Custom Search

View Full Version : SBMA implements anti mc mod drive!!!

Pages : [1] 2

2b1ask1
March 3rd, 2009, 01:01 PM
calling on SBMA chairman Salonga! sir what kind of a circus are you running there?

last night monday march 2, nagumpisa nang hindi papasukin ang mga mc's na naka modify (daw) ang original design! sa pahgkakaalam ko suspended po itong order ng LTO na to' pero bakit ganun? meron akong memo na nakuha ko dito sa MCP (thanks MCP) na sinasabing suspended itong order na to from LTO, pero bakit iniimplement nila sa SBMA? hangang saan ba ang autonomy ng sbma? e kung dinedisregard nila ang order ng LTO anung karapatan nila na magkumpiska ng lisensya issued by LTO? last nyt nagtangka ako pumasok from the main gate, ang sabi saakin ng sbma officer e, "sir mag uturn po kayu kasi bawal na po ang mga motor na nakamodified dito." sabi ko bakit naman e suspended yang order na yan?
sumusunud lang daw sya sa utos.. i felt discriminated bilang isang "rider"
kaya pala earlier that day driving a cage e nagkalat ang mga sbma officers na to at pinaghuhuli ang mga nakamotor, wala ako time mag osyoso kaya di ko natanong, nalaman ko nalang nun gabi na may bago pala silang batas..

mga MC rigths advocate jan patulong naman po, anu pong legality ng batas nila na yan? at hangang saan ang autonomy ng SBMA from the Republic of The Philippines?? di ba nila inohonor ang LTO?

baka kasi diumating ang panahon na bawal na completely ang sub400cc's sa SBMA at mag issue sila ng bukod na lisensya at pasaporte..

salamat po.

click_me
March 3rd, 2009, 01:32 PM

Get a copy of the order first... Make sure that order is signed...

Then we will figure out what to do next...

Thank you for sharing this...

lancer2005
March 3rd, 2009, 03:03 PM
ano yung SMBA? sorry sa OT

m7zednalfs
March 3rd, 2009, 03:17 PM
SBMA sir... Subic Bay Metropolitan Authority

madalas din ako diyan dati pero naka cage ako...

yojstamaria
March 3rd, 2009, 03:22 PM
ano yung SMBA? sorry sa OT

San Beer Miguel Association?

Hehehe joke lang Subic Bay Metropolitan Authority po..

Well, at least di nila pinapapasok, pero hindi nila sinisingil ng 2k like sa bulacan.. naknangtipaklong nakapost sa LTO guiguinto yung AO na sinuspend!! Pinapapicturan ko sa kada ko yung Pinost then post ko dito

repsol110
March 3rd, 2009, 04:21 PM
problema nga to, nakapasok naman ako, pero yung ibang rider's nahuli,

supersix
March 3rd, 2009, 06:46 PM
San Beer Miguel Association?

Hehehe joke lang Subic Bay Metropolitan Authority po..

Well, at least di nila pinapapasok, pero hindi nila sinisingil ng 2k like sa bulacan.. naknangtipaklong nakapost sa LTO guiguinto yung AO na sinuspend!! Pinapapicturan ko sa kada ko yung Pinost then post ko dito

heheh nakita mo rin pala yung sa LTO Guiguinto! isang napakalaki karatula at lahat AO about modification nakalathala pati presyo.

ang ginawa ko eh yung copy ng AO na suspended pinabigay ko dun sa lalaking kalbo na nag papaseminar. hindi nya alam mga pinag sasabi nya sa harap ng mga tao na sineseminar nya.

heto pa na kesyo hindi daw sila nag papabayad pag bumagsak sa driving exam pero nandun yung kasama nya nangungulekta ng mga bumayad. :evil: ang galing mo :clap:

2b1ask1
March 4th, 2009, 11:38 AM
Get a copy of the order first... Make sure that order is signed...

Then we will figure out what to do next...

