Custom Search

View Full Version : Nanakawan ka na ba ng helmet?

Pages : [1] 2

miokupadtakbo
October 6th, 2009, 11:34 AM
nanakawan ka na ba ng helmet?:evil:

coolzero
October 6th, 2009, 11:58 AM
hnd pa. pero motor, oo. hay...

miokupadtakbo
October 6th, 2009, 12:06 PM
up! helmet lang! hindi motor! :O

yondaime
October 6th, 2009, 12:20 PM
Zeus and Index last week lang.

2009raiderR150
October 6th, 2009, 12:25 PM
2 helmet bro? lupit ng kumuha ng helmet moh pati ung backride nya ikinuha p? hahaha:evil:
Zeus and Index last week lang.

miokupadtakbo
October 6th, 2009, 12:25 PM
:eek: oo ako mga bro nanakawan n q ng helmet... zues n ngkakahalaga ng 3100petot.. s alabang nag aaply lng ako anak ng pating naiwan q kc s kay motor pinutol b nmn ung s lock q... ang bilis lng ng pangyayari.... buti nga wlang ginwa s raider q.....:crazy:

naisip ko nga na, ang mga mamahalin na helmet worth 4k 5k 6k mga agv racing helmet worth 20k shoei,etc. pag iniwan mo sa lock ng upuan mo, kayang kayang putulin ang tali using blade,or cutter. kaya wag tayo mag iwan ng helmet lalo na kung magandang klase pa cya. :D

miccle
October 6th, 2009, 12:25 PM
ako, so far, hindi pa. kahit mabigat tinitiis ko'ng bitbitin kase masakit sa bulsa 'yun 'pag nawala (not to mention sa ulo 'pag sumemplang ka pa.) :D

NSCB
October 6th, 2009, 12:26 PM
no...since i never leave my helmet on my bike....

iwas nakaw, iwas gasgas, iwas hulog...

take care of your helmet, otherwise it can't take care of you....

miokupadtakbo
October 6th, 2009, 12:31 PM
Take care of your helmet,not only your bike! ;) of course take care of your self! ride safe

genezide13
October 6th, 2009, 12:34 PM
yupp.. SM sucat pay parking HJC-cl14 ( almost 2 months old )

jinfrics
October 6th, 2009, 12:56 PM
kagabi lang sa school namin zeus 508 ko ginupit dun sa may lock..badtrip!

d'virus
October 6th, 2009, 01:03 PM
no...since i never leave my helmet on my bike....
iwas nakaw, iwas gasgas, iwas hulog...

ako, so far, hindi pa. kahit mabigat tinitiis ko'ng bitbitin kase masakit sa bulsa 'yun 'pag nawala

same here... mas piliin ko pang mag bibit ng helmet buong araw kesa mangutang ng pamalit...:)

Skynald69
October 6th, 2009, 01:33 PM
Helmet at motor + susi sa bahay

HariHayabusa
October 6th, 2009, 01:33 PM
Nawalan na din ako ng helmet sa loob ng school napagkamalang mamahalin ung helmet ;)

stsagun
October 6th, 2009, 01:36 PM
nanakawan ka na ba ng helmet?:evil:

@TS
mawalang galang sandali.

hindi ko gets ang thread mo.

tanong: nanakawan ka na ba ng helmet?

sagot: yes or no.

pagnasagot na, yes or no, ano na ngayon?

2009raiderR150
October 6th, 2009, 01:43 PM
it means share k ng kwento mo... hahaha kung hindi d wag magpost hahaha peace tau...:D

greiscale
October 6th, 2009, 01:54 PM
it means share k ng kwento mo... hahaha kung hindi d wag magpost hahaha peace tau...:D

Haha Nice Bro...:D

damnslieck
October 6th, 2009, 02:34 PM
kung yes edi kwento mo kung bakit.. kung no naman edi mag sabi ka ng tips pra d manakawan..

