Custom Search

View Full Version : Magandang Alibi sa gustong manghiram ng helmet...

Pages : [1] 2 3 4

bacolodnon
September 27th, 2008, 12:10 PM
Guys, di naman sa nagdadamot ako, pero feeling ko kasi personal na bagay ang helmet eh. Ano ba magandang reason natin sa kanila para naman di sila masaktan? Lagi kasi may nanghihiram ng helmet sakin, kesyo punta lang daw sa kabilang kanto or may bibilhin lang daw...inputs will be greatly appreciated. thanks :)

speedmaniac
September 27th, 2008, 12:17 PM

pag nanghiram, samahan mo ng balaclava, sabihin mo isoot yung balaclava, para hindi manikit ang amoy ng ulo nya sa helmet mo.

sa totoo lang, parang brief yan eh, kaya ayoko din magpahiram, plus yun pa, iniiwasan ko na magka amoy helmet ko, tapos ibang tao magpapabaho ng helmet mo:?

o kaya naman sabihin mo may sakit ka na makakahawa:O

bacolodnon
September 27th, 2008, 12:21 PM

oo nga sir eh, parang ang sagwa na rin isuot yun pag nagamit na ng iba:o

hayz, ayoko rin padala balaclava ko...

na post ko to kasi ngayun lang may nanghiram na naman ng helmet ko dito sa office...

next time mag aalibi na ako...inputs pa sa alibi :O

asylum
September 27th, 2008, 12:24 PM
sabihin mo lang aalis kana rin :D

kanuto123
September 27th, 2008, 12:27 PM
Guys, di naman sa nagdadamot ako, pero feeling ko kasi personal na bagay ang helmet eh. Ano ba magandang reason natin sa kanila para naman di sila masaktan? Lagi kasi may nanghihiram ng helmet sakin, kesyo punta lang daw sa kabilang kanto or may bibilhin lang daw...inputs will be greatly appreciated. thanks :)

rektahin mo na sya broder .... sabihin mo yung helmet mo is like your brief na hindi pwedeng hiramin ...personal use only ika nga heheheheh

kcirain
September 27th, 2008, 12:28 PM
ako sabi ko. nahiram na lahat e.heheh

pinay_ako
September 27th, 2008, 12:29 PM
Guys, di naman sa nagdadamot ako, pero feeling ko kasi personal na bagay ang helmet eh. Ano ba magandang reason natin sa kanila para naman di sila masaktan? Lagi kasi may nanghihiram ng helmet sakin, kesyo punta lang daw sa kabilang kanto or may bibilhin lang daw...inputs will be greatly appreciated. thanks :)

hmm...luckily wala pa naman nanghihiram ng helmet ko PERO tama ka sir, PERSONAL na gamit ang helmet.

sabihin nyo na lang yung totoo kesa naman habang gamit nung nanghiram yung helmet mo ay may guilt ka sa loob mo na AYOKO TALAGA IPAHIRAM E. KASO NAHIHIYA NAMAN AKO TUMANGGI.

way back in high school and college, uso sa mga girls yung hiraman ng pulbos, suklay, cologne. i was always the outcast kasi my classmates know na hindi ako nagpapahiram ng mga personal na gamit. but a real friend understands why and she gets my point.

kasi yung friend ko, minsan nanghiram sya sa kin ng suklay, i told her PANO KUNG MAY KUTO AKO, E DI NAHAWA KA? ANG SUKLAY DAPAT MAY SARILI KA. DI KA DAPAT NANGHIHIRAM.

ayun, after 12 years, friends pa rin kami.

next time na may manghiram ng helmet sayo sir , prangkahin mo na. sabihin mo yung totoo: DI NA KO NAGPAPAHIRAM NG HELMET E. (TULAD NUNG SABI NI SIR SPEEDMANIAC, SABIHIN MO PARANG BRIEF mo na rin yung helmet mo.)

