Custom Search

View Full Version : Rain Shoe Cover

Pages : [1] 2

pedro21
June 5th, 2009, 05:25 PM
tanong ko lang anong magandang rain shoe cover? saan makakabili?

yung binebenta kasi sa for sale section ay wala akong kasyang size...

yung givi naman medyo mahal... tanong ko na din sa mga gumagamit nito kung sa stop and go situation ba ay hindi madulas yung sole nito...

im tired of my old sm bags...

Super Osram
June 5th, 2009, 05:49 PM
sir, try mo sa motoworld....... givi, medyo pricey pero ok naman gamitin......... meron sila stock pero kung malaki shoes mo, wala yata sila (galing kasi officemate ko dun at hindi nakabil ng big size)

pedro21
June 5th, 2009, 06:01 PM
ah ok sir... mahal nga lapit lang ako sa motoworld fort kaya lang lakas ulan ngayon kaya hindi ako makapunta para magsukat... gusto ko sana marinig feedback ng users nito dito kung di ba punitin, madulas (lalo kung stop and go traffic) and kung compact siya at kasya sa ubox natin...

Super Osram
June 5th, 2009, 06:11 PM
sir, givi din gamit ko.....
so far, di siya madulas sa kalye o panlakad......
kung madaling mapunit, di ko pa po masasagot yan......
depende siguro sa ubox at size ng rain shoe cover kung magkakasya sa ubox............ di kasi siya pwedeng tiklupin.......

pedro21
June 5th, 2009, 06:19 PM

yung swels sir ang di pwedeng tiklupin... pero yung pinaka body foldable po? mukhang ito na bibilhin ko... sana kasya sa ubox ng fury kung size 11...

by the way alin po binili nyo yung 700 or yung 800? and hangang baba ng tuhod ba yung kanyang reach sa binti?

Super Osram
June 5th, 2009, 06:31 PM
yung 800.00 po yung nabili ko......
tama po kayo, sir, yung sa sole ang hindi pwedeng tiklupin......... hanggang taas lang po siya ng ankle..........

pedro21
June 5th, 2009, 06:35 PM
ok sir... salamat... i will be buying the on that have the hughest reach sa binti... i think im sold sa givi na to... thanks again

pedro21
June 5th, 2009, 07:30 PM
bad trip galing na ako ng motoworld... di kasya sakin ang xxl and mababa pala ang height nito from the ankle kung naka poncho basa din and pants... kala ko macocover na nito yung part na yun...

sino pa po ang ngbebenta ng rain shoe cover size 10-11 or xxl kung base sa sukat ng givi rain shoe cover.

d'virus
June 5th, 2009, 08:37 PM
TS:

yung normal na steel toed boots at sabayan mo na lng ng water proof pants?
(yung sinusuot sa labas ng normal pants)

hndi pa bulky, matiklop mo yang pants eh..

unless op kors lulusong ka sa baha..:D

pedro21
June 5th, 2009, 08:45 PM
salamat sir sa advice. consider ko to.. pero kasi most of the time naka slacks ako eh kaya yung shoe cover ang best bet ko... di kasi babagay yung steel to sa slacks... i have imagined it already

d'virus
June 5th, 2009, 08:48 PM
salamat sir sa advice. consider ko to.. pero kasi most of the time naka slacks ako eh kaya yung shoe cover ang best bet ko... di kasi babagay yung steel to sa slacks... i have imagined it already

eh di basa ang slacks mo?
i do wear slacks at work....
pinili ko yung boots na bagagay sa slack (at jeans na rin)...
i used to bring ang buong bihisan. but this is so much easier..

gud luck anyways...safe ridin'

pedro21
June 5th, 2009, 08:56 PM
eh di basa ang slacks mo?
i do wear slacks at work....
pinili ko yung boots na bagagay sa slack (at jeans na rin)...
i used to bring ang buong bihisan. but this is so much easier..

gud luck anyways...safe ridin'di naman basa masyado sir... medyo mahaba yung poncho ko... thanks sa advice ulit and ride safe din...

dmax
June 5th, 2009, 09:14 PM
yung 800.00 po yung nabili ko......
tama po kayo, sir, yung sa sole ang hindi pwedeng tiklupin......... hanggang taas lang po siya ng ankle..........

pics naman dyan...

Spriggan
June 5th, 2009, 09:36 PM
pics naman dyan...

