Custom Search

View Full Version : PIER MC GEAR PRICELIST (Anything about SOUTH PIER MC GEAR STORE thread)


Pages : [1] 2 3 4 5

pangserbis_lang
May 17th, 2009, 11:18 AM
napansin ko po, madami po nagtatanong ng pricing sa pier ng mga mc gear, siguro po maganda na nakakapagshare tayo dito ng prices nga mga mc gear sa pier. pati na din paano makapunta dun, sisimulan ko po sa ilang mga prices na nakita ko, update update na lang po tayo:


ARMOR:
FOX BODY ARMOR - 1350-1500
ALPINESTAR MESH JACKET - 800-1000

KNEE/SHIN ARMOR:
FOX KNEE ARMOR - 400-700

GLOVES:
PROBIKER ARMORED MESH GLOVES - 400-450

HELMET:
GDR MODULAR HELMET (ENDURO LOOK) - 500-750
PAMBATANG HELMET FULL FACE - 100-200

depende po dun sa timing at tawad niyo, nung pumunta po kasi ako last sat, ganyan po ang pricing, pag pumunta po ulet ako, pipicturan ko po sila at magtatanong ako ng mas detailed na pricing.

mr_7thsign
May 17th, 2009, 12:10 PM
san ito?? paano pumunta dyan???

CHILL
May 17th, 2009, 12:56 PM
bagsak presyo ha..

:clap:

axe_boy
May 17th, 2009, 01:01 PM
kuha tayo helmet!hehe san ba to?

pacuson
May 17th, 2009, 01:09 PM
ALPINESTAR MESH JACKET - 800-1000

may pics ba nito?

-=sarsi=-
May 17th, 2009, 01:46 PM
pa-subscribe po

cruzadelT
May 17th, 2009, 01:49 PM
pasubscribe din parang gsto ko nung alphine star mesh jacket

jon _beza
May 17th, 2009, 01:57 PM
san ito?? paano pumunta dyan???

PIER SOUTH sa likod ng BIR Intramuros :)

Wills_McLaren
May 17th, 2009, 02:01 PM
di yata totoo yang price na yan. try nyo pumunta para malaman nyo kung totoo.

Parang sobrang mura naman yata.b

ceramic
May 17th, 2009, 02:03 PM
maganda pumunta ng pier weekends kasi matraffic pag weekdays lalo na kung galing kayo ng Legarda/aurora blvd. area tapos may mga checkpoint din jan sa tapat ng Arellano university or minsan duon mismo sa gitna ng flyover.

jon _beza
May 17th, 2009, 02:09 PM
di yata totoo yang price na yan. try nyo pumunta para malaman nyo kung totoo.

Parang sobrang mura naman yata.b

Sir Wills, ganyan talaga ang price niya depende sa tatawad... yun nga lang japeke siya... may sinamahan ako 2 opismate ko last thursday lang...

Pong-Pags
May 17th, 2009, 02:10 PM
sa Quiapo din, di nag-kakalayo ang price, pero mas mura talaga sa pier:clap:

OT:

paktay negosyo, mga taga kalookan nito, pati ibang online sellers:O
binisto nyo kung saan ang mura....:O

yare kayo...:D

ronald_octavio
May 17th, 2009, 02:13 PM
IMHO lang po sa helmet buy pa rin ng quality at standard may mga brand po na konti na lang dadagdag nyo sa presyo ng bentahan sa pier may quality helmet na kayo. sa mga protective gears ok na po sa pier.