mga tao d2 may masabi lng makukuha pang manggulo eh..
tabi tabi po... tamaan may bukol sa noo.. fish..:clap::clap:

extremevelocity
October 6th, 2009, 02:49 PM
Ako dalawang beses na. Isa jan sa Kalentong sa may Sogo (hihihihi). Mumurahin lang pero pinintahan ko kasi ng flatblack. bumagay kaya akala ng ungas mamahalin. Yung pangalawa naman dito sa katedral ng imus. Nagsisimba kami ni misis pag-uwi ko sa bahay ko pa nalaman na ninakaw helmet ko kasi nagtataka ako ang gaang ng ulo ko hahahaha... Ganun din, mumurahin lang pero madilim kasi at bago kaya makintab sa dilim hehehe. Ngayon ganun pa rin style ko, sinasabit ko pa rin sa motor ko, pero may sensor na kasama sa alarm ko. Nakaikot yun para kung hihiwain nila eh kailangan pa nila buhatin at paikutin ng 3 times para lumuwag. Isang ikot pa lang tutunog na alarm ko.

foxhunter
October 6th, 2009, 04:37 PM
sir matanong lang po. di ba isa sa no.1 rule sa mga riding school na wag iiwanan ang helmet sa bike? di naman po US na walang pake sa helmet. and they rather not wear pa nga eh. wala lang po...

kasi alam naman po nyo mamahalin ang helmet at di ka makakauwi pag wala. bakit kailangan lang pong iiwan? parang cellphone po yan kahit cheap kinukupit.

pwede po bang baguhin ang thread at sabihin "bakit nyo iniiwan ang helmet, para manakaw?":O hehehe.. peace sa lahat.:eek:

jitzon25
October 6th, 2009, 05:08 PM
Ako dalawang beses na. Isa jan sa Kalentong sa may Sogo (hihihihi). Mumurahin lang pero pinintahan ko kasi ng flatblack. bumagay kaya akala ng ungas mamahalin. Yung pangalawa naman dito sa katedral ng imus. Nagsisimba kami ni misis pag-uwi ko sa bahay ko pa nalaman na ninakaw helmet ko kasi nagtataka ako ang gaang ng ulo ko hahahaha... Ganun din, mumurahin lang pero madilim kasi at bago kaya makintab sa dilim hehehe. Ngayon ganun pa rin style ko, sinasabit ko pa rin sa motor ko, pero may sensor na kasama sa alarm ko. Nakaikot yun para kung hihiwain nila eh kailangan pa nila buhatin at paikutin ng 3 times para lumuwag. Isang ikot pa lang tutunog na alarm ko.

same with you bro sogo rin pero delmonte cor banawe ako nawalan.. akala ko safe na dahil parking area na nila yun sa basement... kutob ko trabahador din dun ika nga insidejob... tsk! tsk! tsk!

nireklamo ko sa guard ako pa sinisi bakit ko daw iniwan eh tuwing pupunta ako dun ganun ginagawa ko di naman nawawala.. report ko sa managemnt hayun panay txt sa akin, sabi ko mag imbestiga na lang kayo kung paanu nawla at para di na maulit.ask sila kung magkanu ba yung helmet ko di na aku nagsabi.. binigyan nlng ako ng 100% discount for two nights sa sogo anybrnch.. huh! until now ayaw ko na bumalik dun. baka motor ko na mawala next time! (kock on wood!):crazy: until now naka save pa sa cell ko txt nila para sa pagclaim ng helmet or yung 100% discount mag 2 years na nangyari ito..

ian_12
October 6th, 2009, 05:39 PM
ako nman sa robinson galleria. tsk tsk

extremevelocity
October 7th, 2009, 06:49 PM
same with you bro sogo rin pero delmonte cor banawe ako nawalan.. akala ko safe na dahil parking area na nila yun sa basement... kutob ko trabahador din dun ika nga insidejob... tsk! tsk! tsk!

nireklamo ko sa guard ako pa sinisi bakit ko daw iniwan eh tuwing pupunta ako dun ganun ginagawa ko di naman nawawala.. report ko sa managemnt hayun panay txt sa akin, sabi ko mag imbestiga na lang kayo kung paanu nawla at para di na maulit.ask sila kung magkanu ba yung helmet ko di na aku nagsabi.. binigyan nlng ako ng 100% discount for two nights sa sogo anybrnch.. huh! until now ayaw ko na bumalik dun. baka motor ko na mawala next time! (kock on wood!):crazy: until now naka save pa sa cell ko txt nila para sa pagclaim ng helmet or yung 100% discount mag 2 years na nangyari ito..
Ako na lang kaya gumamit nyang discount mo sir? hehehehehe. joke...

