Custom Search

View Full Version : INDEX. helmet ng bayang motorista..

Pages : [1] 2

abercrombie
March 14th, 2008, 05:54 PM
juz wonderin sa twing lalabas ako, mga more or less 70% na makaka salubong kong motor eh wearing index helmet..
is it bcoz their lacking knowledge about more safety helmets..
hmmm sabagay tested na din nmn ung ibang index sa accident.
or is it bcoz eto ang nakikita ng karamihan kaya eto na din bnbili nila..
or is it bcoz pang masa talaga price ng helmet n toh????

VASILI
March 14th, 2008, 05:58 PM
marami ren kaseng imitation

asylum
March 14th, 2008, 06:07 PM
dati may index 411 ako.. kinabitan ko pa nga ng pak-pak ng dragon dati :D

clubtmac
March 14th, 2008, 08:51 PM
mga sir, ask ko lang kung saan ba nakakabili ng original index helmet na malapit sa olongapo city? ung mga worth 3,000php..

garyboy_palaboy
March 14th, 2008, 09:39 PM
juz wonderin sa twing lalabas ako, mga more or less 70% na makaka salubong kong motor eh wearing index helmet..
is it bcoz their lacking knowledge about more safety helmets..
hmmm sabagay tested na din nmn ung ibang index sa accident.
or is it bcoz eto ang nakikita ng karamihan kaya eto na din bnbili nila..
or is it bcoz pang masa talaga price ng helmet n toh????

.

marami dahilan kung bakit marami kang nakikitang "INDEX", heto ang ilan sa nakikita kong dahilan.

1.BANDWAGON - ang pinoy mahilig sumunod kung ano ang uso, madalas nakikita, at popular na produkto. dahil ito ang mas madalas nakikita ng karamihan riders sa lansangan, heto na rin ang binibili.

2. PAGKALAT NG MGA PEKE - ang ibang pinoy alam na ngang peke binibili pa rin. at nangungunang helmet na alam kong pinepeke ay ang INDEX, pumunta na lang kayo sa Raon, Quiapo, Recto...

3. MURA - sa tingin ko mas mura ang INDEX kesa sa ibang helmets na may "dating".

4. PAGTAAS NG SUPPLY - kung mataas supply, mas heto ang binibili.

5. PAGTITIPID - kulang pera.

Minsan na pumasyal ako sa bahay ng barkada ko nung college na naka motor, kasama kong naabutan yung tricycle driver na tropa din namin. Pinagkatuwaan namin na magkaroon ng kuhanan ng mga picture at sinuot ang mga gear ko, Alpinestar jacket, Alpinestar knee guard, Oakley Gloves at Zeus helmet. at ang sabi nya sa akin "Tol dapat INDEX ang binili mo!"...napangiti na lang ako.:D

.

garyboy_palaboy
March 14th, 2008, 09:42 PM
mga sir, ask ko lang kung saan ba nakakabili ng original index helmet na malapit sa olongapo city? ung mga worth 3,000php..

kung bibili ka ng INDEX 3,000, suggest ko mag ZEUS ka na lang.

.

antiglenn
March 14th, 2008, 09:58 PM
kung bibili ka ng INDEX 3,000, suggest ko mag ZEUS ka na lang.

.

no offence sa index users pero i second the motion;)

PM22
March 15th, 2008, 03:14 PM
yah, ZEUS helm. sarap gamitin.

webhead
March 15th, 2008, 05:59 PM
Meron akong index pero bumili pa ako n g ZEUS..ngayon pinagipunan ko ung HJC...

drowth
March 15th, 2008, 11:01 PM
buti nalagn nag zeus nko,,, pinalitan ko na yung index ko, for 5 years iisa lng ang helmet ko,, pero ingat na ingat ko yun,,, at proven ko na hindi pweke yun,, kasi dpa uso ang helmat nung binili ko yun,,,,, malamang itago ko lng yun kasi napa mahal na sakin yun,,, hehehe

pepe1275
March 15th, 2008, 11:12 PM
if you want a cheap reliable helmet get a zeus. the thing about index is that they don't have a removable liner. if in case you need to wash it you have to dunk the whole helmet in a bucketful of soapy water and in the long run in my opinion wouldn't be good for the adhesive that is used to stick the polystyrene liner to the helmet shell.