Pong-Pags
May 17th, 2009, 02:17 PM
IMHO lang po sa helmet buy pa rin ng quality at standard may mga brand po na konti na lang dadagdag nyo sa presyo ng bentahan sa pier may quality helmet na kayo. sa mga protective gears ok na po sa pier.

korek sir ronald, pwede na ibang gears nila... wag lang helmet..:o

jon _beza
May 17th, 2009, 02:29 PM
sa Quiapo din, di nag-kakalayo ang price, pero mas mura talaga sa pier:clap:

OT:

paktay negosyo, mga taga kalookan nito, pati ibang online sellers:O
binisto nyo kung saan ang mura....:O

yare kayo...:D

Oo nga yun nabili ko na AXO Elbow at Knee Pads ang benta sa akin 1,100... dun puwede mo makuha ng 600.00 lang...:o

Pong-Pags
May 17th, 2009, 02:34 PM
Oo nga yun nabili ko na AXO Elbow at Knee Pads ang benta sa akin 1,100... dun puwede mo makuha ng 600.00 lang...:o

tama sir jon, yun fox raptor na gamit ko 700 lang kuha ko sa pier.... sa kalookan 1,100:O

pangserbis_lang
May 17th, 2009, 02:53 PM
di yata totoo yang price na yan. try nyo pumunta para malaman nyo kung totoo.

Parang sobrang mura naman yata.b

sir, depende po sa taong bumibili dito po kasi. pagalingan lang tumawad at sindakan lang dito, like for example, yung isang store dyan benentahan ako ng fox armor sabi saken 2500, sabi ko ganun ba, eh kagagaling ko lang recto bigay saken eh 1200, mas mura dun sabi ko, na babalik na lang ako dun, pero ang totoo 1350 ang natanungan ko din sa recto, sabi niya na lang saken, cge 1350 na lang pare, sa iyo lang. sabi ko cge tingin tingin muna ako sa iba. ganun po, depende po talaga sa conversation, sa tingin nila sa tao, at sa season. tanungin niyo din sila kelan dadating bagong stock, tapos saka kayo punta medyo mas mura yata.

nagsimula po akong bumili dito pier way back pa nung 90's. bilihan din kasi ito ng mga surplus gear for music, nagbabanda po kasi ako, at talagang mura po dyaan. dyan din bumilibili ng tv at ibang mga entertainment showcase na pampasalubong sa province ang mga seaman.

pangserbis_lang
May 17th, 2009, 03:03 PM
may pics ba nito?

yung typical na class a na alpinestar po, madami pong mesh jacket dun pero ang natanong ko lang eh fox at yung alpinestar kasi yun yung trip ko nun. kahit ako nagulat nung tinanong ko price niya na flat 1k, tapos tinawaran ko, ibibigay nila sa 800. depende talaga sa iyo, maaaring kapag pumunta ka dun biglang sabihin 1500 na, kumbaga yan lang yung price niya nung pumunta ako eh, 800.

ganito po sir, nakita ko lang po sa google:
http://img235.imageshack.us/img235/2907/alpinestarmeshjacketpo1.jpg


http://images02.olx.com.ph/ui/2/05/47/20309847_1.jpg

pangserbis_lang
May 17th, 2009, 03:12 PM
san ito?? paano pumunta dyan???

im not that good in giving directions pare, basically, gawin mo, tumbukin mo ang quiapo or quiapo church, pwedeng recto din katabi nun kasi quiapo,or pwede ding university belt. galing recto corner university belt, hindi ka pwedeng kumaliwa sa isetann, kasi andun yung way papunta south pier, kailangan mo pa dumiretso galing university belt corner recto papuntang divisoria basta sa kaliwa ka lang puwesto, tapos unang slot namakita for uturn, uturn ka na agad pabalik isetann recto tapos kanan naman at ayun dirediretso na yun pa puntang south pier, luneta, mapua, at higit sa lahat intramuros dahil andun lang siya sa intramuros. o kaya galing recto, sundan mo lang yung jeep na papier, pupuntang pier yun definitely. alamin mo papuntang luneta, siguro naman madali na alamin yun, tapos ayun tanong ka dun saan south pier malalaman mo na, saka ang daming signboards dun kung saan ang south pier. pier talaga siya mismo, hindi lang basta pangalang pier lang.may mga container van talaga dun at trailer.