Ganito bro..
http://img231.imageshack.us/img231/5078/4783060201181.jpg (http://img231.imageshack.us/my.php?image=4783060201181.jpg)

pedro21
June 8th, 2009, 12:40 PM
^^

ganyan dapat bibilhon ko walang size... di kasya yung xxl dun sa tag 700 san din walang size na kakasya xxl di umubra.

paggawa kaya ako sa mr. quickie... may binebenta namang swelas doon tapos bili na lang ako ng kapote para dun kuhain yung pinaka body tapos bahala na sila sa locking mechanisim...

sana umubra yung plan ko...

Kaizen
June 8th, 2009, 12:48 PM
share mo naman sir pag nagawa mo! Tagulan na. Lagi tayong basa.

rjmvirgotaurus
June 8th, 2009, 01:27 PM
check this link it may help mga idol. nakabili ako kay denny Monyo Php 600 for one set kasama na iyong kapote plus one free balacavra. dapat lang hindi masyagong malaki iyong shoes para kumasya duon sa SHOE RAIN COVER.

http://www.motorcyclephilippines.com/forums/showthread.php?t=170256

pedro21
June 8th, 2009, 02:15 PM
liit nga sir yung size ng biebenta ni sir denny eh

rjmvirgotaurus
June 8th, 2009, 05:32 PM
liit nga sir yung size ng biebenta ni sir denny eh

yap lalo na pag riding boots ang hirap ipasok VIRGIN NA VIRGIN ..............siguro puedeng na mag pagawa MADE TO ORDER sa mga gumagawa ng sapatos at ang gagamiting suelas ay iyong ginagamit sa mga rubber shoes na may malalaking sizes. pueedeng paparisan isyong nabibili kay Denny. iyon naman fabric maraming nabibili sa mga upholstery and canvass supplies.

HondaWasaki
June 8th, 2009, 05:49 PM
May inirekomenda si sir wolver sa akin sa caloocan, exceed motorshop sa 10th avenue. dun ko binili kapote ng sapatos ko. tatlong taon ko nang napakinabangan tuwing tagulan.

bandit250
June 8th, 2009, 05:52 PM
May inirekomenda si sir wolver sa akin sa caloocan, exceed motorshop sa 10th avenue. dun ko binili kapote ng sapatos ko. tatlong taon ko nang napakinabangan tuwing tagulan.

magkano shoe cover nya sir?

pedro21
June 8th, 2009, 06:23 PM
yap lalo na pag riding boots ang hirap ipasok VIRGIN NA VIRGIN ..............siguro puedeng na mag pagawa MADE TO ORDER sa mga gumagawa ng sapatos at ang gagamiting suelas ay iyong ginagamit sa mga rubber shoes na may malalaking sizes. pueedeng paparisan isyong nabibili kay Denny. iyon naman fabric maraming nabibili sa mga upholstery and canvass supplies.t5his is what im planning to do sir... sa mr. quickie magtatanong ako
------------------------ Posts Auto Merged------------------------
May inirekomenda si sir wolver sa akin sa caloocan, exceed motorshop sa 10th avenue. dun ko binili kapote ng sapatos ko. tatlong taon ko nang napakinabangan tuwing tagulan.

magkano mo nabili sir? ano size nakuha nyo?

ayi
June 10th, 2009, 09:48 PM
fafa,
try mo CONCORDE sa sm south mall.
meron dun, AM ang tatak.nasa 500.
may reflector sa likod at garter para mag fit sa paa habang nakaapak sa foot peg.
with zipper and velcro din.
at makapal.i'll post picture later.

ayi
June 10th, 2009, 09:59 PM
http://i45.photobucket.com/albums/f84/ayi111_01/Ayipics2535.jpghttp://i45.photobucket.com/albums/f84/ayi111_01/Ayipics2536.jpg
http://i45.photobucket.com/albums/f84/ayi111_01/Ayipics2537.jpghttp://i45.photobucket.com/albums/f84/ayi111_01/Ayipics2534.jpg

bandit250
June 11th, 2009, 09:40 AM

nice post picture sir...

eto maganda hindi mahirap dalhin....

bibili rin me nito sir...

marami ba silang stock sir?.....

pedro21
June 11th, 2009, 12:20 PM
ay salamat may alternative... try ko nga sa concorde megamall... sana meron stock and size ko...

