Custom Search

View Full Version : comprehensive insurance.. ano covered nito and ano habol mo?

Pages : [1] 2

gdevellion
January 4th, 2009, 09:33 PM
mga guys, anu ba ang comprehensive insurance sa motor? pa explain na lang ng mabuti para sa mga newbie sa motor, tulad ko...hehe TIA :s

midas.soul
January 4th, 2009, 09:37 PM
Lahat ng damages sa motor mo, pati kung ninakaw ito. Babalik ito lahat sayo. Sa pagkaka alam ko pati ikaw at yung back ride mo meron din insurance.

dankurtbs
January 4th, 2009, 09:58 PM
Depende sa policy........ kung ano ang coverage ng insurance mo.

M@RVIN
January 5th, 2009, 10:17 AM
mga guys, anu ba ang comprehensive insurance sa motor? pa explain na lang ng mabuti para sa mga newbie sa motor, tulad ko...hehe TIA :s

The Importance of Being Insured.

Having the right amount of insurance for your car, motorcycle, home, and travel can help you pay for expenses from accidents, theft, and damage. Without insurance, you may not be able to pay for a new car or make the necessary repairs.

Insurance covers many types of damage from scratches in the paint to more extensive damage if you have been in an accident. Before you drive your car or other vehicle, make sure you have enough insurance to cover these sudden expenses.

Motorcycle insurance is also available if you are planning on buying a bike or your already own one. This type of insurance will also cover damage to the bike and help pay for a new one if you are involved in an accident. This type of insurance will also cover repair costs to other vehicles involved if you are the one responsible for the accident. Without insurance, you could owe thousands of pesos and will have to pay out of pocket.

If you own a home, you might also want to purchase home insurance as well. This type of insurance will help pay for damage to the home and help protect inside the home as well. Having the right amount of insurance is necessary so to help protect you from unwanted expenses.

enes
January 5th, 2009, 10:22 AM
eh yung TPL? anu naman yung covered or maitutulong neto?

jeffss
January 5th, 2009, 10:25 AM
Magkano po kaya ang motorcycle insurance na covered yung theft? Comprehensive po ba tawag dun?

jon _beza
January 5th, 2009, 11:00 AM
Mio Soul naka-insured 90% sa theft ng MC ang babayaran, damage kung na aksidente yun motor and yun rider kasama then pati yun mababanga mo...

mauitaylor
January 5th, 2009, 11:00 AM
in my own understanding and experience paki correct pag mali..

TPL or third party liability, pag may nasama sa aksidente mo ibang tao at liable ka, pag may TPL ito ang sasagot sa kanila...

depende sa terms, policies etc ng insurance company kung covered ang theft, total wreck, repairs etc but pag comprehensive usually covered ito lahat...

hope this helps

jon _beza
January 5th, 2009, 11:03 AM
eh yung TPL? anu naman yung covered or maitutulong neto?

TPL - as far as i know is yun mababanga mo ang babayaran ng insurance company up to 50,000.00 lang yata...

Paki-correct na lang po kung mali:)

enes
January 5th, 2009, 11:09 AM
so ibig sabihin, kung naaksidente ka lang on your own, di mo magagamit yung TPL? eh pano kung tao yung nabangga mo? sakop pa ba ng TPL yung mga gastusin nung nabangga? pasensya na po, noob eh...:o:D

jon _beza
January 5th, 2009, 11:13 AM
so ibig sabihin, kung naaksidente ka lang on your own, di mo magagamit yung TPL? eh pano kung tao yung nabangga mo? sakop pa ba ng TPL yung mga gastusin nung nabangga? pasensya na po, noob eh...:o:D

Yes Sir enes, yun mababangan tao, cage, MC etc. lang ang babayaran ng insurance company ng TPL mo...

enes
January 5th, 2009, 11:27 AM
Yes Sir enes, yun mababangan tao, cage, MC etc. lang ang babayaran ng insurance company ng TPL mo...

ah ganun po ba sir...:D hanggang 50k kaya nilang bayaran? eh pano kung may hanapbuhay yung taong nabangga, at di makapagtrabaho dahil sa aksidente ? anu po magagawa ng tpl dun?