and2ako
May 17th, 2009, 03:37 PM
madali lang pumunta dun... land mark nyo luneta kung galing baclaran, cavite deretso lang ang roxas blvd. hanggang sa umabot kayo dun sa circle tapos ikot kayo ng circle punta kayo sa kaliwa... kung galing quiapo pag dating sa luneta sa me manila hotel kanan ka naman ikot ka din dun sa circle. galing quiapo pede ka ding kumanan pag baba ng quezon bridge tapos deretso lang hanggang sa tumbukin mo ang instramuros sa me palasyo del gobernador at fort santiago deretso lang at tutumbukin mo din ang circle. pag dating sa loob makikita mo naka lagay na yung gate ng pier pero siempre d ka papasok dun kakaliwa ka na at nandon na mga tindahan ng pier. pag deretsuhin mo naman yung kalsada na yun tutumbukin mo din Manila hotel pag labas mo luneta ulet :banana::banana: kung galing naman kayo divisoria, bulacan, malabon caloocan west pag baba nyo ng tulay paglampas ng parola at san miguel tutumbukin nyo din yang circle na yan kanan ka naman... madaling makita kase madaming nag dadaan na mga trailers jan pag hindi truck ban...

Wills_McLaren
May 17th, 2009, 04:07 PM
kung mag park kayo dyan eh dapat sa tapat ng tindahan or dun sa me mga bantay na me bayad. maraming mahuhusay dyan sa area na yan. Baka imbes na mapamura kayo eh mapamahal pa.
------------------------ Posts Auto Merged------------------------
sir, depende po sa taong bumibili dito po kasi. pagalingan lang tumawad at sindakan lang dito, like for example, yung isang store dyan benentahan ako ng fox armor sabi saken 2500, sabi ko ganun ba, eh kagagaling ko lang recto bigay saken eh 1200, mas mura dun sabi ko, na babalik na lang ako dun, pero ang totoo 1350 ang natanungan ko din sa recto, sabi niya na lang saken, cge 1350 na lang pare, sa iyo lang. sabi ko cge tingin tingin muna ako sa iba. ganun po, depende po talaga sa conversation, sa tingin nila sa tao, at sa season. tanungin niyo din sila kelan dadating bagong stock, tapos saka kayo punta medyo mas mura yata.

nagsimula po akong bumili dito pier way back pa nung 90's. bilihan din kasi ito ng mga surplus gear for music, nagbabanda po kasi ako, at talagang mura po dyaan. dyan din bumilibili ng tv at ibang mga entertainment showcase na pampasalubong sa province ang mga seaman.

kabisado ko din area na yan dahil malapit lang ako dyan. pero minsan sablay yung mga tinda eh.. parang ang baba ng quality.. kaya kailangan eh mausisa talaga bago bumili. Mga muslim nagtitinda dyan at mababait kausap.
------------------------ Posts Auto Merged------------------------
yung typical na class a na alpinestar po, madami pong mesh jacket dun pero ang natanong ko lang eh fox at yung alpinestar kasi yun yung trip ko nun. kahit ako nagulat nung tinanong ko price niya na flat 1k, tapos tinawaran ko, ibibigay nila sa 800. depende talaga sa iyo, maaaring kapag pumunta ka dun biglang sabihin 1500 na, kumbaga yan lang yung price niya nung pumunta ako eh, 800.

ganito po sir, nakita ko lang po sa google:
http://img235.imageshack.us/img235/2907/alpinestarmeshjacketpo1.jpg


[IMG]http://images02.olx.com.ph/ui/2/05/47/20309847_1.jpg

wow! napaka mura naman kung 800 lang yang jacket na yan.. pwedeng-pwede pang araw-araw yan ah.

artbike
May 17th, 2009, 04:18 PM
huwaw!!! KAMURA NGA!!!! good job TS sa ganitong info... need to buy a mesh jaket na din kasi... wala pamalit yung isa ko... nanlilimahid na:O:O:O

Wills_McLaren
May 17th, 2009, 04:24 PM
huwaw!!! KAMURA NGA!!!! good job TS sa ganitong info... need to buy a mesh jaket na din kasi... wala pamalit yung isa ko... nanlilimahid na:O:O:O

pre.. baka naman one week lang eh masira na yan.. hahahah. (joke lang)

check mo muna ng maigi baka kase at the end of the day eh maging doble pa ang gastos mo. Better check muna yung quality talaga.

