Custom Search

View Full Version : Illegal Apprehension?


GUNDAM168
December 8th, 2008, 04:40 PM
Ano po pwedeng ikaso sa mga corrupt na mga police/traffic enforcer na mahilig magsampa ng maling violation? Yung tipong sasabihin swerving ang violation mo pero hindi ka naman technically swerving pero ang isusulat sa ticket "reckless driving".

Marami kasing mga traffic enforcers na ganito ang style eh. Pag alam nilang imaginary violation or violation na gawa gawa lang, ilalagay nila sa ticket eh "reckless driving" para hindi definite ang violation.

broker218
December 8th, 2008, 04:54 PM
bro, if you know you didn't do anything wrong and you know that they know that you did not violate anything, don't pull over... just wave back :D

click_me
December 8th, 2008, 10:12 PM
Abuse of authority

Illegal apprehension

Fabrication

Discrimination

Although mahirap ipaglaban ang mga bagay na yan unless meron kang witness or properly documented ang pagkakahuli sa iyo... Kasi it's your word against theirs ang laban dyan...

Bochekokik
December 9th, 2008, 09:17 AM
Kasi it's your word against theirs ang laban dyan...

Tama si sir click_me, its your word against theirs.
Isang technique na ginagamit ko pag halatang namemera o kung ano anong violation nilalagay, I let my cellphone cam do the recording.
Sa simula pa lang ng recording very polite ako, greet pa ng good morning sa enforcer (para wala siyang dahilan na lagyan ka ng violation ng arrogance toward the officer). Pag napansin ni mokong, sisindakin at sisindakin ka, minsan gusto pang kompiskahin yung cellphone mo.
"Aba, sir, kakasuhan na kita ng snatching at robbery pag kinumpiska mo cellphone ko. Wala namang batas na nagsasaad na bawal ka kuhanan ng video habang hinuhuli mo ako."
In all instances be polite para wala siyang dahilan na umangal. In this case, its their word against your video. Sa palagay mo sino mas paniniwalaan?

Been doing this several times already, and it really does magic. Kulang na lang palayasin ka kaagad, ayaw mahagip ng video mukha nila.
Minsan kahit lobat cellphone ko, umuubra pa rin, sindakan lang yan. At kapag wala kang violation, dapat sila ang masindak, hindi ikaw.

GUNDAM168
December 9th, 2008, 09:48 AM
Abuse of authority

Illegal apprehension

Fabrication

Discrimination

Although mahirap ipaglaban ang mga bagay na yan unless meron kang witness or properly documented ang pagkakahuli sa iyo... Kasi it's your word against theirs ang laban dyan...

Mainam kasi alam natin ang karapatan natin dahil parte din ito ng M.O. ng mga traffic officers at police na makapanghuthot sa mga motorista. Madaling magsabi na huwag maglagay pero ang mga ginagawa ng mga kawatan na mga pulis na ito eh panggigipit at pangiipit para mapilitang maglagay ang motorista. Dahil sa totoo lang, ang madalas na resulta ng illegal apprehension ay (in order of most common usage):

1. makiusap o magmakaawa
2. makipagpilosopohan
3. makipagsindakan
4. maglaglag ng pangalan ng taong nasa katungkulan
5. maglagay
6. magpatiket at bayaran ang multa
7. magpatiket at kontestahin ang tiket

Mas madali at madalas ang panggigipit sa probinsya lalu na kung dayo ka.

Personally, I use the #1 & 2 solutions whenever I find myself in mulcting situations.

yondaime
December 9th, 2008, 11:00 AM
Been doing this several times already, and it really does magic. Kulang na lang palayasin ka kaagad, ayaw mahagip ng video mukha nila.


Gawain ko rin po sir :)

shauntot
December 9th, 2008, 01:02 PM
Just yesterday, this "swerving" thing almost got to me. I just came from the World Trade Center doing some shopping with the wife (may bazaar kasi ngayon dun) so pauwi na kami with my daughter - was driving a car, not a my scoot this time. When I get apprehended and I know I'm wrong, usually pakumbaba na kagad ako, ako mali e. This time was different though..