maraming salamat papi...:s

jon _beza
January 5th, 2009, 11:45 AM
ah ganun po ba sir...:D hanggang 50k kaya nilang bayaran? eh pano kung may hanapbuhay yung taong nabangga, at di makapagtrabaho dahil sa aksidente ? anu po magagawa ng tpl dun?

maraming salamat papi...:s

hangan dun lang po ang TPL, ang pagkakaalam ko lang po sir...

kung malala yun banga mo sa kanya eh! habang buhay mo kargo yun nabanga mo...

tulad po ng opismate ko nakabanga yun tricycle nla ng bata, putok yun ulo, kargo niya hangan sa gumaling...

enes
January 5th, 2009, 11:52 AM
hangan dun lang po ang TPL, ang pagkakaalam ko lang po sir...

kung malala yun banga mo sa kanya eh! habang buhay mo kargo yun nabanga mo...

tulad po ng opismate ko nakabanga yun tricycle nla ng bata, putok yun ulo, kargo niya hangan sa gumaling...

oki..:s madami kasi akong narinig o nabasa na wala naman daw silbi yung tpl...anyway, marami pong salamat sa impormasyon sir...:clap:

jrtreze
January 5th, 2009, 04:43 PM
Mio Soul naka-insured 90% sa theft ng MC ang babayaran, damage kung na aksidente yun motor and yun rider kasama then pati yun mababanga mo...

magkano po fafi?:?

tazio
January 24th, 2009, 09:58 PM
Bro.

Your insurance policy covers the following;

CTPL - Compulsory Third Party Liability Cover. This is a requirement under the law and renewable during expiry/renewal of your registration with LTO.

This will cover bodily injury to third party only. Ibig sabihin kung may nabangga kang tao this will pay for the actual medical expenses.

Own Damage / theft. This covers your bike against loss or damage as a result of an insured peril i.e., fire, self-ignition, collission, strikes riots civil commotion, acts of God (if stipulated) to the extent of the actual cost of the bike at the time of the accident.

Excess Third Party Bodily Injury Cover. This is the same with the CTPL but comes in only once the CTPL cover is exhausted.

Third Party Property Cover. This will take care of damages to third party property i.e., cars, motorbikes, etc., damaged as a result of collision between your bike and another party due to your negligence.

If you have your insurance policy with you i can help you out interpret it - free of charge.

more power!

mga guys, anu ba ang comprehensive insurance sa motor? pa explain na lang ng mabuti para sa mga newbie sa motor, tulad ko...hehe TIA :s

HariHayabusa
January 24th, 2009, 11:47 PM
Question lang mga sir magkanu kaya ung ganitong insurance and by monthly or yearly ba ang pagbabayad dito? Please enlighten a newbie like me thanks!

aloy_g
January 25th, 2009, 03:36 AM
oki..:s madami kasi akong narinig o nabasa na wala naman daw silbi yung tpl...anyway, marami pong salamat sa impormasyon sir...:clap:
may silbi yung CTPL sir, basta sa reputable insurance company ka nagpainsure. ang coverage ng ctpl hanggang 100k, pero di mo siguradong makukuha yung buong 100, depende pa yun sa actual na gastos ng taong nabangga mo, tsaka yung tinatawag nilang "schedule of indemnities" kung saan nakalagay kung magkano ang coverage sa bawat medical expense ng nabangga mo.

di covered ng CTPL ang damage sa sasakyan ng nabangga mo.

aloy_g
January 25th, 2009, 03:38 AM
ah ganun po ba sir...:D hanggang 50k kaya nilang bayaran? eh pano kung may hanapbuhay yung taong nabangga, at di makapagtrabaho dahil sa aksidente ? anu po magagawa ng tpl dun?

maraming salamat papi...:s
ang tawag dun sa tanong mo ay "consequential loss" o yung loss dun sa nabangga mo dahil sa di nya magawa yung mga pang araw araw nyang hanapbuhay. hindi covered un ng ctpl, pero kung naka compre ka na may excess third party liability-bodily injury, covered yun hanggang dun sa limit na specified sa policy mo.

drumz
January 25th, 2009, 01:43 PM
question sir totoo ba na pag brand new ang MC automatic ang first year nito ay comprehensive? o pwede ding ctpl? kasi di ba yung dealer ang magpaparegister nun? kasi sa yamaha daw ganun e thanks

aloy_g
January 25th, 2009, 09:23 PM
question sir totoo ba na pag brand new ang MC automatic ang first year nito ay comprehensive? o pwede ding ctpl? kasi di ba yung dealer ang magpaparegister nun? kasi sa yamaha daw ganun e thanks
ask mo nalang sa pinagbilhan mo, baka promo nila yun. basta nirehistro, required na may ctpl yan.

tazio
January 26th, 2009, 08:42 AM
Bro.