pacuson
March 15th, 2008, 11:38 PM
just a piece of tot mga sir, i have a original index helmet yung modular type panga po hehe natatangal po ang loob niya and proven ko na itong helmet na to kasi niligtas na nito ulo nung bago pa lang ako nagmomotor, sa lakas ng bagsak ko e di naman nabiyak, normal lang na magkagasgas... although "iba na talaga ang mahal" this is one helmet you can say that is a bang for the buck!

namimislead kasi ang tunay na pagkakakilanlan ng brand kapag may pumeke o pumirata na, nababansagan ng chipipay o gamit ng bisaya. peace:)

dread
March 16th, 2008, 11:18 PM

copying/imitation/piracy is a form of flattery :D :clap: :banana:

pacuson
March 16th, 2008, 11:20 PM
copying/imitation/piracy is a form of flattery :D :clap: :banana:

yes indeed hehehehe

garyboy_palaboy
March 16th, 2008, 11:25 PM
if you want a cheap reliable helmet get a zeus. the thing about index is that they don't have a removable liner. if in case you need to wash it you have to dunk the whole helmet in a bucketful of soapy water and in the long run in my opinion wouldn't be good for the adhesive that is used to stick the polystyrene liner to the helmet shell.

kahit din yung zeus na gamit ko ganun din, kapag lilinisin mo yung loob ng helmet kailangan basain mo talaga sya ng buo. pero old model na zeus yun, ewan ko lang sa mga naglabasan na bago.

yung index hindi rin natatanggal ang inner liner nya..

.

speedmaniac
March 16th, 2008, 11:48 PM
just a piece of tot mga sir, i have a original index helmet yung modular type panga po hehe natatangal po ang loob niya and proven ko na itong helmet na to kasi niligtas na nito ulo nung bago pa lang ako nagmomotor, sa lakas ng bagsak ko e di naman nabiyak, normal lang na magkagasgas... although "iba na talaga ang mahal" this is one helmet you can say that is a bang for the buck!

namimislead kasi ang tunay na pagkakakilanlan ng brand kapag may pumeke o pumirata na, nababansagan ng chipipay o gamit ng bisaya. peace:)

yung una kong helmet, Index snake II, washable,detachable ang pads, pero hanggang sa napalitan ko, hindi ko nalabhan ang pads, maingat ako ng konti sa helmet eh.

pag kulang sa budget 2k below, index ang helmet ng bayan, basta yung orig, nakakita na ako ng subok nyan eh, superman, pero safe ang rider.

speedmaniac
March 16th, 2008, 11:50 PM
mga sir, ask ko lang kung saan ba nakakabili ng original index helmet na malapit sa olongapo city? ung mga worth 3,000php..

sa 3k budget mo makakabili ka na ng zeus or hjc, don ka na bro.

jepcor
March 17th, 2008, 12:04 AM
mga sir, ask ko lang kung saan ba nakakabili ng original index helmet na malapit sa olongapo city? ung mga worth 3,000php..

Bro mrami models ang ZEUS n ppasok yang budget mo. Ride Safe!

RonM
March 17th, 2008, 01:13 AM
ung tropa ko bumili ng Index na helmet, nalaglag sa lamesa... un basag. fake yata.

Wolver888
March 17th, 2008, 02:41 AM
At mura mga ibang models ng Index.:)

May dalawang bese nalaglag Index helmet galing sa upuan ng skut ko, ok naman sya. Buti hindi lens ang naunang sumalpok sa kalsada.:D

Wills_McLaren
March 17th, 2008, 10:03 AM
Ok naman talaga ang index (orig).. pero parang duda ako sa reliability nung mga maliliit ang panga na index like yung 411. Pero ok yung 911 at 903 series.

renz110
March 17th, 2008, 10:35 AM
dami din ako naririnig about sa index helmet..may good and bad...kaya ng nagdecide ako na bumili ng helmet..Zeus ang binili ko na swak sa budget ko..Zeus 805 series @ 1.8k sa motoworld.naka sale kc sila kaya ganun ang price..sarap naman gamitin yung nabili ko.magaang sa ulo at maganda yung lense..

madami nagsasabi na good ang quality ng zeus helmet kaya ito ang pinili ko!!!