artbike
May 17th, 2009, 04:31 PM
pre.. baka naman one week lang eh masira na yan.. hahahah. (joke lang)

check mo muna ng maigi baka kase at the end of the day eh maging doble pa ang gastos mo. Better check muna yung quality talaga.

nakow!!!! may punto ka jan paps... checkmode nga muna ako... thanks for d heads up;)

Wills_McLaren
May 17th, 2009, 04:51 PM
nakow!!!! may punto ka jan paps... checkmode nga muna ako... thanks for d heads up;)

madalas kase kong magka ganyan dahil sa pagtitipid. Pero in the end.. di pala ako nakatipid at nainis pa ko. Dahil feeling ko eh nasayang ang pera ko.

Kaya kung me doubt kayo sa quality eh better get the real thing na lang.

2x kase ko bumili dati ng gloves dyan na price is around 500-600 pero sandali lang eh sira na sya. So I would rather buy a 1,500~2,000 gloves na talagang magandang ang proctection at quality kesa naman sa mura pero low quality talaga.

Di ko sinasabi na wag kayo bumili dyan. Dapat eh maging mausisa lang tayo sa mga bibilin natin at tayo masyado padala ng husto sa sobrang murang price. Honestly, meron naman din talaga ibang items dyan talaga pwede bilin.

CHILL
May 17th, 2009, 04:54 PM
ang tanong..same kaya ang A-star mesh jacket dyan at ung mga naglipana sa 10th ave at dito?kung parehas mas maganda sa pier na lang..hehe

artbike
May 17th, 2009, 04:58 PM
ang tanong..same kaya ang A-star mesh jacket dyan at ung mga naglipana sa 10th ave at dito?kung parehas mas maganda sa pier na lang..hehe

korak!!! napaka-husay mo talaga master idol ko!!!!

@wills
pakibulong mo nga sa akin papi ang umubrang binili mo jan sa pier...:D

GYDU
May 17th, 2009, 05:13 PM
mga sir wat sasakyan pag commute lang?
from lrt1

CHILL
May 17th, 2009, 05:14 PM
pabulong din sakin ung binulong mo kay Super Rider Idol na si artbike wills..TIA

pangserbis_lang
May 17th, 2009, 05:24 PM
pero kung ako tatanungin, kung gusto niyo talaga matibay, may quality, safe, dumaan sa matinding quality assurance, may maayos na after service, may black and white warranty, may reputation na brand, eh huwag po tayo bumili sa pier, bumili po tayo sa mall or sa mga legitimate na motorcycle hobby shops. kumbaga ang pier is just an option, iba pa din ang real thing. yung pagsasabi niyo na panget quality ng gear sa pier eh parang pumunta kayo sa palengke pero reklamo kayo ng reklamo na maputik or mabaho, kung ganun din naman, sa sm hypermarket na lang tayo mamili, hope that you guys get my point.

isang tip pa, wag na wag kayo magdadala ng cage sa pier at bibili kayo ng kahit anung gamit dun, for sure hindi kayo makakatawad, baka tagain pa kayo.

pangserbis_lang
May 17th, 2009, 05:32 PM
add ko lang po, madalas din po ako magpunta caloocan to check some items at mc, yung tanong na sa alpinestar na class a na 800 pesos, in my opinion, katulad lang din siya ng nakikita ko sa caloocan, im not that sure dahil wala naman akong nabiling alpinestar sa caloocan at pier kaya po mas maganda makita niyo ng personal din yung mga items. pwede niyo naman po sukat sukatin mga tinda dun, o kaya may kakilala kayong may alpinestar, dalhin nio then icompare po ninyo.

mga sir wat sasakyan pag commute lang?
from lrt1

ang alam ko po eh dapat mo matumbok ang quiapo kasi, tapos sa harap nun sasakay ka ng pier na jeep, so pwede ka bumaba ng betty go belmonte (lrt2 po pasensiya na) or carriedo station (ito po yung sa lrt1). pwede din po recto lrt station tapos po lakad ka na lang papunta harap ng quiapo at abang ka ng pier na jeep. ito lang po alam ko way na pa mrt pasensiya na.

