sier04
February 2nd, 2008, 03:31 PM
eto ay opinion lang ko po kung bakit mahirap ang pinoy...
Maraming pilipino ang naghahangad ng magandang buhay,magandang trabaho at magandang pagkakakitaan...sa pagdaan ng maraming presidente at taon ang buhay ng maralitang pilipino ay hikahos pa rin at isang kahig isang tuka sa pangaraw-araw na buhay. Madami ang umaalis at nangangarap umalis, maraming umaasa sa politiko, pero pag nakita nila na ang pagbabago ng kanilang buhay ay ganun pa rin ito'y sinisisi nila sa mga taong nakaupo... Si Gloria na presidente natin sabihn man natin na s'ya ay nagnanakaw o pinka corrupt na presidente ang pagbabago ng buhay mo ay nasa iyong kamay...
Para sa akin ang pilipinas ay mayaman pero ang pagiisip ng bawat isang pilipino ang s'yang pumipigil sa kanyang sariling pagasenso...Marami ang mahirap hindi dahil sa kanyang estado sa buhay, kundi sa kanyang pagiisip. Ang pangarap na makaahon ay nawawala hindi dahil sa kawalan ng pagasa sa buhay.kundi dahil sa inggit at laging pagkukumpara ng sarili sa iba.Ang Pangarap ay isang motibosyon para maramdaman ng isang tao ang kanyang kahalagan sa buhay, ito ang nagpapaalab sa damdamin ng isang tao para maging matagumpay.ito ang mga nasa puso ng taong pursigido na makamit ang hinahangad.
Noong 1960's ang mga taga Hong kong ay mas mahirap pa sa pilipinas, pero sa mga taon ding iyon sinerbey sila ng gobyerno,kung ano ang kanilang pangarap sa buhay...Nakakarami ang sumagot na gusto nilang magnegosyo, ayaw nilang maging trabahador o magpakaalipin sa pagtatrabaho sa ibang bansa.kaya sila naging matagumpay ay hindi dahil sa kanilang Gobyerno kundi dahil sa kanilang pagiisip na hindi sila magpapaalipin para lang sila ay umasenso.
Ang mga estudyanteng pilipino ay hinuhubog at pinapalaki para maging trabahador, Makagraduate at magtrabaho sa malaking kompanya. Ngunit ang mga magulang na tsinoy ay hinuhubog ang kanilang mga anak para makapagnegosyo...Isipin n'yo na lang kung isa sa bawat 10 pilipino ang may negosyo lahat ng pilipino ay magkakatrabaho, walang magugutom.kung may taghirap man di ganun katindi dahil meron pa rin silang pinagkukunan ng pinagkakakitaan.
Ang mga bansang Tsina, Amerika, Japan, Korea at mga industrilizadong bansa ay dumaan din sa paghihirap naging corrupt din ang mga bansang ito tulad ng pilipinas ngunit di ito naging hadlang sa mga mamamayan ng mga bansang ito upang mangarap at umasenso.
Hindi madaling magnegosyo o mangarap umasenso, pero mas mahirap ang taong di alam ang pangarap sa sarili....
Kung meron man kayong di sinasangayunan peace lang bro opinyon ko lang po ito.... thanx!:)