Usually if its brand new, part of the package by dealers is free registration of the unit therefore that would include the CTPL or TPL.

If you bought it in cash the Compre portion becomes optional whilst if its under financing they would require for a Compre insurance to cover both of you particularly in the event of theft of the unit.

cheers:)

question sir totoo ba na pag brand new ang MC automatic ang first year nito ay comprehensive? o pwede ding ctpl? kasi di ba yung dealer ang magpaparegister nun? kasi sa yamaha daw ganun e thanks

tazio
January 26th, 2009, 08:53 AM
Bro.

The premium depends on how much is the cost of your bike today or when you bought it plus the limit of liabilities for the ExBI, TPPD and the CTPL plus of course the taxes.

Madami dito sa atin nasa insurance industry mag pa quote ka para malaman mo.

Cheers:)

Question lang mga sir magkanu kaya ung ganitong insurance and by monthly or yearly ba ang pagbabayad dito? Please enlighten a newbie like me thanks!

lestat41
February 8th, 2009, 08:04 AM
mga sirs!...I'm new in this..I will be getting my Nouvo Z from Yamaha Buendia next week...I believe it will have TPL upon registration..how much will the comprehensive insurance be?? how much does it cost u guys for this...

nemesis_ellehco
February 26th, 2009, 04:32 PM
TPL - Third Party Liability = usually issued at LTO during Registration of our motor vehicle. This is compulsory by the government. Eto yong nagbabayad pag may nabangga tayong tao. Kadalasan hindi kasama yong damaged mo sa vehicle. CTPL - Comprehensive Third Party Liability = usually for personal protection. Lahat ng klase ng accidents kahit mga Acts of God (Calamity e.i Fire, flood and etc.) depende sayo kung ano gusto mong isama. Premium or yong payment mo, normally 1.5% actuall or declared value mo. others 2.7%. example you declared your motorcycle amounting P 50,000.00 x 2.7% = 1,350 add nalng yong tax, stamps and etc.

aloy_g
February 26th, 2009, 05:30 PM

Boss, TPL is the same as CTPL. and CTPL means Compulsory Third Party Liability. Compulsory kasi required siya ng LTO. ang sinasabi nyo sir eh comprehensive insurance, also known as "compre". hindi po CTPL.

and masyado pong mababa ang 1.5% para sa motorcycle IMHO.

nemesis_ellehco
February 27th, 2009, 09:39 AM
Boss, TPL is the same as CTPL. and CTPL means Compulsory Third Party Liability. Compulsory kasi required siya ng LTO. ang sinasabi nyo sir eh comprehensive insurance, also known as "compre". hindi po CTPL.

and masyado pong mababa ang 1.5% para sa motorcycle IMHO.

ay ganon po ba? mali pala yong briefing samin ng insurance company. or maybe they just want to differentiate the difference of TPL from Comprehensive. Kahit san pag nagtanong ka ng insurance issued during registration TPL lng lagi sinasabi and if happened to ask for comprehensive they'll say CTPL, nway thaks for correcting me. 1.5% so far lowest talaga yan, issued for commercial vehicle or CV. So far thats the lowest they offered considering we have more than 30 company vehicles.

aloy_g
February 27th, 2009, 10:18 AM

yup mali po yun, there's no such thing as Comprehensive Third Party Liability kasi comprehensive insurance also covers own damage and theft, hindi lang third party liabilities. so ibig sabihin comprehensive pala ang kinukuhang business ng GSIS kasi puro CTPL ang nasa news?

wow, 1.5% for CV? ambaba ah, sobrang baba.

May i know your company and the insurance company that briefed you? kahit i-PM mo nalang sir.

doomed
December 16th, 2009, 11:25 AM
Tama bang ung check na ibabayad ng insurance should be issued to the motor dealer as full payment sa installment motor purchase na nanakaw? d ba papalitan ng dealer ung ninakaw na motor?

