Custom Search

View Full Version : Extension Promo Ng SHELL Ferrari Car Lokohan Lang Pala


ramhonnn
January 16th, 2008, 09:00 AM
Extension Promo Ng SHELL Ferrari Car Lokohan Lang Pala Particular sa NOVA SHELL SERVICE STATION located at 207 Gen Luis St., Novaliches, Q. C.

guys 1st or 2nd week palang ng december 2007 halos lahat ng puntahan ko na shell ubos na raw ung Ferrari Cars nila, pero Extended naman daw ito, inaantay lang nila dumating yung stock (nagkaubusan daw!) ako naman sa kagustuhan ko makabili at makaipon ng Ferrari Cars eh inipon ko yung mga receipts ko para pag dating ng stocks nila bibili nalang ako

guys halos weekly dumadaan ako sa nasibing gasolinahan at lagi nilang sagot sa akin e hindi pa raw dumarating ang stocks! pero kaninang umaga Jan 16, 2008 nang ngpa gasolina ako ang at aking tanungin yung gasoline boy, aba! ang sagot ba naman sa akin e! "sir tapos na po yung promo hanggang dec 31 lang po un" aba! tinamaan kako kayo ng Lintek! niloloko nyo ba ako! ang sabi nyo sa akin noon e extended! ipunin lang ung mga resibo! tapos ngayon sasabihin mo sa akin na tapos na noon pang dec 31, 2007! at sabi pa sa akin "sino po sir may sabi na extended?" mga tinamaan nga ng Lintek! hindi na ako nakipag talo, kc wala rin mangyayari

inisip ko na tawagan ko nalang yung opisina ng nasabing gasolinahan, kaya lang ng tingnan ko yung Official Receipt nila e walang telephone number ng opisina nila, hhhmmmmm teka... tanong ko nga sa BIR bakit walang tel number ang naturang resibo! :C

Kaizen
January 16th, 2008, 09:18 AM
update mo kami dito ha.

ramhonnn
January 16th, 2008, 11:08 AM
dadaanan ko mmya ulit ung nasabing SHELL Gas STation na yan at doon ko na kukunin ang telephone no ng Opisina nila para matawagan at magawan ng aksyon! :C

tellybuhay
January 16th, 2008, 12:47 PM
daat sir kinuha po ninyo pangalan ng attendant.

as far as "extended promo" is concern, i believe this is true. may mga ferarris na ulit dito sa shell guadalupe eh.

Isn't it unfair to imply that shell in novaliches is involved in fraud?

tellybuhay
January 16th, 2008, 12:49 PM
my friend's and I had the same problem of looking everywhere for the promos but to no avail. I even tried to contact shellhouse. But still, we simply cannot blame the company for running out of ferarris sooner than expected. They told me that they plan to extend the promo. I waited for it for ages. And eventually lost hope. But last night, there they are in shell guadalupe.

Hakz
January 16th, 2008, 12:54 PM
@telly
kumpleto ba sa shell guad? :?

Ichthus Janz
January 16th, 2008, 01:29 PM
Guys I made a similar thread about dun sa non bike related forums. I sent an email to the Shell management about this and they gave me a response na extended daw yung redeption period till Feb 29, 2008. Basta yung resibo eh dated til Dec 31, 2007.

http://www.motorcyclephilippines.com/forums/showthread.php?t=103644&page=6

Hakz
January 16th, 2008, 01:35 PM
Guys I made a similar thread about dun sa non bike related forums. I sent an email to the Shell management about this and they gave me a response na extended daw yung redeption period till Feb 29, 2008. Basta yung resibo eh dated til Dec 31, 2007.

http://www.motorcyclephilippines.com/forums/showthread.php?t=103644&page=6

nyak! paktay na! >__<

ramhonnn
January 16th, 2008, 02:00 PM
*********ng attendant un ah! teka babalikan ko un mmya bago ako umuwi! natatandaan ko naman pagmumukha nun e!

Ichthus Janz
January 16th, 2008, 02:29 PM
*********ng attendant un ah! teka babalikan ko un mmya bago ako umuwi! natatandaan ko naman pagmumukha nun e!

