|
|
View Full Version : Ang tamang paggamit ng body protector
windrider06 March 15th, 2008, 11:52 PM Ganito po ang sitwasyon:
Noong kabataan namin at naunang maging riders ng iron horses, ang pinaka magarang attire sa amin ay ang pagsusuot ng leather boots, leather pants at leather jacket. Sikat ka na nun. Walang helmet, di pa nauso yun. Kung meron man, hindi pinaggagamit. Tanong kayo sa mga tandang riders. Wala akong nakitang naka short o tsinelas ang suot pag lumalabas sa garahe ang mga motot, ika nga. Yun ang aming body protector. ROCK and ROLL pa ang panahon.
Ngayon: R&B at Alternatives na ang music, Kung anu-ano na ang mga lumabas na uri ng protector. Kayo na po ang magsabi ng brands.
Tanong lang po! Papaano po ba talaga ang tamang paggamit nito? yaon ba ay sa labas ilalagay o sa loob? Karamihan po kasi sa obserbasyon ko, suot muna ang apparel bago protector. Strap sa siko strap sa tuhod. Na kung minsan pa ay naka short lamang at tsinelas.
No offense made mga sirs,just starting a thread na pwede nating kapulutan ng munting aral. PEACE and SAFE RIDE Brothers!:)
zeke_ March 16th, 2008, 12:23 AM none taken sir. depende na siguro sa may katawan yan sir. kasi ang purpose naman nyan is to protect the rider e. sa case ko i wear the armor over my t-shirt and my knee/shin guards under my jeans. noon po kasi di masyado mga pasaway sa kalsada kaya leather jacket, leather pant at boots ok na. times change ika nga. nowadays dami nang pasaway sa kalsada. talamak ang street racing at ang dali nang kumuha ng license basta may pera ka. so napulsuhan ng bike apparel makers na ganun ang nangyayari so dumami ang line ng protectors. depende na sa rider kung anu ang gusto nya
Fukitol March 16th, 2008, 12:51 AM Kung fit ang damit at pantalon pwedeng sa labas na ang protector...
Pero kung maluwag naman gayang mga mx/atv jersey pwede na sa loob ng damit.
Yung iba kaya sa labas inilalagay ang mga body protector gaya ng knee at elbow (fox, answer, scoyco, komine, TMKP, bionic, raptor, AlpineStar, EVS, Thor, sixsixone at marami pang iba) kasi namamantal ang kanilang flawless skin...kidding aside...Uncomfortable para sa iba na nasa loob ang knee/elbow protector kasi gaya sa experience ko nagkakapantal ang area kung saan naka strap ang protector.. Kaya suot muna ng pantalon bago knee protector.
Pgdating sa body armor & back protector (MSR, O'neal, Fox, Quadrant, Thor, Sixsixone, EVS, AlpineStar, Dainese, Shift, MSR, Acerbis, Teknic) , karamihan kung di naka jacket sinusuot nila ito pang-ibabaw ng t-shirt, since madaling tanggalin ito pagdating sa lugar na kanilang pupuntahan at bukod pa doon awkward din ang feeling pag direktang nakadikit ito balat mo kaya over sa shirt ito sinusuot. Parang bagang yung balaclava na suot muna bago helmet ganun din t-shirt muna bago body armor. Kaya minsan may mga body armor tayong nkikita gaya ng Fox na pwede ng suotin kaagad gaya ng jacket
Sa pangkalahatan mapalabas o mapaloob ng attire mo nakasuot ang protector wala problema basta protectado ka
Pero yung naka tsinelas at short....hmmmmm...pwede na yun pag within subdivision or malapitang lugar..pero kung malayuan na ...mukha ngang di bagay ang short at tsinelas.
kanuto123 March 16th, 2008, 01:10 AM nag iiba na talaga ang panahon ngaun....scientific na ang ginagamit....or may technology na behind our riding apparels.....for example basketball noon basta marunong mag dribble at mag shoot ok na.....eh ngaun marami ng mga clinic to improve the skills at scientific basketball na ang tinuturo......ganon din sa pag momotor natin.....scientific way of driving, safe driving/techniques at safety gears na.....
sikat at uso ngaun full battle gear at defensive driving.... ok lng its for our safety naman....
ok lng naka short at tsinelas basta sa kanto lng ang lakad heheheheh....
jhingjhe March 18th, 2008, 07:08 PM UP for more
garyboy_palaboy March 18th, 2008, 08:08 PM Kung fit ang damit at pantalon pwedeng sa labas na ang protector...
Pero kung maluwag naman gayang mga mx/atv jersey pwede na sa loob ng damit.