abercrombie
March 17th, 2008, 02:20 PM
ung tropa ko bumili ng Index na helmet, nalaglag sa lamesa... un basag. fake yata.

tsk tsk, peke nga un..

bacolodnon
March 17th, 2008, 03:09 PM
im using index TX911 model, so far ok naman comfort and safety reliability nya..DOT naman eh..

but im planning to upgrade soon as soon as may budget na...

but index helmet are okay, cosidering the price range of other brands...pang masa nga ang price...

and i think index helmet's reputation wqas blemished because of imitations...and nakakalungkot dito pa nag iinvest nang safety nila ang karamihan...IMO

Mykel_khelly
March 17th, 2008, 03:43 PM
index po ang una kung helmet. nun binili ko to bigalaan kasi dun na rin namin binili sa pinagbilhan ko ng motor ko. di ko alam yun ibang tatak ng helmet kaya yun ang nabili ko. 1.3k bili ko. ok naman sya kaso problema nga lang di natatanggal pads and lining nya. sa concorde nagbebenta sila ng index original medyo mahal price nya. yun index pala dun iab tatak sabi nila nagpalit na daw ng ibang ngalan AM na. sa iabng model po ata ng index meron detachable lining saka pads depende cguro sa model. nakabili din ako ng mumurahin index yun cap style sya nasa 430 lang para kay misis. ngayon nakabili ako ng GDR china made ok naman sya. ngayon pinag-iipunan ko zeus.

domon
March 17th, 2008, 04:53 PM
hmmnn sa akin nmn po padala lng po sa akin, Index Thailand..

Gus2 ko po sana bumili pa ulet ng Spyder or Zeus. ano ba mas maganda?:D

Wills_McLaren
March 17th, 2008, 05:03 PM
zeus ... mas maganda kesa spyder (imho)

domon
March 17th, 2008, 05:48 PM
zeus ... mas maganda kesa spyder (imho)

May Tig P2,000.00 po ba na modular na Zeus?

Dyan po sa po kaya sa may MOA? :)

greiscale
March 17th, 2008, 06:00 PM
bro ok un budget mo, maganda n mbibili mo dyn. go 4 ZEUS!!

linjunvelasco
March 17th, 2008, 06:08 PM
index ang una kong helmet ..made in thailand ok naman sya..since newbie ako nuon akala ko index na ang pinakamaganda.. kasi daming sumusuot nito

jun_patis
March 17th, 2008, 06:15 PM
nasa 3K ang zeus Modular

eydri18
March 17th, 2008, 08:03 PM
maganda rin naman ang index..kung original ang mabibili mo syempre

kaso ang index ata large lang pinakamalaki nila,tama po ba?:)

BLACK DOUG
March 18th, 2008, 01:19 AM
buti nalagn nag zeus nko,,, pinalitan ko na yung index ko, for 5 years iisa lng ang helmet ko,, pero ingat na ingat ko yun,,, at proven ko na hindi pweke yun,, kasi dpa uso ang helmat nung binili ko yun,,,,, malamang itago ko lng yun kasi napa mahal na sakin yun,,, hehehe
good desicion bro to used zeus helmet..gamit ko din yang brand na yan for trail and moto :C

raizer
March 18th, 2008, 10:43 AM
sir try nyo sa triumph jt caloocan naka sale yung hjc cs 12 nila 3000 yung graphics tapos yung solid 2800 good buy ito sir dot/snell approved pa sya.

Kaizen
March 18th, 2008, 10:58 AM
Bakit index?

1. PINAKAMURA AT NABIBILI KALIMITAN SA MC SHOP.

(Kung gusto mo kasi ng ibang lid, kelangan mo pang pumunta sa specialty shop or sa tindahan mismo.)

2. Nakakapag YOSI kahit full face!!!! (lagi ako namamangha dito)

pagi
March 18th, 2008, 07:13 PM
yung orig na INDEX tested and proven na sa tibay. IHMO ito yung mura na matibay. Lahat ang aksidente nakita ko naka INDEX patay sila......

kasi...........

durog ang katawan, pero yung ulo buo. ganun talaga para lang sa ulo kasi

redscoot
March 19th, 2008, 01:31 PM
ako nagamit din ng index pero dko tnatawanan. pero nka soumi ako kung helmet m lang at helmet ko cno mas nkka tawa?