Actually, regarding dun sa nagtatanong kung bakit natin iniiwan ang helmet, sa totoo lang, hassle talaga magbitbit. Kahit alam mo nang pwedeng manakaw eh nangingibabaw pa rin katamaran hehehehe... kaya kanya-kanyang kapalaran yan.

tph
October 7th, 2009, 07:05 PM
hindi pa... I always leave it sa bike pero nakachain lock sa rear handle bar (basta yung pwede kapitan ng pasahero) ...

nung naka underbone pa ako... I leave it inside my Givi Box

hades08
October 7th, 2009, 07:25 PM
ako once pa lang. nanakaw helmet ko sa SM Centerpoint. Dalawang nakamotor daw ang nagnakaw, nahuli ng mga guard yung isa kaya nabalik pa sa akin yung helmet ko. plus pinagbayad ko pa sya at yung asawa ng kasama nyang nagnakaw ng 2 thousand.. hahaha cguro natakot na kc nasa presinto ka kami that time..:O

asylum
October 7th, 2009, 07:27 PM
hindi pa, kahit mga MUMU lang ang helmet ko labs ko mga yun :D

KrewDJ
October 7th, 2009, 07:32 PM
Yup, nanakawan na ako. Ang masaklap, sa mismong parking pa ng building namin sa ortigas ninakaw. Actually, di sa akin ung helmet kundi sa asawa ko. Binili ko para sa kanya work pag sinusundo ko sa work nya.

Gunther16
October 7th, 2009, 09:45 PM
Isang beses pa lang at sana di na maulit, tanga-tanga ko eh, kampante kong iniwan yung helmet ko sa MC ko na naka park sa parking lot sa tabi ng Strata 200, kala ko porke closed parking lot eh safe mga gamit natin, di pala, sa awa sakin nung kasama ko ninakawan nya yung katabi kong MC ng helmet, sabi ko sa kanya "kawawa naman yung may-ari nung helmet na kinuhanan mo", sabi nya naman "yung bang nagnakaw ng helmet mo eh naawa sa'yo?"

Haaaaay birthday gift pa naman sakin ni Madir yung helmet na yun :{

exidead
October 7th, 2009, 09:58 PM

at kinunsinti mo nman ang ginawa ng kasama mo? kinuha nyo rin yung helmet ng nakaparada motor don?

eh di wla ka pala pinag kaiba sa mga MAGNANAKAW NG HELMET? :rolleyes:

Gunther16
October 7th, 2009, 10:01 PM
at kinunsinti mo nman ang ginawa ng kasama mo? kinuha nyo rin yung helmet ng nakaparada motor don?

eh di wla ka pala pinag kaiba sa mga MAGNANAKAW NG HELMET? :rolleyes:

Hehe :D, hindi ko po kinuha yung helmet, umuwi po ako ng walang helmet, yun nga lang naghintay pa ko ng until 12 midnight para siguradong walang huhuli sakin

Hinay hinay lang sa pagbigay ng comment ha....peace ;)

miokupadtakbo
October 8th, 2009, 09:54 AM
Eto ang tanong? anu ang excuse na gagawin mo pag nanakaw ang helmet mo and my check point at huli ka! yari ka! :O:O:O

miokupadtakbo
October 8th, 2009, 09:57 AM
up ko lang! ;) share your stories! lost helmet's!

pompeyo
October 8th, 2009, 10:08 AM
ako once pa lang. nanakaw helmet ko sa SM Centerpoint. Dalawang nakamotor daw ang nagnakaw, nahuli ng mga guard yung isa kaya nabalik pa sa akin yung helmet ko. plus pinagbayad ko pa sya at yung asawa ng kasama nyang nagnakaw ng 2 thousand.. hahaha cguro natakot na kc nasa presinto ka kami that time..:O

Ayos yun bro ah, natawa ako, ang bilis ng karma...:D

jhune#9
October 8th, 2009, 10:13 AM
Share ko lang po nanakaw helmet ko sa loob ng parking lot sa ROBINSONS GALLERIA sa basement 30 min lang ako sa loob ng mall pagbalik ko yung hook nalang ng ZEUS ko naiwan sa motor, nag complain ako sa guard me CCTV camera sila pero hindi nila ma replay nag bigay ng number para followup di naman makontak. sobra dami guard doon pati OIC nila hindi ako pinansin naka break daw sya. badtrip diba.?

