Custom Search

View Full Version : Checkpoints: Are we being violated?

Pages : [1] 2

brand0
November 4th, 2009, 01:18 AM
I know that there are tons of discussions here re: checkpoints being conducted by either the police or the police and their alipores.

But I wanted it to be more specific as they, are only, specifically, pinpointing to only us, motorcycle riders.

Checkpoints can be seen everywhere these days, upcoming elections I guess but what frustrates me is that it is only us that they're flagging down.

Yes it's legal but why only us? They say there was an alert but sometimes the alert doesn't really apply to us riders, take for example the Glorietta robbery.

I'm sure that there are some of us here being flagged down a couple of times in the same city or throughout their journey and their time being wasted for "sir, OR/CR at lisensya lang po", w/c makes no sense to be honest. If I'm a criminal, a simple OR/CR or license check won't get me behind bars.

What about other vehicles? There are a lot of vehicles on the road w/c I find more suspicious compared to your regular mc rider.

Our time is important. Do we have something or can we do something so that our PNP can ratify their guidelines for checkpoints and our time not being wasted?

kicx_zippinbud
November 4th, 2009, 01:43 AM
i agree. its really unfair for us motorcycle riders being apprehended by those 5-0's and it doesnt make any sense at all. just becasue our vehicle can fit through narrow streets. How can we voice out this issue?

Emorej03
November 4th, 2009, 02:20 AM
natatawa nga ako sa checkpoint samin...3 times ata akong tumigil kahit hindi na ako mismo ang pinapara...baba agad ako at labas license at or/cr...tapos tatanungin ko.."boss may nanakawan ba ng motor?" sagot nila "meron, sinakay sa Van"....matatawa ako..kasi mga MC pinapara,,tapos sabi sinakay sa van yung motor?....diba dapat yung mga tinted and chinechek point?

Yaiba
November 4th, 2009, 02:31 AM
Sir,
Siguro po yung mga check point na na encounter nyo e yung nag check check kung yung mga motor e naka rehistro. Kaya OR/CR at lisensya ang hinahanap. Alam nyo namang malimit sa balita ipakita yung mga holdapan na ang perp e naka motor na walang rehistro at plate number.

Iba iba tayo ng pananaw pero para sakin ok lang yung ginagawa nila kung hindi naman tatagal ng 20 minutes yung pag check. Hindi naman masyadong hasle kung kumpleto paper mo at motor mo at kung naka helmet ka. Marami dito samin nyan. Pag makita naman nila na me papel motor mo at me lisensya ka. papa alisin ka na rin agad.

L3viticus
November 4th, 2009, 04:57 AM

ikaw na mismo nagsabi na "ok lang yung ginagawa nila" with three reasons:

hindi tatagal ng 20 minutes
hindi naman masyadong hassle kung kumpleto paper
naka helmet ka

what if:

tumagal ng 20 minutes ang checkpoint sa dami ninyong pinara?
hindi tumagal ng 20 minutes pero sangkatutak naman na checkpoints ang papara sa iyo along your route
kumpleto ang papers mo pero hinanapan ka ng violation?
nagbulagbulagan sila na meron kang helmet; worse ay hinanapan ka pa ng violation sa helmet like "dapat half-face" or "dapat walang tint ang helmet" or "hindi standard ang helmet mo".

ok pa ba ang checkpoints?

the moment you give your papers/license to the crocs and then they cook up a violation, come back here and tell us that checkpoints are okay.

mhaxxx
November 4th, 2009, 06:47 AM

+ 1 ako dito

molleculexx
November 4th, 2009, 07:13 AM

+100 ako sir... ako nga eh kumpleto papel at lisensya... den check daw headlight, flasher, side mirror, sapatos, and minsan tatanong din.. sir anong set nyan?! :O

culapol
November 4th, 2009, 07:50 AM
We are being violated kapag after presenting the proper documents needed for Identification of rider w/c is in proper safety gears, OR/ CR of bike. Bubutasan ka sa modifications sa motor mo. (pipe, fender eliminator, etc.)

Gimikero
November 4th, 2009, 08:10 AM
what worst wh this checkpoint.. sila mismo nakainompag nagcheck point. mga amoy alak yang mga LTO at Pulis na yan. pag kayayabang naman.

may napagalitan nga akong pulis e... pinaalis na ako.