Please help. Thank you.

aloy_g
December 16th, 2009, 11:37 AM
Tama bang ung check na ibabayad ng insurance should be issued to the motor dealer as full payment sa installment motor purchase na nanakaw? d ba papalitan ng dealer ung ninakaw na motor?

Please help. Thank you.
Kanino nakapangalan ang policy? nakamortgage ba ang motor? Assuming na mortgaged, sa financer ipapangalan ang check.

Di na papalitan ng dealer ang motor, basta tigil na rin ang hulog mo. Pag pinalitan ang motor, tuloy ang hulog mo.

Unfair naman siguro sa dealer kung ipambabayad yung claim sa insurance tapos papalitan pa ang motor na wala nang hulog. Parang ang nangyari, isang beses lang sila binayaran pero dalawang beses sila naglabas ng motor.

doomed
December 16th, 2009, 11:46 AM
Sa owner mismo nkapangalan ung policy and check from the insurance. And sabi ng dealer, ibibigay nga dw skanila ung check then close account na. If we decide to get a new motorcycle, considered as new purchase dw un.

If we decide to get a new unit, considered forfeited na ung mga unang naihulog sa nawalang motor at d pwedeng ideduct sa new unit na kukunin sa knila?

Would you also know how long ung processing before marelease ung clain sa insurance? napass nman on time lahat ng documents. kaso sbi ng insurance kulang dw ung sinubmit ng dealer that causes the delay. We submitted complete document but the dealer claims na kulang dw. San ba pwede lumapit pra maayos na process ung claim? sa PNP ba? DTI?

Thanks so much..

aloy_g
December 16th, 2009, 11:53 AM

tama naman, sa kanila mapupunta tapos close account na. try mo nalang kausapin baka pwedeng kuha ka ng bagong unit tapos itutuloy mo nalang yung hulog.

How long? depende sa insurance company. Bakit ka naman pupunta agad sa DTI? sabi nila kulang pa, so itanong mo muna kung ano pa ang kulang. kelan nanakaw yung motor? usually after mareport yung theft sa pnp, intay ka pa ng 30 days bago marelease yung certificate of non-recovery.

doomed
December 16th, 2009, 01:33 PM
complete ung documents na pinass nmin sa dealer tpos tumawag ung insurance saying na kulang nga dw ung pinasa pro we have duplicate copy na nreceive nila. Mga oct. 29 nawala and the same day we reported dn agad sa PNP, LTO, etc.

Un lng nman ung need nmin malaman, if tlgang d papalitan ng dealer ung nawalang motor. And hindi nila sinabi un to scam us or something.

Big help! Thanks a lot.

jiggy
December 16th, 2009, 02:38 PM

nakow nakow!
sir, huhulaan ko kung anong brand ng motor ang sinasabi mo... yamaha di ba?
nagtanong na kasi ako ng noon sa yamaha tunkol dun sa sinasabi nila na comprehensive insurance. sabi nila, meron daw "comprehensive" insurance ang mga motor nila. mayroong portion daw ng binabayad monthly(kung hulugan ang motor) na napupunta sa "comprehensive" insurance. aba, sabi ko, eh di maganda. papalitan ng insurance company ang motor mo kapag ito ay nanakaw. hindi daw pala. sabi ng saleslady. ganito pala ang sisitema nila. halimbawa, 2 years to pay ang motor mo. on the 6th month, nanakaw na. babayaran ng insurance company ang yamaha doon sa nanakaw na motor. yung kawawang buyer naman, di na kailangan bayaran ang balance na 7th to 24th month. so sabi ko, wala na ring makukuha na motor ang buyer!? wala na, sabi ni saleslady. ehdi hindi comprehensive insurance ang tawag dyan. aba eh pinipilit pa na comprehensive. hay naku. yan ang tinatawag na panlilinlang.

tip sa inyo mga kapatid sa mcp:
kung ganyang sisitema ang offer sa inyo na "comprehensive panlilinlang insurance", sabihin nyo nalang na hindi na kayo interesado sa insurance nila.
huwag kayo papayag na idagdag ito sa monthly installment nyo. kung di ako nagkakamali, nasa 200+ ang dagdag sa monthly kapag kumagat kayo sa payo nila.

mas maganda pa na kontakin nyo nalang si marvin of MCP tunkol sa tamang comprehensive insurance. sa kanya, coverd lahat. pati na rin ang bodily injuries ng rider kapag naaksidente. kampante ka kapag kay marvin ka nagpa-insure.

