Custom Search

View Full Version : Walang respetong kamag-anak.

Jeoforms
April 4th, 2008, 01:54 PM
Guys gusto ko lang malaman kung anung gagawin nyo kung kayo ang nasa lagay ko.

Last week, nasa bahay lang ako tapos napansin ko may naghuhukay sa bakuran namin, as in sa loob ng bakod. Nakita ko ung mga naghuhukay ung mga trabahador ng tito ko na nagpapagawa ng bahay sa likod ng bahay namin.Yung tito ko at tatay ko ay kasalukuyang may conflict at di sila nag-uusap. So lumabas ako hindi umimik at nagpakita ako sa kanila, para lang malaman nila na nasa bahay ako at makapagpaalam sila kung ano man ung ginagawa nila.

Hmm after mga ilang saglit nainis na ako dahil hukay pa rin sila ng hukay na hindi ko alam kung anu ung hinuhukay nila. Lumabas ulit ako this time galit na ako, tinanung ko kung para saan ung hinuhukay nila, kanino sila nagpaalam, sino nagutos, at sino nagbigay ng pahintulot na maghukay. Magtatayo daw sila ng poste ng kuryente at iniutos daw ng tito ko! Hindi rin daw sila nagpaalam sa tatay ko! Anak ng teteng poste ng kuryente itatayo sa loob ng bakuran ng iba ng walang pahintulot ok lang kayo!? At take note ung location na paglalayan nila hindi sya gilid na gilid medyo nasa gitna pa.

Kung kayo nasa lagay ko anu kaya gagawin nyo?

burdenfire85
April 4th, 2008, 02:31 PM
kausapin nyo po tito nyo sir. nadadala naman lahat sa mabuting usapan eh.

GigaByte
April 4th, 2008, 02:32 PM
yaan mo muna na maitayo nila ang poste tapos itumba mo.. heheh joke lang sir

report mo sa barangay kung hindi makuha sa matinong usapan.. Palala wag mo po pagalitan ang mga trabahador kasi binabayaran lang sila ng tiyuhin mo para magtrabaho.. kausapin mo tito mo muna

nareh
April 4th, 2008, 02:35 PM
Ipa barangay mo!

Jeoforms
April 4th, 2008, 02:40 PM
Yung material pala nung poste ay bakal at wala man lang isulator kaya maaring makadisgrasya.

android_james
April 4th, 2008, 02:41 PM
yaan mo muna na maitayo nila ang poste tapos itumba mo.. heheh joke lang sir

report mo sa barangay kung hindi makuha sa matinong usapan.. Palala wag mo po pagalitan ang mga trabahador kasi binabayaran lang sila ng tiyuhin mo para magtrabaho.. kausapin mo tito mo muna

LAMI LAGI NA IMO AVATAR DA, GAE KO ANA BEH? KANANG DAKO NGA PIC

asylum
April 4th, 2008, 02:45 PM
Guys gusto ko lang malaman kung anung gagawin nyo kung kayo ang nasa lagay ko.

Last week, nasa bahay lang ako tapos napansin ko may naghuhukay sa bakuran namin, as in sa loob ng bakod. Nakita ko ung mga naghuhukay ung mga trabahador ng tito ko na nagpapagawa ng bahay sa likod ng bahay namin.Yung tito ko at tatay ko ay kasalukuyang may conflict at di sila nag-uusap. So lumabas ako hindi umimik at nagpakita ako sa kanila, para lang malaman nila na nasa bahay ako at makapagpaalam sila kung ano man ung ginagawa nila.

Hmm after mga ilang saglit nainis na ako dahil hukay pa rin sila ng hukay na hindi ko alam kung anu ung hinuhukay nila. Lumabas ulit ako this time galit na ako, tinanung ko kung para saan ung hinuhukay nila, kanino sila nagpaalam, sino nagutos, at sino nagbigay ng pahintulot na maghukay. Magtatayo daw sila ng poste ng kuryente at iniutos daw ng tito ko! Hindi rin daw sila nagpaalam sa tatay ko! Anak ng teteng poste ng kuryente itatayo sa loob ng bakuran ng iba ng walang pahintulot ok lang kayo!? At take note ung location na paglalayan nila hindi sya gilid na gilid medyo nasa gitna pa.