BOSERO
November 4th, 2009, 08:55 AM
We are being violated kapag after presenting the proper documents needed for Identification of rider w/c is in proper safety gears, OR/ CR of bike. Bubutasan ka sa modifications sa motor mo. (pipe, fender eliminator, etc.)

Sorry kung OT.... Bawal ba pipe and fender eliminator?

don_19
November 4th, 2009, 09:14 AM
if possible, we really need to voice out this issue. it is truly unfair and to the point of discrimination na.

molleculexx
November 4th, 2009, 09:17 AM
if possible, we really need to voice out this issue. It is truly unfair and to the point of discrimination na.

kunino pwedeng mag sumbong?!! Kay bongangx2 bongx2 ba?!

kasamian06
November 4th, 2009, 09:21 AM
sa akin ok lang kung tama ang pag checheckpoint nila may na experience ako sa sta. rosa magagalang naman ang mga pulis humingi agad ng pasensya then after they check all my documents pina alis na nila ko then humingi ullit ng pasensya.

pero sa bacoor checkpoint nagalit ako kasi ang sabi sakin sir naka date ang CR nyo ng 2007. i explained to the officer na hindi na binabago ang date ng CR kaya nga may OR. sabi ko ginagawan mo ba ako ng violation.

don_19
November 4th, 2009, 09:44 AM

anong sinabi sa inyo sir pagkatapos? :D

R-1
November 4th, 2009, 09:55 AM
kunino pwedeng mag sumbong?!! Kay bongangx2 bongx2 ba?!

here in negros the checkpoints were criticised over the radio, bombo radyo i think. Interesting that after that the checkpoints disappeared. But im expecting them to appear again in the future.

I dont mind so much if they are courteous.

AT the sm mall its the opposite, if i bring my car, the guard stops me and opens the trunk of the car, if im on my bike i just pass thru unchecked :clap:

don_19
November 4th, 2009, 10:00 AM

honga noh? pero at least kasi sa mga mall sir hindi naman kayo titikitan o kokotongan o hahanapan ng butas e. hehe.

kasamian06
November 4th, 2009, 10:13 AM
anong sinabi sa inyo sir pagkatapos? :D

sabi ko mali ka ng lolokohin. tinawag ko yung OIC ng checkpoint eh humingi ng pasensya.
na aawa ako sa mga kapwa rider natin na naloko nila. kaya ingat kayo sa may bacoor check sa aguinaldo hiway

Lear
November 4th, 2009, 10:27 AM
Paano naman sir kung tayo ang ninakawan ng motor, let's say inagaw sa atin at dumaan sila sa checkpoint at hindi sila pinara. ano kaya ang sasabihin natin sa mga nagchechekpoint?

Col.TED
November 4th, 2009, 10:30 AM
The problem here is that.....

yang mga checkpoints na yan mismo ang maraming violations!!!!........:(

It's the inefficiency of our PNP ang root cause ng lahat ng problems nating mga motorista......tayo mismo mga nakamotor madalas pag-initan....just take the case of the Greenbelt-rolex robbery........walang ginawa ang PNP kung di ibalik ang sisi sa mall security.....when in fact it's the police inefficiency & non-visibility kaya these hooligans are free to roam wherever they want, and attack anytime they want.....:(

extremevelocity
November 4th, 2009, 11:21 AM
Wala akong kontra sa checkpoints, basta gawin lang nila ng tama at ayon sa procedure. Kaso mo yun pa lang hindi na nila masunod sunod eh... Basta trip nila magpahinto na lang kahit nasaan sila gagawin nila. Kaya ikaw na motorista, ang pagkakaalam mo sa checkpoint ay may signboard diba? Eto ang siste, bigla na lang susulpot sa ilalim ng tulay o kung saan man na blind curve ka at bigla kang haharangin ng naka armalite... Bad trip diba? Di naman tayo tatakbo o lalampasan ang mga checkpoint na yan eh. Kaso mo baka masagasaan mo pa sa mga style nila pumara. Saka minsan tinanong ko, "BAKIT WALA KAYONG WARNING SIGN OR CHECKPOINT SIGN? DI BA DAPAT MERON KAYONG NAKAHARANG NA GANUN?" Di na raw kailangan yun dahil Anti-Carnap daw sila. So? paano kami maniniwala na mga pulis nga kayo eh kahit name plate wala rin.