aloy_g
December 16th, 2009, 03:16 PM

ask them kung ano ang kulang. and kung ang pinasa mo eh yung mga docs na una mong nakuha sa pnp, most probably kulang pa nga. dahil kelangan mo pa ng certificate of non-recovery from pnp, na makukuha mo pa after 30 days from the date of initial reporting.

aloy_g
December 16th, 2009, 03:26 PM
nakow nakow!
sir, huhulaan ko kung anong brand ng motor ang sinasabi mo... yamaha di ba?
nagtanong na kasi ako ng noon sa yamaha tunkol dun sa sinasabi nila na comprehensive insurance. sabi nila, meron daw "comprehensive" insurance ang mga motor nila. mayroong portion daw ng binabayad monthly(kung hulugan ang motor) na napupunta sa "comprehensive" insurance. aba, sabi ko, eh di maganda. papalitan ng insurance company ang motor mo kapag ito ay nanakaw. hindi daw pala. sabi ng saleslady. ganito pala ang sisitema nila. halimbawa, 2 years to pay ang motor mo. on the 6th month, nanakaw na. babayaran ng insurance company ang yamaha doon sa nanakaw na motor. yung kawawang buyer naman, di na kailangan bayaran ang balance na 7th to 24th month. so sabi ko, wala na ring makukuha na motor ang buyer!? wala na, sabi ni saleslady. ehdi hindi comprehensive insurance ang tawag dyan. aba eh pinipilit pa na comprehensive. hay naku. yan ang tinatawag na panlilinlang.

tip sa inyo mga kapatid sa mcp:
kung ganyang sisitema ang offer sa inyo na "comprehensive panlilinlang insurance", sabihin nyo nalang na hindi na kayo interesado sa insurance nila.
huwag kayo papayag na idagdag ito sa monthly installment nyo. kung di ako nagkakamali, nasa 200+ ang dagdag sa monthly kapag kumagat kayo sa payo nila.

mas maganda pa na kontakin nyo nalang si marvin of MCP tunkol sa tamang comprehensive insurance. sa kanya, coverd lahat. pati na rin ang bodily injuries ng rider kapag naaksidente. kampante ka kapag kay marvin ka nagpa-insure.
Bossing, linawin natin, pano naging panlilinlang yun? Comprehensive insurance yun ng dealer, since sila pa rin may ari ng motor dahil sa kanila naka mortgage ang sasakyan.

So ang gusto mo, papalitan ng dealer yung nawalang motor, tapos fully paid na? kawawa naman yung dealer, para kang naka buy1 take 1 ng motor. Isipin mo, ang nakuhang payment lang ng dealer eh yung bayad sa installment, at yung value ng isang motor. tapos ang nawala sa inventory nila, dalawang motor. pano naging panlilinlang yun?

Pero i have to agree on you to this one, na kumuha nalang kayo ng sariling compre nyo kung nanghihinayang kayo sa hulog nyo.

gl3nborj
December 16th, 2009, 03:34 PM
mga guys, anu ba ang comprehensive insurance sa motor? pa explain na lang ng mabuti para sa mga newbie sa motor, tulad ko...hehe TIA :s

Maganda na rin ang Comprehensive....

Remember mo si Ogie nung nag slide sya sa marilaque humabol sa byahe?

nabaluktot ang fork, gasgas konti yung fairings.....

dineclare nila ng total wreck and he got around 58 thou. for a near 1 year bike.

and pwede pa maulit yun as long as active ang insurance, just be good to your agents.:O

Yung sa akin, nung na lubak ako sa tapat ng meralco dito sa ortigas...

gasgas fairing sa front fender (harap lang naman) yung fairings sa taas near side mirror
gasgas din.. pati XJL gasgas din yung cover....

File agad ako report sa TMG dito sa amin, gave the officer for their coffee break,
mga P150 lang naman....

I got 11,000 check two weeks after the incident.

another was while nasa valenzuela, manhole naman na nakalubog sa aspalto.
umangat gulong sa hulihan, then pag bagsak ng hulihan nag wheeliee naman
on an inch of water covering the road, gabi pa so di kita yung manhole....

bengkong Zipp Mags, front and rear...