Dun sa macapagal, pakanan ako ng buendia so the world trade center is on my right. I was on the 2nd lane to the right, with my signal light on, about to make the right turn and speed of around 5-10kph kasi kaka galing lang namin sa parking. My wife suddenly remembered that we left her sister inside, still shopping, so my natural instinct was brake a bit and think of how to go back. In short napapreno ako nga mga 1-2 sec. so I could quickly scan the road how to go back, kaso walang u-turn so I proceeded to continue my right turn pa rin (with my right turn signal pa rin and around 5-10kph speed)

Aba, may mga Pasay police ata yun (mga naka orange) nasa left, waved for me to stop, so I brought down my window, sabi ko - "sir ano po ang atin?".. the cop said, "swerving ka, itabi mo yan"..

so being an obedient driver, sabi ko "ok sir tabi ko lang", and proceeded to a safe area on the right side of the road where I could turn on my hazard lights and wait for the cop to walk over.. and here's the dialogue that ensued (long story sensya na po) :)

me: sir goodafternoon po

cop: magandang hapon sir..swerving kayo e

me: sir pano pong swerving, ni hindi nga ako lumipat ng lane, naka signal pako, bagal lang ng takbo ko

cop: e bigla kang kumanan kaya swerving ka (medyo nagtaas ng boses). 'sensya mo?

me: (while giving my license) teka sir, di nga swerving e di nga ako lumipat ng lane

cop: swerving ka nga (mataas pa din boses)..and proceeds to pull out his ticket booklet

me: (medyo napikon ako pilosopo tong lokong to, thinking to myself..so sinabayan ko nga) sir gusto niyo kumuha tayo ng dictionary at tingnan natin kung ano definition ng swerving? 2 or more abrupt lane change ho yun without early warning to nearby vehicles, e naka signal pa nga ako, di nga ako lumipat ng lane e.

cop: ok hndi na lang swerving, teka ha...(sabay bunot ng parang checklist ng violations sa bulsa niya, tapos pinakita sakin)...o ayon sa article 5, disregarding traffic lane ka pala

me: o teka di ata pede yan sir, kanina swerving, ngayon papalitan niyo violation ko? o sige sir, tiketan mo na lang ako ng swerving, pero di ko pipiramahan yang ticket niyo, i-adjucate ko yan, mag kita na lang tayo sa korte sir ( i got this adjucate thing from MCP) :)

cop: (hesistates for a bit and walks over to another cop and discusses something, then comes back, talks in a raised voice again) swerving ka talaga e. pano ba gusto mo gawin dito? (siguro naghihintay ng mag offer ako ng lagay)

me: ok sir, sige swerving na, ticketan niyo na ako, akin na yung ticket pero di ko pipirmahan yan, kita tayo sa korte next week ha

cop: (walks to the back of the car and seemingly looks at my plate number and is scribbling kuno siguro sa pad niya)

cop: (walks back to my window) o ano pano gagawin natin dito? (aba ayaw magbaba ng tono ng boses)

me: sir uulitin ko nanaman po ba? sandali lang may tatawagan lang po ako ha (as this would be my third time asking for my ticket already, kaya medyo nagiinit nako as my wife's sister was left waiting in the world trade center driveway, gusto ko na bumalik and pick her up)...so i decided to call my friend who has a connect in Pasay, and then I proceed to dial his phone number. I did this with the cop glaring at me from the window. Then I talked to my friend, relaying that I was getting ticketed for something did not do (swerving)..so I asked him what we can do about it. (the cop was listening to our conversation)

cop: (in a loud voice) sino ba yan? aki na yan telepono mo at gusto kong kausapin yan!

at this point napikon nako in his repeated demands with his voice raised..

me: (i turned to him and said in a not angry manner, but tipong napipikon na)..bakit sir? gusto ka ba kausapin nitong kausap ko? wag niyo nako pakialamanan at bigay niyo na yung ticket ko para makaalis nako, nasayo na lisensya ko so ticket na lang hinihintay ko. Ano nga daw pala pangalan niyo sir? (biglang talikod yung pulis)

his buddy then walks by, says to the cop who was talking to me " ticketan mo na yan partner"...so i echo back.."oo nga sir, ticket na lang hinihintay ko"...I was still on the phone with my friend, I told him I'll call him back na lang because the cop I was talking to was looking hesitant at this time.

cop then turns to face me again, so I smile na pilosopo smile.."ano sir, pede na makuha yung ticket ko?"

cop: alam mo pasko ngayon e, magbigayan na lang tayo..(hands me back my license)..eto sir merry christmas na lang

me: ok. (i roll up my window and drive-off)

i don't know kung trip lang mamera nga mga ulupong na to...nagpapaticket ka na nga, ayaw pa nila. gusto maglagay ka pa. buti na lang meron ako nabasa dito sa MCP about adjucation and challenging the ticket because you didn't sign it. This way the apprehending cop will have to appear in court (ayaw din nila ng hassle, so siguro pinabayaan na).