Kung kayo nasa lagay ko anu kaya gagawin nyo?

kausapin mo ng maayos tito mo pag galit nag salita at tipong matapang, ipa-barangay mo.. sa panahon ngayon hindi na uso ang robin padilla type ngayon (siga kuno )... rehas at batas ang katapat nyan

GigaByte
April 4th, 2008, 02:45 PM
Ayg OT bai.. be ipasa imong emial.. I email n lang nako heheh

redT2.0
April 4th, 2008, 05:33 PM
tama kausapin mo na itigil na or dadating kayo sa barangay.

VASILI
April 4th, 2008, 05:36 PM
mukhang masarap maglagay ng jumper jan?

bad nga yang tito mo...madaming raket

dapat sinabe mo sa tito mo tanda tanda na jan ka pa sa kapit mo nakikituloy..palayasen mo na

Jeoforms
April 4th, 2008, 09:20 PM
Kinausap ko actually kaso sila pa ang galit, kainis. Madamot daw ako parang poste lang daw na itatayo. Hindi nila maintindihan ung point ko na dapat ipaalam ko muna nila bago gawin hindi ung kung umasta ay parang kanila.

VASILI
April 4th, 2008, 09:25 PM
palayasen mo na tito mo

ako nga sinasabihan ko ng palamunen de paren umaales tapos lakas pa umubos ng drum ng tubig kapag naliligo...bute nalang nag ibang bansa na

abercrombie
April 4th, 2008, 09:29 PM
report mo sa kina uukulan..

fredyyy
April 4th, 2008, 09:31 PM
aba, tigas ng muka ah..

kausapin mo muna sir.. tapos pag-ayaw parin, kasuhan mo na ng trespassing..:O

hahaha.. pede ba yun..?:?

pentium d
April 4th, 2008, 11:48 PM
Ganun ba? Sya pa ang galit sa lagay nyan? "An eye for an eye" ang solusyon dyan. Magpahukay ka din sa bakuran nila. Pede mo gawin drainage ng kitchen sink nyo yung nahukay o kaya ay poso ng tubig. Kahit ano na medyo mapapakinabangan mo din.ok?

jetzone
April 4th, 2008, 11:57 PM
eto muna gawin nyo muna:

make sure yung bakuran nyo na ayon sa doucmentation sa titulo ng lupa eh talagang sakop yung lupang pinakikialaman nila...

kung hindi....trespassing yun...

and we dont want to be privy...pero bakit pala me alitan yung tatay mo at yung tito mo?

simple lang naman para huminto yung mga naghuhukay kung sigurado kayong lupa nyo yun...tawag ka ng pulis o barangay....tresspassing yun...

Col.TED
April 4th, 2008, 11:58 PM
there are certain regulations at may ordinances din to be followed on erecting electrical posts...plus safety measures na rin.....you have all the right....

Col.TED
April 5th, 2008, 12:00 AM
or kabitan mo live wire yung poste para 'alang makahawak....ahihi:)

jetzone
April 5th, 2008, 12:04 AM
tsaka ihian nyo yung poste para di rin mag tre trespass yung aso tsaka pusa nila

pwede manok [ ulam kasi yun ]:D

enes
April 5th, 2008, 12:32 AM
madali lang yan...since may alitan na pala yung erpats tsaka tiyuhin mo..at hindi pa kamo nag-uusap...so napaka imposible na nakapagpaalam yung tiyo mo sa erpats mo, and napakalabo na din na pinayagan siya ng erpats mo if ever nakapagpaalam man siya...kaya wag kanang magdalawang isip na ipa baranggay o ipapulis yung problema mo...kung ako ikaw, nung araw palang na nakita kong may naghuhukay sa bakuran niyo, pinalayas ko na agad yung mga trabahador na yon..at pagsasabihan ko na sakin sila sumunod at hindi sa tito ko dahil pamamahay namin yun...