I got 7,000 for the mags dahil yun lang ang nireport kong damages.
kasi nanduon pa yung recent na gasgas from another incident...

gave the norkis personnels two plastic bags full of angel's burger and zestos.
(sila nagfoforward ng mga documents sa Insurance eh.)

pero kung talagang gagarapalin, report it stolen, itago sa probinsya / wag gamitin, get an incident report sa TMG
and they will report it directly sa Crame. they will do the necessary papers...

Computation of cost is less 20% per anum (age ng motor)

kung 70k ang price, less 20%, and that is how much you can receive sa insurance.

aloy_g
December 16th, 2009, 03:51 PM
dineclare nila ng total wreck and he got around 58 thou. for a near 1 year bike.

and pwede pa maulit yun as long as active ang insurance, just be good to your agents.:O

Baka lang sir mamisquote ng ibang readers. pag nadeclare nang total-loss ang sasakyan, di na active ang insurance kasi wala na ang vehicle insured. so pag pinalitan yun ng bagong sasakyan, panibagong insurance policy na.

Computation of cost is less 20% per anum (age ng motor)

kung 70k ang price, less 20%, and that is how much you can receive sa insurance.

Bawat insurance company may computation ng depreciation, yung iba 10% a year ang depreciation. tsaka be aware na sa ibang company meron silang theft co-insurance wherein pag nanakaw yung sasakyan, part lang nung value ang babayaran nila. the best pa rin na basahin ng mabuti ang policy.

jiggy
December 16th, 2009, 04:07 PM
Bossing, linawin natin, pano naging panlilinlang yun? Comprehensive insurance yun ng dealer, since sila pa rin may ari ng motor dahil sa kanila naka mortgage ang sasakyan.

So ang gusto mo, papalitan ng dealer yung nawalang motor, tapos fully paid na? kawawa naman yung dealer, para kang naka buy1 take 1 ng motor. Isipin mo, ang nakuhang payment lang ng dealer eh yung bayad sa installment, at yung value ng isang motor. tapos ang nawala sa inventory nila, dalawang motor. pano naging panlilinlang yun?

Pero i have to agree on you to this one, na kumuha nalang kayo ng sariling compre nyo kung nanghihinayang kayo sa hulog nyo.

itong nasa baba na quoted from gl3nborj ang expected mo kapag sinabihan ka na "meron na kasamang comprehensive insurance ang motor".

Maganda na rin ang Comprehensive....

Remember mo si Ogie nung nag slide sya sa marilaque humabol sa byahe?

nabaluktot ang fork, gasgas konti yung fairings.....

dineclare nila ng total wreck and he got around 58 thou. for a near 1 year bike.

and pwede pa maulit yun as long as active ang insurance, just be good to your agents.:O

Yung sa akin, nung na lubak ako sa tapat ng meralco dito sa ortigas...

gasgas fairing sa front fender (harap lang naman) yung fairings sa taas near side mirror
gasgas din.. pati XJL gasgas din yung cover....

File agad ako report sa TMG dito sa amin, gave the officer for their coffee break,
mga P150 lang naman....

I got 11,000 check two weeks after the incident.

another was while nasa valenzuela, manhole naman na nakalubog sa aspalto.
umangat gulong sa hulihan, then pag bagsak ng hulihan nag wheeliee naman
on an inch of water covering the road, gabi pa so di kita yung manhole....

bengkong Zipp Mags, front and rear...

I got 7,000 for the mags dahil yun lang ang nireport kong damages.
kasi nanduon pa yung recent na gasgas from another incident...

gave the norkis personnels two plastic bags full of angel's burger and zestos.
(sila nagfoforward ng mga documents sa Insurance eh.)

pero kung talagang gagarapalin, report it stolen, itago sa probinsya / wag gamitin, get an incident report sa TMG
and they will report it directly sa Crame. they will do the necessary papers...

Computation of cost is less 20% per anum (age ng motor)

kung 70k ang price, less 20%, and that is how much you can receive sa insurance.

kung hindi gaynyan ang compre at sinabi sayo na naka comprehensive insurance, iyon po ang tinatawag na panlilinlang

gl3nborj
December 16th, 2009, 04:56 PM
Baka lang sir mamisquote ng ibang readers. pag nadeclare nang total-loss ang sasakyan, di na active ang insurance kasi wala na ang vehicle insured. so pag pinalitan yun ng bagong sasakyan, panibagong insurance policy na.