elyouch
October 8th, 2009, 11:38 AM

ako di ko pa naman na experience na manakawan ng helmet. ang ginagawa ko pag hook ko sa helmet holder ng motor ni cable lock ko pa siya pra secure. or minsan dinadala ko na lng.

last time nag punta kami ng wife ko sa Robinson Galleria pag park namin approach kagad kami ng lady guard at sabi wag na daw namin iwan ang helmet namin. siguro talagang talamak ang nakawan ng helmet dun. maganda siguro kung meron helmet counter area. ung pede mong iwan helmet mo tapos bigyan ka ng id tag/number para un ang gagamitin mo pag claim. naka indicate na lang sa park ticket at iwan ka ng ID mo para additional proof.

china1122
October 8th, 2009, 11:41 AM
ako di pa din....

kahit spyder lang mga helmet ko masakit din saken manakaw mga yun....

kaya ginagawa ko sa givi box o dinadala ko nalang kesa manakaw pa kapag yung lugar eh alanganin ako.....

BAKLANG-PETER
October 8th, 2009, 11:41 AM
ako nag-nanakaw ako ng hemet.

helmet sa baba

jab1026
October 8th, 2009, 11:48 AM
same with you bro sogo rin pero delmonte cor banawe ako nawalan.. akala ko safe na dahil parking area na nila yun sa basement... kutob ko trabahador din dun ika nga insidejob... tsk! tsk! tsk!

nireklamo ko sa guard ako pa sinisi bakit ko daw iniwan eh tuwing pupunta ako dun ganun ginagawa ko di naman nawawala.. report ko sa managemnt hayun panay txt sa akin, sabi ko mag imbestiga na lang kayo kung paanu nawla at para di na maulit.ask sila kung magkanu ba yung helmet ko di na aku nagsabi.. binigyan nlng ako ng 100% discount for two nights sa sogo anybrnch.. huh! until now ayaw ko na bumalik dun. baka motor ko na mawala next time! (kock on wood!):crazy: until now naka save pa sa cell ko txt nila para sa pagclaim ng helmet or yung 100% discount mag 2 years na nangyari ito..

Ayos lang yan paps, may kapalit na namn yata.... Enjoy! hahahahaha

ROEL_V
October 8th, 2009, 12:06 PM
hindi pa, safe na safe sa loob ng utility box ko, kasya kasi dalawang helmet sa loob ng ng trunk ng JOYRIDE . . . . .

popoyblocker
October 8th, 2009, 10:33 PM
ako di ko pa naman na experience na manakawan ng helmet. ang ginagawa ko pag hook ko sa helmet holder ng motor ni cable lock ko pa siya pra secure. or minsan dinadala ko na lng.

last time nag punta kami ng wife ko sa Robinson Galleria pag park namin approach kagad kami ng lady guard at sabi wag na daw namin iwan ang helmet namin. siguro talagang talamak ang nakawan ng helmet dun. maganda siguro kung meron helmet counter area. ung pede mong iwan helmet mo tapos bigyan ka ng id tag/number para un ang gagamitin mo pag claim. naka indicate na lang sa park ticket at iwan ka ng ID mo para additional proof.

Kagagaling ko lang ng galeria nung monday awa naman ng dyos d naman nawala ung helmet ko... may dala kc akong podlock ng bike naka tali cya sa ibabaw ng motmot ko... regarding dun sa helmet counter nice idea un kaya lang ang alam ko may bayad un... sa may SM sa TayTay merong ganun may helmet counter. not really sure kung magkano ang bayad...

miokupadtakbo
October 9th, 2009, 08:47 AM
up ko lang! :O

gl3nborj
October 9th, 2009, 09:33 AM
Hindi Pa....

Mahirap maging tamad eh...

jerkzzz2173
October 9th, 2009, 10:02 AM
I don't take chances... Kahit dami na gas gas ng helmet ko, Zeus Modular pa rin yun.Pag marunong tumingin kawatan sure ball nanakawin yun... Ang iniiwan ko lang sa Motor ko pag sa Parking area e yung Half face kong passenger helmet na local lang...