My point here, may procedure sila pero mga kapwa nila hindi rin makasunod sa procedure at diskarte nila pinapairal. Paano pala kung naka-uniporme nga, mga kawatan pala tulad ng nasa Rolex Robbery na yan.... Ang sagot diyan, pag hindi sumunod sa procedure, hulihin din nila kapwa nila. Malilito mga motorista kung hihintuan ba o tatakbuhan mga yan...

hoocaps
November 4th, 2009, 12:14 PM
tama BLIND CURVE.. madalas sila doon.. minsan itatago ung sasakyan nila sa kanto para d mo kita pag malayo magugulat ka nalng paparahin ka ng 2 or 3 pulis.. minsan talga unfair kasi meron silang pinapalampas lang "walang helmet un"...

kasamian06
November 4th, 2009, 12:32 PM

yes sir tama kayo ako nga sa muntinlupa grabe ang mga pulis dun meron na silang check point na legal. pero magugulat sa mga mobile nila nanghahabol ilang beses na ko hinabol ng mga mobile dun at ang masama dun magugulat ka na lang nasa tabi mo na sila at pinapahinto ka eh minsan nakakatok kasi ang bilis nila mag patakbo eh kung masangi ako.

robonova
November 4th, 2009, 12:53 PM
ikaw na mismo nagsabi na "ok lang yung ginagawa nila" with three reasons:

hindi tatagal ng 20 minutes
hindi naman masyadong hassle kung kumpleto paper
naka helmet ka

what if:

tumagal ng 20 minutes ang checkpoint sa dami ninyong pinara?
hindi tumagal ng 20 minutes pero sangkatutak naman na checkpoints ang papara sa iyo along your route
kumpleto ang papers mo pero hinanapan ka ng violation?
nagbulagbulagan sila na meron kang helmet; worse ay hinanapan ka pa ng violation sa helmet like "dapat half-face" or "dapat walang tint ang helmet" or "hindi standard ang helmet mo".

ok pa ba ang checkpoints?

the moment you give your papers/license to the crocs and then they cook up a violation, come back here and tell us that checkpoints are okay.

simple lang bro kung gawan ka ng kaso ni POLICE OFFICER at pumayag ka............ isa kang RIDER na MABABA ang IQ !

extremevelocity
November 4th, 2009, 03:18 PM
yes sir tama kayo ako nga sa muntinlupa grabe ang mga pulis dun meron na silang check point na legal. pero magugulat sa mga mobile nila nanghahabol ilang beses na ko hinabol ng mga mobile dun at ang masama dun magugulat ka na lang nasa tabi mo na sila at pinapahinto ka eh minsan nakakatok kasi ang bilis nila mag patakbo eh kung masangi ako.

Siguro tatawa-tawa lang mga naka-cage na kriminal dahil sila, hindi nakakatikim ng ganun. Numero unong suspek mga nakamotor kaya tanggapin na lang natin na tuwing uupo tayo sa minamahal nating mc, isama na rin natin ang pwedeng gawin sa atin ng mga maykapangyarihan. Kung ayaw mo, wag mo hehehehehe... Kaya sa darating na botohan, pahalagahan ang bawat boto, or else, walang magbabago bwahahahaha!!!!

CHICHARON
November 4th, 2009, 04:08 PM
ikaw na mismo nagsabi na "ok lang yung ginagawa nila" with three reasons:

hindi tatagal ng 20 minutes
hindi naman masyadong hassle kung kumpleto paper
naka helmet ka

what if:

tumagal ng 20 minutes ang checkpoint sa dami ninyong pinara?
hindi tumagal ng 20 minutes pero sangkatutak naman na checkpoints ang papara sa iyo along your route
kumpleto ang papers mo pero hinanapan ka ng violation?
nagbulagbulagan sila na meron kang helmet; worse ay hinanapan ka pa ng violation sa helmet like "dapat half-face" or "dapat walang tint ang helmet" or "hindi standard ang helmet mo".

ok pa ba ang checkpoints?

the moment you give your papers/license to the crocs and then they cook up a violation, come back here and tell us that checkpoints are okay.