anu nga pala ginawa or reaksyon ng erpats mo nung nalaman niya ang nangyari?

vaughn1723
April 5th, 2008, 03:58 AM
Una take note kung legitimate ung paghuhukay dun...Paghindi pa-pulis mo na...Bakuran nyo un eh...Unless ung titulo ng bahay nyo e wala sa pangalan ng tatay mo....

jfdvrooooom1
April 5th, 2008, 05:10 AM
maglagay ka ng paskil sa bakuran ninyo.... "BAWAL ANG POSTE SA LOOB NG BAKURAN" :D

Anyways, idaan mo na lang muna sa Baranggay since Domestic Dispute and kasama sa usapan dahil nga meron alitan ang erpat at tito mo.

And kung hindi kumampi sa inyo ang baranggay after nito eh agree rin naman ako sa suggestion ni pentium... Magpalagay ka ng posonegro na meron malaking breather sa bakuran nila. sabihin mo kasama sa future plan mo na magpapalagay ka ng banyo sa bakuran ninyo.

noypito
April 5th, 2008, 05:30 AM
magpatayo ka rin ng poste na kasing laki ng eiffel tower sa bakuran nila.

papaBERT16
April 5th, 2008, 06:41 AM
tama ang nakakarami,mas nakakabuting ilapit mo muna sa barangay brod hangat di pa natatapos ang poste,once na nabuhusan na ang foundation nyan,mahihirapan ka na at baka pagbayarin ka pa ng ginastos ng poste once na pinaalis mo na yan.

Boeing
April 5th, 2008, 12:47 PM
barangay matters lang iyan

ang problema baka kamaganak niya si kapitan :)

noypito
April 5th, 2008, 01:17 PM
basta nakatitulo sa inyo ang property, puede mo nang idemanda for trespasing at damage to property.
ipakulong mo ang mga humuhukay. puedeng maging deadly weapon din ang pala. sabihin mo nalang na nasindak ka sa dami nila at sa dala nilang pala kaya di mo sila mapigilan sa paghuhukay.

aloy_g
April 5th, 2008, 03:46 PM
barangay matters lang iyan

ang problema baka kamaganak niya si kapitan :)
walang problema dun pre, kasi kung kamag anak nya si kapitan, eh di kamag anak din nila TS si kapitan. :O

Freelancer, The
April 5th, 2008, 04:18 PM
eto muna gawin nyo muna:

make sure yung bakuran nyo na ayon sa doucmentation sa titulo ng lupa eh talagang sakop yung lupang pinakikialaman nila...

kung hindi....trespassing yun...

and we dont want to be privy...pero bakit pala me alitan yung tatay mo at yung tito mo?

simple lang naman para huminto yung mga naghuhukay kung sigurado kayong lupa nyo yun...tawag ka ng pulis o barangay....tresspassing yun...

This ill resort to also pag di nakuha sa pakiusap.

Jeoforms
April 6th, 2008, 10:39 AM
eto muna gawin nyo muna:

make sure yung bakuran nyo na ayon sa doucmentation sa titulo ng lupa eh talagang sakop yung lupang pinakikialaman nila...

kung hindi....trespassing yun...

and we dont want to be privy...pero bakit pala me alitan yung tatay mo at yung tito mo?

simple lang naman para huminto yung mga naghuhukay kung sigurado kayong lupa nyo yun...tawag ka ng pulis o barangay....tresspassing yun...

Sa tatay ko po nakapangalan ung lupa.

Di sila magkaayos ngaun kasi ung tito ko nagbenta ng lupa, ung lupa na yun nakapangalan lang talaga sa kanya kaso ang pinanbili ng lupa na yun hati sila ng tatay ko. Ang mali ng tatay ko wala syang proof dahil kapatid nya nagtiwala sya masyado. Yung pera na un ang ginagamit nya ngaung pampatayo ng bahay nya.