Paskong-pasko, mga kotong-cops talaga...hay, buti na lang I learned something from MCP and traffic cops :) tnx MCP :clap:

Bochekokik
December 9th, 2008, 01:38 PM
COURT APPEARANCE

Takot at iniiwasan ito ng kotong. Bawat araw na wala sila sa kalye, bawas kita yun. At pag minalas na makasuhan, suspended lahat ng benifits nila pag nag retiro hanggang hindi pa tapos ang kaso.
Mas masakit sa kanila pag napuruhan sa demanda, simot lahat ng benifits nila, tanggal pa sa trabaho.

Ayaw nila patulan ang iisang nagrereklamo na siyang magiging sakit ng ulo nila, antay na lang sila ng mga pasaway na puwede nilang sindakin at kotongan.

GUNDAM168
December 9th, 2008, 07:27 PM
cop: ok hndi na lang swerving, teka ha...(sabay bunot ng parang checklist ng violations sa bulsa niya, tapos pinakita sakin)...o ayon sa article 5, disregarding traffic lane ka pala

This is exactly the example I'm referring to. Kudos to you sir for sharing this! :clap:

Malinaw na neither "swerving" or "disregarding traffic lane" will stick and will only serve to harass you and waste your time contesting it. Kahit nag move ka from one lane to the next is NOT "swerving" as swerving involves moving two lanes abruptly. Malabo ding "disregarding traffic lane" since hindi naman marked yung 2 lanes of the same direction. Hindi ka naman nag counter flow siguro.

Taking pictures of the immediate area will serve proof of your defense when you contest either violation. Kaso, nasayang ang isang linggo mo sa kaka contest ng violation. Buti sana kung isang linggong sweldong pulis lang ang mawawala sa iyo di ba? :rolleyes:

spectralknight8
December 9th, 2008, 07:38 PM
Mainam kasi alam natin ang karapatan natin dahil parte din ito ng M.O. ng mga traffic officers at police na makapanghuthot sa mga motorista. Madaling magsabi na huwag maglagay pero ang mga ginagawa ng mga kawatan na mga pulis na ito eh panggigipit at pangiipit para mapilitang maglagay ang motorista. Dahil sa totoo lang, ang madalas na resulta ng illegal apprehension ay (in order of most common usage):

1. makiusap o magmakaawa
2. makipagpilosopohan
3. makipagsindakan
4. maglaglag ng pangalan ng taong nasa katungkulan
5. maglagay
6. magpatiket at bayaran ang multa
7. magpatiket at kontestahin ang tiket

Mas madali at madalas ang panggigipit sa probinsya lalu na kung dayo ka.

Personally, I use the #1 & 2 solutions whenever I find myself in mulcting situations.

magpatiket, wag pirmahan ang ticket as a sign that you do not agree with the violation... contest.

Freelancer, The
December 9th, 2008, 08:07 PM
...IM MAD!!!!

Bat ngayon lang nagawa ang thread na ito. (-:

Anyway, last weekend i got apprehended coz i didnt have my mirrors erect. (kakagaling sa carwash).


So kinuha international license ko and nanlaki pa mata.

Ang violation ko raw is ala ako rearview mirror.

BUT ofcourse i had di nga lang naka adjust.

I said ill REFUTE the ticket na lang..That LTO guy with a .38 paltik had a confused look.
Anyway, i ended up getting my license back dahil pasko naman daw.

Ang term pala na dapat kong gamitin was ADJUCATE. (-:

eh eh eh!!!

Learned something new.

GUNDAM168
December 9th, 2008, 09:46 PM
You mean to say you had your sidemirrors attached but it just wasn't focused correctly? Is that a violation? If it is, what was the exact description of the violation? Hindi naman pwedeng "no side mirror" since you have them attached right?

