elgatonegro
August 31st, 2005, 08:24 PM
pinapanood mo ay bakbakang noypi:
- Umiikot ang istorya sa paghihiganti.
- Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak n'ya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, syota, kulasisi, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno).
- Isa sa mga eksena e babastusin ang bida, o ang syota n'ya ng mga nag-iinumang istambay.
- Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).
- Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ng leading lady ang mga sugat n'ya.
- Pag narinig mong tumawa ang isang character ng "bwahahahaha," automatic, kontrabida 'yon.
- Pag may gagawing masama, tumatawa ang kontrabida. Kahit habang nanggagahasa.
- Smoker at mabisyo ang kontrabida.
- Mahilig sa leather jacket ang kontrabida. Kahit buwan ng Abril at tanghaling tapat.
- Ang structure ng mga kalaban: Ang Boss at ang kanyang "mga bata."
- Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay.
- Lagi ding may eksena sa isang beer house.
- May seksing leading lady at may bed scene na pwedeng ikwento sa Abante.
- Pagkatapos ng bed scene ay mahinhin ulit ang leading lady.
- Marunong sa bakbakan ang babae, at isang lalake lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin.
- Kung mako-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang at papahirapan, dahil lagi s'yang gustong mahuli nang buhay ng big boss.
- Pagdating ng big boss, papatayin din s'ya, pinatagal lang ng konti.
- Mag-uusap ang bida at ang mortal n'yang kalaban habang nagtututukan ng baril... mahabang pag-uusap, parang balagtasan, tila baga mag-syotang nasa telepono.
- May malakas na pagpapasabog kahit hindi naman kailangan.
- Walang malakas na pagpapasabog kahit kailangan.
- Mura ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.
- Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.
- Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit hindi pa s'ya nakakahawak nito sa buong buhay n'ya.
- Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod nang sabay-sabay, laging isa-isa, parang nagsasayaw.
- Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlumpung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan n'ya.
- Tamaan man s'ya ng bala ay laging daplis lang... bawal sa ulo at sa puso.
- Siyam ang buhay ng bida.
- Doble pa nito ang buhay ng leading lady.
- Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng isang page na script bago malagutan ng hininga.
- Pagkatapos pakinggan ang farewell speech, titingala ang naulila at isisigaw ang pangalan ng namatay.
- Pero hindi lubusang nagiging ulila ang bida dahil kadalasan itong merong spare na partner.
- Huling darating ang maraming pulis at didiretso agad sila sa pag-aresto sa kalaban. Oo, parang may palatandaan sila kung sino ang mga kalaban... at wala silang pakialam sa bida, kahit sangkot ito sa riot! :O