Custom Search

View Full Version : Change Peunut bulb & lift Back


oliver01
February 7th, 2006, 09:29 AM
Hi Bros..

Can you help me kung paano magpalit ng peanut bulb sa gauges ng Z200 natin...paano ba magpalit nun..papano magbaklas? and also pag ba nagpalifback ka ng Z200 ay meron bang idadagdag na piesa like mga turniyo or kung ano-ano pa or iaadjust lang sya ng mekaniko..kasi sa amin sa balayan batangas wla pang nakalift back na motor..hope na ma2lungan nyo ako pra maituro ko din sa mga fellow Z200 owners natin d2 sa balayan batangas..


Many Thanks,
Oliver

pranix
February 7th, 2006, 10:07 AM
if you try to read the responses posted in the forum you'll get your answers... try the search function... :C

mashimaro
February 7th, 2006, 06:28 PM
Here's one thread on rear lift... http://www.motorcyclephilippines.com/forums/showthread.php?t=35766
marami pa dyan di ko lang alam kung saan na eh. sowy. :)

v!ncent
February 7th, 2006, 08:02 PM
by the way, peanut bulb ba talaga ang tawag dun? correct me if im wrong pero yung tinatawag na peanut bulb eh yung sa magkabilang dulo ang terminal. yung parang fuse ang hitsura d ba?

tinjastin
February 7th, 2006, 09:42 PM
Clue: there are 6 na turnilyo bago mo tanggal yung buong body ng z200 3 at the right side and 3 on left side yung una sa may taas ng gas tank, yung pangalawa sa gilid nung gas tank, and last yung sa ilalim katabi ng horn mo,pag natanggal mo na yan sasama including yung head light,try to figure it out na lang tapos pag nakita mo na yung instrument panel sa likod nun duon nakakabit yung mga bulbs try to pull it 1 by 1 peanut bulbs makikita mo dun naka cover yung mga bulbs sa wire at rubber sheath, replace it by 12volts 5 watts para mas maliwanag ng konti,kung gusto mo naman pinturan yung mga hands ng tach or tingnan yung loob ng instrument mismo may mga philips screw heads din sa likod nung instrument panel tanggalin mo lang at yung front na plastic matatanggal mo na....madali lang tanggalin yan chaga chaga lang sa pagtanggal nga lang....

taba
February 8th, 2006, 03:52 AM
hehehe tinjustin ang hirap naman nyan.... hehehe what if you take out the two nuts on the side of the dashboard then from there lift the entire dashboard then unplug all the peanut bulb from there and since hinde kelangan ng screw, just plug the new 5 watts peanut bulb in place. yan na iyun.....

tinjastin
February 8th, 2006, 08:38 AM
um medyo nga, pero nung una ko nilagyan yun ng bulbs 6 na screw kasi yung tinanggal ko then lahat nung body nahugot ko, tapos nilinisan ko na rin yung dirt/dust sa loob nun,hehe!,anyways basta ang importante mabalik mo ng maayos ok na nga yun...

michael.ro
February 8th, 2006, 01:46 PM
Pasali lang mga sir, yung sa akin nung nagpalit ako ng mga peanut bulbs ang tinanggal ko lang eh yung visor sa harap, pag natanggal mo na yun makikita mo na yung mga sockets naka expose na yun tatlo lahat. Hindi mo na kelangan tanggalin yung buong body or mga fairings to replace those three bulbs.

tinjastin
February 8th, 2006, 10:07 PM
ah ok, sa akin kasi ayaw ko lang gawin yun bunot lang ng bunot ng hindi ko totally nakikita yung source kung saan mismo yung butas,anyways nung nagtanong ako sa concorde sa SM may 12v8w ( i think this is the max wattage para sa bulb na ito, blue and white bulbs meron) na orig japan bulbs cost around 390 may 400 pa nga "a pair only" ibig sabihin x2 pa need mo, mahal noh? :eek: pang kotse kasi e, correction ndi pala peanut bulbs tawag dyan sabi sa akin nung nag assist sa akin "plug bulb" daw tawag dun? pinakita nya sa akin yung peanut bulb iba dun sa porma nung bulb dun sa atin e,ndi ko alam kung correct sya or correct kayo hehe!, chaka sir ndi lang 3 bulbs kelangan tanggalin dun 4 bulbs totally lahat yan,kasi kung 3 bulbs lang nahugot mo malamang yung isa 12v 1.7w parin yun...:D

taba
February 9th, 2006, 01:26 AM
it may have a total of 7, 3 of which are the bulbs lighting the indicator for signal on, nuetral on, and bright lights on.... i hope this helps....