+1000 ako dito talagang di lang tatagal ng 20min.kagaya dito sa cavite pag galing ka laspinas may check point sa may ilalim ng flyover pag dating mo sa bacoor sa kalinisan may checkpoint pag dating mo sa st.dominic may check point pag dating mo sa sm bacoor may check point pag lampas mo ng sm bacoor may check point.pag kumanan ka sa may sm papuntang mabolo may check point pag baba ng tulay ng mabolo may check point.tapos pag isang grupo kayo malamang di lang 20min ang uubusin nyo.hahahaha!

pag na kacage ka walang check point . hehehheehehehe!

jerk18
November 4th, 2009, 04:09 PM
And madalas sa gabi nasa MADIDILIM sila... (minsan pati dun sa me mga blinking ilaw ilaw din...me checkpoint din kaya sila sa loob???)

bakit kaya...????

CHICHARON
November 4th, 2009, 04:11 PM
tama BLIND CURVE.. madalas sila doon.. minsan itatago ung sasakyan nila sa kanto para d mo kita pag malayo magugulat ka nalng paparahin ka ng 2 or 3 pulis.. minsan talga unfair kasi meron silang pinapalampas lang "walang helmet un"...

hahahahah ganyan ganyan ang sinabi ko sa LTO sabi ko bakit yon di mo hinuli.walang helmet.

ang sagot nya di nya daw na pansin.

muka kaseng pulis yung walang helmet. tsk tsk .

tuanih26
November 4th, 2009, 04:16 PM
laking tulong naman yung check points eh,kasi yung kinarnap kong motot nasoli pa sakin after 8 months narecover sa check point ng LTO...kaso nka skeleton nlng pero ok pa naman takbo,tricycle na ngayon hehe

emil1014
November 5th, 2009, 02:28 AM
nahilig ngang mang GANG BANG ang mga pulis ung out of nothing biglang my check point pala or huhulihin ka nila masakit pa nun huhulihin ka nilang wala kng helmet tpos cla walang suot na helmet eh pag sumagot sagot ka pa sasabihin syo cge sama ka sa prisinto, tpos pa bababain ung angkas mo papa2bos ka sa kamag anak mo hahahhahaha daming ganung incindent d2 sa manila wala lng mapag sumbongan,, wala ding kwenta mga post natin kung hnd tyo maririnig hehehehehe,, ang sarap mag lagay ng camera sa helmet para idocument ung mga illegal na check point ang mga gang bang ng pulis

brand0
November 5th, 2009, 02:43 AM
yung sa helmet case to case basis yan, pwede ka talaga matikitan o makotongan ng mga pulis kung wala ka helmet at nasa public road(s) ka.

pero ang kadalasang siste kasi kahit nasa pribadong kalye, o mga kalye na hindi naman public road, huli pa rin kasi nga malinaw na pera yun para sa kanila.

sayang kasi ang oras natin, sabihin na nating wala nga problema sa papeles pero yung pila sa checkpoint o yung 2 minuto mo importante yun. abala talaga ang daming sasakyan mas mukha pang kaduda-duda bakit hindi rin nila parahin maraming mga pribadong sasakyan lalo na sa gabi kung titignan mo nagmamaneho kundi mga mukhan nakainom eh masyadong bata or parang HS pa lang yung nagmamaneho bakit hindi nila parahin.

diorama
November 5th, 2009, 08:31 AM
Mga sir, beware kayo dito sa Makati specially in the vicinity of Ayala and Buendia...dami rumorondang pulis on foot may dala mahahabang armas...pati mga mc nichecheck nila kahit nasa ayos ang rider...Nasa intersection sila madalas..

abangers! Dati pa uso yan sa Counter Strike!:clap:

Imbes na bantayan ang lansangan, sa MC pa din sila mainet.....kakagutom kasi magpalakd lakad:D

Yaiba
November 5th, 2009, 08:35 AM
CHICHARON,
Hindi ka nila mahahanapan ng violation kung alam mo yung karapatan mo. Kahit maraming nang nakatigil hindi ka pa rin tatagal. Eto ang ginagawa ko tuwing me check point samin.
1. Lisence and reg - nasa wallet para dika na mahirapan pag kuha.
2. Dun ako titigil sa pumara sakin at ipapakita ko sa kanya yung papers.
3. Pag hawak nya ng paper. itatanong ko kung me problem o wala. Pag sinabing wala kukunin kukunin ko yung papers ko tapos mag papa alam akong aalis na ako kasi mahuli na ako sa lakad ko.