Masaklap kung sa Manila ka nahuli and you have to go back to Baguio then back again to Manila to contest the ticket.

shauntot
December 9th, 2008, 10:17 PM
@gundam - no sir, i wasn't on the counterflow. normal lang na lane napakanan..buti na nga lang nung sinabi ko na "gusto niyo tingnan natin sa dictionary ibig sabihin ng swerving?"...hndi sinabi nung pulis na "cge nga asan dictionary mo?" hehe patay ako dun..bubunot na lang ako cellphone, sabay mag-on ng T9 dictionary :banana:

@freelancer - ako din sir, i just learned the term adjucate here in MCP. ayos talaga MCP, learn something new di ba, nakakatulong pa makaiwas sa mga kotongero :clap:

broker218
December 10th, 2008, 09:26 AM
ADJUDICATE is the right term...not ADJUCATE.

GUNDAM168
December 10th, 2008, 09:32 AM
Basta keywords lang yan.

Tatakutin kayo ng mga enforcers ng keywords nila:
- multa
- seminar
- impound
- arrogance

Takutin nyo sila ng keywords din
- abugado ("hindi po ako abugado pero mas matalino pa ako sa abugado")
- ajudication (ajudicate po not ajucate)
- Internal Affairs ("Alam nyo po ba kung saan ang opisina ng Internal Affairs?")
- Napolcom ("Alam nyo ho ba kung saan ang opisina ng Napolcom?")
- benepisyo ("Ang laki na siguro ng benepisyo nyo, sayang.")
- retraining ("Gaano ba katagal pag binalik kayo for retraining?")
- Basilan ("Nakapagtrapik na po ba kayo sa Basilan?")
- smile ("smile po, naka video po ito.")

Bochekokik
December 10th, 2008, 10:03 AM
Kaso, nasayang ang isang linggo mo sa kaka contest ng violation. Buti sana kung isang linggong sweldong pulis lang ang mawawala sa iyo di ba? :rolleyes:

Actually ginagamit din ito minsan ng mga kotong enforcers na kung magkontest ka eh sayang oras, pagod at sahod mo.
Isa lang naman sagot ko. "Pag oras na napatunayan na mali ka, deretso kaso na gagawin ko sa yo, bahala na abogado ko maglagay ng kung anong singil sa yo. Yung income na mawawala sa akin, don't worry, isisingil din namin sa yo yan"
Lalo na kung singitan mo ng English na
"I have all the time and the resources to sue you in court. See you in court Sir"

jerkzzz2173
December 10th, 2008, 10:54 AM
kelangan talaga required na tayong mga riders ng Cellphone na may videocam... para din nila mabaliktad yung istorya

@shauntot

bilib ako sa ginawa nyo sir, taas noo ako sa inyo! napabahag nyo buntot ng mga kotong cops na un! nga lang adjudicate talaga yung tamang term

shauntot
December 10th, 2008, 11:12 AM
@broker - oops, tnx for the correction sir :) buti na lng di yung parak ng correct sakin, dyahe hehe

@jerkz - salamat po sir. kakainis lang talaga kung alam mong wala ka naman ginagawang mali, halatang gusto lang mamera. e pantay2x tayong lumalaban sa buhay tapos mangaabuso sila ng authority nila

Frake_5000
December 10th, 2008, 03:12 PM
ok 'tong thread na'to. Dami ko natutunan. May i ask mga sirs, dapat ba kunin yung license kagad pag may violation? hinda ba dapat ticket lang? maraming salamat in advance sa sasagot.

broker218
December 10th, 2008, 04:07 PM
@shauntot,

no problem, bro :)

Gels
December 28th, 2008, 01:14 PM
http://www.youtube.com/watch?v=AiJ26dOq3XY&NR=1 commercial muna, nkakatawa kontong cops nahuli sana ganito plage, Kotong cops umiiyak nung nahuli ? hahahaha, It made me smile while watching this vid clip

Hakz
January 29th, 2009, 06:09 PM
ok 'tong thread na'to. Dami ko natutunan. May i ask mga sirs, dapat ba kunin yung license kagad pag may violation? hinda ba dapat ticket lang? maraming salamat in advance sa sasagot.