MR_2
June 11th, 2009, 12:21 PM
http://i45.photobucket.com/albums/f84/ayi111_01/Ayipics2535.jpghttp://i45.photobucket.com/albums/f84/ayi111_01/Ayipics2536.jpg
http://i45.photobucket.com/albums/f84/ayi111_01/Ayipics2537.jpghttp://i45.photobucket.com/albums/f84/ayi111_01/Ayipics2534.jpg

eto rin gamit ko, pinakita kasi sa akin ni fafa ayi kaya napabili rin ako :clap: madaming stock sa concorde sm megamall.

jeffss
June 11th, 2009, 12:43 PM
fafa,
try mo CONCORDE sa sm south mall.
meron dun, AM ang tatak.nasa 500.
may reflector sa likod at garter para mag fit sa paa habang nakaapak sa foot peg.
with zipper and velcro din.
at makapal.i'll post picture later.

Maraming salamat sa pag share nito sir. Eto problema ko lagi pag umuulan eh, kahit may kapote ako di ko basta basta sinusugod ang ulan kasi nababasa sapatos ko.(sira na nga kasi lagi nababasa eh.:D) :clap:

Pwede ba to isuot agad sir kahit hindi na maghubad ng sapatos?

killua02
June 11th, 2009, 02:07 PM
mas maganda yan kesa sa nabili ko. kasi may strap sya so di sya bababa.

pedro21
June 11th, 2009, 04:13 PM
not bad for 500 pesos ah... kasi mataas na yung lenght... yahoo poncho na ulit gagamitin ko...

bandit250
June 11th, 2009, 04:15 PM
eto rin gamit ko, pinakita kasi sa akin ni fafa ayi kaya napabili rin ako :clap: madaming stock sa concorde sm megamall.

lahat ba ng concorde sa Sm may stock sila fafsi?

MR_2
June 11th, 2009, 07:59 PM
lahat ba ng concorde sa Sm may stock sila fafsi?

yup all sizes available sa concorde fafs :clap:

ayi
June 11th, 2009, 08:04 PM
Maraming salamat sa pag share nito sir. Eto problema ko lagi pag umuulan eh, kahit may kapote ako di ko basta basta sinusugod ang ulan kasi nababasa sapatos ko.(sira na nga kasi lagi nababasa eh.:D) :clap:

Pwede ba to isuot agad sir kahit hindi na maghubad ng sapatos?

puede fafs. madali pang tupiin para itago.ipit mo lang sa garter ng brief mo.ahihihi:D

rdpg15
June 11th, 2009, 09:13 PM
ganyang AM rain boots cover din ang gamit ko...

sa lahat ng concorde branch meron ata nito.. sizes nya M-XL (8-11.5 yata). madaling itago sa ubox hindi bulky, 100% waterproof base on its label. pati pants ko cover nya rin dahil halos hanggang tuhod abot... pwedeng suotin after any kind of shoes.

kuha na rin kayo para di kayo mahirapan sa byahe ngaung tag-ulan. lalo na ung mga pumapasok sa office.

xxxskunkyxxx
June 12th, 2009, 06:32 PM
next project ko ito punta ako sa sm southmall para makabili

msg
June 25th, 2009, 11:39 AM
wow nice product. Try ko nga dumaan sa Concorde sa weekend.

pedro21
June 29th, 2009, 02:26 PM
got one over the weekend.. sana nga umubra against the rain ito...

msg
June 29th, 2009, 03:25 PM
naka bili din ako sa Concorde sa SM Pampanga hehe tamang tama since poncho gamit ko. :)

http://i20.photobucket.com/albums/b215/mgzenone/28062009.jpg

this is a good product talaga...why?

Kasi I figured out if I will buy rain boots, I cannot bring them all the time or store them inside my ubox. Paano kung umaaraw sa umaga then pauwi from work biglang naulan, edi basa din ang shoes ko pauwi hehehe.

We never know when will it rain diba? At least tong rain shoe cover na to, we can wear our favorite shoes any time with confidence, knowing na umulan man eh we have our rain shoe cover handy sa ubox when we need them.

Thank you sa nag post ng product na to, laking tulong sir lalo na at nabasa ang shoes ko last week and until know pinapatuyo ko pa hahaha

pedro21
June 29th, 2009, 06:11 PM
^^

you are correct sir and isa pa ay very convinient ito sa mga poncho users kasi we do not need to switch to up and down rain gears plust boots or shoe cover... 2 pc rain gear (poncho and knee high shoe cover) will keep us high and dry... now if we could only make poncho slimer para mabawasan yung pagaspas...

compared din sa ibang brand mas mataas and abot and may velcro and ggarters para iwas pagbagsak... (i think yung iba mababa ankle lenght lang, yung iba naman ay de tali lang so bumababa)

Chief_Ahoy
June 29th, 2009, 07:12 PM
sa mga gumagamit ng AM rain shoe cover, inde ba sya amoy krudo or rubber, meron ako ganyan ang style pero till now amoy krudo at rubber pa din, dyahe kasi kumakapit sa pantalon.. at ni repair ko na lang din yung sa may part na hihigitan mo yung tali ng velcro..