Col.TED
May 17th, 2009, 06:08 PM
ang tanong..same kaya ang A-star mesh jacket dyan at ung mga naglipana sa 10th ave at dito?kung parehas mas maganda sa pier na lang..heheyup,pafi....same lang sila............same lang na japakes!!!!!!:O:O:O

Pong-Pags
May 17th, 2009, 06:12 PM
yup,pafi....same lang sila............same lang na japakes!!!!!!:O:O:O

i sekon da mosyon:O

dmax
May 17th, 2009, 06:28 PM
watchmode ako dito........
ano ano pa mga benta nila dun?

jon _beza
May 17th, 2009, 06:42 PM
lahat ng items dun made in china

CHILL
May 17th, 2009, 11:14 PM
yup,pafi....same lang sila............same lang na japakes!!!!!!:O:O:O

ayut!presyo lang pala nagkatalo..salamat fafa:banana:

j0nijay
May 18th, 2009, 01:02 AM
Hi all. any users ng fox body armor na class A at orig? ano po pinagkaiba ng dalawa maliban sa price? balak ko kase mag negosyo nito e. pero class A lang. pinagiisipan ko din kase, ayaw ko sisihin ako ng mga customers ko pag katapos dahil sa quality ng binebenta ko. ehhehe. TIA! :banana:

navigator1
May 18th, 2009, 01:05 AM
mesh jacket na lang benta mo,bihira gumagamit nito pang long ride kadlasan//
kase bibili kalang ng suka kakaabala kung mag armor ka pa, di tulad ng mesh jacket..
strike anywhere:clap:

j0nijay
May 18th, 2009, 01:16 AM
@navigator1

ganun ba? hehehe. e di parehas nalang. feedbacks naman dyan mga users ng Class A at orig ng mga fox body armor at mesh jackets. ehhehe .. TIA!!! :banana:

elmo37
May 18th, 2009, 07:31 PM
got my axo knee/shin and elbow protector sa pier @ 800 petot last sat. 1.2k ang turing nila. yesterday morning papunta ako sa meeting place ng ride namin sa marilaque nung may pedicab na biglang kumaliwa ayun semplang ako.nabinyagan kagad yung protector ko. kung wala, ay tocino tuhod ko.hahah.

http://i185.photobucket.com/albums/x53/elmore37/ybr%20g/IMG_0571_800x600.jpg

http://i185.photobucket.com/albums/x53/elmore37/ybr%20g/IMG_0572_800x600.jpg

elmo37
May 18th, 2009, 07:38 PM
di yata totoo yang price na yan. try nyo pumunta para malaman nyo kung totoo.

Parang sobrang mura naman yata.b

totoong presyo yung mga post ni TS. mga made in china kasi. pinatungan lang ng branded name. tulad nung nabili kong AXO knee protector may nakalagay na yuwei.:D kung mahusay ka tumawad baka mas makukuha mo pa ng mas mababa.:clap:
yung mga nasa quiapo hinahango lang nila sa pier.

pangserbis_lang
May 18th, 2009, 07:48 PM
got my axo knee/shin and elbow protector sa pier @ 800 petot last sat. 1.2k ang turing nila. yesterday morning papunta ako sa meeting place ng ride namin sa marilaque nung may pedicab na biglang kumaliwa ayun semplang ako.nabinyagan kagad yung protector ko. kung wala, ay tocino tuhod ko.hahah.

http://i185.photobucket.com/albums/x53/elmore37/ybr%20g/IMG_0571_800x600.jpg

http://i185.photobucket.com/albums/x53/elmore37/ybr%20g/IMG_0572_800x600.jpg

mukhang solid yung semplang mo sir ah.

elmo37
May 18th, 2009, 07:50 PM
madalas kase kong magka ganyan dahil sa pagtitipid. Pero in the end.. di pala ako nakatipid at nainis pa ko. Dahil feeling ko eh nasayang ang pera ko.

Kaya kung me doubt kayo sa quality eh better get the real thing na lang.