Nireport ko na sa barangay pero hindi sila sumipot. Ang claim nila hindi naman daw nila tinuloy pagtatayo ng poste kaya wala na daw pag-uusapan pa.

mike cardoza
April 6th, 2008, 10:44 AM
Yung material pala nung poste ay bakal at wala man lang isulator kaya maaring makadisgrasya.

bro para sa akin mali ung gingawa nila..pero palagay ko may mga prblem na ang pamilya mo at ang tito mo kasi nde nman niya gagawin un kung wala kayo alitan or prblem na masasabi dd?so dapat harapin mo ang tito mo nang maayos nang nde kayo magaway.IMHO Langg..

Jeoforms
April 6th, 2008, 10:49 AM
madali lang yan...since may alitan na pala yung erpats tsaka tiyuhin mo..at hindi pa kamo nag-uusap...so napaka imposible na nakapagpaalam yung tiyo mo sa erpats mo, and napakalabo na din na pinayagan siya ng erpats mo if ever nakapagpaalam man siya...kaya wag kanang magdalawang isip na ipa baranggay o ipapulis yung problema mo...kung ako ikaw, nung araw palang na nakita kong may naghuhukay sa bakuran niyo, pinalayas ko na agad yung mga trabahador na yon..at pagsasabihan ko na sakin sila sumunod at hindi sa tito ko dahil pamamahay namin yun...

anu nga pala ginawa or reaksyon ng erpats mo nung nalaman niya ang nangyari?

Pinalayas ko nga mga trabahador at tapos sabi ko "pakisabi sa nag-utos sa inyo na hindi pwede yang basbasta na lang maglalagay ng kung anu ano sa hindi nya pagmamay-ari, walang bastusan kamo"

Nung nasabi na etong makapal na mukha kung tito pumunta sa bahay di pa kumatok basta na lang binuksan sliding door sabay tawag ng pangalan ko at "bakit daw?" "Sabi ko uncle (ginalang ko pa ha:eek:) wala naman ganyanan igalang nyo naman ang pagmamay-ari ng iba, ipaalam nyo muna bago kayo maglagay ng kung ano" Sabay alis sabi "parang yan lang ipinagdamot mo pa", sabay lakad papalayo.

Ang baba ng IQ noh di nya magets ibig kung sabihin. Nasanay na kasi sa kasakiman nya. Pero mas mahina naman itong asawa nya, sabi sa akin yun daw ang sinabi ng electrician na paglalagyan ng poste? walastik makatawag nga din ng electrician at sabihin ko magtayo kami ng 10 poste sa kanila :banana: . Hmm matawag nga si volta

pentium d
April 6th, 2008, 12:26 PM
Bro, so ang latest update tungkol dun sa ipapatayong poste ng Tito monyo mo , ay hindi na natuloy? Ganun nga ba?

pinay_ako
April 6th, 2008, 02:25 PM
ang KAPAL NG MUKHA ng tito mo :g

jfdvrooooom1
April 6th, 2008, 02:43 PM
kung ganun pala na hindi na itutuloy yung poste.... my advise pre just let it go.... mahirap ang may kaaway everyday, worst eh kapit bahay mo... much even worst kung kamaganak mo pa kaaway mo...

idaan mo na lang ulit sa baranggay kung manggulo nanaman or magbalak nanaman magpatayo ng poste.... na realize niya siguro mali niya kaya hindi na pinatuloy

monster_garage
April 6th, 2008, 02:57 PM
magandang dalin sa local ala jerry springer satin tong issue na to, yung DERETSAHAN hosted by amy perez. meron pa ba nun sa abc5:D

ivanreaper24
April 6th, 2008, 02:58 PM
kausapin nyo nalang at mag kakamag anak pa naman kayo...wag na sana umabot sa barangay dahil (para sakin) nakakahiya narin dahil panigurado magkakalabasan pa na personal na problema at panigurado ma dya dyaro pa kayo sa barangay nyo...na ang pinagawayan ng MAG KAMAG ANAK NA MAGKAPITBAHAY AY ANG PAGTATAYO NG POSTE...wag naman sana..usap nalng ng maayos...kung kailangan nila talaga magtayo ng poste...magbigay ka nalng ng idea kung saan pwed..kung saan hindi delikado at sagabal...IMHO

jetzone
April 6th, 2008, 03:44 PM
Sa tatay ko po nakapangalan ung lupa.