ayi
July 4th, 2009, 10:49 PM

hindi naman bro.basta pag umaraw bilad agad then balik sa packaging.ganun gawa ko lagi.
so far contented na ko dito sa dami ng nasubukan kong shoe cover.
pero the best pa rin ang bota.bulky nga lang.

pedro21
July 6th, 2009, 05:00 PM
^^

feedback naman... hindi ba tumatagos yung ulan kapag nakasuot nito? di pa kasi nabbreak-in yung akin dahil hindi naman naguulan lately eh...

maverickmalv
July 7th, 2009, 09:25 PM
meron ang utol ko ng rain shoe cover nabili nya sa sm dept store.. xo ngaun wla n stock!

cguro pag tmang ulan lng d nman mbbsa ang shoes mo and qng hndi nman totally ilulusong sa baha! :)

meron p kya nbbli d2 stin? hirap maghanap eh..?

navigator1
July 7th, 2009, 09:33 PM
^^

you are correct sir and isa pa ay very convinient ito sa mga poncho users kasi we do not need to switch to up and down rain gears plust boots or shoe cover... 2 pc rain gear (poncho and knee high shoe cover) will keep us high and dry... now if we could only make poncho slimer para mabawasan yung pagaspas...

compared din sa ibang brand mas mataas and abot and may velcro and ggarters para iwas pagbagsak... (i think yung iba mababa ankle lenght lang, yung iba naman ay de tali lang so bumababa)

tabasan kaya ung likod ng p0nch0?? parang long back na tee shirt//
FRONT LONG NA//////PARA WALANG PAGPAG :nuts:

@ t0pic.. maganda nga raw ung sa c0nc0rde medyo pricey lang .. heheheheheh plastic nalang muna sa loob ng sh0es.

gleceper
July 8th, 2009, 04:30 PM
"Pwede ba to isuot agad sir kahit hindi na maghubad ng sapatos?"
puede fafs. madali pang tupiin para itago.ipit mo lang sa garter ng brief mo.ahihihi:D

Oist, loko ka fafs, mukhang seryoso pa naman ang tanong.
baka seryosohin ang advise mo. :O :O

ayi
July 8th, 2009, 08:39 PM
^^

feedback naman... hindi ba tumatagos yung ulan kapag nakasuot nito? di pa kasi nabbreak-in yung akin dahil hindi naman naguulan lately eh...

sir hindi po tumatagos ang ulan.kahit ibaba mo paa mo sa tubig pag humihinto ka.
ang di ko lang na try yung lumusong sa malabon pag baha.

seriously, puede tong alternative sa bota.madali kasing bitbitin at isugod sa ulan.kung lulusong naman sa baha ng matagal....bota pa rin.:)

msg
July 8th, 2009, 09:03 PM
Pricey ba sya? Yun Bota kasi dapat bilhin ko kaso 900 to 800 daw eh tapos paano kung naka sneakers ako sa daan at di ko suot yun bota tapos umulan hehe yari ako.

Unlike yun shoe cover pwde sya itupi and ilagay sa compartment / ubox. Bring it anywhere, everywhere. Kapag umulan, ilabas mo lang hehe kapag naman umaaraw eh standby lang sya.

Sa dami ko sinabi i have not yet tried it sa actual hehe di pa ako nauulanan eh :O

eugeneallan
July 8th, 2009, 09:11 PM
sirs, mura lang ang bota sa divisoria. from P200-500 lang. meron pang w/steel toe. kung pang baha talaga, kailangan pa rin bota.

msg
July 17th, 2009, 09:53 AM
Nabinyagan ko na ang AM rain shoe cover ko yesterday. After riding for almost an hour with the rain non-stop, I can say na effective nga kasi di nabasa ang paa ko.

Ang ayaw ko lang is ang daming nakakatabi na naka mc din, tanong ng tanong san ko daw nabili. Yun iba nakaka tawa ang reaction parang nagugulat kasi daw may swelas pa hehe. Tapos yun mga nasa jeep na nakaka kita sa akin parang nag uusap sabay turo sa akin kasi parang madalang lang makakita ng naka kapote ang paa :banana:

Wala din amoy pala after isuot. So I can say is sulit na bili ko kasi kasyang kasya sya sa ubox ko and di sya bulky so I can bring it anytime, anywhere. :O

vicfirthph
July 17th, 2009, 11:07 AM
meron din kaya nyan sa pier?