Custom Search

View Full Version : Magandang Alibi sa gustong manghiram ng helmet...


Pages : 1 [2] 3 4

mandon
September 30th, 2008, 10:35 PM
mabuti nakita ko itong thread na ito....
just the other day....may pumunta dito sa amin na katiwala ng kung sinong poncio pilato na kapitbahay namin...di naman talaga taga dito...abay nanghihiram ng helmet......
eh tiniyaga ko nga ibili ng helmet yun mga anak at asawa ko para di naghihiraman tapos hihiramin lang ng di ko naman kakilala.....
ano siya sinusuwerte....
sorry po di po pinahihiram mga helmet namin...yun lang....tapos ang usapan....

ranster_1527
October 1st, 2008, 05:08 AM
sorry, di puwede hiramin yung helmet ko kasi amoy ebak?

d'virus
October 1st, 2008, 05:11 PM
madali lang tanggihan kung hindi close sa 'yo o di mo masyadong kilala...

sabihin lang na di ako nag papahiram ng gamit ko...

panu kung kakilala mo o malapit sa 'yo?

example: yung crush mong kapit bahay nyu?
o pamangkin ng kaibigan mo? (nakikinig ang kaibigan mo habang hinihiram)
o matalik na kaibigan ng tatay mo?

bacolodnon
October 2nd, 2008, 09:46 AM
mabuti nakita ko itong thread na ito....
just the other day....may pumunta dito sa amin na katiwala ng kung sinong poncio pilato na kapitbahay namin...di naman talaga taga dito...abay nanghihiram ng helmet......
eh tiniyaga ko nga ibili ng helmet yun mga anak at asawa ko para di naghihiraman tapos hihiramin lang ng di ko naman kakilala.....
ano siya sinusuwerte....
sorry po di po pinahihiram mga helmet namin...yun lang....tapos ang usapan....

thanks for sharing sir. ako next time di na magpapahiram

jd14
October 2nd, 2008, 10:29 AM
walang alibi alibi, tell them directly. " sorry po, hindi pwede hiramin eh". but in ur case, mukang sinanay mo ata na manghiram kya nawili.

ASTEK
October 2nd, 2008, 10:32 AM
for I would gladly say.....IM SORRY!!!

Straight na walang alibi, I consider my helmet and my mc personal property na hindi pwede pahiram.....i bought kamote helmets na pwede ipahiram thank God hindi na isinauli ng lalaking nanghiram tapos sabi sakin nabasag eh....wala na parang may utang naloob pa ako sa pagkakabasag nya.....hayz people talaga mapagsamantala....mahiya ka naman habang nagbabasa ka!!!!! bakit ganun ka??? hehehhehe penguin pa yung tatak!!!!

Ridesafe and Godspeed!!!!!

renz110
October 3rd, 2008, 09:41 AM
sabihin mo lang..."ano ka siniswerte?" :O

pero tama yung iba dito, prangkahin mo nalang...

sabihin mo, sabay akbay sa balikat niya (w/ matching himas-himas:D)..."alam mo dude.., personal ko kasing gamit yan, hindi ko talaga pinapahiram yan kahit sa mga utol ko...hindi naman ito inidoro na kahit sino pwedeng gumamit.., parang brief kasi yan, ang lagay ba eh.., yung pinansasalo ko sa bay@g ko, pansasalo mo rin sa bay@g mo?:O tsaka misis ko naglalaba neto, baka pag umiba na ang amoy, isipin niya nanglala-lake na ako...sana naiintindihan mo ako dude..., kaya sa susunod, bili ka na rin ng sariling mong brief ha, ay este! helmet pala..."

ok na bang alibi yan?:D medyo daanin mo sa biro, pero nasasapul yung gusto mong iparating sa kanya...hope it helps...:s

natawa naman ako dito...pigil tawa ko dito sa cafe..ang kulet eh..
lahat na siguro ng alibi & Good advise nasabi na dito..kaya wala nko masabe..hehehe..
up for this thread,,
nice one TS.. up up up

DESK_MULLEN
October 3rd, 2008, 09:45 AM
basta ko renz wlang alibi nho hahaha..:D

renz110
October 3rd, 2008, 10:02 AM
basta ko renz wlang alibi nho hahaha..:D

nakakahiya hiramin mga helmet mo eh..puro expensive ang price..
deym!!!

