Custom Search

View Full Version : ok lang ba benta ang MC na hinuhulugan pa?


b-one
January 28th, 2008, 12:21 PM
gusto ko sana ibenta ang motor ko pero may remaing balance pa...
may 1 year to pay pa ako.

pwede ko ba ibenta ito...???

thanks in advance sa mkakatulong. :)

kanuto123
January 28th, 2008, 12:27 PM
pwede sir...bayaran nyo muna yung remaining balance then pwede na....

or pasa nyo na lang yung motor sa willing mag pay ng demand price nyo sa motor then continue na lng yung monthly dues nya...but still yung ganitong proseso nasa pangalan mo pa din yung bike

b-one
January 28th, 2008, 01:54 PM
di po ba delikado kung ipapasa ko sa prospect buyer tapos siya ang magpapatuloy ng hulog,
paano kung di niya ipagpatuloy yung bayad...
malamang ako hahabulin ng yamaha since ako ang naka-pirma...???

haaay, ang hirap...

kanuto123
January 28th, 2008, 08:42 PM
di po ba delikado kung ipapasa ko sa prospect buyer tapos siya ang magpapatuloy ng hulog,
paano kung di niya ipagpatuloy yung bayad...
malamang ako hahabulin ng yamaha since ako ang naka-pirma...???

haaay, ang hirap...

yes sir mahirap talaga yan ......depende na din sa pag uusap nyo....pero advice ko sayo bayaran mo na lng yung bike ng buo tapos isell mo na para alang hassle

RACINGBOY
January 29th, 2008, 05:29 PM
Sa pagkakaalam ko po ay bawal magbenta ng motor na di pa fully paid...mahirap din po basta na lang magpasalo kung kani kanino lang....kasi kayo rin hahabulin ng dealer kung sakaling magkaroon ng problema sa unit...

arco_72
January 29th, 2008, 07:36 PM
gusto ko sana ibenta ang motor ko pero may remaing balance pa...
may 1 year to pay pa ako.

pwede ko ba ibenta ito...???

thanks in advance sa mkakatulong. :)

in principle, di mo pa talaga pag-aari ang mc mo since ang hawak mo pa lang ay yung photocopy lang ng CR mo at hindi pa yung orig.

pwede i-assume balance ng buyer mo kung papayag ang dealer mo. kumbaga, ipapakilala mo sa dealer ang buyer mo at baka pumayag naman ang dealer mo kung ok naman ang credit standing at background ng buyer mo after ma-CI ng dealer mo. pag pumayag, ang kasunduan ay between the dealer at buyer mo na.

erick_214
January 29th, 2008, 08:21 PM
gagawa naman kau ng deed of sale e tapos advice m un dealer na iba na magtutuloy nun bayad...

mharteene
January 29th, 2008, 08:31 PM
ganyan nangyari sken. bale ung sa pinsan ko, inassume ko ung motor nya. bale, fill up ulit ako ng bagong application form then CI nila ako. then pagawa kami sa barangay ng kasunduan, parang deed of sale na rin. tapos kami na lang nag usap tungkol sa bayaran ko sa kanya. then ako na magtutuloy paghuhulog. may ilan na nagpapa assume ng ganyan d2 sa MCP sa classifieds.

un nga lang, pagkatapos pa bayaran tsaka pa malilipat sken ang rehistro.(what i mean is sa pangalan ko). kausapin nyo ung dealer, ganun din sasabihin sa inyo. kaya nga lang, siempre, mas maganda kung kakilala mo na rin lang ang pagbebentahan mo. para makasigurado ka na itutuloy nya pagbabayad. kunsabagay, isi-CI pa rin naman ung assumer.

Try mo maghanap ng assumer then punta kau sa dealer.

b-one
January 30th, 2008, 11:40 AM
thanks sa mga advice niyo... :)

erick_214
January 30th, 2008, 03:58 PM
pano yan magmomountainbike k n lang pag punta sa marilaque..? hehehe...

b-one
January 31st, 2008, 01:54 PM
pano yan magmomountainbike k n lang pag punta sa marilaque..? hehehe...

hahaha... loko-loko... may ibang trip lang na motor. :D :rolleyes:

CJTATTOO
February 1st, 2008, 11:28 AM
Big Bike na ba bibilhin mo B1 ??? May alam akong 400cc na mura :O

Anyway, you could sell your bike if the buyer is willing to assume the monthly dues. Got no idea though how the the change of ownership will work out since the bike is not yours yet

Mykel_khelly
May 15th, 2008, 01:26 PM
gusto ko sana ibenta ang motor ko pero may remaing balance pa...
may 1 year to pay pa ako.

pwede ko ba ibenta ito...???

thanks in advance sa mkakatulong. :)

yun iba sir ganyan ginagwa lalo na kapag di na nila kayang hulugan tawag nila dun eh pinapasalo nila. yun opismate namin nag abroad na gusto nyan isuli na lang sa pingabilhan nyan dealer sinabi sa kanya ipasalo na lang nya sa iba kasi mas pabor sila d2 hirap din silang ibenta motor kapag 2nd hand na.