|
|
View Full Version : tama ba ito! hinuli at kinulong na walang violations?
maileilove September 5th, 2009, 10:28 PM last week kse riding a two motorcycles with 1 back ride each hinuli kse ng mga nakasibilyang pulis ang pinsan ko na nakaangas lang sa isang boy namin bali tapos may kasama pa silang nakamotor din na angkasan din ginitgit sila ng dalawang private car at mga nakasibilyang mga pulis tapos pinahinto sila at hinuli na wala namang violation! may helmet naman sila each at lisensya! sabi sa kanila bawal daw riding in tandem bawal daw may angkas nag matigas po ang pinsan ko na wag sumama dahil di naman makatwiran ang nasabing violation! at may rumesponde pang isa pang pulis na nakasibilyan din pinilipit daw po ang kamay nya at pwersahang pinasama sa prusinto at ikinulong po kasama ng mga kriminal! pinuntahan po ng tyuhing ko para ilabas ang mangyari po eh ayaw pang palabasin yung dalawa pa nilang kasama na boy namin! kundi pa nagalit ang tyuhing ko dahil wala naman kasalanan eh ikukulong na parang kriminal eh pinalabas din po! tama po ba ang ganito na paghuli! sa may pandakan po nangyari ang insidente di po nakuha pangalan ng mga bobong pulis dahil naka sibilyan nga eh! nakakapanginit ng dugo diba iniisip ko kung saatin mangyari yun! nay aksyon po ba ang gobyerno natin para dito na kinukulong na parang kriminal +na walang kakwenta kwentang violations?
kirbitoy September 5th, 2009, 10:41 PM sumbong sumbong.... kay bonggang bonggang bong bong
este kay tulfo pala.. :D
jho132 September 5th, 2009, 11:03 PM grabe naman yan, bobocop ang mga tawag dyan sa mga yan, kasi mali nga tapos nag agree pa yung isa. haaaaay.. bobocop nga... di kasi alam ang batas na ipinapatupad nila, ayaw yung mga masasamang loob ang pag tuunan ng pansin at yung mga sumusunod sa batas trapiko ang pinag titripan.... hay pinoy talaga........:crazy:
Modular Overrev September 5th, 2009, 11:09 PM abuse of authority, yan ba ang tinatawag nila na "to serve & protect"? paano pag yung protectors naging predators? sino ang pipigil sa kanila?
nap September 5th, 2009, 11:25 PM dapat alamin po kaagad ang mga pangalan ng mga nasabing pulis at ireport po niyo sa NAPOLCOM o PNP-IAS sa Camp Crame.kung may katibayan po kayong ikinulong nga ng wala namang violation o sapat na dahilan, pweding pwedi pong kasuhan ang mga pulis na yan.kung hindi po natin gagawin ang nararapat ay patuloy tayong aabusuhin ng mga tiwaling pulis na dapat sana ay ngbibigay ng proteksiyon sa ating mamayan.
france_cruiser September 5th, 2009, 11:31 PM Sumbong mo sa PLEB mga ganyang pulis na walang kwenta dapat matangal sa serbisyo... yung iba kasing pulis pag feeling nila na napapahiya sila gingawa nilang paraan kahit mali para lang sabihin na tama sila kahit na mali!!!! PULIS eh! mas maganda sana kung na picturan habang ginagawa nila yun na pang aabuso porke ba pulis sila eh ganun nlang!!!!
acesigma September 5th, 2009, 11:52 PM tanungin nyo po sa presinto kung san kyo nakulong yun pangalan nung pulis na humuli sa inyo.. tapos idemanda nyo ng matangal sa serbisyo...againts human rights yan
cliffklepz September 6th, 2009, 12:17 AM yup...for sure naka logbook yan..imposibleng pinasok kayo ng kulungan basta-basta nalang..
dorminator September 6th, 2009, 12:51 AM Mali yun kung ang pagbabasehan ay ang iyong salaysay.. pinakamaganda ay sumangguni kayo sa abogado para kayo ay matulungan at maturuan kung ano ang nararapat gawin sa mga ganung tiwaling pulis.
ipaglaban nyo ang inyong karapatan.
aianezz September 6th, 2009, 01:17 AM aba uso pa din pala sa pandacan yan ha
Raymund Mojica September 6th, 2009, 01:32 AM Mali yun kung ang pagbabasehan ay ang iyong salaysay.. pinakamaganda ay sumangguni kayo sa abogado para kayo ay matulungan at maturuan kung ano ang nararapat gawin sa mga ganung tiwaling pulis.
ipaglaban nyo ang inyong karapatan.
