Custom Search

View Full Version : siren??


FOSSIL
June 5th, 2003, 06:45 PM
pwede ba lagyan ng sirena ang jet ko. yung parehas ng pang kotse. kc iniisip ko bka hndi kya ng battery kc malaki yung speaker. kaya kaya ito ng battery ng jet ko??? gus2ng gus2 ko kc yung 2nog nung "laser" ang tawag dun. salamat po!!!

reekee98
June 5th, 2003, 08:20 PM
Pwede yan, ang tanong kasya kaya yan sa loob nung unahan ng Jet?

FOSSIL
June 5th, 2003, 10:39 PM
magkakasya cguro. pero cgurado ba na kaya. kc pag hndi kaya d ba panget ang tunog ng sirena

reekee98
June 6th, 2003, 12:04 PM
Bayaw Sinski tornado 125 ang scoot nya palagays sya ng siren dun sa harap so far okay naman pero separate yung button ng siren from the stock horn..... Meron lang nilalagay na aparato which I forgot the name.....

jon17ph
June 6th, 2003, 12:47 PM
FOSSIL,

MERON KASYA PANG JET, MAGHANAP KA SA CALOOCAN, TRY DEKA OR CYCLE PLUS, IT FITS RIGHT IN FRONT OF THE JET, SAME TUNOG DIN WITH THOSE SIRENS NA PANG KOTSE.

FOSSIL
June 6th, 2003, 01:21 PM
jon17ph,


kasing lakas ba ng pang kotse yon??? tyaka meron ba yung tunog na "laser"???

reekee98
June 6th, 2003, 01:47 PM
Fossil, bago mo bilhin test mo muna puwede naman yun....I suggest maghanda ka ng mga 1,500 para sigurado

FOSSIL
June 6th, 2003, 05:49 PM
cge. salamat!

jojo
June 6th, 2003, 08:41 PM
Fossil, bawal yan unless may permit ka. pag na chechpoint ka tatangalin yan. sa mga pulis na yan para ikabit sa mga sasakyan nila. Marami na sa club namin na checkpoint at natanggalan sayang ang pera mo. pero kung hindi ka mapigil and suggestion ko ay maglagay ka ng toggle switch na maliit at nakatago para pag may check point ay ilipat mo sa original horn. Nangyari na sa kin yan he he.

ingat
ps. lagay ka ng relay para di ma drain ang battery mo

reekee98
June 6th, 2003, 08:46 PM
ps. lagay ka ng relay para di ma drain ang battery mo [/B][/QUOTE]
THAT'S it relay nga yung sinasabi kong aparato.....Jojo is right may huli na rin yung siren....bili ka na lang ng malakas na busina

FOSSIL
June 6th, 2003, 10:33 PM
salamat sa concern nyo. hndi ko nman tlga gus2 ung sirena ang gus2 ko kng yung 2nog na "LASER" (ang tawag dun) ang ganda kc. alam ko din kc na bawal ang sirena.

Wolver888
June 6th, 2003, 10:42 PM
Meron dito nka scooter na padaan daan sa harap ng shop ko, daig pa ang siren .... busina nya ung ... may kalabaw, aso, tumatawa ..... :O

FOSSIL
June 6th, 2003, 10:43 PM
wolver888,


yung parang pang jeep??? ganda nun ah ..... :D

Wolver888
June 6th, 2003, 10:47 PM
Fossil, kursunada mo? Yung para sa Jeep? OK naman, try mo kaya? Hindi naman matakaw sa baterya yun eh. Akala jeep ang dumadaan pag bubusina ka .... scooter pla ... hehehehe. :D

FOSSIL
June 6th, 2003, 10:53 PM
wolver888,

hndi nman sa kursunada. nakakatuwa lng.


may tanong po ako sa inyo..... ano po yung skut nyo???? 15.8 hp po yon???? mabilis yon ah .... alam ko kc ang jet 7 or 8 hp lng. salamat po!