Thank you for sharing this...

thanks sir ill try to get a copy of the order.

psyckrete
March 4th, 2009, 12:40 PM
dami na din kasi nagiging pasaway sa SBMA,,may naabutan ako dun,sa stoplight,,dis oras ng gabe,,parang nagfe-friendly gauge,,dami din na hindi nasunod,,nakalagay na nga sa mga signs na keep right andun pa sa gitna,,at pag sinenyasan mo na tumabe e bigla pang aarangkada,,kaya hindi din naten masisisi ang SBMA officials na bawasan ang pagpasok ng mga motor,,at huli kong balita,,dumadami din daw ang disgrasya dun involving motorcylce,,modified/non-modified :D

and maybe yung mga nakikita niyong nakakapasok na modified is yung may mga stickers ng SBMA,,priority kasi nagbabayad sila at employee :D

repsol110
March 5th, 2009, 04:06 PM
me meeting daw sa march 28 regarding this matter, invited mga rider's, SBMA CONVENTION CENTER ang venue,

fox_epr
March 5th, 2009, 07:27 PM
Marami kasing motorcycle riders ang hindi sumusunod sa traffic rule, specially yung first stop, first to go, at mahilig sumingit sa daan, marami ako nakikitang nag-violate nyan specially yung hindi taga-olongapo or nearby, zambales towns...

psyckrete
March 5th, 2009, 09:15 PM
Marami kasing motorcycle riders ang hindi sumusunod sa traffic rule, specially yung first stop, first to go, at mahilig sumingit sa daan, marami ako nakikitang nag-violate nyan specially yung hindi taga-olongapo or nearby, zambales towns...

yep,,very much true,,add ko lang,,kahit po mga taga-olongapo or nearby cities pasaway din,,lalo na yung pag-overtake sa yellow/orange lane,,at isa pa,,yung pagpila sa pag-exit/entrance gates,,sumisingit lang ng sumisingit,,nakakainis :angry: :pissed:

yung ngayon daw pala is puro warning pa lang,,heard it from my uncle,,kaya wala pang tiketan na nagaganap :D

no offense,,but go ako jan,,sana ipagpatuloy yan ng SBMA :D :clap:

L3viticus
March 5th, 2009, 09:31 PM

no offense din but NASISIRAAN KA NA BA?!? kung ang rason ninyong dalawa ay dahil sa mga pasaway na riders then HULIIN DAPAT NG MGA AWTORIDAD ang mga gumagawa ng mali. kung panay singit ng singit pala ang mainit sa mata ninyo then dun sila magconcentrate.

wag ninyong irason ang modifications para mabawasan ang mga pasaway sa daan. bulok na logic ang ginagawa ninyo

repsol110
March 6th, 2009, 06:44 AM

plus 1000 ako dito sir, hulihin na lang yung mga pasaway, hindi naman kasi tama yung basta na lang hindi papapasukin yung motor kasi modified daw,;)

anomie
March 6th, 2009, 08:35 AM
sabagay sabi nga nila haluan mo ng isang bulok na kamatis ang isang basket na puno ng matitinong kamatis eh magmumukhang bulok na lahat..

Pero mga sir diba ang sabi naman is ANTI MODS sila bat po nasama sa topic yung pagiging barumbado ng mga motorista dun? eh di sana gawin na lang nila is lagyan nila ng speed limit or uhmm for sure naman dami na nila pera para lagyan ng cctv camera bawat sulok ng sbma and tiketan nalang nila yung mga pasaway di ba?? pero clearly stated na ANTI MODS sila kaya kung maari po wag tayo O.T. Salamat po.. yun lang..

hmm subukan ko kayang maglagay ng square na gulong sa motor ko then idaan ko dun? :banana: sigurado di sila makakahabol! :O

2b1ask1
March 6th, 2009, 01:18 PM
no offense din but NASISIRAAN KA NA BA?!? kung ang rason ninyong dalawa ay dahil sa mga pasaway na riders then HULIIN DAPAT NG MGA AWTORIDAD ang mga gumagawa ng mali. kung panay singit ng singit pala ang mainit sa mata ninyo then dun sila magconcentrate.

wag ninyong irason ang modifications para mabawasan ang mga pasaway sa daan. bulok na logic ang ginagawa ninyo

korek ka jan bro! yun pasaway ang hulihin at walang koneksyon ang mc mods sa pagiging pasaway ng rider. e yun first to stop first to go na yan e violated din yan minsan ng mga naka cage e kung ganun din lang basehan wala nalang sasakyan sa sbma! kaya nga pakiramdam ko diskriminasyon ito e, totoo po ba yun meeting regarding this topic?

