ibat ibang brands kasi yun sir. meron pa nga yung nasa home tv shopping. pero parang ganun na nga, liquid siya na nasa can tapos ilalagay sa loob ng gulong, pag naflat, automatic na iffill nung sealant ung butas.

madami din kasing repair kit eh, di ako familiar sa brand. ito yung may kasamang sticky rubber strip na ipapasok mo dun sa butas ng gulong mo, ayun, instant seal agad. hanap ka nalang ng pambomba ng gulong.

noelnash
April 5th, 2006, 12:56 PM
mga bro,

since na open na natin ang topic sa gulong na may interior...

kindly po, puydi po bang i share natin yung stories if merun sa mga na aksidente na dahil sa pagsabog ng gulong sa bike (big or small bikes po)

sa akin po:

yung father ko po nung nag momotor pa sya..

sumabog yung front gulong, kahit daw hinay lang takbo nya, semplang pa rin, yun bali right nyang arm.....isnt dat scary:eek: ....di pa kaskaseru erpats ko..hinay lang day sya nuon....

yung big bikes kaya na may tube? mangyayari kaya yan? at high speed?
I have experienced this already when my Shogun R was still new All tires stock (Leo Tire)

One morning while cruising along Commonwealth Ave, I was following a cage (4 wheel) with a distance of about 20 ft at a speed of about 50 Kph. Paglagpas ng 4 wheel, nakita ko sa gitna ng kalsada, may nakaharang na nalaglag na tambutso. No more time to swerve dahil slightly na pakurbada yung kalye at commited na ako sa kurbada. Ang ginawa ko ay tumayo sa pegs at hinila ko yung aking handle bar pataas. I think lumipad ako upon impact sa tambutso kasi narinig ko na nag-overrev yung makina ng MC. Tumama yung front wheel ko sa isang part ng tambutso na matalim na parang blade. Pagbaba ko, ayung wasak na ang aking front wheel (3 in na tear) at kasama na rin ang interior. Mabuti na lang at slow down na ako at hindi ako tumumba. Instinct lang talaga ang nagudyok sa akin na palundagin ko yung bike.

After that incident, nagbasa-basa ako tungkol sa kung paano sumunod sa 4 wheels. Recommended nga na sunod ka dapat sa gulong nila para kung may obstacle man sa harap nila, iiwas at iiwas yung at magkakaroon ka rin ng idea na dapat ay iiwas ka na rin.

Sana makatulong ang tip ko sa inyong kapwa MC rider.

aloy_g
April 18th, 2006, 09:00 AM
share ko lang guys, nung last week, nabutasan ako ng gulong, eh ubos na pala yung rubber strip ko, so ang ginawa ko, gumupit ako ng rubber strip galing sa interior ng gulong then nilagyan ko ng threebond na coating yung buong strip tapos pinasak ko sa butas. so far di pa naman sumisingaw. :D

snickers
April 18th, 2006, 11:31 AM
mga bro meron ngayon yung parang doublemint na maliit....at may parang paste...ginagamit nga sa bicycle(mountain/raceer) racers/rally.... 25 pesos lang...maganda para sa tubeless...tapso bili lagn ng pambomba...ok na ang gulong...

Preydator
April 18th, 2006, 12:10 PM
D best ang tubeless, di ka basta basta mapa flat, especially at high speed.

aloy_g
April 18th, 2006, 12:41 PM
mga bro meron ngayon yung parang doublemint na maliit....at may parang paste...ginagamit nga sa bicycle(mountain/raceer) racers/rally.... 25 pesos lang...maganda para sa tubeless...tapso bili lagn ng pambomba...ok na ang gulong...
san tinatapal yan? sa loob ng gulong? hassle kasi yun kung kelangan mo pa tanggalin yung gulong. unlike pasak, kahit nakakabit ok na.

back2back
April 18th, 2006, 02:22 PM
what do you think guys is much better? what do you think the advantages and dis advantages? what is more heavy duty?:?