Pare bigay ko sa iyo yung kopya ng email ng Shell sa akin para pwede mong ipakita sa kanila.

ramhonnn
January 16th, 2008, 02:37 PM
Pare bigay ko sa iyo yung kopya ng email ng Shell sa akin para pwede mong ipakita sa kanila.

cge po sir, tnxs sir...

ang tagal pa naman inantay ng anak ko un ferrari cars na yan :C

Ichthus Janz
January 16th, 2008, 02:43 PM
cge po sir, tnxs sir...

ang tagal pa naman inantay ng anak ko un ferrari cars na yan :C


PM sent manay...

ramhonnn
January 16th, 2008, 02:57 PM
PM sent manay...

thank you sir :clap:

majongero
January 16th, 2008, 08:05 PM
i went back to "caging" because of this promo. ang dami ko nang v power receipts at ang dami ko nang dinaanang shell gas station... laging wala. tapos puro pramis na magkakaroon pa rin daw at mag 500 lang lagi kasi retroactive naman.

wala talaga.

ramhonnn
January 17th, 2008, 08:39 AM
mga sir updtae lang poh!

binalikan ko kahapon ng hapon yung nasabing shell gas station, sa inis ko ang kinausap ko yung supervisor incharge nila na si MS HELEN, sinabi ko yung nangyari at pinakita ko yung email ng shell kay sir ichthus_janz, ayon abot-abot ang pag hingi ng pasensya sa akin nung nasabing supervisor sa inasal ng kanilang lalaking attendant, tinatanong din nya ako kung ano pangalan ng attendant ang sabi ko e wala akong napansin na suot nya yung name tag nya! wag daw ako mag-alala at gagawan nila ng aksyon ang nasabing insidente, titingnan daw nila sa security camera nila yung attendant na nakausap ko nung mga oras na yon, kc ng balikan ko ng hapon ang sell gas station iba na pala ang mga attendant pagdating ng tanghali. . .

kay sir Ichthus_Janz at ms. HELEN ng Shell Gas Station maraming salamat po, mabuhay po kayo ! ! !

majongero
January 17th, 2008, 10:03 AM
ramhon pare,

balik balikan mo yung shell na yan. make sure na mapinpoint yung attendant.

tanga na, wala pang modo.

bacolodnon
January 17th, 2008, 10:15 AM
i remember dito sa isang shell sa negros, sa sobrang dami nang stocks nang ferrari toys eh hindi na kailangannang resibo, binibenta na lang nang tig P99 yung isa:D

ramhonnn
January 17th, 2008, 10:29 AM
ramhon pare,

balik balikan mo yung shell na yan. make sure na mapinpoint yung attendant.

tanga na, wala pang modo.

talagang babalikan ko un, eto kakatxt lang sa akin nung shell Head Office nila thru MS. ELVIE at tinatanong kung ilan ferrari cars ang kailangan ko ;)

kazkazzerro
January 17th, 2008, 10:34 AM
ako bad trip ako sa shell nung dec. promo every time mag pa gas ako sa kanila pag tinanong ko kung meron sila out of stock daw inipon ko mga reciept pag na daan ako tanong ulit wala pa daw ayun hanggang nawala na ung resibo ko ni isa wala ako nakuha

tellybuhay
January 17th, 2008, 02:17 PM
@telly
kumpleto ba sa shell guad? :?

hindi sir eh. f2005, f430 at f50 lang meron.

tellybuhay
January 17th, 2008, 02:18 PM
talagang babalikan ko un, eto kakatxt lang sa akin nung shell Head Office nila thru MS. ELVIE at tinatanong kung ilan ferrari cars ang kailangan ko ;)


Yun oh! Idawit mo na ako isang set dyan sir! Hehehe.

majongero
January 17th, 2008, 03:18 PM
yun naman pala, e. engeng perari.

tinapon ko na mga resibo ko sa inis.

pia_nini
January 17th, 2008, 10:26 PM
badtrip talaga yang shell mga bros dapat hindi sila nauubusan ng stock kasi nag advertise pa sila sa tv..4 lang ung makuha ko
di ko din nakumpleto ung 6 na model kaya bumili nalang ako ng laruang motor..kasi pinanregalo ko ung mga ferrari car sa mga pinsan kong bata nung xmas hehehe..

sa shell sa ortigas near robinsons galleria meron pa dung 4 stock ng ferrari car (F1 at f50 ata un) bali 3 f50...nakita ko kahapon kaso di ko na binili kasi meron nako nun eh hehehe...