Hercules
March 6th, 2009, 03:58 PM
Wow, ngayon ko lang nabasa ang thread na ito.

I will be in Subic next week from Monday to Thursday. And will bring my bike. Let's see what happens. Got a project in HTPM inside Subic Techno. Will be lodging at Arlene inn near Sam's Pizza.

Hope to meet some MCP members there too. :wave:

click_me
March 6th, 2009, 04:32 PM
Wow, ngayon ko lang nabasa ang thread na ito.

I will be in Subic next week from Monday to Thursday. And will bring my bike. Let's see what happens. Got a project in HTPM inside Subic Techno. Will be lodging at Arlene inn near Sam's Pizza.

Hope to meet some MCP members there too. :wave:

I think it depends on the bike you use Herc... Underbones ang nasisita ata dito...

I don't think your bikes will have any problem getting in...

Col.TED
March 6th, 2009, 04:35 PM
Marami kasing motorcycle riders ang hindi sumusunod sa traffic rule, specially yung first stop, first to go, at mahilig sumingit sa daan, marami ako nakikitang nag-violate nyan specially yung hindi taga-olongapo or nearby, zambales towns...i beg to disagree but your point is entirely different with the message of this thread...pls stay on topic & don't mislead the thread....:o

repsol110
March 6th, 2009, 05:38 PM
korek ka jan bro! yun pasaway ang hulihin at walang koneksyon ang mc mods sa pagiging pasaway ng rider. e yun first to stop first to go na yan e violated din yan minsan ng mga naka cage e kung ganun din lang basehan wala nalang sasakyan sa sbma! kaya nga pakiramdam ko diskriminasyon ito e, totoo po ba yun meeting regarding this topic?

totoo po yung meeting, me mga nagreklamo na rin kasi,:)

psyckrete
March 6th, 2009, 05:49 PM
heard a rumor,,

dami daw nagrereklamo na hotels and restaurants sa SBMA,,about open/loud pipes,,malamang nabubulabog sa ingay yung mga customers nila :D

hindi naman daw sinisita yung mga naka-HID,,wide tires,,naka-mags at may sound system sa bike,,mostly daw na sinisita is yung mga naka-open/loud pipe,,hindi red yung tail lights at yung mga naka-half-face helmets,,yan yung mga nasisinita na sinabe saken kaya sinabe kong go ako sa gusto nila i-implement :D

repsol110
March 6th, 2009, 05:54 PM

hindi naman ganun karami ang motor na dumadaan sa lugar ng hotels and restaurant sir, discrimination lang talaga, eh bkit yung mga kotse na nakasetup ang sounds system marami din dito hindi naman narereklamo,

fox_epr
March 6th, 2009, 07:54 PM
Sorry po kung OT ako, naputol kasi ang post ko eh. What I mean is since may mga motorcycle riders na pasaway, kaya lalo tayong napapag-initan, yung sa pagbabawal sa loud pipes eh tingin ko, naging rason nalang nila para sitahin tayong mga MC riders. Tulad ko i've been constantly being flagged-down for inspection... hay...

L3viticus
March 6th, 2009, 09:15 PM
heard a rumor,,

dami daw nagrereklamo na hotels and restaurants sa SBMA,,about open/loud pipes,,malamang nabubulabog sa ingay yung mga customers nila :D

hindi naman daw sinisita yung mga naka-HID,,wide tires,,naka-mags at may sound system sa bike,,mostly daw na sinisita is yung mga naka-open/loud pipe,,hindi red yung tail lights at yung mga naka-half-face helmets,,yan yung mga nasisinita na sinabe saken kaya sinabe kong go ako sa gusto nila i-implement :D

I read a thread here once with the same complaint of loud noises. the outcome? riders were discouraged to go to that area any more and so the tourism dropped. the shop owners had struggled to attract the tourists (riders) back as they realized they were their main customers.

