Custom Search

View Full Version : For registration...........


china1122
September 12th, 2008, 10:12 PM
advise naman po mga sir/maam.....

for registration po ang new bike ng friend ko....
nabili nya po ng sept 4....
so meaning wala pa po plaka....

sa sta. mesa kanina may check point...
ng tanungin kami asan ang plaka sabi namin wla pa po bago pa kasi....
hinahanapan kami ng certificate to travel o permit to travel galing kymco...
eh wala kami mapakita....
kinuha licenxa....
at kinausap friend ko....
buti pinagbigyan...

tanung ko lang po sana...

1. ilang lingo po ba pwede travel un ng walang plaka....

2. anu ung hinihingi nila na certificate o permit to travel chuva ek ek ng mga pulis????

pls lang po medjo confused ako knina....
salamat po....

jenjadnaed
September 12th, 2008, 10:16 PM
sa pagkakaalam ko po, kpag mga brand new na bike, 1 week po.
then, update kana uli sa dealer mo ng certificate

joel21
September 12th, 2008, 10:38 PM
that happened to me as well. sabi sakin ng dealer ko i should always bring a photocopy of the sales contract pero blank yung date nung paper na binigay nila sakin. Dapat daw lagi ko nirerefresh yung date so that the paper will show that i've just bought my mc for just a week -- wala daw huli pag ganun.

since noobie and sobrang excited pako magmotor nun, after a month nahuli din ako ng pulis and unfortunately, nakalimutan ko irefresh yung date. sabi nung pulis sa malanday, valenzuela 1 week lang daw ang allowance nila kasi nga "no plate, no travel" policy daw sila. kinuha na nga nya yung resibo at susi ng motor sakin kasi major offense daw yun at dadalin na nya mc ko sa munisipyo..

fortunately, me dumating na padrino at nakuha sa pakiusapan yung pulis, but i still shed off 500petot. kasi mas makaki daw yung babayaran ko sa lto kung tutuluyan nila ako. if i were just a subscriber here in mcp before, it wouldnt have happened...

china1122
September 13th, 2008, 06:42 AM
kusa po bang binibigay o ini-issue yung certificate na un o kami po ang hihingi nun???
dapat alam ng mga dealer yun diba???

bkt di binigyan ng kymco ang friend ko kaya??

invoice lang napakita namin sa pulis...
at may date pang nakalagay...
so meaning gang kahapon lang pwede gamitin yung bike....

500pesos- ang tindi talagang ng pulis nuh...
instant 500 agad...
pero kesa nga naman ma impound...

joel21
September 13th, 2008, 10:44 AM
honga e, gutom na gutom..

i dont know about the cert but yung dealer ko na kasi yung nagkusa na magremind sakin to bring the sales contract all the time. alam naman kasi nila na gagamitin na yung motor at talagang prone sa huli yun.

pagkahuli ko nga,nagpunta agad ako sa dealer ko para kulitin sila sa rehistro, installment ko kasi kinuha yung mc ko. sabi ko pag nahuli uli ako papakuha ko na yung motor tas bahala na sila bumawi nun. luckily, nakuha ko agad yung rehistro.

afaik generally, no plate no travel talaga lalo sa Lto pero nakakalusot sa ibang pulis yung 1 week sales contract. un e, depende sa level ng gutom nila...

bacolodnon
September 13th, 2008, 10:57 AM
1. hangang wala pang plaka, you need a certification from the dealer na under processing pa yung palte mo.
2. once may temporary plate kna, dapat may authorization ka galing LTO to use that temporary plate
3. dapat po dealer ang nag aarrange nito lahat. mag reklamo po kayo dun sa dealer, dala po kasi sa package ng pagbili nyu ng motor yang service nila

HTH

Mr_20
September 14th, 2008, 08:00 AM
TS, 1 week lng talaga pwede ibyahe motor kapag wala pang plaka...ipa-update nyo yung certificate of travel everyweek s dealer until n magka plaka n kyo..

Raymund Mojica
September 14th, 2008, 08:05 AM
Minsan di na din pwedi yang update update nayan, pag gutom ang pulis tingnan nya odometer mo,

paano mo iclaim na wala pang one week yang kung taas na odometer mo, 500 na naman yan

noypito
September 14th, 2008, 08:21 AM
legally speaking, kung wala kang plaka, you are not allowed to use any motorized vehicle 50cc and above sa public roads. yung sinasabi nilang one week na leeway, parang sabi sabi lang yan. kumbaga pinagbigyan lang tayo ng mga nanghuhuli. pero kung gutom sila, puede ka nilang huliin. as for the certification na galing sa dealer, it is just a certification para hindi ka puedeng hanapan ng butas ng pulis at sabihin na baka ninakaw mo lang ang motor. tanging LTO lang ang may kapangyarihan na mag issue sayo ng permit para magamit mo ang motor sa kalsada.

kaya if i were you, kukulitin ko nang kukulitin ang kymco na iproduce na nila ang plaka. kundi isoli mo na ang motor nila. or puede mong sabihin na downpayment ka lang muna, then pag may plaka na, tsaka mo kunin ang motor sa kanila. pero may time frame, kung di pa nila ma-produce by then, refund nila ang downpayment mo.

bulok kasi systema ng mga dealers ng motor dito. buti sana kung sila ang magbabayad pag nahuli motor mo.

Mr_20
September 14th, 2008, 08:24 AM
Minsan di na din pwedi yang update update nayan, pag gutom ang pulis tingnan nya odometer mo,

paano mo iclaim na wala pang one week yang kung taas na odometer mo, 500 na naman yansiguro hugot spedo cable muna..

JTMJ
September 14th, 2008, 11:45 AM
pakulit mo na lang sa friend mo yung plaka sis, teka nsino ba yung friend mo?:)

china1122
September 14th, 2008, 09:39 PM
pakulit mo na lang sa friend mo yung plaka sis, teka nsino ba yung friend mo?:)

ah salamat po sir...
yung friend ko po di member ng mcp....
opo papakulit ko nlng po sa kanya....

ceramic
September 16th, 2008, 02:05 PM
advise naman po mga sir/maam.....

for registration po ang new bike ng friend ko....
nabili nya po ng sept 4....
so meaning wala pa po plaka....

sa sta. mesa kanina may check point...
ng tanungin kami asan ang plaka sabi namin wla pa po bago pa kasi....
hinahanapan kami ng certificate to travel o permit to travel galing kymco...
eh wala kami mapakita....
kinuha licenxa....
at kinausap friend ko....
buti pinagbigyan...

tanung ko lang po sana...

1. ilang lingo po ba pwede travel un ng walang plaka....

2. anu ung hinihingi nila na certificate o permit to travel chuva ek ek ng mga pulis????

pls lang po medjo confused ako knina....
salamat po....
Grabe talaga ang checkpiont sa area na yan kahit mismo sa gitna ng Flyover paggaling ka ng sta.mesa or galing ka ng legarda papuntang sta.mesa. Mabubulaga ka na lang ang bilis ng takbo mo kasi paahon tapos bigla ka na lang haharangin ng mga bastos at hinayupak na pulis ng maynila. Pagdating mo naman sa Mendiola nagkalat ang mga pulis na nagmomotor na walang helmet.

freeman010
September 16th, 2008, 03:05 PM
new mc can be used on the road for 7 days from date of purchase (based on sales invoice/o.r.). after that, maski bigyan ka pa ng dealer nung tawag nilang "extension", hindi honored ng LTO yan. Maski pulis, unless mabait at nakaka intindi yung apprehending officer.