So far hindi pa naman ako nagkaka problema o tumagal ng 20mins. Kahit yung full face at half face na helmet ko ang gamit ko.

kasamian06
November 5th, 2009, 09:08 AM
ang sarap mag lagay ng camera sa helmet para idocument ung mga illegal na check point ang mga gang bang ng pulis

kaya nga ako sir naka sabit lagi ang CP ko sa leeg ko para kung meron man loko loko pulis sa check point irerecord.

wulpy
November 5th, 2009, 09:47 AM
Honestly, natatakot ako sa mga check points, kasi kakabili ko lang ng motor ko (second hand) at di pa nakapangalan sakin yung motor. ok lang ba kung ang lagi kong dala ay yung photo copy ng or at cr? (nasa compartment sya ng motor) yung orig kasi iniiwan ko sa bahay.

kasamian06
November 5th, 2009, 10:01 AM
Honestly, natatakot ako sa mga check points, kasi kakabili ko lang ng motor ko (second hand) at di pa nakapangalan sakin yung motor. ok lang ba kung ang lagi kong dala ay yung photo copy ng or at cr? (nasa compartment sya ng motor) yung orig kasi iniiwan ko sa bahay.

ok lang sir pero dapat dala mo din yun deed of sale

CHICHARON
November 5th, 2009, 01:44 PM
CHICHARON,
Hindi ka nila mahahanapan ng violation kung alam mo yung karapatan mo. Kahit maraming nang nakatigil hindi ka pa rin tatagal. Eto ang ginagawa ko tuwing me check point samin.
1. Lisence and reg - nasa wallet para dika na mahirapan pag kuha.
2. Dun ako titigil sa pumara sakin at ipapakita ko sa kanya yung papers.
3. Pag hawak nya ng paper. itatanong ko kung me problem o wala. Pag sinabing wala kukunin kukunin ko yung papers ko tapos mag papa alam akong aalis na ako kasi mahuli na ako sa lakad ko.

So far hindi pa naman ako nagkaka problema o tumagal ng 20mins. Kahit yung full face at half face na helmet ko ang gamit ko.

mabuti nga yang may check point pero kung kada isang km kay may check point abala na yon.

oo nga sir pero dito sa cavite dilang isa ang check point dito sir may mga 6 na check point ang dadaanan mo.ahihihii! ok lang kung konti lang din ang motor dito maraming factory dito kaya ang unang gamit na transportation ng mga nag wowork sa factory motor.

emil1014
November 6th, 2009, 01:04 AM
Mga sir, beware kayo dito sa Makati specially in the vicinity of Ayala and Buendia...dami rumorondang pulis on foot may dala mahahabang armas...pati mga mc nichecheck nila kahit nasa ayos ang rider...Nasa intersection sila madalas..

abangers! Dati pa uso yan sa Counter Strike!:clap:

Imbes na bantayan ang lansangan, sa MC pa din sila mainet.....kakagutom kasi magpalakd lakad:D

hehehehe hnd na abanges uso sir,, gang bangan na parang dota!!! ganun na mga pulis nang gagang bang sa check point pag 22long 2lungan ka

loloyd
November 11th, 2009, 09:49 AM
The are pros and cons to checkpoints and their effectiveness can be measured by performance indicators, which they themselves should define and disseminate to the road users public.

Pros:

1. They can catch potential criminals.
2. Their open visibility can impede and mitigate driving violations.
3. They can harvest by PD1130 (alas onse trenta na, kelangan na nilang mandilihensya para makapambili ng tanghalian). Pero pro lang ito para sa mga nag-co-conduct ng checkpoint hehehe.

Cons:

1. They waste legitimate users' time. How many criminals get flagged down compared to all other legitimate MC users? What's the ratio? 1:999? If the one who was flagged down had something really important in his or her schedule, which could save a life, a relationship or the world, malaki na ang negative impact ng mga arbitrary checkpoints. Dapat ilagay sila sa tama at reasonable na mga lugar at hindi yung pa-ulit ulit na wala namang kwenta. Dapat pasado yung location ng checkpoint sa feasibility and practicality studies.
2. They don't flag their own. I've seen FAR MORE helmet violators in uniformed and nonuniformed policemen or traffic control officers than civilians. I've witnessed also my fair share of uniformed and nonuniformed policemen brazenly violate traffic rules and regulations in front of the very road using public that they should be setting examples for.
3. Our MC's and stuff can be subjected to theft and more potential damage. Dahil sa checkpoints na iyan, may mga iba na nabibigla sa pag-hinto, kaya hayun, nadidisgrasya - dahil talaga namang nakakapanic para sa ibang tao ang ma-flag down ng mga nakaunimporme. At isa pa, pwede namang magsuot ng pekeng traffic control jerseys ang isang criminal gang at mag astang checkpoint sila, yun pala dadalihin lang yung mga motor kapag wasto na ang bilang na huminto para sa kanila (at yung ibang gang-members naman ay naka-getaway cars). Kung ang bomb squad nga ay napepeke sa malls, paano pa kaya ang simpleng traffic duty outfits?

Hindi ko nilalahat ang mga checkpoints, pero karamihan sa mga ito ay redundant and they promote more harm than good. Parang mga naka-motor yan e, hindi lahat diyan ay criminal at traffic violators, karamihan diyan ay mabuting mga tao at law abiding citizens of the United Mental States of the Philippines.

Sa tingin ko, kailangan na ngang ma-mobilize ang MAP (Motorcycle Advocates of the Philippines) para labanan ang mga maraming redundant, senseless and poorly implemented checkpoints, pero hindi lahat ha.

I dont mind so much if they are courteous.

AT the sm mall its the opposite, if i bring my car, the guard stops me and opens the trunk of the car, if im on my bike i just pass thru unchecked :clap:

No offense po, sir. The courtesy of men in uniform running the checkpoints is not the problem, but it's the lousy implementation of redundant checkpoints. Meron din namang courteous na mga criminal at rapists wheee :evil: . Nagpapa-alam pa - parang "Holdap ito ha, walang papalag at baka may masktan sa inyo..." or "Miss, huwag kang maingay ha dahil baka masaktan ka, concerned lang ako sa iyo. Gagahasain lang naman kita e, dahan dahan lang naman..." ampf!

Tsaka po mahirap magtago ng mapinsalang bomba sa motor - unless ibang klaseng bomba iyan na parang magasin at mapinsala naman sa moralidad natin hahaha.

Eto ang siste, bigla na lang susulpot sa ilalim ng tulay o kung saan man na blind curve ka at bigla kang haharangin ng naka armalite... Bad trip diba? Di naman tayo tatakbo o lalampasan ang mga checkpoint na yan eh. Kaso mo baka masagasaan mo pa sa mga style nila pumara. Saka minsan tinanong ko, "BAKIT WALA KAYONG WARNING SIGN OR CHECKPOINT SIGN? DI BA DAPAT MERON KAYONG NAKAHARANG NA GANUN?" Di na raw kailangan yun dahil Anti-Carnap daw sila. So? paano kami maniniwala na mga pulis nga kayo eh kahit name plate wala rin.

Abuse of authority na iyan at hindi na makatao. Ang mga tamang checkpoint ay dapat nakakatulong at hindi nakakasagabal.

And madalas sa gabi nasa MADIDILIM sila... (minsan pati dun sa me mga blinking ilaw ilaw din...me checkpoint din kaya sila sa loob???)

bakit kaya...????

Meron din silang chine-check na mga points doon, I'm sure. Tara, mag ride to check the points in blinking lights tayo!

hahahahah ganyan ganyan ang sinabi ko sa LTO sabi ko bakit yon di mo hinuli.walang helmet.

ang sagot nya di nya daw na pansin.

muka kaseng pulis yung walang helmet. tsk tsk .

Ayan, dapat "the law applies to all or none at all". Masarap videohan sa cellphone ang mga ganyang pangyayari para mahiya naman sila sa mga balat nila.

