Custom Search

View Full Version : lifter...


aloy_g
June 12th, 2003, 12:24 AM
ey guys... just wanna ask, are lifters advisable kapag mababa ung scoot?

sino dito ang mga gumagamit na nun? what are the advantages and disadvantage?

aloy_g
June 12th, 2003, 12:30 AM
tsaka btw, naka takasago na pala ako na shocks... siguro mabigat lang talaga ako kaya sumasayad pa rin ung chassis sa humps...

SmashGear
June 12th, 2003, 12:53 AM
aloy_g,

i once installed a KOSO lifter/adapter in my Takasago rear shock absorber. well, i think malaking tulong ang lifters sa mga sayad cases, especially pag lagi kang may angkas.. o kaya naman yung weight mo pa lang mismo upung-upo na ang scoot. observe ko rin na mejo nahihirapan ako sa handling, kasi mataas ung seat height at lalo nagiging stiff ang shock pag may lifter. sa ngayon tinanggal ko na yung lifter sa scoot ko, mukhang masarap ang handling pag mababa ang profile.. di nkakatakot mag bank sa twisty :)

terrible_one
June 12th, 2003, 06:30 AM
para sa akin mas ok ang handling pagmas mababa ang mga shocks. gaya nga ng sinabi ni smash "di nakakatakot magbank" at mas gamay ko na ang mababa.

advisable lang sa mga laging may angkas at sa nabababaan sa mga shocks nila:D bakit ka ba magkakabit ng lifter?

Wing 1
June 12th, 2003, 08:38 AM
Tama yung sinabi ni smashgear. Kapag may lifter, nanginginig puwit ng motor sa banking. Nakakatakot nga...less stable. Sa underbone ko, nilakihan ko na gulong ko. Mas madali tuloy mag banking manuevers at gumanda ang takba (smooth).

Ewan ko lang sa scoots. Pwede naman din palakihan ang gulong di ba? Good Luck! :)

iconics
June 14th, 2003, 01:22 AM
aloy_g

yung Jet ko naka-lifter, ok naman ang porma, parang naka beta ark na rin :D tsaka alang problema sa humps tsaka pag sumasampa sa mga street gutter (useful when avoiding traffic, use the pedestrian sidewalk:D )

FOSSIL
June 14th, 2003, 08:32 PM
iconics,



hndi ba mahirap lumiko ang jet mo???

Wolver888
June 15th, 2003, 06:11 PM
Fossil, naka subok na ako ng jet na nka lifter, ok naman, pero hindi sya nka full lift, nasa first level lang yung lift nya. yung lifter nya kasi ay three levels na pagpipilian. First level at +0.8 inch, then second +1.5 inches then +2 inches yung pangatlo.... approximate ... not sure about the exact measurements.

I guess lifters are needed if you have lots of humps or deep potholes that endanger your scoot's under/bottom. Or lots of humps along your everyday path.

Advantage : Pwde na pang offroad yung skut, kung matindi na trapik, pwede mo ipasok sa sidewalk without looking for any ramp to get onto the sidewalks, hindid na alanganin sa humps and compensates the backrider's added weight.

Disadvantage : Higher center of gravity, need more experience when cornering.

My scoot's too lowered, kaya lagi ako diagonal tuwing may humps. Pero sarap sa banking at stable sa high speeds along highways or stretches. :)

FOSSIL
June 15th, 2003, 09:57 PM
ganun po ba...... salamat!!!



mag pa lift kya ako tpos tatanggalin ko rin pag ayaw ko na. kumbaga tanggal-kabit. maganda din kc ang mataas......

iconics
June 15th, 2003, 11:09 PM
FOSSIL

Hindi naman mahirap lumiko pag naka-lifter. Pag nag-bank ka, nakakatakot kse parang malikot. Yung 1 inch lifter ang kinabit ko, mga 15 mins lang naman kabit na. Kaya lang nagpalit ako ng rear tire, upgrade ko sa 140/70-12 kaya lalong tumaas...mga additional 0.5 inch siguro. minsan mahirap mag-balance lalo na pag mabigat ang back rider. hirap din sumakay ang angkas dahil sa taas ng ioopen ng legs nya. To sum it all up, ok din ang me lifter, parang feeling superior ka pag mas mataas ang bike mo than the regular road bikes :D

Wolver888
June 15th, 2003, 11:11 PM
Originally posted by FOSSIL
mag pa lift kya ako tpos tatanggalin ko rin pag ayaw ko na. kumbaga tanggal-kabit. maganda din kc ang mataas......

OK lang yun Fossil, madali lang naman tanggal at kabit gaya ng sinabi ni iconics. Kahit ikaw na ang mag kabit at mag tanggal ... basta be sure na properly installed para safe pa rin ang ride mo. Mahirap na yung nsa lubak ka tapos kumalas ..... :D

FOSSIL
June 16th, 2003, 02:15 PM
gnun po ba ........... salamat sa reply!

aloy_g
June 16th, 2003, 09:27 PM
thanks guys! gusto ko kasi ung porma kapag mataas tapos kitang kita yung chrome na takasago shocks... :D bumili nako ng shock extension ng koso... di ba nakakasira un? ok naman... parang mas gusto ko kasi yung handling ngyong mataas na eh. tsaka hindi na sumasayad sa humps.

Wolver888
June 17th, 2003, 03:27 PM
Sa alam ko hindi naman nakkasira basta tama ang pagkalagay at hindi loose.

terrible_one
June 17th, 2003, 10:27 PM
yung ibang lifter na nakikita kong nakakabit, baliko na. baka pagsobrang bigat ng load (bigat) kaya nagkakaganon.

