rononing
July 5th, 2010, 11:19 AM
share ko lang po..
SAGING ANG PINAKA HEALTHY NA PAGKAIN SA MUNDO
May kasabihan na “An apple a day keeps the doctor away”. Mali po yan. Ang bago ngayon ay “Two bananas a day keep the doctor away”. Marami ang pagsusuri ang nagsasabi na ang saging ay sobrang healthy at napakabuti sa katawan.
Heto ang nilalaman ng isang saging na 100 grams: Calories, Vitamin B: Thiamine .04mg, Vitamin C: 10mg., Potassium: 260 mg., Carbohydrates: 23 grams, at protein : 1.2mg.
Sobrang dami ang benipisyo ng saging:
1. Tiyan- napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavanoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.
2. Puso- mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalo na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging sa bawat araw.
3. Parang multivitamins- kung susuriin mo, parang multivitamins ang saging dahil may vitamin A,B,C, Calcium, Iron,, at Potassium ito.. Kapag kumain ka ng dalawang saging bawat araw, You can have it all like edu manzano at Feel complete like Piolo Pascual. Tipid pa.
4. Mabuti sa Colon- Dahil mataas sa fiber ang saging, pwede itong panlaban sa colon cancer at iaba pang sakit ng bituka natin.
5. Good for exercise- Sa mga mahilig mag ehersisyo at mag gym, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa bag lagi.
6. Para sa stress at pang relax- alam nyo ba ang saging ay may tryptophan? Itoy isang kemikal na nagpapasaya sa atin at nagpapaganda ng ating emosyon. Kaya kung depressed ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag ng lumuha, mag saging ka na.
7. Pang baon talaga- kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Hirap kainin diba? Pero ang saging ay napakaganda ng lalagyan (balat). Talagang ginawa ng Diyos para kainin.
8. Baka magbawas ng leukemia at hika sa bata- May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata o sanggol ay lagi mong pinapakain ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin sila magkakaron ng kuekemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami ang naniniwala dito. Kaya kahit ano pa ang nararamdaman mo, kumain ka ng saging para maging healthy at malakas.
:clap: