Custom Search

View Full Version : Safety gears, to remove or not while walking inside the mall.

Pages : [1] 2

run_far2004
February 1st, 2008, 09:49 AM
Guys, ask ko lang kasi, kung sa road naka full gear ka kahit na small bike lang gamit mo, ang tingin ko sayo ay intelligent rider. Pero inside the mall, (buti nalang di suot ang helmet) naka knee/shin guard, elbow, gloves at armored jacket, parang mayabang na. Sa tingin nyo, ok lang ba or mali lang pananaw ko. peace ha, ako po ay nagtatanong lang kung pareho ba tayo ng feelings.:)

Ichthus Janz
February 1st, 2008, 11:30 AM
Hmmmm... reminds me of my buddy Pyrothrax. Sinundo nya sa loob ng SM MOA si Kittoy with removing only his helmet.

Actually medyo may off side pa nga kung papasok ka loob ng mall with full riding gears, kasi imbes na magmukha kang mayabang eh tutuksuhin ka pa ng kung ano ano. Based on experience ko yan. Kagaya last Friday I had to make a quick stop at Handy to buy adhesives before the mall closes, I got all sorts of looks from customers and sales personel alike, buti na lang mabait yung guard sabi ng "tama lang yang ganyang get-up sir, safe ka kapag sumemplang."

Malapit lang sa amin ang SM at Robinson kaya kapag madalian ang visit ko sa mall di na ako naghuhubad ng knee guards at jacket. Pero kung magbabad ka sa mall eh dala ka na lang ng extra bag to stash your gears.

gReywulBs
February 1st, 2008, 12:23 PM
Nung wednesday afternoon daan ako sa megamall at while inside the mall di ko na hinubad yung Jacket ko from Sir lolong.. wala naman kasi akong dalang bag na paglalagyan ng jacket at mas mahirap naman kung bibitbitin ko lang cya.. ginawa ko na lang imbes na icable lock ko yung helmet ko sa motor binitbit ko na lang helmet ko sa loob para alam nila na rider ako kya ganon porma ko..hehe..

linjunvelasco
February 1st, 2008, 12:34 PM
ok lang yung naka jacket at me dalang helmet siguro..pihado naman tatanggalin natin yung gloves kasi tsisibog tayo eh a hi hi hi...pero kneepads depende kung nagmamadali ka kahit di mu na siguro tanggalin besides mga bata lang naman ang sisigaw ng zaido he he he:D

CJTATTOO
February 1st, 2008, 12:37 PM
Ok lang un bro. No need to remove your gear except of course for the helmet. As long as you can walk properly the easier for you.

I do that all the time and nobody seems to mind

Palag
February 1st, 2008, 01:21 PM
Do you have any use for them inside the mall? Di ba kaya nga ride gear?

run_far2004
February 1st, 2008, 01:26 PM
yung mga naka full battle gear na nasa mall e palagay ko talaga madalian lang, kasi kung mag malling ka, dapat dala mo pati yung lalagyan ng mga gears mo like yung bag ng elbow at knee pads, yung bag ng helmet etc...
siguro lang sa aking opinion, kung mga ilang minutes ka biruin ng mga tao like si zaido etc, eh ok lang, pero kung mga 3 hours na, baka mainis na ako, hehe.
So dapat lagi tayo may dala bag, just in case mag tatagal tayo sa isang place na di kailangan ang mga gears natin, eh meron tayong lalagyan. peace.

Ichthus Janz
February 1st, 2008, 01:29 PM
So dapat lagi tayo may dala bag, just in case mag tatagal tayo sa isang place na di kailangan ang mga gears natin, eh meron tayong lalagyan. peace.

That's right chief, alam mo naman yung purpose mo sa pagpunta sa isang lugar bago ka umalis di ba? It always pays to be ready whether you will go riding, malling or both.

motolito
February 1st, 2008, 01:32 PM
Guys, ask ko lang kasi, kung sa road naka full gear ka kahit na small bike lang gamit mo, ang tingin ko sayo ay intelligent rider. Pero inside the mall, (buti nalang di suot ang helmet) naka knee/shin guard, elbow, gloves at armored jacket, parang mayabang na. Sa tingin nyo, ok lang ba or mali lang pananaw ko. peace ha, ako po ay nagtatanong lang kung pareho ba tayo ng feelings.:)

kung nakabarong ka na husi or coat and tie na nakamotor sa edsa, do you feel comfortable? ganun din siguro yung naka-gear sa mall, parang out of place... IMHO only:rolleyes:

antiglenn
February 1st, 2008, 02:25 PM
pag tinatamad naman iwan mo na lang sa baggage(tama ba spelling?) counter para walang hassle. kaya lang minsan may ibang counter na ayaw tumanggap lalo na pag gears.

ryan
February 1st, 2008, 04:01 PM
Why not get a GIVI top case on your bike so you can also secure your gears in there and no need to bring it with you when malling :P

motolito
February 1st, 2008, 04:02 PM
Why not get a GIVI top case on your bike so you can also secure your gears in there and no need to bring it with you when malling :P

meron ba mga sirs?

jetzone
February 1st, 2008, 05:02 PM
there are riding gears that allows you be versatile enough to wear them aside from riding your bikes:

1] kelvlar jeans: looks just an ordinary jeans pero they are designed for mc's
2] back protector: mine is a knox that can be rolled [parang banig] so that it can fit in sa back pack mo[as in compact talaga]
3] knee pads / elbow pads: same you can remove them and can easily fit sa back pack mo

4] boot? well me mga riding shoe/ boot designed to blend in na parang ordinary trainers lang [ alpinestar has got lots of models to choose from ] mine is thor 50 / 50

5]anu pa? raincoat? well MX pit raincoats are compact, light and durable enough para mag kasya sa back pack mo or u box [ di tulad ng pocncho ]

6] back pack: an option..pero i always bring it with me....dami reasons aside from able to keep these things that i had mentioned...[not applicable yung 1st five things that i had mentioned kung ayaw or tamad kang magdala ng back pack]

....you can keep you lid in there too [i have a knox back pack that has a dedicated helmet bay
....you can keep other stuff...pocket tools, small maglite, mp3 player, shades

.... and in case meron kang nabiling mga gamit sa mall, me provisions na me paglalagyan ka [ unless you want to show off yung packaging bag na galing ka sa lacoste,or ralph lauren...:D]

pero kung naka dainese kang full leather at sidi na boot....letch...ibang usapan na yan....pag kakaguluhan ka ng mga bata:O

pwede kang gu mate crash sa isang jollibee party ng mga kids[ kung matytyempuhan mo....sa paningin nila para kang mascot tulad ni ultraman...:nuts:]

bwahahahahaha:evil:

jetzone
February 1st, 2008, 05:04 PM
Why not get a GIVI top case on your bike so you can also secure your gears in there and no need to bring it with you when malling :P

daming magnanakaw satin...malamang baka nakawin pa yang Givi case..kasama yung bracket....double trouble para sakin....msyadong obvious ang givi from a distance....

ala akong tiwala sa mga ganyang sitwasyon....

jetzone
February 1st, 2008, 05:21 PM
...forgot to mention...dala ka ng ballpen or pentel pen...

in case merong mag pa autograph....signed "russi":D

Palag
February 1st, 2008, 05:44 PM
Saka, how hard can it be to take off your armors di ba? Like what the others said, ok lang kung quicky as in you really just need to buy something specific and you need to speed off immediately. Pero kung mag-liliwaliw ka sa mall well people would really think you're making a fashion statement and let's face it, it really isn't acceptable. As far as Jetzone is concerned, yes, tama sya. There are rider apparels/attires you can wear anywhere. At syempre unang impression sa iyo ng tao, "uy rider ito".

Brynd15
February 1st, 2008, 05:51 PM
ako when im doing an quickie mall tour di ko na hinuhubad ang knee pads ko and also my jacket pero nakabukas lang siya at dala ko helmet ko at pati na din ang elbow pads eh nasa loob ng helmet pero kung madalian lang yan pero pag talagang mag mamalling ako i always see to it na may dala akong backpack para lalagyan nun....

ryan
February 1st, 2008, 06:16 PM
daming magnanakaw satin...malamang baka nakawin pa yang Givi case..kasama yung bracket....double trouble para sakin....msyadong obvious ang givi from a distance....

ala akong tiwala sa mga ganyang sitwasyon....

Yup, but kailangan nya sirain muna yung lock or bracket and it will take longer. By then, baka napansin na sya.

:)

jetzone
February 1st, 2008, 06:31 PM
Yup, but kailangan nya sirain muna yung lock or bracket and it will take longer. By then, baka napansin na sya.

:)

its not worth the risk....and i wont even go to the length of finding a failed attempt of intrusion...[pero he can be successful too...]--chances

me kasabihan...and i belive on it:

"kung alang makikita ang magnanakaw na mananakaw, anu ang nanakawin nila?;)[if you offer their eyes for something to steal, you can bet on it]

Freelancer, The
February 1st, 2008, 06:39 PM
Guys, ask ko lang kasi, kung sa road naka full gear ka kahit na small bike lang gamit mo, ang tingin ko sayo ay intelligent rider. Pero inside the mall, (buti nalang di suot ang helmet) naka knee/shin guard, elbow, gloves at armored jacket, parang mayabang na. Sa tingin nyo, ok lang ba or mali lang pananaw ko. peace ha, ako po ay nagtatanong lang kung pareho ba tayo ng feelings.:)

I dont really care what they say or think. (-:

Im a rider and that is what i am.
And a proud one too! (-:

But ofcourse without the helmet.

Only my gears are different.
Regular riding jacket, battle dress unform sa lower with knee pads and combat boots with the green lace to tuck the BDU. (-:

joeljoya17
February 1st, 2008, 06:40 PM
Don't remove your gears!!! malay mo matapilok ka sa escalator, sure na protected ka hehe!!!

At sigurado ka na parang artista ang dating mo lalo na kapag naka suot kapa rin ng balaclava! :D:D:D:D:D:D:D

antiglenn
February 1st, 2008, 07:06 PM
At sigurado ka na parang artista ang dating mo lalo na kapag naka suot kapa rin ng balaclava! :D:D:D:D:D:D:D

hindi kaya isipin na holdaper ka or terorista pag naka balaclava ka pa rin sa loob ng mall:O

spade
February 1st, 2008, 07:26 PM
kidney belt lang ang iniiwan ko.... lalo na pag inuman.. safe ang kidney ko..hehe

b_ground
February 1st, 2008, 07:32 PM
Don't remove your gears!!! malay mo matapilok ka sa escalator, sure na protected ka hehe!!!

At sigurado ka na parang artista ang dating mo lalo na kapag naka suot kapa rin ng balaclava! :D:D:D:D:D:D:D

napalakas ang tawa ko sa post ko dito sa office dahil dito... hehehehe...

sa mall, suot ko pa rin mesh jacket ko (c/o sir romracing)
comfortable naman akong suot 'yung jacket kasi hindi mainit
cable locked ang MC and helmet, and iwan sa compartment 'yung gloves
kahit n'ung naka-normal jacket lang ako noon, hindi ko s'ya tinatanggal

KIPS150
February 1st, 2008, 07:50 PM
Baclava lang at ok nman tingnan ang jacket dahil malamig sa loob ng malls. Depende din yan lalo kung naka Joe Rocket-Fieldsheer-Icon jackets.. Specially kung leather hehehe open zipper lang hehehehe plus hanes t-shirt na panloob ok na :rolleyes:.

May mga ladies pa nga na nahuhuli mong nakatingin sa iyo at with smile at gustong lumapit. Gusto atang sakyan ako este sumakay sa mc ko :O:O kaya lang talo kapag nahuli ni mrs with me napapalayo kaagad hahahaha...

abercrombie
February 1st, 2008, 09:50 PM
kahit helmet lang hubarin, sagwa naman kung naka helmet ka sa mall..

JMD
February 1st, 2008, 10:41 PM
kung trip nyo na inde maghubad ng gears oks lang siguro yon..
atleast natuwa ang mga kabataan sa loob ng mall, nakita nila yung mga pulis pangkalawakan..:O :clap: :O :clap:

mas ok siguro kung jacket nalang matira then carry your helmet nalang..:D

genecarlo
February 1st, 2008, 11:12 PM
jackets pwede suot and racing boots or riding boots... astig yon... pero yung helmet, balaclava and other gears sa tingin ko tanggalin dapat para comfortable ka... pano ka magsusukat ng pants non saka t-shirt... sangkatutak na tanggalan at suotan yon hehehe... imagine going sa comfort room in full battle gear... hehehe... sa loob ng cinema :clap:

best of all try going sa amusement park tapos tabi ka sa silent scope hehehe dami papa-signature sayo don hehehe... mukha kang model ahihihihi

JMD
February 1st, 2008, 11:18 PM

sir nice name ah..
parang PALOS.:D
pish..
maganda naman yung riding boots kaya ok lang siguro..

pepe1275
February 1st, 2008, 11:28 PM
in my case i just use my jacket inside the mall and carry my helmet. i do get stared at but hey its my safety not theirs. for riding shoes that you can wear everywhere you go get an icon field armor chukka looks great and comfy too.

jfdvrooooom1
February 1st, 2008, 11:28 PM
I remove them.

kaloi
February 2nd, 2008, 12:02 AM
I just leave my jacket on, bitbit na lahat sa bag (armors, gloves) and my helmet. Boots pa sana kaya lang mahirap naka-paa sa mall!

edfaith
February 2nd, 2008, 02:18 AM
ako depende sa sitwasyon. normaly bago ako pumasok hinuhubad ko na sa parking area. minsan hindi habang nag lalakad na ako hinuhubad isa isa lalo na pag nag mamadali ako. minsan naman kung marami akong dala di ko na hinuhubad within the mall naman office ng wife ko kaya doon ko na huhubarin at makikitago muna ng grears ko before na mag ikot ako sa mall. pero di ko ginagawa yung mag iikot na sa mall na suot parin yung gears ko.

vaughn1723
February 2nd, 2008, 02:37 AM
Siguro khit ung helmet na lang yung hubarin..Well, if it is a quick stop sa mall hindi naman siguro makakasira ng appeal un..Baka nga maraming pa tumingin na chicks..:banana::D..Di rin naman magiging problema kasi maiisip naman ng mga tao na "responsible rider" un..peace..

noypito
February 2nd, 2008, 08:13 AM
usually pag pumunta ako sa mall, ang dala ko ay scooter na may malaking compartment. kasya lahat ng gears and helmet ko sa loob kaya tinatanggal ko ang gears ko. pero there were a few isolated instances na nagmamadali ako kaya di ko na tinanggal. in and out lang naman ako sa mall.
the reason why tinatanggal ko ang gears is because mas comfortable ako gumalaw pag walang gears, hindi dahil sa kung ano tingin sa akin ng mga tao. wala ako paki kung ano isipin ng iba. their thoughts don't matter to me.

Kaizen
February 2nd, 2008, 08:33 AM
aalisin ko rin kung ako. Medyo papansin ang dating. sankin lang po.

songoku777
February 2nd, 2008, 08:45 AM
Eto masagwa; take all safety gears off, and leave just the helmet.. and go inside the mall. Happened to me once, buti nalang papasok palang ako.. i felt something heavy on my head buti nalang konti lang naka-kita :crazy: (my bad)

Here's another.. NEVER take all gears off and just leave the balaclava (did i spell it right) on..and go in the mall ...gwardya makakabangga mo nyan :D

To answer the orig Q, depende nyan s tao. Well since mga pinoy audience natin, its just right na mag alangan tayo mag full gear sa loob ng mall (except helmet). But taking it from a general angle.. (for my own / self) theres nothing wrong w/ full gears in the Mall; and 'ideally' to people who would see ..it should be no big deal.

Its like seeing someone who's had a medical condition and wears a face mask (sa ilong) in public. Sa office may ganito.. the guy had a major operation, so now he hears a face mask to aid his immune system.. yun mga office mates, tinukso syang 'optimus prime'. Tsk tsk pinoy nga naman :D

The point is this. As long as your brother or sister is not doing anything bad to you, lets let him / her be. We're a democracy.. wag natin pagtawanan or matahin.

"My choice is what i chose to do; and if I'm causin no harm, it shouldn't bother you. Your choice is who you chose to be; and if your causin to harm, then your alright with me."

This is only my own personal opinion... salamat po!

rev125
February 2nd, 2008, 08:58 AM
ako naman, since mesh naman ang riding jacket ko suot ko pa rin while inside a mall, pero yung knee/shin guards ko, bitbit ko na lang or nasa backpack ko. pero kung naka short pants ako, hindi ko na tinatanggal ang knee/shin guards ko.

Tyreeze
February 5th, 2008, 06:40 AM
jackets pwede suot and racing boots or riding boots... astig yon... pero yung helmet, balaclava and other gears sa tingin ko tanggalin dapat para comfortable ka... pano ka magsusukat ng pants non saka t-shirt... sangkatutak na tanggalan at suotan yon hehehe... imagine going sa comfort room in full battle gear... hehehe... sa loob ng cinema :clap:

best of all try going sa amusement park tapos tabi ka sa silent scope hehehe dami papa-signature sayo don hehehe... mukha kang model ahihihihi

Sir, kagaya nga ng sabi ng iba, siguro naman kung alam mo na kung ano ang purpose mo sa pagpunta sa mall, malamang huhubarin mo yun gears mo. To buy clothes and apparel or eat in a fine dine resto or maybe catch a movie. Sa movie nga kung kaya mo wag tanggalin, its your choice madilim naman sa loob.

Like everyone else had said, kung quickie ang visit and there is a specific purpose already, its alright not to take them off. That is what is wrong with Filipinos (excuse me!) Ignorance is so obvious. We treat everything that is not familiar to us as weird. Isn't it about time to know what is going on around us. Kasi kung maraming responsible riders in full gears compared to the reckless trash on their MCs, malamang hindi na sila magtataka sa suot natin kahit saan nila tayo makita. Kulang kasi sa familiarization ang maraming tao kaya ang iniisip nila agad, yabang nito! Porma nito! madalas may nangungursunada pa at minsan ay trip awayin ang rider dahil lang naka-full gear. That is ignorance my fellow riders. Ipakita na lang natin ang tamang pagdadala o pagsusuot ng gears in public places to avoid conflict.

Peace guys! Sharing a piece of my mind lang!

Ride Safe!!!

supersix
February 5th, 2008, 08:06 AM
i can;t imagine sa loob ng cinema may katabi ako na rider na in full battle gear! hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis...he..he..he

noypito
February 5th, 2008, 09:14 AM
i can;t imagine sa loob ng cinema may katabi ako na rider na in full battle gear! hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis...he..he..he
ok nga yan lalo na kung yung palabas ni bong revilla ang pinapanood. baka isipin ng mga katabi mo na artista ka kasi ganon din ang costume ng mga characters ng movie.

run_far2004
February 5th, 2008, 10:21 AM
suggestion lang mga responsible riders, ano kaya kung mag information disimination tayo sa general public, by wearing our safety gears while on parks, and malls. para maging aware sila na responsible riders should have does gears. Parang fashion statement na din baka malay natin, after a month or so, at ease na sila makakita ng mga riders na naka ganung mga damit.

what you think guys?

and also sa mga jackets natin may sticker na naka lagay that says PLEASE WEAR HELMET.

Tyreeze
February 5th, 2008, 10:27 AM

Though kelangan natin ng permit for that! Meron nga ako nakita sa isang thread eto ang suggestion nya ilagay:

Black T-Shirt with print saying:

Tanga lang ang hindi naghehelmet! Tanga ka ba?