Ganito na lang ang suggestion ko. Everytime na may checkpoint, maglabas din tayo ng mga video devices at i-record natin ang mga mukha nila at mga pangyayari, at pag tinanong nila kung anong ginagawa natin ay sabihin lang natin na obssessive compulsive internet bloggers lang tayo at lahat ng mga pangyayari sa buhay natin ay vini-video natin hahaha.

yung sa helmet case to case basis yan, pwede ka talaga matikitan o makotongan ng mga pulis kung wala ka helmet at nasa public road(s) ka.

pero ang kadalasang siste kasi kahit nasa pribadong kalye, o mga kalye na hindi naman public road, huli pa rin kasi nga malinaw na pera yun para sa kanila.

sayang kasi ang oras natin, sabihin na nating wala nga problema sa papeles pero yung pila sa checkpoint o yung 2 minuto mo importante yun. abala talaga ang daming sasakyan mas mukha pang kaduda-duda bakit hindi rin nila parahin maraming mga pribadong sasakyan lalo na sa gabi kung titignan mo nagmamaneho kundi mga mukhan nakainom eh masyadong bata or parang HS pa lang yung nagmamaneho bakit hindi nila parahin.

Para po sa akin, sir, mas mabuti na yung palaging naka-helmet even when in private roads, kahit nga naka-bisileta e. Pero yung hindi nila pinarang kabataan ay malamang kamag-anaks nila yun.

MAP - saan ba makakabalita sa mga gawain ng group na ito?

mayte
November 11th, 2009, 10:13 AM
+100 ako sir... ako nga eh kumpleto papel at lisensya... den check daw headlight, flasher, side mirror, sapatos, and minsan tatanong din.. sir anong set nyan?! :O
hahahaaah very funny. maybe they used to be mechanics or maybe doing some canvass for their own bike

L3viticus
December 11th, 2009, 04:23 PM
last night here in the provinces I was riding my scooter on my way home. along the way I noticed a big group of tricycles and solo bikes at the bridge. the first thing that came into my mind was "ahh... may checkpoint sa kabilang side ng bridge". True enough, meron nga :O

so pinara ako ng nakauniporme na pulis

me: magandang gabi. ano ang meron?
pulis: checkpoint lang ho. OR and CR lang ho.
me: ahh. sige, sandali lang ha. [nasa pitaka ko ang mga up to date papers ko. habang hinahalungkat ko sa pitaka..] para saan ang checkpoint na eto? kasama ba kayo ng LTO?
pulis: hindi ho sir. may report kasi na nanakaw na motor.
me: [hinihila ko ang papers at dumikit sa loob ng wallet] Nakaw na motor? anong motor yung nanakaw?
pulis: ahh.. TMX 155 ho..
me: [tigil sa paghila ko sa papers sabay ngiting aso sa pulis] Ehh.. mukha ba akong naka TMX 155?
pulis: para proteksyon nyo lang ho ser.
me: hindi naman ako naka-TMX ah [sabay abot ng papeles], bakit pati ako chinecheckpoint ninyo?
pulis: malapit na kasi ang eleksyon at pasko
me: ahh, ganun ba? [although nagtataka ako kung ano kuneksyon ng eleksyon at pasko sa checkpoint]. kaya pala ang daming tao dun sa kabilang side ng tulay, kasi nagchecheckpoint kayo.
pulis: mga ayaw magpacheckpoint lang ang mga yun, sir.
me: hindi nyo ba pupuntahan at icheck ang mga papeles rin nila? baka nandun ang nakaw na TMX.
pulis: hindi na sir. hayaan na lang sila, abala pa.

inabot na ang papers ko and I went home.

wow.. checkpoint na napakawalang kwenta.

1. malayo pa lang alam ko na agad na may checkpoint dahil sa nagkukumpulan na mga motor at tricycle
2. nakascooter ako pero check pa rin kahit na ang nanakaw ay TMX-155 na motor
3. abala raw [para sa mga pulis?] ang puntahan ang mga nagkukumpol-kumpol na mga motor at tricycle para icheck ang mga papeles nila.

hay.. para saan pa kaya ang mga checkpoint?

audz29
December 11th, 2009, 05:30 PM

hidi po checkpoint yan! that's what you called "oplan sita" :evil:

brand0
December 11th, 2009, 10:46 PM
@L3viticus:

Paps, yan yung sinasabi kong abala lang talaga ang ginagawa ng mga walang ka-kwenta kwentang check points na yan.