Bawat insurance company may computation ng depreciation, yung iba 10% a year ang depreciation. tsaka be aware na sa ibang company meron silang theft co-insurance wherein pag nanakaw yung sasakyan, part lang nung value ang babayaran nila. the best pa rin na basahin ng mabuti ang policy.

Sir hindi naman total loss, kasi it includes theft nga or the thing is no longer existent.
Total wreck maybe misquoted nga, siguro declare nyo na lang na 90% ang damages...
if that is the case, pero kung ganuon man, pwede mo pa insured ulit sa ibang company who does not know the history nung vehicle.

aloy_g
December 16th, 2009, 05:34 PM
itong nasa baba na quoted from gl3nborj ang expected mo kapag sinabihan ka na "meron na kasamang comprehensive insurance ang motor".

kung hindi gaynyan ang compre at sinabi sayo na naka comprehensive insurance, iyon po ang tinatawag na panlilinlang
I agree na katulad nga ng kay gl3nborj yung compre, pero nalilito ako kasi sa unang pinost mo, you were referring to a theft/total-loss as a panlilinlang. tapos nirerefer mo yung kay gl3nborj na hindi panlilinlang which is classified as own damage/partial loss.

anu ba dapat sir ang tamang settlement ng total loss para di nyo tawaging panlilinlang?

one way to check kung panlilinlang nga eh tanungin nyo yung dealer nyo na pwede ba magclaim pag may nadamage sa motor nyo. kung di pwede, yan ang panlilinlang. hingi na rin kayo ng kopya ng policy.

gl3nborj,

I agree. swerte yung friend mo ah, kinash settlement nila considering na 90% na ang damage. usually pag ganyan dinedeclare na yan na constructive total loss. Pag sinabing ganyan, beyond economical repair na ang unit. ang mangyayari, babayaran ka ng insurance dun sa value ng unit mo, pero kelangan nila kunin yung original and spare keys, orig or/cr, pati yung mga natitira sa wreck.

gl3nborj
December 16th, 2009, 06:12 PM

Yes, for evidence purposes only. But they can manage to get from other vehicles...
pwede mo nga bigay key lang or a piece of fairing and a bent metal and tell them
this is all that is left. It's your evidence against their policy rules. But most of the time
agents settle for a measly amount and they'll let you have all of it.:O

jiggy
December 16th, 2009, 06:21 PM
I agree na katulad nga ng kay gl3nborj yung compre, pero nalilito ako kasi sa unang pinost mo, you were referring to a theft/total-loss as a panlilinlang. tapos nirerefer mo yung kay gl3nborj na hindi panlilinlang which is classified as own damage/partial loss.

anu ba dapat sir ang tamang settlement ng total loss para di nyo tawaging panlilinlang?

one way to check kung panlilinlang nga eh tanungin nyo yung dealer nyo na pwede ba magclaim pag may nadamage sa motor nyo. kung di pwede, yan ang panlilinlang. hingi na rin kayo ng kopya ng policy.

pati tuloy ako nalilito na.

ok.. ang kay gl3nborj ay magandang example ng effective, true and reliable na comprehensive insurance. ganun naman kasi talaga ang comprehensive insurance eh.

ang sa yamaha naman, kapag nag-avail ka ng "comprehensive insurance" nila at kapag nawala/ nanakaw ang motor mo, ganito ang mangyayari. di mo na kailangan bayaran ang natitirang balanse ng hinuhulugan mong motor. ang insurance company na kasi ang magbabayad sa yamaha ng mga buwan na dapat mo pa bayaran. ganun lang.
ok nga dahil wala ka nang binabayaran na motor na di mo na nagagamit. pero wala ka nang motor. ngayon, ang copre ay nagbabayad din sa policy holder kapag naaksidente ito, nasemplang at may tama ang motor etc. ang sa yamaha ay wala nito. so hindi comprehensive insurance ang tawag doon.

kapag sinabi mo na nagtitinda ka ng balut at may libreng penoy, dapat penoy ang libre. kapag ang libre ay pugo o bulok na penoy, panlilinlang ang tawag dyan.

don_19
December 16th, 2009, 06:44 PM
basta kun kaya mo, get a comprehensive insurance from a good insurance company. it'll save you a lot of unnecessary headaches. :)

PurngaW
December 16th, 2009, 07:08 PM
sa TS, ang coverage naman ng insurance nasa quotation nila, hingi ka lang ng copy ng breakdown para alam mo kung alin alin ang covered ng insurance mo..