peram nag ako ng HJC Cl 14 mo..try ko lang kung masarap isuot..hehehehe

O.T. Na toh...

bacolodnon
May 19th, 2009, 10:36 AM
guys, revive ko lang thread ko. Kahapon kasi may nanghiram na naman ng helmet ko, wasnt able to refuse. Di ko pa naman nadala yung Balaclava ko :nuts:

wenzxc
May 19th, 2009, 12:59 PM
so, NONE of the alibi's, reasonings and pangangatwiran that was discussed in this lengthy thread, NONE of them worked? or did you even try? wow, must be a different circumstance naman yata yan if you were not able to refuse him/her.
ok, heto pa isa..h1n1 virus (latest swine flu case that is spreading around the globe)..sabihin mo galing ka ng mexico lately at kung nagpi-pay attention sya sa news eh baka kumaripas yan ng takbo pag yan sinabi mo.

bacolodnon
May 19th, 2009, 01:09 PM
Nangyari kasi biglaan, pagkasabi sabay alis na kaagad bitbit yung helmet ko, nakalagay kasi yun sa ibabaw ng cabinet dito sa office. Pagkabalik nun, nanahimik na lang ako sabay tago ng helmet ko. Next time ill make sure na hindi na nila mahiram ito.

bradc73
May 19th, 2009, 02:29 PM
Langya ngayon ko lang nabasa itong thread na 'to bigla ko tuloy itinago ang helmet ko dito sa office, hehehe mahirap na eh baka makasanayan din hiramin maselan pa naman ako pagdating sa personal na bagay.....

asylum
May 19th, 2009, 03:04 PM
last holyweek lang may gusto humiram ng 2 helmet ko & hihiramin nila for 3 days :o

juice ko ang hirap tumanggi pag tropa talaga .. pero ewan ko ba kung pano ko natanggihan :)

ngayon hindi na sila nanghihiram :D salamas naman :D

bulacan x-1
May 19th, 2009, 03:05 PM
guys, revive ko lang thread ko. Kahapon kasi may nanghiram na naman ng helmet ko, wasnt able to refuse. Di ko pa naman nadala yung Balaclava ko :nuts:

dala ka nalang ng xtra tabo helmet:evil:
para sa kanila

bacolodnon
May 19th, 2009, 03:07 PM
dala ka nalang ng xtra tabo helmet:evil:
para sa kanila

good advice bro, pero wala ako nyan, kailangan ko pa yatang bumili para sa kanila. :D

kahit maitago mo yan bradc73, malalaman din kasi nila na may helmet ka kasi may motor ka, mas ok pag nakahanda kna sa kung ano ang dapat mong idahilan. hehe

@asylum

ano ba exact sinabi mo dun at di na umulit? :nuts:

vicfirthph
May 19th, 2009, 03:08 PM
dala ka nalang ng xtra tabo helmet:evil:
para sa kanila

hehehehe, ayut! lagyan na lang ng sticker, jowk :O

arki g-max 200
May 19th, 2009, 04:28 PM
hehe... ill just say "NO".... or sayang di kaya eh..... personal na gamit....

baka kung mapano ka pa madamay pa helmet ko...

may motor ka eh... bumili ka din ng helmet.... ok? (baka mamihasa eh)

or wala kng helmet? iwan mo ung motor, at mamasahe ka nlng.....

requirements talaga ang helmet, halos lahat tau alam yan... hehe...

sa mga nanghihiram ng motor... dun lng applicable yun.. (have motorcycle? you need a helmet, intiendes? hehe)

sirotef
May 19th, 2009, 04:31 PM
bili tayo ng mumurahin na helmet at yun ang ipahiram sa kanila, kaso pag naaksidente sila, kunsensya pa natin..

NSCB
May 19th, 2009, 05:00 PM
i never let anyone borrow any of my helmets...

i tell them in a nice way, personal na gamit ang helmet....just like a toothbrush...
if they insist...i'll give them my toothbrush and buy a new one, but never my helmet....he he he

Gunther16
May 19th, 2009, 07:28 PM
Say it straight to his face "pare pasensya na pero di talaga ako nagpapahiram ng personal na gamit ko eh".....if your co-worker is mature enough then I'm sure he'll understand :)

jnazareta
May 20th, 2009, 12:51 AM
Sir I had the same experience here in the office... what I did is i brought another helmet tapos yung ginagamit ko nakalagay sa helmet bag and naka lock sa MC ko.... yung dala ko sa loob ng office is yung intended ko na ipahiram... sana maka tulong po...:C:nuts::C

wenzxc
May 20th, 2009, 06:45 AM
bili tayo ng mumurahin na helmet at yun ang ipahiram sa kanila, kaso pag naaksidente sila, kunsensya pa natin..