Gaya na lamang din ng naranasan mo TMX ang alarma pero lahat pinapara, tapos yung mga nagkukumpulan na "ayaw" daw magpacheck point hindi man lang lapitan ng mga pulis kasi "abala" pa daw sa kanila.

exidead
December 12th, 2009, 11:36 AM
wala pa ako nabalitaan na nakahuli sila ng mga holdaper/carnapper sa mga checkpoint nila?:?

crotchrocket
December 12th, 2009, 10:58 PM
wala pa ako nabalitaan na nakahuli sila ng mga holdaper/carnapper sa mga checkpoint nila?:?

ako rin wala pa! pero one time na checkpoint ako sa monumento pag kuha ko ng license at registration sa ubox ko e sabay ilaw yung mamang pulis sa ubox may nakita pera 40k+ aba sabihan ba naman ako na "bakit ang daming pera dyan? holdaper ka ba?" ang mamang pulis nakakita lang maraming pera holdaper na daw ako...:eek: hindi niya alam callboy ako hahaha:banana:

dankurtbs
December 14th, 2009, 01:46 PM
Buti sir at hindi ka hinoldap ng Pulis..... :D

audz29
December 14th, 2009, 06:44 PM
wala pa ako nabalitaan na nakahuli sila ng mga holdaper/carnapper sa mga checkpoint nila?:?

asa ka pa dude! takot din yan sa mga carnapper/bikenapper baka pumalag sa kanila. :evil:

kaya mangotong na lang sila ng mga motor kikita pa sila. :D

silverpixie
January 6th, 2010, 01:32 PM
I think this is a form of discrimination. Iyong nakasabay kong naka Hayabusa eh sinaluduhan lang at hindi man pinara. If we all act as a group and support politicos that will promote our concerns, tiyak hindi tayo aabusuhin. Election year ngayon. Daming naka motor sa kalye. Trycicle drivers lang ang dami eh.

We should act NOW! Else we doom ourselves.

L3viticus
January 11th, 2010, 09:37 PM
Paano naman sir kung tayo ang ninakawan ng motor, let's say inagaw sa atin at dumaan sila sa checkpoint at hindi sila pinara. ano kaya ang sasabihin natin sa mga nagchechekpoint?

kung tayo ang niakawan ng motor at dumaan ng checkpoint ang mga nagnakaw ng motor?

hmm.. I doubt bikenappers would even go through a checkpoint. malayo pa lang kita na agad na may checkpoint. pakiramdaman. also in case they unavoidably have to pass through a checkpoint, madali lang gumawa ng forged papers.

think about it for a minute. ang kailangan lang na ipakita ay photocopied papers. madali lang gumawa ng forged papers using a computer, photoshop, and a printer.

eh xerox machine lang ang kailangan, a typewriter and some tape makakagawa ka na ng forged papers. how long would that take? siguro mga 15 minutes makakagawa na.

----------------------

another scenario is the bikenaper would not even need to forge papers. all he needs to do is bring along his original papers and platenumber and search for a motorcycle of the same model and color as indicated in his papers. viola! a passport through checkpoints.

which begs the question; how efficient are checkpoints? what are their use for us motorists?

don_19
January 11th, 2010, 10:22 PM
sakto ang pagkabuhay nitong thread na ito a.. dumadami nanaman checkpoints ngayon dahil nga naglalapit na ang election at pinapatupad diumano nila ang gun ban.. hayz.. checkpoint.. parang puro mga civilian at matitinong tao ang nakokotongan, este.. nahuhuli nila ah.:o

silverpixie
January 12th, 2010, 11:15 AM
Sa palagay kailangan malinaw sa pagiisip ng lahat kung ano ang gamit ng checkpoint.

In civilized society, ginagamit lang ang checkpoint kung mayroon matinding security emergency. Tapos pinaalam sa taong bayan kung ano ang emergency at ano ang hinahanap nila. Sa ganitong paraan, malinaw sa lahat ang nangyayari at walang abusong nagagawa.

Sa banana republic na kagaya natin, ang checkpoint ay ginagamit para: a) magpakitang gilas ang nakaupo sa mga politiko or malaking negosyante na kaya nilang protektahan ang karapatan ng mga taong makapanyarihan to the extent na abusuhin ang karapatan ng ordinaryong tao; b) pakita sa lahat na siga sila; c) mangotong; d) mangharass kung walang magawa. Ang hirap dito eh tinatanggap natin ang mga ito ng walang reklamo. E di ba, sa ating mga buwis nanggagaling ang mga sweldo nila? Tapos, kinokotongan pa tayo. E sino ba ang amo dito - sila o tayo? Kung sila, dapat tayo ang pa swelduhin nila.