2x kase ko bumili dati ng gloves dyan na price is around 500-600 pero sandali lang eh sira na sya. So I would rather buy a 1,500~2,000 gloves na talagang magandang ang proctection at quality kesa naman sa mura pero low quality talaga.

Di ko sinasabi na wag kayo bumili dyan. Dapat eh maging mausisa lang tayo sa mga bibilin natin at tayo masyado padala ng husto sa sobrang murang price. Honestly, meron naman din talaga ibang items dyan talaga pwede bilin.

yup dapat mausisa ka talaga minsan may mga di pulido ang tahi. marerecommend ko siguro na bilhin dito backride helmet saka elbow and knee protector. riding jacket pagawa na lang kayo kay sir lolong ng rom racing 2k lang.:clap: gloves naman maraming mura dito sa mcp. may nakita rin ako sa may motoworld na pole position gloves, P450 lang.

elmo37
May 18th, 2009, 08:00 PM
mukhang solid yung semplang mo sir ah.

may pasa pa ko sa kanang binti pero di ganun kalala. di ko naman masisi yung pedicab kasi bata yung ngddrive. medyo madulas din kasi yung daan kaya kahit bente lang ang takbo ko sumemplang pa rin. yung motor ko ang masama ang tama. kakabili ko pa lang last dec. gasgas ang gilid ng head lamp, front fender, odometer at side mirror. tumabingi rin yung alignment ng head lamp ko. :{

schizoid
May 18th, 2009, 10:55 PM
bro, sn ba sa quiapo meron ding murang bilihan??? bk mahal lang ng 50 sa quiapo.
Sa Quiapo na me bibili dami kcng **** at holduper sa pier....thnks

stjrvn
May 19th, 2009, 12:39 AM
wow!salamat sa ts,buti nagbigay ka ng info na ganyan about dun sa pier,nagpapabili kase ng gear ang gf ko,para pag roadtrip namin,,

gl3nborj
May 19th, 2009, 09:23 AM
got my axo knee/shin and elbow protector sa pier @ 800 petot last sat. 1.2k ang turing nila. yesterday morning papunta ako sa meeting place ng ride namin sa marilaque nung may pedicab na biglang kumaliwa ayun semplang ako.nabinyagan kagad yung protector ko. kung wala, ay tocino tuhod ko.hahah.

http://i185.photobucket.com/albums/x53/elmore37/ybr%20g/IMG_0571_800x600.jpg


Buti na lang Sir, Imagine kung yung Shin nyo ang nakayod ng ganyan, sigurado labas ang buto nyan. Good thing may pads kayo...

Ikalat natin ito sa mga fellow riders, forumer man o hindi, malaking tulong ito sa kanila, lalo na at may mga pamilyang umaasa sa kanila.

Ride Safe mga Bro....

Wills_McLaren
May 19th, 2009, 09:27 AM
Buti na lang Sir, Imagine kung yung Shin nyo ang nakayod ng ganyan, sigurado labas ang buto nyan. Good thing may pads kayo...

Ikalat natin ito sa mga fellow riders, forumer man o hindi, malaking tulong ito sa kanila, lalo na at may mga pamilyang umaasa sa kanila.

Ride Safe mga Bro....

correct sir. para naman maski short ang budget ay meron pa din protection.

gl3nborj
May 19th, 2009, 11:23 AM
@navigator1

ganun ba? hehehe. e di parehas nalang. feedbacks naman dyan mga users ng Class A at orig ng mga fox body armor at mesh jackets. ehhehe .. TIA!!! :banana:


Isa lang experience ko sa dalawang iyan....



MALIBAG!

gl3nborj
May 19th, 2009, 11:28 AM
di yata totoo yang price na yan. try nyo pumunta para malaman nyo kung totoo.

Parang sobrang mura naman yata.b

Pafs totoo yang pricing nyan, ilan duon sa kabarkada kumuha ng mesh jacket dyan, 3 sila kumuha di na sila tumawad 1,300 isa, pero kung tatawad pa yun kaya ibigay ng mababa.

The original ones P6,000+ ang price ng body armour, kahit yung sa motoworld hindi Original yung nanduon. AFAIKs din..