Kaya helmet ko kasa-kasama ko lagi sa opis ko...

mikafajardo
October 9th, 2009, 10:05 AM
As of now, hindi pa rin. Kahit pagpasok ng mall suot ko pa rin para sigurado. Tinatanggal ko lang siya bago matulog para wala akong sisisihin kapag nawala.

miokupadtakbo
October 9th, 2009, 10:31 AM
As of now, hindi pa rin. Kahit pagpasok ng mall suot ko pa rin para sigurado. Tinatanggal ko lang siya bago matulog para wala akong sisisihin kapag nawala.

sana kahit nakain ka at sana kahit natutulog ka or naliligo ka suot mo padin para hindi talaga mawala sir.

mikafajardo
October 9th, 2009, 10:34 AM
sana kahit nakain ka at sana kahit natutulog ka or naliligo ka suot mo padin para hindi talaga mawala sir.

Wag naman ganun sir, sobra na yata yun pag nabasa yung foam sa pagligo. It will compromise the integrity of the helmet.

NSCB
October 9th, 2009, 10:50 AM
Wag naman ganun sir, sobra na yata yun pag nabasa yung foam sa pagligo. It will compromise the integrity of the helmet.

to add...mahirap magshampoo kung naka helmet...he he he

toiks
October 9th, 2009, 10:52 AM
Ako dalawang beses na. Isa jan sa Kalentong sa may Sogo (hihihihi). Mumurahin lang pero pinintahan ko kasi ng flatblack. bumagay kaya akala ng ungas mamahalin. Yung pangalawa naman dito sa katedral ng imus. Nagsisimba kami ni misis pag-uwi ko sa bahay ko pa nalaman na ninakaw helmet ko kasi nagtataka ako ang gaang ng ulo ko hahahaha... Ganun din, mumurahin lang pero madilim kasi at bago kaya makintab sa dilim hehehe. Ngayon ganun pa rin style ko, sinasabit ko pa rin sa motor ko, pero may sensor na kasama sa alarm ko. Nakaikot yun para kung hihiwain nila eh kailangan pa nila buhatin at paikutin ng 3 times para lumuwag. Isang ikot pa lang tutunog na alarm ko.

sir, sinong kasama mo sa sogo?si esmi mo ba or sideline?heheh
ako nawalan ng helmet sa festival alabang, spyder double visor, mahal na mahal ko ung helmet na yun araw araw ko pinupunasan tapos kukunin lang..

ganito kasi un kwento, nasa festi na kami ng jowa ko tapos umulan ng malakas!!naisip ko na balikan ung helmet kasi mababasa, pagsilip ko sobrang lakas ng ulan kaya hindi ko na tinignan kaya nung pauwi na kami wala na ung helmet

tinanong ko sa mga guard kung napansin nila, hindi daw kasi umulan daw kaya hindi nila natignan ung mga motor, tinanung ko na lang kung para san ung bayad sa parking...

hindi ko na inaway kasi wala lang mangyayari,kinuha nila ung number ko pero sinulat ng guard sa palad nya!!! sabi ko niloloko mo bako?!! eh mabubura din yan sa kamay mo eh, kinukuha mo lang yata number ko pampalubag loob eh, saka lang sha kumuha ng papel..

simula nun hindi nako naiiwan ng helmet sa motor, iwan na lang natin sa mga department store kung sa mall pupunta.heheh.

gl3nborj
October 9th, 2009, 11:12 AM
I don't take chances... Kahit dami na gas gas ng helmet ko, Zeus Modular pa rin yun.Pag marunong tumingin kawatan sure ball nanakawin yun... Ang iniiwan ko lang sa Motor ko pag sa Parking area e yung Half face kong passenger helmet na local lang...

Kaya helmet ko kasa-kasama ko lagi sa opis ko...

Ha ha ha... Papa ingat ka sa mga messenger sa atin,

Tirador ng helmet mga yan...:D

jerkzzz2173
October 9th, 2009, 11:21 AM
Ha ha ha... Papa ingat ka sa mga messenger sa atin,

Tirador ng helmet mga yan...:D

ows?! thanks for the heads up!

kapote ba pinipitik din? madalas iniiwan ko sa baba e. yun kasing katabi kong motor sa parking iniiwan lang nya helmet at kapote nya sa motor (naka chain lock naman yung helmet).