Di sila magkaayos ngaun kasi ung tito ko nagbenta ng lupa, ung lupa na yun nakapangalan lang talaga sa kanya kaso ang pinanbili ng lupa na yun hati sila ng tatay ko. Ang mali ng tatay ko wala syang proof dahil kapatid nya nagtiwala sya masyado. Yung pera na un ang ginagamit nya ngaung pampatayo ng bahay nya.

Nireport ko na sa barangay pero hindi sila sumipot. Ang claim nila hindi naman daw nila tinuloy pagtatayo ng poste kaya wala na daw pag-uusapan pa.

sad to say...and though its a difficult pill to swallow: fault din ng erpats mo. remember...nag invest sya ng pera dun...kaya kelangan me proper documentation na he's part of the transaction

if i were in his shoes....ill try to forget the whole blunder thing...sabi nga nila...weather weather lang yan...ang alam ko kasi me karma yung nanlalamang sa kapwa...

the best thing to do is to protect what you currently own...and make sure alam nyo yung official figures na kinasasakupan ng lupa nyo...mahirap na kahit isang piye na sukat eh pwede nilang akuin...

tutuo yun kung alang posteng naitayo wala talagang paki ang barangay...

at least hindi ****-a yung tito mo to pursue his actions....alam nya kasing tagilid yung sitwasyon nya...

remember...

it is common among relatives na kahit sa mana eh nagkakatalo pa...though blood is thicker than water....minsan kadugo mo pa ta********* sayo...

siguro naman eh me katibayan ang tatay mo na pinautang nya yung tito mo para mapaayos yung bahay nya..

Jeoforms
April 6th, 2008, 06:36 PM
Yup hindi nga tinuloy sa loob ng bakuran namin. Nilipat sa isang sulok which is officially sa amin din na inangkin nila. Yung bahay kasi ng anak nya dati na itinayo noong 1990's pa may sinakop na about 2x10meters na lote namin sa likod nung lote na yun tinayo ung poste. Well ok naman yung lugar na pinaglagyan kaya di na ako umimik. Pero ngayon lumalabas ako pa yung mali at madamot.

monster_garage
April 6th, 2008, 10:19 PM
pat OT lang TS saang lugar po yung nakaka high blood ang bawang, yun kasi nakalagay sa location mo. alam ko kasi gamot sa highblood yun eh.

Jeoforms
April 6th, 2008, 11:40 PM
pat OT lang TS saang lugar po yung nakaka high blood ang bawang, yun kasi nakalagay sa location mo. alam ko kasi gamot sa highblood yun eh.
Pagtatanim kasi ng bawang mostly kinabubuhay ng tao dito sa amin. Kaya kapag ninakaw ang bawang mo hihigh bloodin ka.

Wala tatay ko nung nagkaron ng commotion, pero kinuwento ko sa kanya. Mabuti naman daw at pinigilan ko.

VASILI
April 6th, 2008, 11:44 PM
uu nga naman nakaka highblood kung nakawen yun bawang nyo tapos

sabay tayuan pa ng poste ang bakuran..de ba nila dun ren tinatanem ang bawang?

peru at least sir wala na yun mga poste gang jan...

jetzone
April 7th, 2008, 02:26 AM
Yung bahay kasi ng anak nya dati na itinayo noong 1990's pa may sinakop na about 2x10meters na lote namin sa likod nung lote na yun tinayo ung poste. Well ok naman yung lugar na pinaglagyan kaya di na ako umimik. Pero ngayon lumalabas ako pa yung mali at madamot.

ganito na lang,,, kung anu pagmamayari nyo...kunin nyo na...its nothing to do na pagiging madamot...remember....they were the ones who started it..

kung di kayo iimik...it means they were able to get away with it....

tsaka bear in mind na sila yung me atraso sa inyo... not the other way around...

yang pagsakop ng lote kahit maliit...pwede rin pagsimulan yan ng gulo ulit...