ang alam ko sir kukunin ang license mo. tutubusin mo yun sa lto with your ticket, which is the normal procedures. :)

ajudicate. yahoo :banana:

Frake_5000
January 30th, 2009, 02:32 PM
Question again po, meron ba talagang violation na "Swerving"? meron kasi akong list of violations pero wala naman serving, pero madami pa rin ako nababasa dito na napenalized due to "swerving" violation. TIA!

jomon15
February 1st, 2009, 06:40 PM
Just yesterday, this "swerving" thing almost got to me. I just came from the World Trade Center doing some shopping with the wife (may bazaar kasi ngayon dun) so pauwi na kami with my daughter - was driving a car, not a my scoot this time. When I get apprehended and I know I'm wrong, usually pakumbaba na kagad ako, ako mali e. This time was different though..

Dun sa macapagal, pakanan ako ng buendia so the world trade center is on my right. I was on the 2nd lane to the right, with my signal light on, about to make the right turn and speed of around 5-10kph kasi kaka galing lang namin sa parking. My wife suddenly remembered that we left her sister inside, still shopping, so my natural instinct was brake a bit and think of how to go back. In short napapreno ako nga mga 1-2 sec. so I could quickly scan the road how to go back, kaso walang u-turn so I proceeded to continue my right turn pa rin (with my right turn signal pa rin and around 5-10kph speed)

Aba, may mga Pasay police ata yun (mga naka orange) nasa left, waved for me to stop, so I brought down my window, sabi ko - "sir ano po ang atin?".. the cop said, "swerving ka, itabi mo yan"..

so being an obedient driver, sabi ko "ok sir tabi ko lang", and proceeded to a safe area on the right side of the road where I could turn on my hazard lights and wait for the cop to walk over.. and here's the dialogue that ensued (long story sensya na po)

me: sir goodafternoon po

cop: magandang hapon sir..swerving kayo e

me: sir pano pong swerving, ni hindi nga ako lumipat ng lane, naka signal pako, bagal lang ng takbo ko

cop: e bigla kang kumanan kaya swerving ka (medyo nagtaas ng boses). 'sensya mo?

me: (while giving my license) teka sir, di nga swerving e di nga ako lumipat ng lane

cop: swerving ka nga (mataas pa din boses)..and proceeds to pull out his ticket booklet

me: (medyo napikon ako pilosopo tong lokong to, thinking to myself..so sinabayan ko nga) sir gusto niyo kumuha tayo ng dictionary at tingnan natin kung ano definition ng swerving? 2 or more abrupt lane change ho yun without early warning to nearby vehicles, e naka signal pa nga ako, di nga ako lumipat ng lane e.

cop: ok hndi na lang swerving, teka ha...(sabay bunot ng parang checklist ng violations sa bulsa niya, tapos pinakita sakin)...o ayon sa article 5, disregarding traffic lane ka pala

me: o teka di ata pede yan sir, kanina swerving, ngayon papalitan niyo violation ko? o sige sir, tiketan mo na lang ako ng swerving, pero di ko pipiramahan yang ticket niyo, i-adjucate ko yan, mag kita na lang tayo sa korte sir ( i got this adjucate thing from MCP)

cop: (hesistates for a bit and walks over to another cop and discusses something, then comes back, talks in a raised voice again) swerving ka talaga e. pano ba gusto mo gawin dito? (siguro naghihintay ng mag offer ako ng lagay)

me: ok sir, sige swerving na, ticketan niyo na ako, akin na yung ticket pero di ko pipirmahan yan, kita tayo sa korte next week ha

cop: (walks to the back of the car and seemingly looks at my plate number and is scribbling kuno siguro sa pad niya)

cop: (walks back to my window) o ano pano gagawin natin dito? (aba ayaw magbaba ng tono ng boses)

me: sir uulitin ko nanaman po ba? sandali lang may tatawagan lang po ako ha (as this would be my third time asking for my ticket already, kaya medyo nagiinit nako as my wife's sister was left waiting in the world trade center driveway, gusto ko na bumalik and pick her up)...so i decided to call my friend who has a connect in Pasay, and then I proceed to dial his phone number. I did this with the cop glaring at me from the window. Then I talked to my friend, relaying that I was getting ticketed for something did not do (swerving)..so I asked him what we can do about it. (the cop was listening to our conversation)

cop: (in a loud voice) sino ba yan? aki na yan telepono mo at gusto kong kausapin yan!