michael.ro
February 9th, 2006, 09:56 AM
Nyikes so meron pala ako isang hindi nakita :D
Well anyway hindi ko pa naman talaga plano sana magpalit nun na inspire lang ako sa mga nababasa ko dito na mas gaganda daw yung display, after ko mapalitan ang laki nga ng difference lumiwanag na pero hindi ko pa din makita yung needles sa gabi, so i guess the best solution talaga is to paint the needles with a much brighter color.

tinjastin
February 9th, 2006, 11:33 AM
Mga sir binaklas ko ulit yung z200 ko,nilagay ko kasing bulb dati 12v 3w lang eh papalitan ko ng 12v5w eto po yung some pics balak ko kasi pinturahan ng red yung needles nung mga gauges e, share ko lang din sa inyo ito...

http://img139.imageshack.us/img139/491/img01292mh.th.jpg (http://img139.imageshack.us/my.php?image=img01292mh.jpg)http://img434.imageshack.us/img434/3281/img01328il.th.jpg (http://img434.imageshack.us/my.php?image=img01328il.jpg)http://img434.imageshack.us/img434/5805/img01333wx.th.jpg (http://img434.imageshack.us/my.php?image=img01333wx.jpg)http://img434.imageshack.us/img434/1751/img01304cp.th.jpg (http://img434.imageshack.us/my.php?image=img01304cp.jpg)

taba
February 9th, 2006, 12:55 PM
wow..... grabe kayo magbaklas hehehe...... hehehe ayaw nyo suggestion ko?, nagtan6ggal kayo buong front fairings talaga plus headligths....

Shadow Blade
February 9th, 2006, 02:22 PM
@tinjastin
ganyan din ginawa ko, binaklas ko lahat. Kung titingnan may mga bulb na may part nung housing na may overhead cover parang umbrella binali ko mga yun to let more light in.

http://img135.imageshack.us/img135/254/img01328il5nz.jpg

tinjastin
February 9th, 2006, 06:38 PM
@tinjastin
ganyan din ginawa ko, binaklas ko lahat. Kung titingnan may mga bulb na may part nung housing na may overhead cover parang umbrella binali ko mga yun to let more light in.

http://img135.imageshack.us/img135/254/img01328il5nz.jpg

Sir Shadow Blade yun sana itatanong ko e, kung ok lang ba baliin yung nakaharang para mas malinaw yung light, pero may purpose kasi yung harang na yan e dba ndi naman basta basta lalagyan yan ng harang kung walang purpose, ndi kaya sa sobrang lakas nung ilaw / wattage eh tunawin nya yung certain part kapag nawala yung harang? kaya cguro may harang to protect the part on the front of it sa tunaw, else ano ba naging result nung tinangggal mo yung harang? normal naman or may nasirang parts? o may natunaw ba? mgs sirs ok kaya talaga baliin yung harang sa ilaw to make the instrument panel more brighter?, whats your comment / suggestions about this?....thanks po sa mag rereply BTW: naunahan mo lang ako lagyan ng arrows yung mga lights dapat eexplain ko na yan kanina kaso umalis kasi ako ng bahay tamad ako mag edit ng picture eh! hehe! lol!, anyways thanks for asking that question gusto ko rin malaman sagot nung iba :D nalagyan ko narin ng pintura na red yung mga needles ng instrument panel next time ko na pipicture-an yun gumanda rin yung panel ko,post ko minsan uli dito para magka idea yung ibang z200 owners...

taba
February 13th, 2006, 11:49 AM
why not instead of removing the protection.... place silver stickers into it.... these will keep the protection and distribute the light instead ... just my 2 cents...

tinjastin
February 13th, 2006, 11:55 AM
yung naisip ko naman hahanap ako ng clear na plastic yung medyo makapal, then pag binali ko yung hard black plastic na nakaharang, mapapalitan ngayon sya ng clear na plastic,tatagos na yung light dun dba, dapat lang sana makapal yung plastic tapos mighty bond mo na lang uli yun duon sa naputol na black plastic,ang tanong ano kayang plastic na clear ang pwede ilagay na good enough para ndi matunaw yung plastic pag malakas na yung wattage nung ilaw?...