+10 po ako dito.
tama po na nakalogbook iyan kaya malalaman natin sa pinagkulungan sa kanila kung sino ang nagbook, at kung anung violation nila kasi di naman yata dapat ikulong kung traffic violation lang.
stsagun September 6th, 2009, 05:46 AM last week kse riding a two motorcycles with 1 back ride each hinuli kse ng mga nakasibilyang pulis ang pinsan ko na nakaangas lang sa isang boy namin bali tapos may kasama pa silang nakamotor din na angkasan din ginitgit sila ng dalawang private car at mga nakasibilyang mga pulis tapos pinahinto sila at hinuli na wala namang violation! may helmet naman sila each at lisensya! sabi sa kanila bawal daw riding in tandem bawal daw may angkas nag matigas po ang pinsan ko na wag sumama dahil di naman makatwiran ang nasabing violation! at may rumesponde pang isa pang pulis na nakasibilyan din pinilipit daw po ang kamay nya at pwersahang pinasama sa prusinto at ikinulong po kasama ng mga kriminal! pinuntahan po ng tyuhing ko para ilabas ang mangyari po eh ayaw pang palabasin yung dalawa pa nilang kasama na boy namin! kundi pa nagalit ang tyuhing ko dahil wala naman kasalanan eh ikukulong na parang kriminal eh pinalabas din po! tama po ba ang ganito na paghuli! sa may pandakan po nangyari ang insidente di po nakuha pangalan ng mga bobong pulis dahil naka sibilyan nga eh! nakakapanginit ng dugo diba iniisip ko kung saatin mangyari yun! nay aksyon po ba ang gobyerno natin para dito na kinukulong na parang kriminal +na walang kakwenta kwentang violations?
sa pilipinas ba ito nanyari?
inuyasha September 6th, 2009, 06:21 AM dapat alamin po kaagad ang mga pangalan ng mga nasabing pulis at ireport po niyo sa NAPOLCOM o PNP-IAS sa Camp Crame.kung may katibayan po kayong ikinulong nga ng wala namang violation o sapat na dahilan, pweding pwedi pong kasuhan ang mga pulis na yan.kung hindi po natin gagawin ang nararapat ay patuloy tayong aabusuhin ng mga tiwaling pulis na dapat sana ay ngbibigay ng proteksiyon sa ating mamayan.
ayan tama, sa NAPOLCOM ka dumerecho sir. pero before that, kailangan muna ma-verify ang pangalan ng mga ungas na pulis na yun. balik kayo sa presinto at hingi kayo ng copy or tingnan niyo sa logbook nila. kapag hindi pumayag sabihin mo galing kana sa napolcom at pinabalik ka para alamin ang pangalan ng mga pulis na yun.hehe
lanzki September 6th, 2009, 07:00 AM Just go to proper authority sir and consult to your lawyer..walang kawala yang mga yan. Pera ng taong-bayan ang sinusweldo ng mga yan.
Rastah420 September 6th, 2009, 08:09 AM To TS. pede nyong kasuhan yan..illegal detention..pede nyong kausapin yung superiors nila sa station. and im sure mabibigyan ng karampatang parusa yan. naka log book yan kaya wala clang kawala jan. kailan pa pinagbawal ang riding in tandem? tsk tsk tsk.. ang mga Parak nga naman... parang kulang sa seminar ah....tsk tsk tsk... kung ako sa family nyo sir bibigyan ko din ng leksyon yang mga yan...irereklamo ko talga yan!!!!
nakakainis!!!! grrrrrrrrrrrrrrrrrrr....
don_19 September 6th, 2009, 10:01 PM magdemanda ka ts, consult your lawyer and know na napakalaki ng lamang mo ts kun totoo lahat yun kinwento mo. again, magdemanda ka, ipagtanggol mo ang karapatan mo while at the same time mabigyan mo rin ng tamang leksyon yan mga tinatawag na abusive cops na yan. obviously mali ang ginawa nila, pero kun ndi ka magrereklamo at hahayaan nalang porket nakalabas naman na, e wala rin mangyayari. you want some justice? get a lawyer at magdemanda ka. hehe.
chungky September 6th, 2009, 10:22 PM matanong lang.. pwede ba video-han ang mga gantong pangyayari?.. para may ibidensya, na wala talagang kaso.. incase na mangyari lang sakin.. kung pwede ko kaya ma video ang usapan?