tingin ko mas mahirap dalhin sa loob ng isang tao yung AYAW MO pero ginagawa mo or pumapayag ka compared sa magsabi ka ng totoong iniisip/feelings mo.

bacolodnon
September 27th, 2008, 12:30 PM
sabihin mo lang aalis kana rin :D

di pwedi kasi, officemate ko rin, alam nya di pa ako lalabas :D

bacolodnon
September 27th, 2008, 12:31 PM
rektahin mo na sya broder .... sabihin mo yung helmet mo is like your brief na hindi pwedeng hiramin ...personal use only ika nga heheheheh

yep, gonna find that much assertiveness to say NO...thanks

bacolodnon
September 27th, 2008, 12:33 PM
hmm...luckily wala pa naman nanghihiram ng helmet ko PERO tama ka sir, PERSONAL na gamit ang helmet.

sabihin nyo na lang yung totoo kesa naman habang gamit nung nanghiram yung helmet mo ay may guilt ka sa loob mo na AYOKO TALAGA IPAHIRAM E. KASO NAHIHIYA NAMAN AKO TUMANGGI.

way back in high school and college, uso sa mga girls yung hiraman ng pulbos, suklay, cologne. i was always the outcast kasi my classmates know na hindi ako nagpapahiram ng mga personal na gamit. but a real friend understands why and she gets my point.

kasi yung friend ko, minsan nanghiram sya sa kin ng suklay, i told her PANO KUNG MAY KUTO AKO, E DI NAHAWA KA? ANG SUKLAY DAPAT MAY SARILI KA. DI KA DAPAT NANGHIHIRAM.

ayun, after 12 years, friends pa rin kami.

next time na may manghiram ng helmet sayo sir tell him/her, prangkahin mo na. sabihin mo yung totoo: DI NA KO NAGPAPAHIRAM NG HELMET E. (TULAD NUNG SABI NI SIR SPEEDMANIAC, SABIHIN MO PARANG BRIEF mo na rin yung helmet mo.)

tingin ko mas mahirap dalhin sa loob ng isang tao yung AYAW MO pero ginagawa mo or pumapayag ka compared sa magsabi ka ng totoong iniisip/feelings mo.

very well said mam. one thing I worry is baka ano sabihin nila. Lalo na di ko naman sila friend, mas madali pa kasi sabihin yun sa friend mo. Next time, susubukan ko:)

bacolodnon
September 27th, 2008, 12:36 PM
Plan ko rin magdala ng tabo helmet, at yun nalang papahiram ko :O

pinay_ako
September 27th, 2008, 12:41 PM
very well said mam. one thing I worry is baka ano sabihin nila. Lalo na di ko naman sila friend, mas madali pa kasi sabihin yun sa friend mo.

they dont have the right na mag-impose sa yo ng kung ano ang dapat mong gawin lalo na at ikaw ang owner ng helmet na hinihiram nila. dapat nga bumili sila ng sarili nila, hindi yung umaasa sila sa panghihiram sa iba. pano pala kung di ka pumasok sa office, e di wala silang helmet? i guess may pambili naman sila ng helmet e? ayaw lang nila kasi may mahihiram naman.

Next time, susubukan ko:)

DO IT. be true to urself.

u dont owe them anything. ikaw ang nagtrabaho para mabili mo yang helmet mo. at di ka naman nanghihingi ng pera sa kanila diba.

pinay_ako
September 27th, 2008, 12:45 PM
Plan ko rin magdala ng tabo helmet, at yun nalang papahiram ko :O

karaniwan ba sir iisa lang ang officemate mong nanghihiram sayo? kasi kung may tabo helmet ka, yun ang ipapahiram mo sa officemate mo.

pano kung yung isa ay aalis din at manghihiram ng helmet mo (yung maganda mong helmet na lang available kasi may humiram na nung tabo helmet) so, pano yun?