Wolver888
June 7th, 2003, 01:03 AM
Originally posted by FOSSIL
wolver888,

hndi nman sa kursunada. nakakatuwa lng.


may tanong po ako sa inyo..... ano po yung skut nyo???? 15.8 hp po yon???? mabilis yon ah .... alam ko kc ang jet 7 or 8 hp lng. salamat po!

Nakakatuwa talaga kung ganon nga ang busina ng scooter..... :D

Motorstar Storm-150 yung skut ko, 150cc.... ngayon hawak na ng Zongshen Co. kaya dami ko kapareho na gawa ng Zongshen.
Nope. Sorry hindi 15.8HP, 13.8HP dapat yun, hindi ko ma edit nung napansin ko na kahapon, sanay na kasi na gamit ko yung numpad sa keyboard , mali pindot :D. Yung sa jet mo ... ang pagkakaalam ko 10.4Hp.
Actually hindi sa bilis yung HP, pero yung lakas na humataw sa akyatan, yung lakas sumipa at magbuhat ng rider ......dyan kakailanganin yung HP .... pero kung cruising sa highway ka, 4-6 Hp lang ang ginagamit. Kung sa bilis, CC na ang paguusapan. :)

spdfgtr
June 7th, 2003, 03:18 AM
Originally posted by Wolver888
Kung sa bilis, CC na ang paguusapan. :)

thats a negative bro. ;)

OK back to topic. Installing louder horns on your ride will provide you that extra margin of safety. Stock horns emit a puny "peep-peep" sound w/c doesnt even catch the attention of other motorists so ditching the stock horns for louder ones is a good idea.
Siren? If you aint a cop or a fireman then you got no business in installing a siren.

Wes Balabag
June 7th, 2003, 08:19 AM
Originally posted by Wolver888
Actually hindi sa bilis yung HP, pero yung lakas na humataw sa akyatan, yung lakas sumipa at magbuhat ng rider ......dyan kakailanganin yung HP .... pero kung cruising sa highway ka, 4-6 Hp lang ang ginagamit. Kung sa bilis, CC na ang paguusapan. :)

Wolver,
Actually, pre, yung hataw tawag dyan torque. Yung HP ay derived lang yan sa formula na HP = torque X rpm / 5252. Kumbaga ang lakas ng makina ay tinatawag na torque. Ang lakas(torque) na mabilis (rpm) ay horsepower. Me mga makina na malakas humatak sa umpisa pero pag dating sa high speed hindi na pwedeng humataw, kagaya ng mga diesel (jeepneys, Harley-type cruisers, atbp.). Meron naman hindi masyado humatak sa low rpm, pero pag-abot ng high rpm, bigla lang lumakas ang hataw (turbo cars, race bikes). Pag malakas sa low rpm, tawag dun, low-speed/high torque. Pag mahina sa low rpm, pero malakas sa high rpm, tawag dun high-speed/high HP.

Yung cc (cubic centimeters o cm^3) naman ay ang volume displacement o pagkalaki ng makina. Siempre pag malaki ang makina mas malakas din humatak. Pero hindi lahat. Depende sa design o kundisyon. Me mga makina nga na hindi na malakas pumutok dahil luma na, gastado na. E di siempre, wala nang masaydong torque yun. Yung putok kasi ang may kagagawan ng torque. Tawag dun BMEP (Brake Mean Effective Pressure).

Wes Balabag
June 7th, 2003, 08:29 AM
Originally posted by FOSSIL
salamat sa concern nyo. hndi ko nman tlga gus2 ung sirena ang gus2 ko kng yung 2nog na "LASER" (ang tawag dun) ang ganda kc. alam ko din kc na bawal ang sirena.
Yung Laser ba na Ford Laser? Di ba Fiamm 2-tone yun? Pwede siguro kung 12-volt yung skut mo. Kaso lang baka aksaya sa baterya, dalawa kasi yun.

Wolver888
June 7th, 2003, 10:10 AM
You said it right Wes. :)

FOSSIL
June 7th, 2003, 01:05 PM
wes,


hndi yung ganon. yon yung parang huni ng kalapati ang 2nog pero mas maganda

Wes Balabag
June 7th, 2003, 01:49 PM
ah... far out pala yung tanong ko.