Yung iba kaya sa labas inilalagay ang mga body protector gaya ng knee at elbow (fox, answer, scoyco, komine, TMKP, bionic, raptor, AlpineStar, EVS, Thor, sixsixone at marami pang iba) kasi namamantal ang kanilang flawless skin...kidding aside...Uncomfortable para sa iba na nasa loob ang knee/elbow protector kasi gaya sa experience ko nagkakapantal ang area kung saan naka strap ang protector.. Kaya suot muna ng pantalon bago knee protector.
Pgdating sa body armor & back protector (MSR, O'neal, Fox, Quadrant, Thor, Sixsixone, EVS, AlpineStar, Dainese, Shift, MSR, Acerbis, Teknic) , karamihan kung di naka jacket sinusuot nila ito pang-ibabaw ng t-shirt, since madaling tanggalin ito pagdating sa lugar na kanilang pupuntahan at bukod pa doon awkward din ang feeling pag direktang nakadikit ito balat mo kaya over sa shirt ito sinusuot. Parang bagang yung balaclava na suot muna bago helmet ganun din t-shirt muna bago body armor. Kaya minsan may mga body armor tayong nkikita gaya ng Fox na pwede ng suotin kaagad gaya ng jacket
Sa pangkalahatan mapalabas o mapaloob ng attire mo nakasuot ang protector wala problema basta protectado ka
Pero yung naka tsinelas at short....hmmmmm...pwede na yun pag within subdivision or malapitang lugar..pero kung malayuan na ...mukha ngang di bagay ang short at tsinelas.
pero ako paps no more tsinelas while riding bike, kahit bulok na sapatos lang pwede na.
.
driedmango March 22nd, 2008, 06:23 PM pag maluwag ang jacket at pants na suot ko, sa loob ko nilalagay ang knee/shin at elbow guards. pero kapag masikip, sa labas na lang. iba na ang panahon ngayon. Kailangan maingat tayo, lalo na ang daming reckless drivers/riders sa atin.
archico01 March 29th, 2008, 02:23 AM @ windrider06
ganyan din ang kasuotan ng tatay ko pag may mga byahe sila. Leather jacket, jeans, at high boots!! Tapos wala syang helmet... balaclava lang.
Kung member ka po ng Takaz ( as i saw in your avatar) baka kilala nyo tatay ko kasi alam ko nakakasama nya (or member sya, not sure) ng Takaz. Sori OT.
Wolver888 March 29th, 2008, 02:30 AM Maybe you mean "Ang tamang PAGSUOT ng Body Protector".:)
Well, depende sa klase ng protector pads at sa isusuot na damit, at depende na rin sa rider yan.
Sakin nasa labas yung knee-shin at yung arm-elbow protectors ko. Pero suot kung may susuot akong jacket, nasa loob ng jacket na yung elbow-arm protectors.
Para pag nasa destination na, at least nasa labas lang yung protectors at madaling tanggalin muna at ibalik nalang pag ride nanaman.
PERO wag na wag sanang magamit o mapakinabangan itong mga protectors ng naaaaaaaaaaaaaaaaapakahabahabang panahon.:banana:
driedmango March 29th, 2008, 03:06 AM Dahil ba lul lu tong ang plastic sa katagalan?
mototech March 29th, 2008, 03:22 AM ang karamihan na protector ay naka velcro or snap botton , pag nasa labas ng damit puweding natangal pag dating ng aksedente kaya sa dirt at road racing nasa loob para kong sakali na magkaroon ng force o lakas pag sayad sa anomang bagay ay hindi sya matatangal at sa lugar lagi kaya mas maganda na sa loob ng damit naka soot mas protectado ka. yan ay para sa aking alam lang at salamat kong tama ako
Mykel_khelly March 29th, 2008, 10:06 AM nun bata pa ako bihira pa lang ako ng mga tao sa kalsada nagmomotor. kung meron mang mga pang tricycle lang. ngayon dami ng naka mc di na mabilang makikita mo na mc. kung may pera ako bili pa ako dagdag proteksyon mga body gears. dami na rin talagang pasaway nagyon kahit 9yrs old pinapayagan na nga magulang nila mag drive ng mc anak nila kasi nakikita ko angkas pa magulang nila nanay or tatay.
mandon April 7th, 2008, 05:56 PM i always wear my knee/shinguard protectors inside my pants....kasi tulad ng sabi ni mototech, pag naaksidente(heaven forbid)eh matanggal or umikot siya...wala na yun protection....kahit yun body armor ko...sa loob ng jersey ko nilalagay....and i use that sa mga short rides lang....
pero pag long ride na talaga i use yun jacket and pants na may built in protector
and if possible use protectors that are certified....kasi my science din ang pamamanufacture ng protectors...just my two cents
|
|