that defeats the purpose nga kung bakit ayaw nating ipahiram helmets natin kung ibibili natin sila ng extra helmet. what's next? gloves? jacket? di kinumpleto nyo na gears nyang mga manghihiram na yan o kaya ilagay mo sa loob ng helmet bag with big bright stickers na 'for personal use by owner only'...napakalinaw na nyan kung di maintindihan.

Rye!?!
May 20th, 2009, 06:52 AM
sasabihin ko "may bayad ang renta nyan... 3500 per hour... down muna ng 50%"

pero ang value ng helmet ko eh 1500 lang :O

flash5
May 20th, 2009, 07:11 AM
nagpapahiram naman ako ng mga helmet pero sa mga taong ka-close ko lang at hindi ko pinapahiram yung mgagandang helmet, yung pang harabas na helmet ko pinapahiram ko

-=sarsi=-
May 20th, 2009, 07:15 AM
Say it straight to his face "pare pasensya na pero di talaga ako nagpapahiram ng personal na gamit ko eh".....if your co-worker is mature enough then I'm sure he'll understand :)

agree ako dito...say it straight...

flash5
May 20th, 2009, 07:23 AM
tama! derechuhin na natin sila! bihira naman yung taong magtatanong ng bakit ayaw mo magpahiram?

FrictionwinD
May 20th, 2009, 08:46 AM
ganda ciguro ng helmet mo bro....kaya type na type hiramin...

ako pag maganda helmet ko hinding hindi nia ito mahihiram..bumuli cia ng ganito para mafeel niya mag suot ng orig at magandang helmet...

ako talaga madamot sa personal na mga bagay hehehehe...:)

say no brother thats it lang po..

dmax
May 22nd, 2009, 07:46 PM
i just say "NO"....thats it...:D

flash5
May 22nd, 2009, 08:05 PM
isa sa pinakamalupit na dahilan.. PARE PASENSYA NA PERO MARAMI AKONG KUTO:evil:

Wills_McLaren
May 22nd, 2009, 08:08 PM
di talaga ako nagpapahiram ng helmet ko. sabihin na nilang madamot ako.

....pero hindi talaga.

foxyface
May 22nd, 2009, 08:37 PM
Yung utol ko hiniram dati yung HJC ko. Di ko pinahiram...



Binigay ko na lang, tapos bumili ako ng bagong helmet. Eh di ayoz, walang problema! :D

dmax
May 22nd, 2009, 08:43 PM
Yung utol ko hiniram dati yung HJC ko. Di ko pinahiram...



Binigay ko na lang, tapos bumili ako ng bagong helmet. Eh di ayoz, walang problema! :D

sir ako rin hihiram ng helmet nyo...
tapos pag my extra kaung gloves, padded jacket,riding pants, racing shoes pahiram narin po......:D(sakaling ibigay din):O

dps73
May 24th, 2009, 04:36 PM
sir ako rin hihiram ng helmet nyo...
tapos pag my extra kaung gloves, padded jacket,riding pants, racing shoes pahiram narin po......:D(sakaling ibigay din):O

Sama mo na rin pati motor! :D:D:D

superduperhanep
May 26th, 2009, 04:35 AM
Share ko lang mga paps...

During its usage the helmet interior will naturally contour to the shape of the owners head, therefore it is not recommended that any helmet be worn by anyone else other than the owner.

purblind
May 26th, 2009, 04:49 AM
last holyweek lang may gusto humiram ng 2 helmet ko & hihiramin nila for 3 days :o

juice ko ang hirap tumanggi pag tropa talaga .. pero ewan ko ba kung pano ko natanggihan :)

ngayon hindi na sila nanghihiram :D salamas naman :D


hmmmmm..bakit kaya?

dreyx1
May 26th, 2009, 04:56 AM
may balakubak ako...

baka magtampo ang kuto ko...

purblind
May 26th, 2009, 04:58 AM
mabaho helmet ko..kahit hindi naman..effective yan

pangserbis_lang
May 26th, 2009, 12:01 PM
pag may humihiram sa iyo, ganito sabihin mo sige ok pare kunin ko lang sandali, tapos habang papaabot mo na yung helmet kunwari nababahing ka tapos bumahing ka sa loob ng helmet yung tipong nag ipon ka talaga ng laway at sipon, yung malakas talaga mga 100kph na bilis ng buga mo ng sipon at laway sa loob ng helmet. tapos sabihn mo, "excuse, sensiya na, old habits stays.". alugin mo pa yung helmet para mas maganda effect.