at this point napikon nako in his repeated demands with his voice raised..

me: (i turned to him and said in a not angry manner, but tipong napipikon na)..bakit sir? gusto ka ba kausapin nitong kausap ko? wag niyo nako pakialamanan at bigay niyo na yung ticket ko para makaalis nako, nasayo na lisensya ko so ticket na lang hinihintay ko. Ano nga daw pala pangalan niyo sir? (biglang talikod yung pulis)

his buddy then walks by, says to the cop who was talking to me " ticketan mo na yan partner"...so i echo back.."oo nga sir, ticket na lang hinihintay ko"...I was still on the phone with my friend, I told him I'll call him back na lang because the cop I was talking to was looking hesitant at this time.

cop then turns to face me again, so I smile na pilosopo smile.."ano sir, pede na makuha yung ticket ko?"

cop: alam mo pasko ngayon e, magbigayan na lang tayo..(hands me back my license)..eto sir merry christmas na lang

me: ok. (i roll up my window and drive-off)

i don't know kung trip lang mamera nga mga ulupong na to...nagpapaticket ka na nga, ayaw pa nila. gusto maglagay ka pa. buti na lang meron ako nabasa dito sa MCP about adjucation and challenging the ticket because you didn't sign it. This way the apprehending cop will have to appear in court (ayaw din nila ng hassle, so siguro pinabayaan na).

Paskong-pasko, mga kotong-cops talaga...hay, buti na lang I learned something from MCP and traffic cops tnx MCP

Nabiktima din ako last december ng mga kotong cops nato, sila yung nasa island, nag aabang ng biktima este violators pala.

swerving daw din ako, pero pagkatapos ng 20-30 minutes na diskusyunan. ayun humihingi ng pang christmas.. Naalala ko pa yung list of violations nila naka laminate pa, parang food menu.

Nung paalis nako me hinarang naman sila, broken headlight daw, eh clearly me ilaw naka dim lang, wawa yung lady driver.

Walang pinapalagpas na opportunity mga yun.

mykl1103
February 2nd, 2009, 10:23 AM
Nice info mga sir

tumhangkz
February 3rd, 2009, 11:28 AM
Magkano ba ang multa sa one way? ksi wala akong nakitang nakasulat sa lto na oneway o baka may ibang term nito paki liwanang naman sa akin mga bro, ksi minsan nasita ako ng yellow boys at nakapag bigay ako ng 100 areglo pay ,,

eugeneallan
February 3rd, 2009, 12:19 PM
yup, dyan din ako nahuli mga two years ago. same place, sa world trade center. same violation, swerving. same officers, i guess, kasi nasa island din sila at gabi. i was on the right lane of macapagal blvd, then turned right towards buendia ave. swerving daw? since susunduin ko pa wife ko sa intramuros, i accepted the ticket under protest. w/in 5 days punta ako sa office nila sa pasay at talked w/ an officer. so, ang sabi balik ako next week kasi inform pa nila sa arresting officer. punta ulit ako the following week. ang sabi hindi raw makakapunta yung arresting officer. here's the switch...
compromise na lang daw. instead of P500 penalty, kalahati na lang daw - P250. :nuts: binayaran ko na lang kasi hassle talaga sa oras at malayo sa amin.

russell olaguer
March 16th, 2009, 12:36 PM
salamat sa thread na 'to. dami ko natutunan.

pero follow up lang po, paano nga kung halimbawa, nagpaticket na tayo, tapos pagpunta naman natin dun sa LTO e may mga rason sila, tapos ang resulta e magpapabalik balik tayo.

In the end kokotongan din pala tayo. Ano po ang magandang aksyon na gawin para ma-conter ito? Salamat po ulit!