BAMP
February 13th, 2006, 03:57 PM
tagal ng sweldo... bili na ko z2 :).. as of now di n tlga ko mka2log haha.. enjoy mgbasa forum hehe as if meron n ko bike :)

Shadow Blade
February 13th, 2006, 09:27 PM
@tinjastin
yung sakin binali ko na so far wala naman akong nakitang sira, around 2 mos of riding. Yung bulb wattage ko ay 3W, good idea yung plasric, use plexiglass to change the protectors if you want.

tinjastin
February 13th, 2006, 10:55 PM
@shadow blade ah ok good, kaso yung sa akin 12v 5w ang nakalagay e, mas malakas ng konti yung wattage, tried and tested mo sa 3w eh paano pag 5w kaya?,sana nga walang matunaw, pero hahanap nga muna ako ng plastic or plexiglass na yan bago ko baliin yung plastic buti na yung cgurado dba... =)

Ok din yung idea ni taba lagyan ng sticker na reflectorize yung silver/stainless/mettallic color sticker sa gilid (yung pang jeepney na sticker) ng panel para mag bounce yung light sa mga black spots/side nung instrument panel, good idea din yun!...hanap din ako ng sticker pag nagawa ko post ko uli d2 =)

tinjastin
February 23rd, 2006, 07:14 AM
just re-updating a pic from repainting my needle dials to "red" in the instrument panel for z200, eto yung finish product...

http://img57.imageshack.us/img57/4065/10000327zh.th.jpg (http://img57.imageshack.us/my.php?image=10000327zh.jpg)

geraldo3
February 23rd, 2006, 09:42 AM
@tinjastin .. sir hows the visibilty sa gabi?

tinjastin
February 23rd, 2006, 05:45 PM
sir geraldo3 oks naman din mas malaki naman ang binago kaysa sa dati kasi red na yung needles e, mas kita compared sa black needles tapos lagyan mo pa ng 12v 5w na bulbs e mas ok na sa gabi,

mga sirs figure out paano ko tinaggal yang needles medyo may kahirapan ng konti :D

taba
February 23rd, 2006, 10:41 PM
at tinjastin ako hinde ko na pinilit tanggalin eh heheh i painted it on top of the gauges na mismo baka kase natakot akong ma "miscalibrate" ang guages ko eh...... pero gamit ko lang doon was liquid paper to paint it white pero mas ok ata kung acrylic paint talaga gamitin ko eh.....

michael.ro
February 24th, 2006, 08:25 AM
@taba, nung ginawa mong white yung needles nakikita pa ba sya kapag daytime naman since white din ang color ng gauge?

tinjastin
February 24th, 2006, 11:36 AM
so far nung natanggal ko yung needles ko ndi naman miscalibrated yung sa gauge ko nilgayan ko ng palatandaan kung saan ko kinabit at ano yung pwesto sa orginal setting nya....oks naman same as normal speed parin

taba
February 24th, 2006, 05:36 PM
@michael.ro sir ok pa rin kahit araw kse iba ang shade ng white ng liquid paper(dirty white) eh kay sa background white nya na parang pearl white ang dating....

michael.ro
February 24th, 2006, 06:12 PM
Mga sir singit ko na lang dito yung question ko, napundihan na ba kayo ng headlight bulb? Saan kaya ako makakabili nung original na philips, wala din stock sa eastworld eh.

jsamlaguna
February 24th, 2006, 06:50 PM
ako rin po napundihan kagabi ng low beam sa headlight,
what's the maximum wattage na pwede pong ipalit na headlight sa z200 and how much?

Thanks in advance.

tinjastin
February 24th, 2006, 06:51 PM
sa akin ndi pa, i've changed my headlight bulb to white mas maliwanag pa compared dun sa stock maganda pa yung puti tingnan sa malayo, palitan mo na lang kaya yung bulb mo na white? mga 250 yata yun e...

geraldo3
February 24th, 2006, 07:24 PM
i change my headlight bulb to the superwhite kind ..35/35w same as stock only brighter ... ;) 100petot @ exceed

tinjastin
February 24th, 2006, 07:38 PM
sobra pala pricing ko sa bulb sensya na kalimutan ko na yung price e mga 120 lang yata pala yung pagkakabili ko...:D

michael.ro
February 27th, 2006, 09:09 PM
Ok thanks ill go to exceed na lang, low beam din ang pundi sa akin eh
mukhang may deperensya kase napupundi sya sa hi-rev,galing na ako
sa service center kanina kaso hindi na ako na receive dahil madami nang
ginagawa. Oh well..

tinjastin
February 27th, 2006, 09:57 PM
Kung lagi yan napupundi pa check mo na yung electricals baka malakas yung current na binibigay kaya pumuputok yung bulb mo, bihira kasi dapat pumutok yan e not unless nakalog or napakelaman cguro ,malamang mapuputol yung filament ng bulb sa loob...chaka ang alam ko Philips na brand yung bulb nung stock matibay naman yun e bakit sira agad? to be acurate Philips Duplo 12v 35/35w...hmmm?

michael.ro
February 27th, 2006, 10:04 PM
Yup tama bro nahihirapan lang ako humanap ng gagawa dito
sa area namin ang alam ko lang kase gawin eh magpalit ng bulb