VASILI
March 19th, 2008, 01:35 PM
index po ang una kung helmet. nun binili ko to bigalaan kasi dun na rin namin binili sa pinagbilhan ko ng motor ko. di ko alam yun ibang tatak ng helmet kaya yun ang nabili ko. 1.3k bili ko. ok naman sya kaso problema nga lang di natatanggal pads and lining nya. sa concorde nagbebenta sila ng index original medyo mahal price nya. yun index pala dun iab tatak sabi nila nagpalit na daw ng ibang ngalan AM na. sa iabng model po ata ng index meron detachable lining saka pads depende cguro sa model. nakabili din ako ng mumurahin index yun cap style sya nasa 430 lang para kay misis. ngayon nakabili ako ng GDR china made ok naman sya. ngayon pinag-iipunan ko zeus.

nakakita ren ako netong AM ang tatak mede in thailand pa nakalagay tapos napakabigat pati presyo mabigfat nasa 3k

Vmax
March 19th, 2008, 04:19 PM
I have tried to look for INDEX motorcyle helmet reviews but have found none. Does anyone have a link to one? Thanks.

VASILI
March 19th, 2008, 04:22 PM
sa exceed ba merun sila nung zeus na tig 1800?

Wills_McLaren
March 19th, 2008, 04:32 PM
nakakita ren ako netong AM ang tatak mede in thailand pa nakalagay tapos napakabigat pati presyo mabigfat nasa 3k

Galing ano? meron palang AM na helmet. Ang alam ko kase ay "FM" helmet.

So kumpleto na pala sila AM/FM :O:O:O

RavCai-16
March 19th, 2008, 04:52 PM
ako din INDEX Modular gamit ko and may DOT sticker gift lang sakin.

i'm sure class-A lang to pero...

Makapal ang Shell niya, Pati ung padding sa loob ng helmet makapal din, detachable ung mga tela sa loob kaya pedeng labahan.

nag-lowside na din ako at tumama tong helmet sa kalsada pero ok naman siya nagas-gas lang.

balak kong bumili na ng helmet kasi almost one-year na siya sakin,

balak ko is SHARK ;)

blueDINK
March 19th, 2008, 05:09 PM
Galing ano? meron palang AM na helmet. Ang alam ko kase ay "FM" helmet.

So kumpleto na pala sila AM/FM :O:O:O

ang mamahal ng mga helmet na to sa mga concorde sa SM tsaka sa mga ibang supermarkets ranging from 3,000 - 3,500 pesos!!

blueDINK
March 19th, 2008, 05:12 PM
first helmet ko INDEX yun lang kasi uso tsaka available noon naka 2 INDEX helmets na ako pero yung binibili ko original talaga ngayon GDR helmet ko galing pa hongkong nung di pa gaano uso yung GDR sa Raon ngayon i'm planning to buy Zeus sniper

abercrombie
March 19th, 2008, 11:02 PM
matitibay din naman daw talaga mga index.. basta orig lang..

devil_101
March 19th, 2008, 11:31 PM
mahirap na rin kase matukoy kung orig o fake ang INDEX, daming nagkalat kung san na pekeng ganito.

Mas ok siguro kung pag ipunan na lang at sa authorized dealer bumili hindi ka pa maloloko.

e.g. zeus, shark, caberg, suomy, agv, kbc etc etc.

n!kko_29
March 20th, 2008, 03:39 PM
INDEX din po gamit ko.. regalo sa akin ng father ko from abroad.... balak ko na ngang papalitan ng paint para kahit papano maiba naman....

dohc_twincam
March 20th, 2008, 04:12 PM
3 helmet ko, puro index. :D

android_james
March 22nd, 2008, 02:15 PM
ano ba palatandaan kung orig yung index helmet? meron kc ako nakita sa tindahan na index worth 2.2k meron pang manual, orig naba yun?

jhong9279
March 22nd, 2008, 02:40 PM
Index 411-8 gamit ko Jan. 2006 ko pa nabili kasabay ng una kong motor hanggang ngayon ok pa rin puro gasgas na nga lang.

makailang beses ng nababagsak ok pa rin. Last Aug. 2007 ibinilad ko sa bubongan ng garahe (8-9 ft taas) kasi nabasa nung naiwan kong nakasabit sa motor & nakapark sa mall ayon visor lang nasibak....