Custom Search

View Full Version : Bad Pldt


litodelaflor
March 5th, 2006, 02:21 PM
The worst telephone company sa akin ay ang PLDT. Marami na akong bad experience na naranasan sa PLDT.

1. Walang sumasagot sa customer service, madalas iha-hang-up ka pa. Paano mo masasabi ang problema at tanong mo kung walang sumasagot? Kaya nga nagpakabit ng telepono para di kana pumunta sa office nila. Nasubukan na kaya nila na tumawag din dito pag nasira ang telepono nila?
2. Mura nga ang voice call unlimited from PLDT to Smart cellphone, napuputol naman. So, pag nag-dial ka na naman, another charge of p10 ulit. Therefore madaya sila.
3. Promo naman sila ng Vibe unlimited dial-up. Ganun pa rin, putol-putol ang connection. Masisira lang ang website at yung nire-research mo.
4. Pagdating sa monthly bill, walang detalye dun sa mga charges (residential line rental)na binawas sa iyo na para malaman mo kung ano ang binabayaran mo sa halagang iyon. Last bill ko nga, may misellaneous fee pang nakalagay dun- walang detalye talaga.
Paging PLDT management, may panahon pa pong pagbutihan ang serbisyo nyo. Huwag nyo pong ipagwalang bahala po ito kasi -nagbabayad po kami sa inyo. Maawa naman po kayo.