i think u have to make it clear to them na di ka talaga nagpapahiram ng helmet

bacolodnon
September 27th, 2008, 12:46 PM
tama ka mam :clap: at baka madisgrasya pa yun using tabo helmet, konsensya ko pa :eek:

next time dapat assertive na ako na ayaw ko magpahiram :)

pinay_ako
September 27th, 2008, 12:51 PM
tama ka mam :clap: at baka madisgrasya pa yun using tabo helmet, konsensya ko pa :eek:

next time dapat assertive na ako na ayaw ko magpahiram :)

pansin ko sir, karaniwan sa pilipino ay "nahihiya" na tumanggi.

personally i think hindi tama yun.

kasi di na tayo honest pag ganun :)

sige sir, kaya mo yan!

pag nga pala nagawa nyo na tumanggi, post nyo agad dito ha? pampalakas loob dun sa ibang riders na hirap din tumanggi kasi nahihiya ;)

Hardliner
September 27th, 2008, 01:09 PM
just say it point blank...personal na bagay ito. hindi ko ito pwedeng ipahiram.(period) no explanation needed. kung makulit, ulitin mo lang sinabi mo...personal na bagay ito. hindi ko ito pwedeng ipahiram.

jakespeed
September 27th, 2008, 01:24 PM
dati may nanghiram sa akin kapitbahay namin pinahiram ko agad chicks ba naman e ang ganda pa naman kaya di ako nakatanggi..crush na crush ko pa naman sya ok lng sruro yun mga sir no?:s

ralp
September 27th, 2008, 01:48 PM
Guys, di naman sa nagdadamot ako, pero feeling ko kasi personal na bagay ang helmet eh. Ano ba magandang reason natin sa kanila para naman di sila masaktan? Lagi kasi may nanghihiram ng helmet sakin, kesyo punta lang daw sa kabilang kanto or may bibilhin lang daw...inputs will be greatly appreciated. thanks :)

just politely say no...i'm sure he/she will understand...:)

mbus
September 27th, 2008, 02:39 PM
Ako may extrang helmet, para talaga dun sa mga nanghihiram, yung
mumurahin nga lang no..:s:s

bacolodnon
September 27th, 2008, 03:29 PM
dati may nanghiram sa akin kapitbahay namin pinahiram ko agad chicks ba naman e ang ganda pa naman kaya di ako nakatanggi..crush na crush ko pa naman sya ok lng sruro yun mga sir no?
ah eh, ibang usapan na yan bro...kahit naman siguro ako magkakandarapa magpahiram :D

Ako may extrang helmet, para talaga dun sa mga nanghihiram, yung
mumurahin nga lang no..

may extra helmet naman ako sir, kaso di ko naman pweding bitbit yun palagi puntang office...:)

just say it point blank...personal na bagay ito. hindi ko ito pwedeng ipahiram.(period) no explanation needed. kung makulit, ulitin mo lang sinabi mo...personal na bagay ito. hindi ko ito pwedeng ipahiram.

hehehe...try ko to next time. thanks po

just politely say no...i'm sure he/she will understand...

sana nga ganun sila ka understanding...

thanks sa replies..

more alibi pa? :D

ooseven
September 27th, 2008, 03:39 PM
sabihin mo "BASA na ITO ng PAWIS ko.."

pag namilit,

lagyan mo ng fiberglass matting bago ipahiram...buong araw kakamutin nya ulo nya! hehehe!

primepaul
September 27th, 2008, 03:41 PM
:O may grado yung visor ko, baka masira mata mo :O

bacolodnon
September 27th, 2008, 03:43 PM
sabihin mo "BASA na ITO ng PAWIS ko.."

pag namilit,

lagyan mo ng fiberglass matting bago ipahiram...buong araw kakamutin nya ulo nya! hehehe!