dankurtbs September 6th, 2009, 10:37 PM bawal po sa Maynila ang "Riding in Tandem" pag gabi....
lalo na pag lalake ang kabackride.
nap September 6th, 2009, 10:41 PM bawal po sa Maynila ang "Riding in Tandem" pag gabi....
lalo na pag lalake ang kabackride.
sir matanong ko lang kasi taga manila ako,saan po sa manila bawal ang riding in tandem pag gabi?madami po kasi akong nakikitang riding in tandem dito sa sta ana, sta mesa,kahit sa malate at sa mismong sm manila kung saan katabi ng city hall pero hindi naman po sinisita
bboyckt September 6th, 2009, 11:44 PM city ordnance po ba sa manila yung riding in tandem? ang pagkakaalam ko once uve exceeded the required weight un ang bawal.
kingsymbol.rn95 September 7th, 2009, 12:18 AM sir, did they ask why? sir, we are talking about manila here, do you guys know there are a lot of criminal ni manila and criminal use motorcycles to do their criminal acts,kc baka may alarma nung time na un na may hold up na ngyari? talaga dadalhin un sa prisinto for questioning pero hindi sila ikukulong pag napatunayan nila hindi sila un papauwin na sila, kung talaga PULIS un punta ka MPD sa U.N. Ave. punta ka sa personnel dun may photo gallery lahat ng PULIS may picture dun para maturo ninyo kung sino mga gagong un. Hindi lahat ng gumagawa nun ay PULIS mga sir, somewhere with in the metro service ng barangay parang PULIS car na ngogotong pag gabi. Anyone can easily buy gears outside camp crame.:eek:
stsagun September 7th, 2009, 02:21 AM sir, did they ask why? sir, we are talking about manila here, do you guys know there are a lot of criminal ni manila and criminal use motorcycles to do their criminal acts,kc baka may alarma nung time na un na may hold up na ngyari? talaga dadalhin un sa prisinto for questioning pero hindi sila ikukulong pag napatunayan nila hindi sila un papauwin na sila, kung talaga PULIS un punta ka MPD sa U.N. Ave. punta ka sa personnel dun may photo gallery lahat ng PULIS may picture dun para maturo ninyo kung sino mga gagong un. Hindi lahat ng gumagawa nun ay PULIS mga sir, somewhere with in the metro service ng barangay parang PULIS car na ngogotong pag gabi. Anyone can easily buy gears outside camp crame.:eek:
1. kung totoo na ang mga criminal elements sa manila gumagamit ng motorcycle to perpetuate their crimes, hindi pa rin ito basis na lahat ng mga riding in tandem o kahit single rider lang ay pede na lang basta basta ipara o hintoin at aarestohin ng walang warrant of arrest.
2. kung warrantless arrest naman ang ginagawa, kailangan meron probable cause kung bakit ginagmit ang warrantless arrest. at ang test ng probable cause sa warrantless arrest ay mas matindi pa sa test ng probable cause kung mag aaply ng warrant of arrest.
3. ang ibig lang sabihin nito, hindi pede na basta ka na lang kawaying at ipapatabi at tignan ang papeles ng motor mo. kailangan meron nakitang violation para ka kakawayin at ipatabi at sisitahin.
kaya nga pag pinatabi tayo ang unang tanong natin ay "sir, ano po ba ang violation ko?"
4. kahit merong alarma na naka riding in tandem halimbawa ang mga suspects, kailangan pa din ipakita ng police na meron sapat na probable cause kung bakit pinara at dadalhin sa presinto at questioning ang nag riding in tandem. hindi pede na lahat ng riding in tandem with backride ay dadalhin sa presinto at investigahin.
kailangan ang alarma ay nagiging ma detalye o detalyado kung ano ang itsura ng mga motor ng suspects, suot ng suspects, etc. eto ang isa sa mga test ng probable cause.
kasi kung general description lang ang nasa alarma, eh di lahat ng naka tandem pede na aaresohin ng walang warrant of arrest.
kikzz04 September 7th, 2009, 03:30 AM sumbong nio kay BITAG kay BEN TULFO,ewan ko lang kung di maihi yan sa mga salawal nila, kaso nga lang di nakuha ung mga pangalan ng mga walang kwentang mga PULIS na yan... yun ba ung sinasabi nilang "KUNG ANO ANG PUNO YUN ANG BUNGA?" mga loko sapakan nalang ang aangas nyang mga yan porget may mga baril :angry:
click_me September 7th, 2009, 09:18 AM 1. Warrant less arrest
2. Illegal detention
3. Abuse of authority
4. Conducting an operation using un marked vehicles
5. Operatives are not wearing their respective uniforms
Tunkol dun sa bawal ang tandem, since when? Nasaan ang ordinance? Kailan ito ipinahayag? Sapat ba ang pagpapahayag nito?
