Custom Search

View Full Version : Sa Checkpoint nagpapa kapkap ka ba?


darkside_1975
February 5th, 2009, 11:49 AM
sa mga checkpoints ang mga pulis mas magagalang pa minsan kesa sa mga ibang rider aux na tumutulong sa mga pulis pinapara ako tapos kinapkapan ako ng mokong sinabihan ko sya na bawal ginagawa nya tapos nung nagtanong sya sa pulis bawal nga daw dapat i check lang ang or at cr ng motor and plate number pahiya sya deadma lang pansinin nyo yung mga auxillary na rider walang mga helmet hayyy buhay ang langaw nga naman pag nakatungtong sa kalabaw mas mataas pa kesa sa kalabaw

reagan17
February 5th, 2009, 12:15 PM
d pa ko nakaka encounter sir na makapkapan ako,pero kung sakali na dumting yung time na yun d ako papayag mahirap na sarap kaya sa laya,ako mismo maglalabas ng bulsa ko at mabubukas ng jacket ko malay ko ba kung bading yun kakapkap sa akin at gusto lang manantsing hehehe:O

Mainframe
February 5th, 2009, 12:25 PM
Checkpoint must be made only by members of the unit designated to man the same. It should be done in a manner which will impose minimum of inconvenience upon the person or persons so searched, to the end that civil, political and human rights of the person/s are not violated.

As a rule, a valid search must be authorized by a search warrant duly issued by an appropriate authority. However, a warrantless search can be made in the following cases:

(a) moving vehicles and the seizure of evidence in plain view;

(b) as long as the vehicle is neither searched nor its occupant/s subjected to a body search, and the inspection of the vehicle is merely limited to a visual search;

(c) when the occupant(s) of the vehicle appear to be nervous or suspicious or exhibit unnatural reaction;

(d) if the officer conducting the search has reasonable or probable cause to believe that either the occupant(s) is a law offender or that the instrumentality or evidence pertaining to the commission of a crime can be found in the vehicle to be searched; and

(e) on the basis of prior confidential information which are reasonably corroborated by other attendant matters.:drunk-chug:

darkside_1975
February 7th, 2009, 08:36 AM
d pa ko nakaka encounter sir na makapkapan ako,pero kung sakali na dumting yung time na yun d ako papayag mahirap na sarap kaya sa laya,ako mismo maglalabas ng bulsa ko at mabubukas ng jacket ko malay ko ba kung bading yun kakapkap sa akin at gusto lang manantsing hehehe:O


oo nga ano one way yun para maka tsansing tumulong mag man ng checkpoint ahahayyyyyyy

JunYCZ
February 7th, 2009, 08:42 AM
depende sa sitwastion, mostly check lang nila ang or at cr mo,.... at safety gears:)

ratnikov
February 7th, 2009, 08:45 AM
hindi at wag...dahil bka mamya may ilagay sau at sabihin "huli ka" alam mo naman ang buhay ngyon. play safe lng....

genezide13
February 7th, 2009, 02:51 PM
hindi ako nag papa kapkap baka kasi taniman nila ako.. kung gusto nilang makita mga bulsa ko ako mismo ang naglalabas..


























tsaka may kiliti kasi ako.. ahehehehehehe...

d'virus
February 12th, 2009, 02:02 PM
di ba bawal yung kinakapkapan nila ang mga motorista sa checkpoint???
they even have to ask your permission to open ang ubox/boot ng sasakyan...


orrect me if i'm wrong....

Mio_Macho
February 12th, 2009, 02:45 PM
Pursuant to the "Plainview Doctrine", walang kapkapan and even yung ubox natin di pwede nila buksan....if ever tayo magbubukas and tayo din ang magbubuklat ng mga gamit. That's our existing jurisprudence, however, much to my regret di alam ng mga iilang police officers natin that's why most of the time naviviolate nila ang mga rights natin.

Gary_Samson
February 12th, 2009, 04:08 PM
no way...:evil:

Darth Maul
February 12th, 2009, 04:31 PM
di ba bawal yung kinakapkapan nila ang mga motorista sa checkpoint???
they even have to ask your permission to open ang ubox/boot ng sasakyan...


correct me if i'm wrong....

________

oo nga, not unless martial law...

Bamba
February 12th, 2009, 05:02 PM
bawal yun....

hingi sila ng permiso sa motorist pero pag nag insist di pwede..

even na buksan ang u box bawal din... private property na kasi yun...

unless me red alert or search warrant.. or naka alarma ang mc na gamit mo...