san ba makakakuha nun? :O wheheeh, bad ka fafa....bad

bacolodnon
September 27th, 2008, 03:44 PM
:O may grado yung visor ko, baka masira mata mo :O

eto halatang alibi eh no? :D

hayz, binalik nahelmet ko, lalabhan ko to mamya:vomit:

wenzxc
September 27th, 2008, 04:30 PM
i don't believe in alibis pagdating sa hiraman ng helmet. that helmet should be for your own use from the moment you bought it. mine is more of a 'hygiene' issue. inside that helmet is where your head spend a good part of when riding. minsan pinapawisan ka. minsan umuubo ka sa loob..imagine na lang kung yung nanghiram ang gumawa din nun? baka ayaw mo nang ipasuli. you never know kung anong sakit meron sya pero assuming lang naman na healthy yung nanghihiram. kahit misis ko di ko papahiramin ng helmet kasi meron naman sya. and another thing is the sizing of the helmet. minsan di naman pareho ang sukat ng ulo ng nanghihiram at alangan namang ipagpilitan nya yung size Large na bungo nya sa size small or medium. iba na rin ang amoy nun pagbalik sayo. so, just refuse them. buy your own kamo.

kornelieux
September 27th, 2008, 04:55 PM
personal na gamit ang helmet na di dapat hinihiram ng kahit na sino...yun lang po

ron
September 27th, 2008, 07:00 PM
in my case i have 3 lids. yung isa personal kong gamit (everyday use), yung isa gamit ni kumander, and yung last eh pinaglumaan ko na pinapagamit ko everytime na may mangangailangan. bahala sila kung ano magiging amoy ng ulo nila after that :O

enes
September 27th, 2008, 07:37 PM
sabihin mo lang..."ano ka siniswerte?" :O

pero tama yung iba dito, prangkahin mo nalang...

sabihin mo, sabay akbay sa balikat niya (w/ matching himas-himas:D)..."alam mo dude.., personal ko kasing gamit yan, hindi ko talaga pinapahiram yan kahit sa mga utol ko...hindi naman ito inidoro na kahit sino pwedeng gumamit.., parang brief kasi yan, ang lagay ba eh.., yung pinansasalo ko sa bay@g ko, pansasalo mo rin sa bay@g mo?:O tsaka misis ko naglalaba neto, baka pag umiba na ang amoy, isipin niya nanglala-lake na ako...sana naiintindihan mo ako dude..., kaya sa susunod, bili ka na rin ng sariling mong brief ha, ay este! helmet pala..."

ok na bang alibi yan?:D medyo daanin mo sa biro, pero nasasapul yung gusto mong iparating sa kanya...hope it helps...:s

acidbeam
September 27th, 2008, 11:04 PM
Alibi?

Sabihin mo:

"pag lumagpas ng 50 meters ang helmet ko mula sa akin, sumasabog, psensya na masyado na kasing hi-tech ngayon pre."

karambit
September 27th, 2008, 11:29 PM
kung yung officemate mo ay nakabili ng motot, dapat lang na bumili siya ng sarili nyang helmet.
:angry:

tama sabi ng ibang sumagot sa thread na ito, huwag ka na gumawa ng alibi, i-assert mo sarili mo!

speedmaniac
September 27th, 2008, 11:48 PM
oo nga sir eh, parang ang sagwa na rin isuot yun pag nagamit na ng iba:o

hayz, ayoko rin padala balaclava ko...

na post ko to kasi ngayun lang may nanghiram na naman ng helmet ko dito sa office...

next time mag aalibi na ako...inputs pa sa alibi :O

yung balaclava, bigay mo na sa kanya, kung makakahalata siya na maselan ka, hindi na hihiram yun

sa totoo lang, isukat mo helmet ng iba, naamoy mo sa helmet yung nagsoot diba.