Yung may added premium ang magandang coverage.

aloy_g
December 17th, 2009, 09:41 AM
pati tuloy ako nalilito na.

ok.. ang kay gl3nborj ay magandang example ng effective, true and reliable na comprehensive insurance. ganun naman kasi talaga ang comprehensive insurance eh.

ang sa yamaha naman, kapag nag-avail ka ng "comprehensive insurance" nila at kapag nawala/ nanakaw ang motor mo, ganito ang mangyayari. di mo na kailangan bayaran ang natitirang balanse ng hinuhulugan mong motor. ang insurance company na kasi ang magbabayad sa yamaha ng mga buwan na dapat mo pa bayaran. ganun lang.
ok nga dahil wala ka nang binabayaran na motor na di mo na nagagamit. pero wala ka nang motor. ngayon, ang copre ay nagbabayad din sa policy holder kapag naaksidente ito, nasemplang at may tama ang motor etc. ang sa yamaha ay wala nito. so hindi comprehensive insurance ang tawag doon.

kapag sinabi mo na nagtitinda ka ng balut at may libreng penoy, dapat penoy ang libre. kapag ang libre ay pugo o bulok na penoy, panlilinlang ang tawag dyan.
Talaga? so di ka pwede magclaim sa kanila ng own damage mo? sorry ha di ko kasi alam patakaran nila. kung ganun nga, eh hindi compre yun. baka theft insurance lang. That would be very misleading if they refer to it as COMPREHENSIVE.

stiflerdad
December 17th, 2009, 09:51 AM
Sir ,

Pwede po ba pa post dito username realiable agent for insurance. I need 1, mag rerehistro na ako next by feb 2010

gl3nborj
December 17th, 2009, 11:43 AM
pati tuloy ako nalilito na.

ok.. ang kay gl3nborj ay magandang example ng effective, true and reliable na comprehensive insurance. ganun naman kasi talaga ang comprehensive insurance eh.

ngayon, ang copre ay nagbabayad din sa policy holder kapag naaksidente ito, nasemplang at may tama ang motor etc. ang sa yamaha ay wala nito. so hindi comprehensive insurance ang tawag doon.

Sir mayroon po ang sa Norkis kasama po ang rider/s, di lang ako nag claim dahil
di na ako nagpa medical, sinalo lahat ng protective gears yung mga injuries....

hmmm.... dapat pala pinacosting ko rin yung mga gears.....

teka... teka.....;)

Exellen
December 17th, 2009, 12:46 PM
Ask ko lang po kung ano ang dapat kong expect na matatangap ko sa insurance and ano ang mga necessary kong dapat na malaman while claiming an insurance.

well una comprehensive ang insurance ko na kinuha ko sa norkis while buying my MC,my mc is only a few months old, and i was involved in a vehicular accident the other night.
I was a victim of a hit and run dun sa may c5 extension sa paranaque->laspinas, after the accident i filed for a police report sa police trapiko na malapit samin, kahit na dumudugo un tuhod ko at puro ako sugat i filed it, then un damage sa MC ko is gasgas un buong right side nya from cowling hangang sa tambutso, saka parang nawala na un stability nun motor ko. tinawagan ko na din un insurance ko at sabi nila dalhin ko lang dun pagkakuha ko nung police report/

ok my first question is, Police report,OR,cr lang ba kelangan kong dalhin sa insurance ko? or baka may kelangan pa akong kelangan dalhin like pictures/etc.

second, sila ba magpapagawa nun MC or will they would just issue funds at ako na bahala magpagawa nun mc ko? ang iniisip ko kasi kung iiwan ko lang sakanila un mc then after a few weeks siguro makukuha ko na ulit,

third, ano kaya ang mga dapat kong gawin para ma maximize un makukuha ko sa insurance?

un lang po. thanks po kung mag aadvice kayo

aloy_g
December 17th, 2009, 01:22 PM

1. Police Report, copy of OR/CR, copy of drivers license, pictures showing the damages, repair estimate from a shop if available.

2. depende sa kanila yun, pero yung sa iba pwede kang magrequest na cash settlement nalang.

3. be honest nalang. :)