2b1ask1
March 9th, 2009, 09:22 AM
buti naman sir may meeting abt the issue. hindi ako makakuha ng copy ng order na ito, kasi ang nagagwa ku lang at the moment e magtanung sa mga officers na nakakalat, wala kasi ako time na pumunta sa head office nila (malapit sa area ng 88mart tam po ba?) at di ko din sigurado kung ieentertain nila ng request ko,

back to my questions, implemented nanaman ba ang AO nationwide? bakit tila ata gumawa ng sariling AO ang SBMA, di ba sila saklaw ng DOTC/LTO? hangang doon ba ang autonomy ng SBMA na pede silang gumawa ng batas nila?

regarding namn dun sa mga hotels, wala naman siguro issue dun sa ingay,most of the hotels pa nga nakatabi pa sila sa PIER 1 na di hamak na mas maingay sa pipe ko pag gabi.

wala man lang nga silang consultation sa mga motorista dito e, ang dami workers na nakamotor sa sbma kasi mas convinient ito kesa mag commute,

may nakita nga pala ako sa tapat ng RITZ spa nun march 2 mga 11am, na pizza delivery mc rider na pinara din, mukhang sinita dahil sa mod na ginawa ng kumpanya nila sa motor, siguro ang sinisita e yung box sa likod ng motor na lalagyan ng pizza.. di ko sure tinuturo kasi e, naglalro lang imagination ko kung talagang di na maiiwasan itong bats na ito e talaga palang napakaraming paraan na iexploit tayung mga motorista, para sakin bilang motorista para tayong pinatawan ng MARTIAL LAW.

asphalt618
March 9th, 2009, 11:43 AM
no offense din but NASISIRAAN KA NA BA?!? kung ang rason ninyong dalawa ay dahil sa mga pasaway na riders then HULIIN DAPAT NG MGA AWTORIDAD ang mga gumagawa ng mali. kung panay singit ng singit pala ang mainit sa mata ninyo then dun sila magconcentrate.

wag ninyong irason ang modifications para mabawasan ang mga pasaway sa daan. bulok na logic ang ginagawa ninyo

+1000 din ako dito hindi dapat i generalise na poket nka modify eh pasaway

Hercules
March 13th, 2009, 03:05 PM
Just came from Subic earlier this week. Sayang i wasn't able to meet any MCP memeber there.

And they are having a 2nd Public Hearing on the proposed Motorcycle Safety Standard scheduled on March 28, 2009, 9am at the Subic Bay Exhibition and Convention center. Efficiency St., Subic Bay Freeport Zone.

Please read the fliers attached.....

http://i94.photobucket.com/albums/l111/Hercules55/Subichearing.jpg

http://i94.photobucket.com/albums/l111/Hercules55/Subichearing.jpg

L3viticus
March 13th, 2009, 03:11 PM
nagtataka lang ako

ang sbma ba ay autonomous region? what is the purpose of this hearing? and most of all, how are they going to inform the whole of luzon about their proposed anti-mod rule?

kasi parang mali eh.. if ako na taga pangasinan magmomotor papuntang subic tapos hindi ko alam yan (since hindi naman ako makakasali sa hearing na yan), how will I know what is allowed and what is not allowed?

Hercules
March 13th, 2009, 03:27 PM
Just came from Subic earlier this week. Sayang i wasn't able to meet any MCP memeber there.

And they are having a 2nd Public Hearing on the proposed Motorcycle Safety Standard scheduled on March 28, 2009, 9am at the Subic Bay Exhibition and Convention center. Efficiency St., Subic Bay Freeport Zone.

Subic has their own traffic regulation. For example the intersection "STOP" sign wherein the 1st one in is the 1st one out.

No one has opposed that since it was implimented during the days of the US service men till it was turned over to the Philiipines.

L3viticus
March 13th, 2009, 03:39 PM
Subic has their own traffic regulation. For example the intersection "STOP" sign wherein the 1st one in is the 1st one out.

No one has opposed that since it was implimented during the days of the US service men till it was turned over to the Philiipines.

Hmm.. added info since I don't know yang 1st one in and 1st one out.

gawin ko na lang example sa baguio. there are areas in baguio na bawal ang motor. now, ikaw na taga subic pupunta ka ng baguio now knowing that these areas. ano gagawin mo/sasabihin kapag tiniketan ka since hindi mo nga alam?