JunYCZ
March 16th, 2009, 01:36 PM
kung nasa tama ka, wag kang papagulat! pede mong syang ireclamo doon sa tubusan ng license, basta wag ka lang pipirma sa ticket, to show that you disagreed, ako ang dami ko ng naranasang apprehension, dati kase akong FX Driver and operator, sa sobrang inis ko binenta ko na lang yong FX, dahil pala gatasan ng mga gutom sa daan.:nuts:..

click_me
March 16th, 2009, 04:41 PM
kung nasa tama ka, wag kang papagulat! pede mong syang ireclamo doon sa tubusan ng license, basta wag ka lang pipirma sa ticket, to show that you disagreed, ako ang dami ko ng naranasang apprehension, dati kase akong FX Driver and operator, sa sobrang inis ko binenta ko na lang yong FX, dahil pala gatasan ng mga gutom sa daan.:nuts:..


Sir, ang pag pirma mo sa ticket poses no effect if you plan to contest it...

Ok lang pirmahan yan tapos i-adjudicate mo...

gadgets_galore
March 22nd, 2009, 02:38 AM
may mga tanong ako sir, what if na apprehend ako habang dala ko scooter ng ermat ko? kelangan dala ko ba yung original papers or xerox lang? ang dami kasi hulihan ngayon eh. minsan hindi ko na alam ang tama at mali. minsan parang gumagawa nalang ng sariling ruling yang mga pulis na yan.

kapitan88
June 17th, 2009, 10:31 AM
regarding yung 2nd lane ng macapagal turning right ng buendia, may loophole nga ito, kasi sa road sign, yung rightmost lane lang ang naka arrow turning right, while yung 2nd lane from right, ay straight arrow direction, which dapat ay straight and right turn yun. So yun ang ginagamit nila against you pero dahil gusto nila mas malaki ang kotong, swerving na agad! araw araw ako nadaan dyan at araw araw ko nakikita mga dabibiktima nila dyan.

kasamian06
June 17th, 2009, 10:56 AM
mga sir skin kasi ilang beses n ko nsita pero d ako natikitan kc alam ko n tama ako. kung nag pasindak k agad for sure kakayanin k nila. as long as your right may right k din mag protest s knila.
minsan na huli me s marikina ng mmda. beating the red lyt daw ako. sabi ko hindi ko isusugal ang buhay ko s red lyt. d ko binigay ang license ko. yun pinaalis ako.

xtreme698866
June 17th, 2009, 09:04 PM
adjudicate lng pala ang katapat nilang salita eh:D thanks MCP very informative:clap:

drei27
June 17th, 2009, 09:17 PM
understanding our law is the best way na panlaban sa mga kotong officers:D

Fukitol
June 17th, 2009, 09:22 PM
understanding our law is the best way na panlaban sa mga kotong officers:D

ang problema minsan the person understand the law then when you reason out to the so called "kotong Cops" sasabihin sa iyo na ang yabang mo or kung sino ka na kinukwestyon sila.

Full_Throttle.
June 17th, 2009, 09:30 PM
Ano po pwedeng ikaso sa mga corrupt na mga police/traffic enforcer na mahilig magsampa ng maling violation? Yung tipong sasabihin swerving ang violation mo pero hindi ka naman technically swerving pero ang isusulat sa ticket "reckless driving".

Marami kasing mga traffic enforcers na ganito ang style eh. Pag alam nilang imaginary violation or violation na gawa gawa lang, ilalagay nila sa ticket eh "reckless driving" para hindi definite ang violation.

sir pag po nakaranas kayo ng tulad sa sinabi nyo wag nyo po pirmahan ung ticket that mean po na icocontest nyo ung violation nyo dahil hindi tama once po na pinirmahan nyo ung ticket ibig sabihin po nun ng umamin na kayo n un ang violation nyo...

i suggest po icontest nyo... un nga lang maabala kayo lalo

Full_Throttle.
June 17th, 2009, 09:33 PM
Magkano ba ang multa sa one way? ksi wala akong nakitang nakasulat sa lto na oneway o baka may ibang term nito paki liwanang naman sa akin mga bro, ksi minsan nasita ako ng yellow boys at nakapag bigay ako ng 100 areglo pay ,,

one way/cpounterflow - - - - P2000

drei27
June 17th, 2009, 09:40 PM
ang problema minsan the person understand the law then when you reason out to the so called "kotong Cops" sasabihin sa iyo na ang yabang mo or kung sino ka na kinukwestyon sila.

yun naman ang tinatawag nilang sindakan moves....pag alam nilang may alam ka sa batas dadaanin ka na lang sa sindak....ito yung last resort nila hehehe