Harsh nga lang at baka mapaaway. Siguro we should also come up with a slogan to encourage riders to wear proper gear when riding their MCs.

Guys post naman kayo ng suggestion! Saludo ako sayo sir! magandang awareness campaign ito!

coyaikes
February 5th, 2008, 10:29 AM
oks lang siguro kung jacket tapos racing boots wag na kasama ung knee/shin guard medyo parang o.A. na un eh.. para sakin lang po..
ung alpine star na jacket ha

sealander
February 5th, 2008, 10:31 AM
ako kahit ano pa suot ko sa loob ng mall...wala ako pakialam sa mga tao..kahit ano pa sabihin nila..

DTRider
February 5th, 2008, 10:43 AM
suggestion lang mga responsible riders, ano kaya kung mag information disimination tayo sa general public, by wearing our safety gears while on parks, and malls. para maging aware sila na responsible riders should have does gears. Parang fashion statement na din baka malay natin, after a month or so, at ease na sila makakita ng mga riders na naka ganung mga damit.

what you think guys?

and also sa mga jackets natin may sticker na naka lagay that says PLEASE WEAR HELMET.

I agree to that mga brothers... I don't mind wearing my gear inside the mall, condo, hotel, heck... Anywhere... Guys it is our safety on the line here so why feel ashamed of wearing something that can protect us in our rides... :clap:

run_far2004
February 5th, 2008, 10:49 AM
Though kelangan natin ng permit for that! Meron nga ako nakita sa isang thread eto ang suggestion nya ilagay:

Black T-Shirt with print saying:

Tanga lang ang hindi naghehelmet! Tanga ka ba?

Harsh nga lang at baka mapaaway. Siguro we should also come up with a slogan to encourage riders to wear proper gear when riding their MCs.

Guys post naman kayo ng suggestion! Saludo ako sayo sir! magandang awareness campaign ito!

palagay ko sir di na needed ang permit dito, basta tayong may access sa mcp tayo na ang mag start ng awareness na to at fashion statement.
kung may bagitong rider na walang dicpline sa pag suot ng helmet ay makita tayo na naka ganito e, mag iisip isip yun, ay ok pala porma ng naka gears at helmet di naman pala baduy, eh di at least nka save tayo ng isang tao. 1 pogi point added sa ating mga mcpeans.

gReywulBs
February 5th, 2008, 10:54 AM
suggestion lang mga responsible riders, ano kaya kung mag information disimination tayo sa general public, by wearing our safety gears while on parks, and malls. para maging aware sila na responsible riders should have does gears. Parang fashion statement na din baka malay natin, after a month or so, at ease na sila makakita ng mga riders na naka ganung mga damit.

last time na nagpunta ko sa isang mall wearing my RomRacing jacket.. nagtanong pa sakin yung isang sales clerk.. Kung san daw ba nakakabili ng ganung jacket, tsaka magkano.. Syempre promote ko si SirLolong at magbrowse kako sya sa MCP...:D

DTRider
February 5th, 2008, 10:54 AM
Wag no po yun "Tanga lang ang hindi nag-susuot ng Helmet..."
Okay na siguro yun... "'Di ako Tanga..." :D

Peace tayo...

Tyreeze
February 5th, 2008, 12:22 PM
palagay ko sir di na needed ang permit dito, basta tayong may access sa mcp tayo na ang mag start ng awareness na to at fashion statement.
kung may bagitong rider na walang dicpline sa pag suot ng helmet ay makita tayo na naka ganito e, mag iisip isip yun, ay ok pala porma ng naka gears at helmet di naman pala baduy, eh di at least nka save tayo ng isang tao. 1 pogi point added sa ating mga mcpeans.

Okay din yun Sir! I second Demonyo!:evil: este! I second the motion! Kala ko may informal assembly ang members to promote safety awareness kaya sabi ko kelangan ng permit. good suggestion pa rin yun sayo bro!

Kaya lang yun iba kasi igno talaga! mayabang pa ang tingin sa mga riders na naka-gear! waaah! dami kasi natin kelangan ieducate parang 1 vs. 100!:D