HoneyJM13
June 18th, 2003, 01:41 AM
Ako rin gusto ko ring mgkabit ng lifter kya lang ang sabi skin hndi na dw mase-center stand ung scoot kpg nakalifter. E ako pa nman lgi akong nkacenter stand kpg pinapark ko ung scoot ko. Maganda kasi kpg nakacenter stand kaysa side stand iwas bagsak ang scoot mo.:) ;) ;) ;)

athlonfan
June 18th, 2003, 01:46 AM
lifter, minsan ako gumamit nun at ok siya for straight driving,city driving pero nung nagpractice ako magbank, mahirap talaga handling ng mataas. disadvantage din pag biyahe at yung mga ordinaryong lifters, bumabaliko.

iconics
June 18th, 2003, 02:03 AM
nakalimutan ko nga pala banggitin yung center stand concerns. Right now, walang kwenta na center stand ko, kelangan ko pa ipa-extend. Pag nagpapalinis ako ng scoot, naghahanap pa ko ng kahoy para tumaas yung center stand. Pag naka side stand naman, mas tagilid ang tayo ng scoot, mas madaling matumba unlike before. Di bale...sanayan lang yan:*

Wolver888
June 18th, 2003, 03:10 AM
Terrible_one, depende sa klase ng lifter, yung lifter ng barkada ko, talgang matibay, two years na nyang gamit at madalas sya mag ankas at lubak pa pauwi sa kanila, la pa sign of weakness. Sa itsura pa lang kasi ng lifter nya, talgang masasabi mong matibay. Kapal ng ginamit na bakal, bili nya 350 pesos a pair. :)


HoneyJM13, Iconics, yung barakada ko na nag lifter, pina-extend na nya rin ang center stand nya at side stand nya para ma compensate yung lifter. Nag cut sya ng dalawang 1 inch tube two inches long tapos pina welding sa end part ng stands nya, good looking pa rin. :)


Athlonfan, tama ka dyan iba na ang handling, needs practice ulit dahil parang umiba ang dating ng skut ... pero practice makes perfect ......... but still, mas stable ang lowered kahit masasanay ka na sa lifted skut, at sa mga gustong maglifter, dapat dagdag caution sa banking, ingat ingat lang bros. :)

May mga lifter talgang bumabaliko, scan ko bukas yung pic nung lifter na binebenta dito, matibay sya, kapal ng material na ginamit kasi. :)

terrible_one
June 18th, 2003, 03:17 AM
wolver,
P350/pair? 2 ba shocks nya sa likod o isa lang ginamit nya?

Wolver888
June 18th, 2003, 03:26 AM
Originally posted by terrible_one
wolver,
P350/pair? 2 ba shocks nya sa likod o isa lang ginamit nya?


Isa lang shock nya ... yung isa eh hindi nya gamit .... a pair kasi ang bentahan, hindi pwedeng bilhin tig-isa ..... ang alam ko pang TMX yata mga lifter na yun eh. :D

Ako dalawa shocks sa likod, isa naman sa harapan. :D Ako nga sana gagamit ng lifter eh, nung tinanggal ko yung bolt ng shocks ko, hindi bumaba yung rear tire ko, limited pala ang HANGER ng skut ko kaya hindi ko mailift. E yung sa barakada ko, nung tinanggal namin yung bolt ng shock, bumaba ng almost two inches kaya pwede sya i-lift hanggang two inches.

aloy_g
June 18th, 2003, 12:53 PM
éh yung koso kaya na shock extender nakakabali? magkano kaya tsaka san nakakabili ng pang tmx na lifter?

iconics
June 19th, 2003, 12:58 AM
yung nabili kong lifter 150 isa lang yata 2 yrs ago...pang honda dream daw yun pero nagkasya naman sa JET ko, medyo dagdag washer nga lang. Usually almost 300 lbs kami ng misis ko sumasakay pero no signs of "baliko" naman

Wolver888
June 21st, 2003, 03:21 AM
Yan matibay yan ... yung para sa honda dream. Matigas din yan. :)
Yan ang advisable at maraming pagbibilhan yata. :)

hopiaboy
June 21st, 2003, 02:40 PM
yung kymco movie xl 150 ko ay di kasya ang mga available lifter kay pinapputol ko yung dulo(lower part) ..then pinadugtungan ko ng additional 1 inch flat bar by welding a part dun sa pinagputulan, then drilled a new screw thread.......mas mukhang matibay dahil parang orig pa rin ang shock... di na nasayad sa matataas na humps kahit na mabigat ang back rider ko. :C

aloy_g
June 23rd, 2003, 01:56 AM
sabi nung iba nakakasira daw ng engine bushing since hindi na napipigilan ng shock ung pagtabingi ng engine.kasi parang may joint na siya to move side ways.

Wolver888
June 23rd, 2003, 02:03 AM
Originally posted by aloy_g
sabi nung iba nakakasira daw ng engine bushing since hindi na napipigilan ng shock ung pagtabingi ng engine.kasi parang may joint na siya to move side ways.

Pag lifter, hindi apektado ang joint movement nya, one axis pa rin, unless mali pagkalagay o bumigay yung lifter o kaya yung engine bushing eh talagang laspag na .... yung barkada ko, malapit nang mag three years na nka lifter, hanggang ngayon he never had any encounter about engine bushing failure. But he plans to replace those bushing for safety measures, luma na kasi. :)