XRJOHN
May 26th, 2009, 03:34 PM
i never let anyone borrow any of my helmets...

i tell them in a nice way, personal na gamit ang helmet....just like a toothbrush...
if they insist...i'll give them my toothbrush and buy a new one, but never my helmet....he he he

Noy, pahiram na lang ng motor...... he he he

xrmlifted
May 26th, 2009, 03:44 PM
ganito na lang

" cge andun sa lamesa, pakibiga na lang yung liners puro pawis ko kasi, kagagamit ko lang "

hehe

Bad42
May 26th, 2009, 04:12 PM
Personal talaga ang pagkakaroon ng helmet. isiipin mo paghiniram ng iba eh parang sinamsam mo ang pawis niya at vice-versa. Hindi rin ako madamot pero once a personal things ko na ang pag-uusapan eh iba na yun(sabi nila possessive daw ako). Kahit ano pa ang itawag nila at least hindi ako naging plastik.

Walang masama kung magsasabi ng totoo.:)

Criscinco
May 26th, 2009, 04:32 PM
Kaya lagi akong may spare sa helmet box ko eh para di naman sumama ang loob baka kasi hindi makatulog pag hindi ko pinahiram. isang china made na helmet na pangsalo lang ng utak yun ang pinahihiram ko.:clap: pero kung pati motor NO WAY!:clap:

NSCB
May 27th, 2009, 11:48 AM
Noy, pahiram na lang ng motor...... he he he

ikaw talaga bro...cge bigyan kita toothbrush....he he he

para hindi OT.
if you can afford to have one helmet na pwede mo ipahiram....yun na lang ipahiram mo sa lahat ng mga mahilig manghiram...ewan ko lang kung di maghalu-halo amoy nila...he he he

sirotef
May 27th, 2009, 12:28 PM
ikaw talaga bro...cge bigyan kita toothbrush....he he he

para hindi OT.
if you can afford to have one helmet na pwede mo ipahiram....yun na lang ipahiram mo sa lahat ng mga mahilig manghiram...ewan ko lang kung di maghalu-halo amoy nila...he he he

hahaha, kaso ang bilhin nyo na extra helmet e AGV dapat, baka maaksidente yung nanghiram, kayo pa masisi kase mumurahin yung pinahiram na helmet..:O:O

bespren
May 27th, 2009, 09:28 PM
Meron akong personal favorite di pede hiramin.
Pero dalawa yung tabo ko...ito pede...take it or leave it :D

YamahaSniper
May 27th, 2009, 09:33 PM
Yung personal kong helmet talagang gindi ko pinapahiram yun.
Pwede lang kay esmi.
Pasensya na lang talaga.
Maliban na lang kung emergency.

Walang alibi akong sasabihin, sasabihin ko lang talaga na hindi ako nagpapahiram ng helmet.

speedmaniac
May 27th, 2009, 10:16 PM
pag may humihiram sa iyo, ganito sabihin mo sige ok pare kunin ko lang sandali, tapos habang papaabot mo na yung helmet kunwari nababahing ka tapos bumahing ka sa loob ng helmet yung tipong nag ipon ka talaga ng laway at sipon, yung malakas talaga mga 100kph na bilis ng buga mo ng sipon at laway sa loob ng helmet. tapos sabihn mo, "excuse, sensiya na, old habits stays.". alugin mo pa yung helmet para mas maganda effect.

eto the best!!!!! plema na isama pa:evil:

Kaizen
May 27th, 2009, 10:33 PM
eto the best!!!!! plema na isama pa:evil:

hayuffff!!:banana:

jojotallada
May 28th, 2009, 01:22 AM
ung personal kong helmet dko pinapahiram.pero may helmet ako na pangrugrugan.alibi ko sa nanghihiram,wala eh, nasa hiraman.dpa binabalik,eto nlng muna.sabay abot sa pangrugrugan ko na helmet.wag lng may masabi,db?