IMHO

q_ilabo_t
February 12th, 2009, 05:17 PM
Had the same experience pero medyo mas bastos ung aux na na encounter ko last tuesday heres the scenario: sinundo ko muna misis ko at anak ko sa bahay ng tita ni misis less than 1km away sa bahay namin on the way home nakita ko na may mga aux at pulis na nakatambay bumusina ako para malaman ko kung kailangan ko tumabi suminyas lang sila so pinalagpas nila ako ...biglang sabi ni misis na kumaliwa daw ako at ayaw nya yung daan dun sa kabilang street na accidentally may checkpoint uli(yup dalawa yung checkpoint dalawang corner lang pagitan..so kumaliwa ako aba ang mga aux nagtakbuhan hinarang ako sa kabilang daan at wag kayo HINAWAKAN YUNG BRASO ko habang nasa motor ako angkas ang misis ko na buntis at anak ko buti di ako tumumba...arrogante agad ang dating sakin ng humawak sa braso ko
VOLUNTEER YABANG: bakit ka biglang lumiko nung nakita mong may checkpoint!!!
AKO: e panget daan dun e taga dito din ako boss di ba panget daan dun?? ayaw kodaan misis kong buntis dun..
VOLUNTEER YABANG:HINDI PATINGIN LISENSYA AT PAPEL MO..
AKO: Bakit e kanina bumubusina ako di nyo ko pinara tapos ngayon bigla kang manghaharang taga dito din ako boss
VOLUNTEER YABANG: AMINA LISENSYA AT PAPEL
AKO: sige papakita ko dun tayo sa liwanag
VOLUNTEER YABANG: Pasensya na boss SOP lang yung anak nyo inaangkas nyo delikado yan (IN SARCASTIC WAY)
sabi ni VOLUNTEER1 at VOLUNTEER2 kay volunteer yabang: tol taga dito nga hayaan mo na .. sabay sinyas sakin nung dalawa na ok na.

pagbaba ko kay misis at sa bata bumalik ako dun para explain ko sana sa mga volunteer na nakaka offend ung approach nila sakin na kailangan pa nila hawakan yung braso ko while on board... hindi naman ibigsabihin na volunteer sila e pulis na sila... at kung pulis nga sila hindi sila mas mataas sa civilian... at sa tala ng buhay ko wala pa ako na encounter na pulis na ganun ka arogante kahit may kasalanan ako o wala o kahit nangongotong lang magalang parin lahat ng naencounter ko na totoong pulis.

AKO: boss inform ko lang po kayo nakakaoffend ung approach nyo sakin kanina
VOLUNTEER YABANG: E ANONG PROBLEMA MO GUSTO MO TULUYAN KITA PASALAMAT KA NGA DI KITA TINULUYAN E!!
AKO: boss ano po ba last name nyo
VOLUNTEER YABANG: E BAT MO TINATANONG PANGALAN KO ANG YABANG MO HA (Sabay hawak sa motor ko) AMINA NA NGA TUTULUYAN NA KITA AMINA LISENSYA MO
AKO: Bakit boss may karapatan naman ako malaman pangalan nyo regarding sa operation nyo na to
VOLUNTEER YABANG:BUMABA KA AMINA LISENSYA MO(habang nakahawak sa motor ko at inaawat ng dalawa nya na kasamang volunteer at sumisinyas na hayaan ko na at umalis na lang ako)
AKO: di na boss ang yabang nyo kausap (at sabay piglas sa pagkakahawak nya ng motor ko at alis)

oo mali ako angkas ko anak at asawa ko at ako lang may helmet kasi galing me work pero kahit na mali pa rin ako so pwede na nila ako itrato as criminal considering na di naman talaga sila pulis??? oo volunteer sila i appreciate na kawang gawa lang at wala silang sahod pero lets not be hypocrites alam naman natin na ID at kapit ang habol ng mga volunteers para iwas huli sila ....wala bang briefing ang mga volunteer kung ano ang pwede at di nila pwedeng gawin????!!!!!! haaayyyyyyy .......................

Bochekokik
February 14th, 2009, 08:55 AM
oo volunteer sila i appreciate na kawang gawa lang at wala silang sahod pero lets not be hypocrites alam naman natin na ID at kapit ang habol ng mga volunteers para iwas huli sila ....wala bang briefing ang mga volunteer kung ano ang pwede at di nila pwedeng gawin????!!!!!! haaayyyyyyy .......................

Hayaan mo na bro, ang langaw na nakapatong sa kalabaw, kala eh kalabaw na rin siya. Next time kausapin mo ang mismong pulis na nakadestino. Utak lugaw ang bugok na yun at anlakas ng amats na manindak. Makakatagpo rin ng katapat yan.

Para hindi O.T. hindi ka dapat hawakan o kapkapan, not unless pumayag ka na magpapakapkap. Kung duda sila, ako ang maglalabas ng laman ng bulsa ko at hindi sila.

tellybuhay
February 17th, 2009, 06:05 PM
depende kung pogi

5justin
February 17th, 2009, 09:55 PM
So di pla pwede mgpakapkap... Pwede kasi iframeup ka ng mga mokong nyan eh...

LexDMan
February 17th, 2009, 10:09 PM
oo mali ako angkas ko anak at asawa ko at ako lang may helmet kasi galing me work pero kahit na mali pa rin ako so pwede na nila ako itrato as criminal considering na di naman talaga sila pulis??? ..........

kung wala ka sanang mali pwede mo sila i report sa pulis mismo or even sa barangay. at unless na deputized sila ng LTO e hindi sila pwede manguha ng lisensya.

back to topic: hinding hindi. lahit sino pa sya.

Kaizen
February 17th, 2009, 10:14 PM
depende kung pogi

hehehe. ayus!