base on my experience bro i used TT900 dunlop 60/80 front tire & 70/80 rear tire tube type converted to tubeless.last april 9 sunday me together w/ my son going to tagaytay w/ my friends about 8 to 8:30 am in silang ng bigla na lang kumalas ang ang tire ko sa mags sa unahan ng di ko alam ang dahilan kaya nadisgrasya kami ng anak ko at nagtamo ng galos at sugat buti na lang nka helmet kami pero nahubad ang helmet ng anak ko kya maraming sugat at bukol sa ulo. buti na lang at walang kasalubong o kasunod kaming sasakyan kaya ngayon nilagyan ko na ng interior ang tube type tire ko. hangang ngayon ay nagapapagaling pa kami ng anak ko. sana makatulong sa yo ang experience ko.ride safe bro

aloy_g
April 18th, 2006, 02:57 PM

sir i have to emphasize na what you did was you CONVERTED a tube type type into a tubeless. so meaning, pang tubetype yung ginamit mo pero di mo ginamitan ng interior. di talaga reliable yun sir. never pa ako naaksidente dahil sa tubeless tires ko. mas ok pa nga dahil kahit mabutas ng kung anu anu yung gulong, di agad nafflat.

next time sir buy a tubeless tire nalang.

baka kasi ma mislead yung thread starter at isipin nya na unsafe ang tubeless tires.

smooth29
May 8th, 2006, 05:16 AM
ang tanong eh ano ba ang gulong ng thread starter? naka mags ba? aloy g pano po ang sabi ng mekaniko ko na pag long rides don't use mags and tubeless dahil madali daw masira ang mags? no prob daw w/ tubeless but ang prob naman daw is w/ yung mags? tanong lang po...

aloy_g
May 8th, 2006, 05:45 AM

ewan ko sa mekaniko mo pano nya nasabi yun. :D almost all scooters naka tubeless tires, lalo na yung mga jogs and dio. pero nakakapag long ride pa rin. sa mga kotse at iba pang 4 wheels halos lahat na nakatubeless. pati nga yung van namin naka tubeless, considering na mabibigat lagi ang kinakarga dun.

ang problema lang kasi pag naka tubeless ka tapos sobrang nipis ng gulong mo, konting lubak tatamaan agad yung mags. yun ang problema. pero if you'll just stick to the right tire size, wla naman mangyayaring masama sa mags mo. tagal tagal ko nang naka mags wala pa rin problema gulong ko.

smooth29
May 8th, 2006, 06:16 AM

good point.hmmm.napaisip ako ng konti.share ko lang ito.nasabugan ako ng rear tire ko (tube).sobrang takot.near fishtail.iniimiagine ko na lang kung front tire ko yun.malamang yari.80 kph kc takbo ko pag long stretches.baka subukan ko mag-mags and tubeless kung ganon.siguro nasa alaga na lang yun sa pagmamaneho eh.anyway...thank you sir.

aloy_g
May 8th, 2006, 08:01 AM
ganyan talaga pag may tube. unlike sa tubeless kasi dahan dahan sumisingaw ang hangin, so mararamdaman mo na unti unti nang pumapangit ang handling mo.

tsaka 2x ko na pala natry mag running flat, hehe, anlayo kasi ng vulcanizing. i doubt na magagawa sa tube type un dahil sigurado, yung rims nya agad ang gagasgas sa semento.

Daddy G
May 8th, 2006, 09:57 AM
question: and tubeless type na tires ba eh pwede lagyan ng tube? at pwede rin bang ikabit sa rim?

doomzday
May 8th, 2006, 10:03 AM
pwede pong tubeless ang tire for tube-type...basta naka mags ka po. bibili ka lng ng "pito" for tubeless. that's what i am using right now.