I smell, human right violation, administrative and a criminal case for this one kung tutuluyan nila yung mga pulis...
MRO's office is open if you need help...
cliffklepz September 7th, 2009, 09:36 AM ayan Almar, lapit nalang kayo sa MRO, nag offer na ng tulong si sir click me, mabuhay po kayo:clap::clap::clap:
Pong-Pags September 7th, 2009, 10:15 AM MRO thru sir click_me is offering help...
kelangan lang dyan sworn statement at kooperasyon nyo, IMHO:)
CHICHARON September 7th, 2009, 10:36 AM kasunhan nyo.... dati may na kasabay akong mobile dyan sa may taft naka cage ako medyo tinted..dumikit talaga sakin yung mobile ng pulis at pinababa ang bintana ng cage..pag silip nya mga bata ang sakay ko.kung ako lang mag isa non malamang hulidap ang abot ko....
stsagun September 7th, 2009, 12:16 PM kasunhan nyo.... dati may na kasabay akong mobile dyan sa may taft naka cage ako medyo tinted..dumikit talaga sakin yung mobile ng pulis at pinababa ang bintana ng cage..pag silip nya mga bata ang sakay ko.kung ako lang mag isa non malamang hulidap ang abot ko....
yan po kasi sir example ng abuse of authority. walang probable cause. basta na lang pinapababa ang bintana.
eto po po sa experience ko naman:
nasa Glori supermart parking lot kami sakay sa isang adventure. tinted ang adventure. hinihintay namin ang client namin at papunta kami ng laguna.
bigla nalang meron mobile na pumarada at bumaba ang mga pulis at tinutukan kami ng armalite. sinigawan kami at pinapababa ng avdenture, bumbaba kami siyempre. ng bumaba ang asawa ng partner ko na buntis, doon pa lang nag relax ang mga pulis.
dahil daw suspicious character kami dahil ang susian ng pintuan ng driver ay mukhang pinlit na buksan. meron kasi maliit na gasgas.
just imagine kung biglang naghemorhage at na kunan yun buntis namin na kasama dahil sa takot. talagang nakatutok na sa amin ang mga baril, eh.
eh kung masama ang pag baba namin ng adventure, todas na kaming lahat!
sorry sa OT, but it is an example sa abuse ng mga agents of a person in authority, mga pulis.
audz29 September 7th, 2009, 12:47 PM kasunhan nyo.... dati may na kasabay akong mobile dyan sa may taft naka cage ako medyo tinted..dumikit talaga sakin yung mobile ng pulis at pinababa ang bintana ng cage..pag silip nya mga bata ang sakay ko.kung ako lang mag isa non malamang hulidap ang abot ko....
ang alam ko lang kasi bro! bawal din yung mga heavy tinted (kung heavy tinted tlaga) na sasakyan eh... kaya siguro pina baba sayo yung window ng cage mo... :)
don_19 September 7th, 2009, 05:50 PM matanong lang.. pwede ba video-han ang mga gantong pangyayari?.. para may ibidensya, na wala talagang kaso.. incase na mangyari lang sakin.. kung pwede ko kaya ma video ang usapan?
correct me if i'm wrong pero pagkaalam ko, wlang batas na ipinagbabawal ang pagvivideo o pagrerecord ng conversation. minsan ginagawa ko to bilang self defense na rin, lalo na kun magisa lang ako at wala akong makukuhang testigo kun sakaling may anomalia na naganap. besides, if there's nothing wrong, i don't think they would mind starring or voice over-ing in their own movie, entitled, "checkpoint" or "kotong" whichever they prefer.
bawal po sa Maynila ang "Riding in Tandem" pag gabi....
lalo na pag lalake ang kabackride.
sorry to disagree sir, pero kalokohan po ito. the basis mentioned for this is purely bulls**t, and it is on the borderline of discrimination between particular vehicles. again, kalokohan to.
1. Warrant less arrest
2. Illegal detention
3. Abuse of authority
4. Conducting an operation using un marked vehicles
5. Operatives are not wearing their respective uniforms
Tunkol dun sa bawal ang tandem, since when? Nasaan ang ordinance? Kailan ito ipinahayag? Sapat ba ang pagpapahayag nito?