2b1ask1
March 16th, 2009, 09:54 AM
medyo mahirap nga yan sitwasyon na yan sir.. yun naman sa 1st one in 1st one out sa pagkakaalam ku naman po ay standard traffic rule naman ito talaga, lalo na sa mga intersections na sira ang traffic lights, madami lang talagang pasaway kaya di sinusunod.. back to topic, sayang at hindi ako nakadalo sa meeting, inaabot nila yun fliers na yun sa bawat motorista na pumapasok sa SBFZ last week ata for one full day kung di aku nagkakamali, at nakalagay na 2nd public hearing na nila, i wondered kung kelan yun first kasi lagi naman ako dumadan dun ni hindi ku nalaman na nag hearing na pala.

repsol110
March 16th, 2009, 05:49 PM

sa march 28 9am me hearing ulit, sa convention center ng sbma, attend ka sir, kita tyo dun,

repsol110
March 18th, 2009, 12:21 PM
sa march 28 9am me hearing ulit, sa convention center ng sbma, kung malapit lang sana dito si sir click_me mas ok,:)

anomie
March 18th, 2009, 12:34 PM
goodluck na lang sa mga aatend sana maging fruitful result ng meeting na yan lalo na para sa ating mga riders

ivanreaper24
March 18th, 2009, 12:34 PM
punta ako sa 28 para malaman ko talaga kung papano yan...

nakausap ko yung pulis sbma dito na malapit samin.. ang sabi kasi ay maraming nagrereklamo na hotel at resturants dahil sa mga maiingay na pipe or yung mga naka open pipe.. tapos meron pang mga naggguage sa daan... talagang purely sa disiplina lang yung panghuhuli nila... kaya naman kasama yung sa mods like pipe ay dahil nga sa karamihan daw ay nagbobomba pa sa mga maraming tao at walang pakundangan sa pagbirit ng motor... pati sa harap daw ng simbahan ay nagsisibirit...

meron ding mga motorista na nagrereklamo sa mga di pagsunod sa batas trapiko sa llob ng base or SBMA...

so yung panghuhuli daw talaga nila is SA PIPE LANG AT WALA ng iba.... MAUSOK, at nakaopen na pipe na makakabulahaw sa mga tao at establishments...

ivanreaper24
March 18th, 2009, 12:39 PM
Hmm.. added info since I don't know yang 1st one in and 1st one out.

gawin ko na lang example sa baguio. there are areas in baguio na bawal ang motor. now, ikaw na taga subic pupunta ka ng baguio now knowing that these areas. ano gagawin mo/sasabihin kapag tiniketan ka since hindi mo nga alam?

ignorance to the law excuses no one... yan yung sasabihin nila sayo...
(tama ba ako? pakicorrect nalang po)

anomie
March 18th, 2009, 12:45 PM
ignorance to the law excuses no one... yan yung sasabihin nila sayo...
(tama ba ako? pakicorrect nalang po)

hirap naman ng buhay nating mga riders.. dapat pala before tayo pumunta sa isang lugar for a ride eh kailangan na memorized natin mga batas na implemented sa lugar na yun.. saka dapat lagi updated.. ..sa bahay na lang ako.. ikot ikot na lang sa bakuran namin :banana:

ivanreaper24
March 18th, 2009, 12:49 PM
ganun talaga sir... ang sasabihin lang nila ay pumasok kayo samin, tumupad kayo sa batas namin... kung hindi nyo alam problema nyo na yun...hehehe... kya nga do some research muna bago pumunta sa insang lugar...hehehehehe...

CHICHARON
March 18th, 2009, 12:52 PM
yep,,very much true,,add ko lang,,kahit po mga taga-olongapo or nearby cities pasaway din,,lalo na yung pag-overtake sa yellow/orange lane,,at isa pa,,yung pagpila sa pag-exit/entrance gates,,sumisingit lang ng sumisingit,,nakakainis :angry: :pissed:

yung ngayon daw pala is puro warning pa lang,,heard it from my uncle,,kaya wala pang tiketan na nagaganap :D

no offense,,but go ako jan,,sana ipagpatuloy yan ng SBMA :D :clap:

d ata singit singit ang pinag uusapan kung di mod..heheheheheh! .....