o kaya bili ka tabo na helmet, yun ang pahiram mo, he he he

speedmaniac
September 27th, 2008, 11:57 PM
dati may nanghiram sa akin kapitbahay namin pinahiram ko agad chicks ba naman e ang ganda pa naman kaya di ako nakatanggi..crush na crush ko pa naman sya ok lng sruro yun mga sir no?:s

kung maganda talaga siya, pwede ko siya ibili ng HJC:rolleyes::evil:

bacolodnon
September 29th, 2008, 10:40 AM
sabihin mo lang..."ano ka siniswerte?"

pero tama yung iba dito, prangkahin mo nalang...

sabihin mo, sabay akbay sa balikat niya (w/ matching himas-himas:D)..."alam mo dude.., personal ko kasing gamit yan, hindi ko talaga pinapahiram yan kahit sa mga utol ko...hindi naman ito inidoro na kahit sino pwedeng gumamit.., parang brief kasi yan, ang lagay ba eh.., yung pinansasalo ko sa bay@g ko, pansasalo mo rin sa bay@g mo?:O tsaka misis ko naglalaba neto, baka pag umiba na ang amoy, isipin niya nanglala-lake na ako...sana naiintindihan mo ako dude..., kaya sa susunod, bili ka na rin ng sariling mong brief ha, ay este! helmet pala..."

ok na bang alibi yan?:D medyo daanin mo sa biro, pero nasasapul yung gusto mong iparating sa kanya...hope it helps...:s

whehehe...ayos to :clap: thanks fafs

asphalt618
September 29th, 2008, 11:20 AM
tama si maam pinay, diretsuhin mo na sir sabihin mo may kuto ka at nakaka hawa ahihi:D i joke mo lng na may kuto ka at pwede syang mahawa, ipa unawa mo nlng sa knya no offense kamo na personal na gamit mo iyon. at mag pa sama ka sa tindahan ng helmet kunwari ma nga-nganvas ka lng yun pala ikina canvas mo na sya baka sakaling maisipan nyang bumili pg nandun na mismo kayo sa store. o kaya kung may extra helmet ka nxt time dalhin mo at ibenta mo sa kanya sa presyong bago hehe:D

bacolodnon
September 29th, 2008, 11:44 AM

tama ka fafi, kinausap ko na nga kanina...

sabi ko pre bumili kna kaya sariling helmet mo, kahit yung half face lang..

pinag-iisipan na rin daw...kasi ngayun strict na rin ang bacolod sa helmet...

bacolodnon
September 29th, 2008, 11:46 AM
kung yung officemate mo ay nakabili ng motot, dapat lang na bumili siya ng sarili nyang helmet.
:angry:

tama sabi ng ibang sumagot sa thread na ito, huwag ka na gumawa ng alibi, i-assert mo sarili mo!

yes sir, dinadahan dahn ko na nga, by suggesting na bumili na siya ng helmet...yung maganda sabi ko :O

salamat pafi

CHILL
September 29th, 2008, 09:27 PM
yes sir, dinadahan dahn ko na nga, by suggesting na bumili na siya ng helmet...yung maganda sabi ko :O

salamat pafi

pano paps pag bisor mo or nakakataas sayo ang humiram ng helmet?:D

noypito
September 29th, 2008, 09:39 PM
kaya sa tuwing makakuha ako ng tabo helmet na libre, tinatago ko. para pag may nanghihiram ng helmet, yun ang ipapagamit ko.

jbonilla91
September 29th, 2008, 09:43 PM
beside for my Personal Helmet,,,,lagi pa akung may dalang isang tabong helmet nakakabit lagi un sa motor ko...yung personal lagi kung dala...kaya pag may nanghihiram ung tabo ang pinapahiram ko........personal helmet no way......kahit masira ang pag kakaibigan namin.....hehehe...sad but true:)

xrmlifted
September 29th, 2008, 09:59 PM
ipektib kaya toh?

sabihin mu dun sa nanghihiram

"tol, pasensya na, amoy pawis at napanis na laway eh, sinigod ko kasi sa baha at ulan, pero ikaw, kung gusto mo pa rin"

hehe

mikafajardo
September 29th, 2008, 10:13 PM
tama ka mam :clap: at baka madisgrasya pa yun using tabo helmet, konsensya ko pa :eek:

next time dapat assertive na ako na ayaw ko magpahiram :)

End of discussion. Just be man enough to say no when you dont feel like it.