I smell, human right violation, administrative and a criminal case for this one kung tutuluyan nila yung mga pulis...
MRO's office is open if you need help...
ayan, nagsalita na si sir click me. sinong bubwelta? haha.:O
ts, kita mo, ang dami mong maaaring isampang kaso sa mga officer na yan.
bumbero018 September 7th, 2009, 09:14 PM last week kse riding a two motorcycles with 1 back ride each hinuli kse ng mga nakasibilyang pulis ang pinsan ko na nakaangas lang sa isang boy namin bali tapos may kasama pa silang nakamotor din na angkasan din ginitgit sila ng dalawang private car at mga nakasibilyang mga pulis tapos pinahinto sila at hinuli na wala namang violation! may helmet naman sila each at lisensya! sabi sa kanila bawal daw riding in tandem bawal daw may angkas nag matigas po ang pinsan ko na wag sumama dahil di naman makatwiran ang nasabing violation! at may rumesponde pang isa pang pulis na nakasibilyan din pinilipit daw po ang kamay nya at pwersahang pinasama sa prusinto at ikinulong po kasama ng mga kriminal! pinuntahan po ng tyuhing ko para ilabas ang mangyari po eh ayaw pang palabasin yung dalawa pa nilang kasama na boy namin! kundi pa nagalit ang tyuhing ko dahil wala naman kasalanan eh ikukulong na parang kriminal eh pinalabas din po! tama po ba ang ganito na paghuli! sa may pandakan po nangyari ang insidente di po nakuha pangalan ng mga bobong pulis dahil naka sibilyan nga eh! nakakapanginit ng dugo diba iniisip ko kung saatin mangyari yun! nay aksyon po ba ang gobyerno natin para dito na kinukulong na parang kriminal +na walang kakwenta kwentang violations?
Illegal Detention yan sir...... Lumapit ka sa NAPOLCOM/ MEDIA para magising ang mga hunghang na yan
maileilove September 7th, 2009, 09:29 PM sir salamat po sa opinion nyo at sa tulong ! sinabi ko na po sa pinsan ko mga sir! sila na po ang bahala ! buti nalang di sakin nangyari! kung sakin mangyayari yun tatawagan ko kagad si sir click me! hehehehe! ride safe and mabuhay mcp! sana mayroon tayong kakampi sa gobyerno na mcp para mayroon tayong matatakbuhan
don_19 September 7th, 2009, 10:41 PM sir salamat po sa opinion nyo at sa tulong ! sinabi ko na po sa pinsan ko mga sir! sila na po ang bahala ! buti nalang di sakin nangyari! kung sakin mangyayari yun tatawagan ko kagad si sir click me! hehehehe! ride safe and mabuhay mcp! sana mayroon tayong kakampi sa gobyerno na mcp para mayroon tayong matatakbuhan
i second the motion! hehe.:D
bumbero018 September 7th, 2009, 11:46 PM bawal po sa Maynila ang "Riding in Tandem" pag gabi....
lalo na pag lalake ang kabackride.
Sir kelan pa po ipinagbawal sa "Maynila" ang riding in tandem? kung yung mga walang helmet nga hindi hinuhuli eh yung pa kayang riding in tandem....?
diorama September 10th, 2009, 10:58 AM yup...for sure naka logbook yan..imposibleng pinasok kayo ng kulungan basta-basta nalang..
kung hinde nkalagay sa logbook tapos pinasok sa kulungan..mas malaki ang chance nyo na manalo sa dimandang ihahain nyo....
Mag file ka ng kaso sa CHM and NAPOLCOM.kalaboso yan pati hepe ng presinto.:)
sthyl69ers September 10th, 2009, 12:48 PM abuse of authority, yan ba ang tinatawag nila na "to serve & protect"? paano pag yung protectors naging predators? sino ang pipigil sa kanila?
Meron pa sir. Vigilante o tulisan katapat ng mga yan.:D
Criscinco September 10th, 2009, 12:56 PM Sumbong nyo sa kay alex boncayao yan. nakakhigh blood. bobong pulis hindi dapat sa inyo ginawa. wala silang probable cause. idmanda nyo tapos kwartahan nyo din. sa nagtahan ba nangyari to?
don_19 September 30th, 2009, 01:17 AM out of curiousity, ano na kaya update dito? :?
sana hindi nakatakas ng ganun ganun lang tong mga pulis na ito.
|
|