anomie
March 18th, 2009, 12:53 PM
ganun talaga sir... ang sasabihin lang nila ay pumasok kayo samin, tumupad kayo sa batas namin... kung hindi nyo alam problema nyo na yun...hehehe... kya nga do some research muna bago pumunta sa insang lugar...hehehehehe...

kya nga eh.. kainis.. benta ko na lang motor ko tapos buy na lang ako ng bisekleta.. para mas maganda mag ikot ikot sa bakuran namin..:banana:

oops sorry o.t. na ako hehe..

sayang.. We were planning pa naman for a ride papunta subic this summer.. so i guess di na matutuloy yun.. ikot ikot na lang ulit ako sa bakuran namin, sama ko mga kasama ko sanang mag ra-ride.. :banana: :banana: :banana: :banana:

ivanreaper24
March 18th, 2009, 01:03 PM

sir sa likod namin maluwag yung bakuran... hehehe... gusto nyo dito nalang.. tapos sa kabilang bakod pede kayo mag guage... 50 meters relay drag...ehehhe

para di OT...

kahit naka pipe kayo pede sa SBMA basta may silencer...

anomie
March 18th, 2009, 01:08 PM
sir sa likod namin maluwag yung bakuran... hehehe... gusto nyo dito nalang.. tapos sa kabilang bakod pede kayo mag guage... 50 meters relay drag...ehehhe

para di OT...

kahit naka pipe kayo pede sa SBMA basta may silencer...

slow drag ba? hehe.. san nakakabili ng silencer? wala ako makita sa mga mc shops eh.. yun na lang ultimate solution natin kung gusto natin pumunta sbma (sa mga naka LOUD/OPEN PIPES)..

for now ikot ikot muna ako ulit sa bakuran namin habang wala pa silencer.. :O

Kingpin
March 18th, 2009, 02:06 PM
ang mga pasaway dami talaga dahilan.mag- aral mag -ral at alamin ang batas at karapatan para di ma agrabyado.

kung may reklamo gumawa ng aksyon at hwag daanin sa dada

SBMA sucks bigtime!!!!!!

CHICHARON
March 18th, 2009, 03:21 PM
nagtataka lang ako

ang sbma ba ay autonomous region? what is the purpose of this hearing? and most of all, how are they going to inform the whole of luzon about their proposed anti-mod rule?

kasi parang mali eh.. if ako na taga pangasinan magmomotor papuntang subic tapos hindi ko alam yan (since hindi naman ako makakasali sa hearing na yan), how will I know what is allowed and what is not allowed?

may sariling state ba ang subic..hehehehe! joke....

ok yung rules nila .about trafic.pero mod.ang pinag uusapan .papano kung cage mo na ka blacktp na 4age na full race.pwede ba sa subic yon..db db daming na ka mod na cage dyan.

sirotef
March 18th, 2009, 03:26 PM
sa mga pupunta sa march 28..

paano tayo makakarating ng convention center kung bawal pumasok ang modified bikes..

digger921
March 18th, 2009, 03:31 PM
kagabi dumaan kami sa subic, galing kami sa morong bataan, naka loud pipe ako, pati yung kasama ko ... di naman kami sinita ng mga guwardiya ... kasi lahat ng traffic signs sa loob ng subic sinunod namin, speed limits, full stop signs, traffic lights, at naging magalang sa mga guwardiya ...

repsol110
March 18th, 2009, 04:34 PM

tinigil muna panghuhuli sir, tatapusin muna yung public hearing, dun na malalaman kung ano na magiging ruling nila sa modification na yan,

sirotef
March 18th, 2009, 10:52 PM
tinigil muna panghuhuli sir, tatapusin muna yung public hearing, dun na malalaman kung ano na magiging ruling nila sa modification na yan,

marami kayo pupunta bro, may kasama ka grupo?

repsol110
March 19th, 2009, 07:17 AM
marami kayo pupunta bro, may kasama ka grupo?

pupunta kmi dun sir,:)

fox_epr
March 19th, 2009, 09:47 PM
Nanghuhuli pa din sila, lastnight lang, may isang naka-big bike sa may tapat ng petron at star-bucks, sobra talaga sa lakas yung kanyang pipe, binomba pa nya ito at parang nananadya or nagpapasikat, di nya alam may sbma police pala malapit sa kanya, kaya ayun huli...