flash5
May 8th, 2006, 10:09 AM
convert lang ang gulong ko from tube type 2 tubeless. 2 yrs na wala pang flat!! mahirap kse pag naka interior tapos naflat ka. gas stations hve no tools to repair tubetype tyres. lalo na kung ang bike mo walang center stand.. ang hirap ayusin

aloy_g
May 8th, 2006, 10:51 AM
pwede pong tubeless ang tire for tube-type...basta naka mags ka po. bibili ka lng ng "pito" for tubeless. that's what i am using right now.
ang tubeless tires, pwede mo lagyan ng tube yun if ever sobrang dami nang butas at puro tapal na. :D

as i've said before, di advisable na gawing tubeless ang tires na tube-type. kaya nga ginawa yang tube type eh. tignan nyo yung nangyari kay back2back.

dito samin tinatanggihan ng mga vulcanizing shops yung scooters na hindi tubeless dahil ang hirap baklasin ng gulong, kelangan pa kasi tanggalin yung pipe.

RACINGBOY
May 8th, 2006, 01:01 PM
Di nga safe na gawig tubeless ang tubetype tires kaya ako pinalagyan ko na ng interior yung tubetype tire ko na kinonvert ko to tubeless....nakakatakot kasi yung ngyari sa kwento ni back2back....buti na yung cgurado...

Paul.Garcia
May 8th, 2006, 01:19 PM
Sir Aloy_G, this question is for you. Fat tires ang gamit ko sa XRM ko. I had my share of flats and punctures with 60/80 and 70/80 tires. I have been lucky, so far, because I only had 1 experience of a puncture with my recent 90/80 rubber. So this is the question (whew, kala ko hindi na ko mkakapagtanong e), pag tubeless ang gamit ko, hindi ba mas mataas yung probability nya na mabutas? Kase 1 layer lang ang kailangan butasin. Hindi ba ganun yun? Thanks Aloy_g! are you related to Daddy G?:O
:wave:

kompressor
May 8th, 2006, 01:37 PM
Paul, to answer your question, mas makapal yung rubber layer ng mga tubeless na rated tires compared sa tube type. If you get punctured, singaw lang pero hindi dadapa bigla ang gulong unlike kung tube type ang gagamitin. Another disadvantage of tube types is on cornering, pag mali ang pagka-install ng tube at naipit during cornering, mapupunit ang tube (sa ipit) at dadapa bigla ang gulong.

If you own a "pasak" kit (which can be bought at auto centres), no worries with punctures, that is if you are using tubeless tires.

My u-bone uses maxxis tubeless tires (which I find very safe coz it has 2 plies of nylon and 1 ply of kevlar).

flash5
May 8th, 2006, 01:42 PM
mahal ba yang maxxis na tubeless?

kompressor
May 8th, 2006, 01:53 PM
Mas mahal ng konti ang tubeless compared sa tube type. a 90-80-17 maxxis tubeless costs around P1100+.

Paul.Garcia
May 8th, 2006, 02:03 PM
Still remember me? I'm the one from CyberMall you met late last year. Thanks for answering.

Some follow-up questions here. I'm currently using a 90/80x17 Dunlop TT900 rubber. Pwede na ba yun pang tubeless? P1250 bili ko dito 6 months ago. Recommend mo ba yung Maxxis? Michellin? IRC? San ako bili ng pito na pang tubeless? Pang tubeless ba lahat ng mags? E Daichi Alloy?

I'm gonna go tubeless!:s

fubu_03gaf
May 8th, 2006, 08:13 PM
Mga sirs question lang,

I've seen na most of the forumers use tubeless tires, and I can see why, its safer than tube tires.

I plan to change to tubeless tires soon, once mystock IRC's are done with their tread life, My tire size is F 90/90x17 R 100/90x18

Any reccomends for replacement tubeless tires?

Peace!

Daddy G
May 9th, 2006, 10:07 AM
Mas mahal ng konti ang tubeless compared sa tube type. a 90-80-17 maxxis tubeless costs around P1100+.

mas makapit ba yan compared sa dunlop? saan ka nakabili sir, meron bang 100/80-17?

flash5
May 9th, 2006, 10:17 AM
sa pagkakaalam ko pareho lang ng rubber compound ng tubetype at tubeless. mas makapal lang yata ang tubeless