at this moment best to do is every man for himself...

kidlat_tahimik
April 7th, 2008, 02:44 AM
yung tito mo ang isang "builder in bad faith" under the civil code kaya tingnan mo yung tatlong probisyon na maari mong gamitin laban sa kanya:

Article 448. The owner of the land on which anything has been built, sown, or planted in good faith, shall have the right to appropriate as his own the works, sowing or planting, after payment of the indemnity provided for in Articles 546 and 548, or to oblige the one who built or planted to pay the price of the land, and the one who sowed, the proper rent. However, the builder or planter cannot be obliged to buy the land if its value is considerably more than that of the building or trees. In such a case, he shall pay reasonable rent, if the owner of the land does not choose to appropriate the building or trees after proper indemnity. The parties shall agree upon the terms of the lease and in case of disagreement, the court shall fix the terms thereof.”

“Article 449. He who builds, plants, or sows in bad faith on the land of another, loses what is built, planted or sown without right to indemnity.”

“Article 450. The owner of the land on which anything has been built, planted or sown in bad faith may demand the demolition of the work, or that the planting or sowing be removed, in order to replace things in their former condition at the expense of the person who built, planted or sowed; or he may compel the builder or planter to pay the price of the land, and the sower the proper rent.”

noypito
April 7th, 2008, 05:35 AM

pa OT...
sir, ikaw ba yung sa avatar mo? or ikaw si kidlat tahimik sr na anak ng nasa avatar?

Jeoforms
April 7th, 2008, 09:23 PM
ganito na lang,,, kung anu pagmamayari nyo...kunin nyo na...its nothing to do na pagiging madamot...remember....they were the ones who started it..

kung di kayo iimik...it means they were able to get away with it....

tsaka bear in mind na sila yung me atraso sa inyo... not the other way around...

yang pagsakop ng lote kahit maliit...pwede rin pagsimulan yan ng gulo ulit...

at this moment best to do is every man for himself.

My father is so silent about things kahit sya na yung ninanakawan. Sa tingin ko ako na lang ang gagalaw. Madami pa silang kinamkam actually,there are too many to mention

Jeoforms
April 7th, 2008, 09:26 PM
@kidlat tahimik

Sana pala hinayaan ko muna maitayo sabay singilin ko sila ng renta o kaya demolished after maitayo.

kidlat_tahimik
April 8th, 2008, 07:50 AM
@kidlat tahimik

Sana pala hinayaan ko muna maitayo sabay singilin ko sila ng renta o kaya demolished after maitayo.

in that case ikaw na owner ang magiging in bad faith mismo.
tama yung ginawa mo na pinigilan mo sila kasi kung hindi mo ginawa ikaw ang magiging "estoppel in laches" or pinabayaan mo ang karapatan mo na abusuhin ng iba kaya ang sabi ng civil code di mo pwede gamitin ang art. 448-450. Magiging bad faith lang ang tito mo kung pinigilan mo na sila, itinuloy parin yung ginawa nilang poste at tinuloy pa rin nila ang construction despite warning from owner.
in that case, next move mo was to ask the regular court for a temporary restraining order. with a prayer for permanent injunction for your tito to stop from encroaching on your property, tapos demolition and repair at his expense, and damages for sleepless nights.

Wolver888
April 8th, 2008, 08:32 AM
Ay ukis ti saba! Dapat itayo nila yung poste sa bakuran nila at hindi sa inyo.

Jeoforms
April 9th, 2008, 07:13 AM
@kidlat_tahimik
ganun pala yun. are you a lawyer sir?

@wolver888
bulong ti saba! :)

ch7ad7
April 9th, 2008, 07:57 PM
pagnagalit pa sayo pati yung sukat na 2x10 meters ba yon na inangkin nila.kunin mo pa rin may sukat naman yan N.H.A. kaso siguraduhin mo rin muna. loko yon ahh! nagpa poste sa gitna ng bakod ng iba! hahahha! joke lang bro ok naman na yata ehh! wag mo lang daanin sa init ng ulo tsaka marahas na paraan.