Last recourse= magsuklay ka ng suyod sa harap niya at di na manghihiram yun:banana::banana

ranster_1527
September 29th, 2008, 10:18 PM
ang alibi ko......eto..
pre, puwede manghiram ng helmet, kasi yung orig ko na
helmet ay kimupiska ng mamang pulis...peke daw....

okey_lang2
September 30th, 2008, 07:52 PM
ako sasabhin ko...pare, ung helmet parang underwear yan...magkaiba lang ang size ng ulong tinatakpan

Col.TED
September 30th, 2008, 08:07 PM
sabihin mo may kuto or balakubak ka......:)

YummyYamaha
September 30th, 2008, 09:02 PM
tama sila sir, sabihin nyo na lang "ung helmet ko parang brief!"
"naamoy mo na ba brief ko?!" "o ano, hihiram ka pa?! ha?!":D

msmc
September 30th, 2008, 09:09 PM
Guys, di naman sa nagdadamot ako, pero feeling ko kasi personal na bagay ang helmet eh. Ano ba magandang reason natin sa kanila para naman di sila masaktan? Lagi kasi may nanghihiram ng helmet sakin, kesyo punta lang daw sa kabilang kanto or may bibilhin lang daw...inputs will be greatly appreciated. thanks :)

brother, ito maganda gawin mo, bili ka ng isa pang helmet na pwede ipahiram mo, bukod sa personal mong gamit, malay mo dahil dun sa helmet na pinahiram mo ay daan para sa kaligtasan nung nanghihiram, mahirap pag nanghiram sayo at di mo napagbigyan eh mabalitaan mo nadisgrasya namatay dahil walang helmet, parang konsensya mo pa yun, pero kung pinahihiraman mo ayos lang kahiyaan na lang para sa kanya na hindi makabili sariling gamit. it is better to give than to receive ika nga.

xrmlifted
September 30th, 2008, 09:50 PM

siguro hindi niya na responsibilidad yun kung maaksidente man yun dahil hindi niya pinahiram ng helmet.. kung magmomotor siya, dapat alam niya yung RESPONSIBILIDAD ng pagiging isang RIDER..

okie lang siguro kung minsan/dalawang beses niya itong gagawin/manghihiram sa iyo,

pero hindi naman to the point na BiBili ka pa ng helmet para mapahiram lang sa kanya.. kung BAga, ABUSO na tawag dun.. hehe

ok na yung isa/dalawang beses, maiintindihan ko pa yun,...:clap:

baka pag pinagbigyan mo sa helmet, hihiram na rin yan ng MC mo, tapos mapipilitan kang bumili ng another MC para mapahiram.. hheheheh

peacE!.

ridesafe brother:clap:

devil_101
September 30th, 2008, 10:03 PM
ay di'na kelangan ng alibi, sinasabi ko lang:

"ay tol di ko pinapaheram helmet ko e, senxa ka na."

Raymund Mojica
September 30th, 2008, 10:21 PM
dati may nanghiram sa akin kapitbahay namin pinahiram ko agad chicks ba naman e ang ganda pa naman kaya di ako nakatanggi..crush na crush ko pa naman sya ok lng sruro yun mga sir no?:s

Bro sa susunod, sa akin mo na lang pahiramin ang kapitbahay mo, pwede kaya yun...

enes
September 30th, 2008, 10:27 PM
pagdating po siguro sa mga "personal" na bagay o gamit, hindi naman po siguro masama ang magdamot..., minsan nga, nakakatulong ka pa sa ibang tao kung nagdadamot ka...you can educate others by being "madamot"...IMHO